Chapter 6

1499 Words
GAYA nga ng napag-usapan ay lumipat na sa amin si Storm kinabukasan. Walang mababasang emosyon sa mukha niya at pilit lang din ang ngiting naibigay ko sa kanya. Magkatabi lang kami ng kwarto at talagang nag effort si Dad sa pag-aayos ng kwarto niya. I can see how happy and excited he is for having Storm. “Did you like your room?” nakangiting tanong ni Dad kay Storm. Nandito kami sa kwarto niya at nilibot ko ang paningin ko sa buong paligid. Pure na black and gray ang back ground at halos lahat ng gamit ay dalawang kulay lang din. Halatang kwarto ng lalaki. “Yes, Tito. This is the best! Thank you.” Aniya na may tipid na ngiti sa mukha. He’s really that kind of a person na bihirang makikitaan ng ibang expression sa mukha. Kung hindi ang seryoso at poker face ay ang tipid niyang ngiti na hindi naman lumalapad. “I’m happy for that. I personally chose everything.” Naglakad lakad pa sila ni Dad habang ako ay nanatiling nakatayo lang sa may pintuan. Nag-uusap sila at bahagyang nag ngingitian, at sa pwesto ko ay kitang kita ko ang kakaibang saya sa mukha ni Daddy kaya hindi ko mapigilang hindi rin mapangiti. Bumuntong hininga ako at iniwan na sila doon. Tahimik akong pumasok sa kwarto ko at pabagsak na humiga sa kama. “Relax, Shan. Wala namang makakaalam na dito na siya nakatira. Hindi naman niya ipagkakalat ‘yun ‘di ba? As if naman, sa ugali niyang ‘yun ay sigurado akong wala siyang sasabihan.” Ani ko sa sarili. Ang iniisip ko lang ay kung paano ko maitatago ito kanila Bri at Drei, as much as possible ay ayokong malaman nila, lalo n ani Bri na patay na patay kay Storm at baka mag camping na ‘yun dito sa bahay araw-araw. Mahilig pa naman silang mag sleep over o kaya ay tumambay dito tuwing weekends. Nasapo ko ang noo ko dahil sa problemang iniisip. Nahihiya akong malaman nila na nasa iisang bubong kami, pero alam ko naman na hindi ko rin ‘yun matatago sa kanila ng matagal. Siguro dapat sabihin ko na sa kanila nang mas maaga? O hayaan ko na lang na sila mismo ang makakita? Tapos umakto ako na parang hindi naman big deal? Kaso ay kahit saang anggulo ay big deal ‘to dahil pinag chi-chismisan namin siya. “Shan, let’s eat na.” rinig kong sigaw ni Dad sa labas ng kwarto ko kaya agad akong napabangon at nag-ayos ng sarili. Hindi ko alam kung bakit kabang kaba parin ako sa presensya niya, samantalang ilang araw ko na siyang nakakasama tuwing session namin at nagkikita rin kami sa university pero palaging iisa lang ang reaksyon ko. Palaging parang nu’ng first time. Natutulala parin ako sa mata niya kahit ilang beses ko ‘yung titigan at gusto kong sabunutan ang sarili ko dahil du’n. Tahimik kaming kumain ng dinner at halos silang dalawa lang ni Dad ang nag-uusap, sumasagot lang ako tuwing napupunta sa akin ang topic at agad na tatahimik kapag bumalik na kay Storm. Pagkatapos ng dinner namin ay agad kaming umakyat sa kanya-kanyang room namin. Wala kaming session ngayon ni Storm since week end tomorrow. Napagkasunduan kasi namin na rest day niya ang Friday to Sunday since nag-aaral din naman siya at hindi lang ako ang estudyante sa aming dalawa. Minsan tuloy ay napapaisip ako kung nag-aaral pa ba siya? I mean, ‘yung aral na kagaya ng sa akin. Kasi parang lahat yata ng nasa libro ay alam niya. Kahit saang page kasi ang itanong ko ay naipapaliwanag niya agad ng mabuti na para bang saulong saulo niya ang sasabihin. Napabuntong hininga ako at humiga na sa kama ko matapos magpalit ng pajama. Chineck ko rin ang phone ko at nakitang may mga message sila Bri doon sa group chat namin at halos mapatalon ako sa kama ko nang mabasa kung ano ang pinagpa-planuhan nila. @Brianna Avellano: Movie marathon tom! @Andrea Cervantes: Kanila Shan? @Brianna Avellano: Yup, mga hapon na siguro since feeling ko ay pare-pareho tayong tatanghaliin ng gising. @Andrea Cervantes: Yeah, right. Alam mo naman, weekend vibes. Agad akong nagtipa ng message nang mabasa ang pinag usapan nila 20 minutes ago. Nagpa-plano silang mag movie marathon dito sa bahay at kung normal lang ang sitwasyon ay ayos lang sa’kin kahit bigla silang sumulpot dito, pero iba na ngayon. Hindi pa ako ready na asarin nila. @Shan Borromeo: Hey, I can’t join you tom. May lakad kami ni Dad :((( Naglagay pa ako ng sad emoji para makatotohanan. @Andrea Cervantes: Aww, really? Sure, Shan. Enjoy kayo ni Tito! Hihinga na sana ako ng maluwag nang mabasa ang reply ni Drei pero naputol din ‘yun ng makita ang reply ni Bri. @Brianna Avellano: Sa We Care ba ang punta niyo? Can we join? Ilang ulit kong binasa ang reply niya at nag-isip ng maisasagot. Pahamak talaga ‘to si Bri, hindi na lang umoo. Kinagat ko ang pang ibaba kong labi at nag isip ng isasagot. @Shan Borromeo: Nope, we’ll be having a date. Alam mo niya naman, ‘di na kami masyadong nakakalabas dalawa. @Brianna Avellano: Aww, that’s so sweet. Enjoy! See you na lang on Monday. Padapa akong nahiga sa kama nang malampasan ang unang pagsubok. Paniguradong mahihirapan na akong magdahilan sa susunod. Kakasabi ko lang na as much as possible ay sana hindi muna nila malaman, tapos agad agad silang nag-ayaan. Mabuti na lang pala at nag check ako ng messages kundi bigla na lang silang bubulaga rito sa bahay ‘pag nagkataon at baka himatayin ako bigla. Bago ako natulog ay chineck ko ulit ‘yung gc namin, baka kasi mamaya ay may plan B itong si Bri. Saka lang ako nakahinga ng maluwag ng makitang offline na sila pareho, mukhang tulog na. Kinabukasan ay tinanghali ako ng gising. Since every week ends ay tanghali talaga ako nagigising, hindi na nag-aabala sila Manang at Dad na gisingin ako for breakfast. Naligo ako at nagsuot ng simpleng white sleeveless shirt at denim shorts. Naglagay ako ng head band at kaunting lip tint at blinower muna ang buhok ko bago ako bumaba. Tahimik ang sala nang makababa ako at kumunot ang noo ko nang walang katao-tao. “Manang?” tawag ko nang makababa ng tuluyan sa hagdan. “Oh, Shan. Gising ka na pala. Halika’t ipaghahain na kita ng tanghalian mo.” Ani Manang nang makita ako. “Nasa’n po sila?” Umupo ako sa silya at uminom ng gatas na ibinaba ni Manang. Usually, kapag week end hapon pa umaalis si Dad papuntang orphanage, maliban na lang kapag lingo. “Sinama ng Dad mo si Storm na mag golf, hindi ka na ginising dahil alam naman ng Daddy mo na tatanghaliin ka.” Anito habang nilalapag ang pagkain ko sa mesa. Tumango ako at hindi na nagsalita. Mabilis ko lang na inubos ang brunch ko at agad na nagtungo sa garden para magbasa. May mini spot ako sa garden namin, tuwing sabado kasi at wala kaming lakad nila Bri ay nagbabasa ako rito. Mostly ay novels ang binabasa ko, wala akong kagana ganang magbasa ng mga lecture books. Mas nakaka entertain pa ang novels at madalas ay mas natututo ako sa buhay base sa mga experience nang mga binabasa ko. Ala una na rin ng tanghali kaya mainit na. Mabuti na lang at may silong dito sa mini spot ko, since madalas nga ako rito. Sumisimsim ako ng juice habang nagbabasa nang biglang may magsalita sa tabi ko at halos maibato ko ang hawak kong libro dahil sa gulat. “Kakagising mo lang?” Huminga ako ng malalim at tumango nang makabawi. “Oo.” Umupo siya sa tabi ko at tiningnan ang hawak kong libro. “You shouldn’t be reading that. Read your notes instead.” Kumunot ang noo ko at masama siyang tiningnan. “It’s Saturday today, Storm. Who would spend their Saturdays on reading lectures?” umirap pa ako sa kanya ng bahagya. “Kung gusto mong makapasa ay dapat ‘yun ang ginagawa mo ‘di ba?” Bumuntong hininga ako at binaba ang hawak kong book. “I just wanted to relax, masama ba ‘yun? Ang stressful kaya ng buong lingo ko.” “How’s your grade by the way?” sumulyap siya sa akin sandali. Napanguso ako at kinuha ang daliri ko para paglaruan. “Pretty sure I failed.” “Haven’t seen them?” Umiling ako. “Hindi na siguro, alam ko naman na sa sarili ko ang sagot.” “Okay.” Aniya at biglang tumayo. Hindi pa ako nakakapagsalita ay nawala na siya sa tabi ko. “Hayst. Hindi man lang ako kinomfort!” inis na bulong ko sa sarili. Kakaiba talaga ang isang ‘yun, wala man lang magandang words na sinabi bago umalis. Napailing na lang ako at muling nagbasa ng book na nasa mesa. Mas may mapapala pa akong good advice dito kaysa ro’n kay Storm.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD