Chapter 5

1964 Words
“OMG, Top 1 si Storm!” tili ni Brin ang makapasok siya sa room at agad na tumabi sa amin ni Drei. Nagulat ako sa sinabi niya at nanlaki ng bahagya ang mata ko. “What? Is that even possible?” takang tanong ni Drei. “He just got here last week, right? Pa’no nangyari ‘yun?” Kahit ako ay nagtataka at hindi makapaniwala. Ganu’n siya katalino? Na kahit kakapasok niya lang dito ay kaya niyang maka-agaw ng rank? “Well, it’s Storm that we’re talking about here, duh, obviously he can!” umikot pa ang mat ani Bri at maarteng kinumpas sa ere ang kamay. Tuwang tuwa siya na akala mo’y siya ang nag top 1, ni hindi nga sila close. Tss. Napailing na lang kami ni Drei sa kanya at hindi na nagkomento pa nang dumating na ang Prof namin. Buong klase namin ay hindi mawala sa isip ko ‘yung about kay Storm. Actually, ay napatunayan ko naman kahit papa’no na matalino nga siya dahil sa galing ng techniques niya sa solutions and formulas. Pero hindi ko ‘to inaasahan. Matalino si Gabriel, ‘yung palaging nangunguna sa exams, sa buong year ay walang nakakuha ng top 1 kundi siya lang. And to think na nalamangan niya agad si Gab pagkarating at pagkarating niya dito ay sobrang makalaglag panga. Pagkatapos ng subject namin ay agad kaming hinila ni Bri sa bulletin board. “Ano ba, Briana. Can we eat first? Gutom na ‘ko.” Reklamo ni Drei habang nagpapahatak kay Bri. “Sandali lang ‘to, I just want you guys to see it with your own beautiful eyes. Para kasing hindi kayo naniniwala sa bebe Storm ko.” Nakangusong aniya. “Naniniwala na kami, okay? So, sa cafeteria muna tayo diyan. Tingnan mo ang dami pang tao.” Umiling iling si Bri at nakipagsiksikan sa mga estudyanteng nagkukumpulan sa harap ng bulletin. At dahil hawak hawak niya kami ni Drei ay wala kaming nagawa kundi ang sumunod din sa kanya. Well, honestly ay gusto ko rin namang makita kung totoo ang sinabi ni Bri. I just can’t really believe it. At halos napanganga ako ng makita ang pangalan niya. Top students on Pre-finals examination: 1. Storm Aldrid Enderson Perfect score overall 2. Gabriel Santiago 97.9 Perfect siya? As in sa lahat ng subjects, perfect?! “Omg, top 1 si storm!” rinig kong bulong ng babae sa kanan ko. “Sabi ko sa’yo eh, sobrang talion niya. Para siyang halimaw tuwing recitation and quiz!” Napalingon ako sa kanila na nanlalaki pa rin ang mata. Ganu’n siya katalino? Parang hindi totally mag sink in sa’kin. “Grabe. Wala siyang mali kahit isa? Eh sobrang hirap ng exams natin!” namamanghang ani Drei. “Told yah.” Mayabang na saad ni Bri. “Kahit ako ay napasabunot sa sarili ko nu’ng exam, tapos easy lang sa kanya. Hope all ‘di ba?” Umalis kami sa bulletin ng dumami ang mga estudyanteng nakitingin at dumeretso na sa cafeteria. Tahimik lang ako dahil hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa na siya ang tutor ko o dapat akong mahiya dahil siya pa ang tutor ko. “Kamusta nga pala ‘yung first session niyo, Shan?” tanong ni Drei nang maka-order na kami. “Well… he’s really good. Mabilis kong naintindihan lahat ng tinuro niya, I don’t know how but he made everything easy for me.” Ngumuso si Bri at halatang naiinggit. “Wah! I want him too!” “Ibang want naman ‘yang iyo, Briana!” pagtataray ni Drei. Natawa lang si Bri at natahimik nang dumaan si Storm. Actually, ay halos ang buong cafeteria ay natahimik at nakatitig lang sa kanya na maangas na naglalakad habang nakapamulsa. Walang emosyon ang mukha niya at seryoso lang. “Grabee! Ang gwapo!” tili ni Bri. May iilan ding nagtilian na babae, pero ang nakakatawa du’n ay para siyang walang pakialam. Tingin ko nga ay hindi niya rin napapansin na halos lahat ay nakatingin sa bawat kilos niya. “Kaya lang ay mukhang snobber at mayabang.” Bulong ni Drei. “Well, true naman ‘yung part na snobber nga siya.” Pag sang-ayon ni Bri. “Last time nga may nag-abot sa kanya ng letters at flower sa hallway, aba teh ang ginawa ni bebe Storm ay nakakaloka.” “Ano?” “Dineretso sa basurahan.” Natatawang ani Bri. Napangiwi kami ni Drei dahil hindi namin ma-imagine ‘yung eksena. Parang ako ‘yung nahiya para du’n sa kung sino man ang nagbigay. “Laglag panga talaga, teh. Kaya ako, hindi ko na tatangkain.” Dagdag ni Bri. “Grabe naman ‘yun. He’s so mean, akala mo naman super gwapo.” Inis na saad ni Drei. “Gwapo naman talaga siya, Drei.” “Kahit na. It doesn’t give him the right to be like that. Kung ayaw niya pala nu’ng binigay edi sana hindi niya na tinanggap.” Napatango ako sa sinabi ni Drei. I can’t imagine the embarrasement that the girl had felt. He should have atleast kept that, at kung gusto niya itapon sana ‘yung walang nakakakita. Hindi ako nakisali sa debate nilang dalawa at nanatili lang na nakikinig. May point si Drei, pero wala naman kaming magagawa kung ganu’n talaga ang ugali ni Storm. “Maybe he just wanted to show everyone that he’s not interested.” Resbak ni Bri. “Kasi ang dinig ko ay since day 1 ng pagpasok niya ay may nagbibigay na ng kung ano ano sa kanya.” Hindi na sumagot si Drei at napabuga na lang ng hangin. Napatingin tuloy ako sa pwesto ni Storm. Tahimik lang siyang kumakain at parang may sariling mundo. Napaigtad ako nang biglang nag vibrate ang phone ko na nasa bulsa ko. Dad is calling… Kumunot ang noo ko dahil bihira tumawag si Dad ng ganitong oras kapag nasa school ako. Tumayo ako para sagutin ang call. “Yes, Dad?” [“Shan, can you come home early?”] “Yes po. I only have one subject left before our dismissal.” [“Really? That’s good then. I’ll talk to you about something.”] “Okay, Dad. I’ll see you later.” “[Yes, take care princess.”] Binaba ko ang phone nang nagtataka. About saan kaya ‘yun? Tingin ko ay about ulit sa We Care. Last time kasi ay about sa design ng We Care na gusto niyang itayo sa ibang lugar ang tinanong niya sa’kin. He always asked my opinion about that, kahit pa hindi naman ako pumupunta. “Tito called?” curious na tanong ni Bri. Tumango ako at umupo ulit. “Yeah. Maybe about We Care.” “He’s so passionate about his orphanage. I really admire him for that, not everyone can be as passionate as he is.” Nakangiting ani Drei. “Yeah, and I’ll always support him.” “Aren’t you a little bit mad at him? I mean, simula bata pa lang tayo ay lagi nang nasa orphanage ang oras niya. You didn’t grow up having him beside you all the time, really.” Natawa ako ng mahina sa tanong ni Bri. I remember someone, that’s his first question when we first met. At kagaya ng sinagot ko kay Storm years ago, “I’m not, and will never be.” Nagkibit balikat lang si Bri at nag thumbs up naman sa akin si Drei. “You’re too matured even back then.” Ani Drei. Natawa lang ako at tinapos na ang pagkain ko. After ng last class namin ay agad akong nagpaalam kanila Drei at Bri dahil pinapauwi nga ako ng maaga ni Dad. Saktong paglabas ko ng university ay naroon na ang sasakyan namin. Medyo kumunot pa ang noo ko nang hindi iyon ang family car namin, kundi ang personal na kotse ni Dad. Nang makapasok ako ay nanlaki ang mata ko at agad na ngumiti ng malapad nang makita si Dad. “Omg, Dad!” hindi makapaniwalang saad ko at bumeso sa kanya. Tumawa siya ng mahina. “Miss this?” “Yeah, badly!” Ginulo niya muna ang buhok ko bago sinimulang paandarin ang sasakyan. “You’re early today, what’s up?” Tumawa ulit siya at sumulyap sa’kin. “Well, I wanted to hang out with you young lady.” Napaawang ang bibig ko at excited siyang tiningnan. “We’ll eat outside?” “Uh-huh.” He said excitedly. “Omg, namiss ko ‘to! It’s been a while.” “Oo nga, sorry I’m too busy.” “Oh, crop that, Daddy.” Tumawa siya ng malakas. Hindi talaga uso sa amin ang dramahan about sa time or sa pagkukulang. I never felt that, and I hope he feel the same. Kahit gaano pa siya ka-busy, ramdam ko parin ang love niya ng buong buo, walang kulang at sobra sobra pa. Huminto kami sa isang 5star hotel and restaurant. We barely go out, but when we do, he always make sure that it’ll be the best. Steak ang inorder namin at salad. “So, what’s the tea?” I asked as soon as we settled our order. Tumawa siya at pinitik ang noo ko. “Bawal bang kumain muna?” “Okay, fine.” Umirap pa ako kunwari na tinawanan niya lang. After a couple of minutes, dumating rin ‘yung order namin. After ng maiksing prayer namin ay agad akong humiwa sa steak ko. “You hungry or what?” nakangiting tanong niya habang nakatitig sa’kin. “Well, I haven’t had this for a while.” Ani ko habang ngumunguya. Napailing na lang sa’kin si Dad at hinayaan akong ubusin ang pagkain ko. I’m kinda hungry plus namiss ko rin kasama si Dad outside. Maya maya lang ay nagpunas na siya ng bibig at ibinaba ang hawak na knife at pork bago tumingin sa akin ng seryoso. Sakto rin na tapos na akong kumain at sumimsim ng shake. “So?” “Well, I decided to offer Storm to stay with us.” Kalmadong aniya. Halos maibuga ko ang nainom kong shake dahil sa sinabi ni Dad. Ilang ulit akong napaubo at agad naman niya akong inabutan ng tubig. “Come again?” baka nabingi lang ako. “Ang sabi ko, sa atin na titira si Storm starting tomorrow.” Kung sabihin niya ‘yun ay parang hindi super big deal. Sabagay, ako lang naman ang may issue sa kanya. “Pwede ko bang malaman kung bakit?” “He’s living alone, and since siya naman ang tutor mo, mas okay kung nasa iisang bahay lang kayo. You can ask him anytime. Hindi ba’t good idea ‘yun?” nakangiting aniya na para bang ‘yun na ang pinakamagandang desisyong nagawa niya. “Isa pa, I’m so fond of him, Shan. I don’t know why, maybe because I’ve been longing for a son ever since?” tumawa pa siya ng mahina. Napalunok ako dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Ayokong kontrahin ang desisyon ni Dad, at isa pa, I wanted him to be happy. “If that’s what you want, Dad.” Mahinang saad ko at pilit na ngumiti. “Is it fine with you? You know that I won’t consider it if you’re not comfortable.” Hinawakan niya ang kamay ko na nakapatong sa mesa. “You’ll always be my number one priority, Shan. What matters to you, matters to me as well.” Ngumiti ako sa kanya. “Yeah, it’s fine, Dad. Don’t worry about me.” “Really?” “Really.” “Thank you, Shan.” Nakangiting aniya. Nakatitig lang ako kay Dad habang nakangiti siya ng malapad. Sino ba naman ako para kontrahin ang kaligayahan niya? Kaya ko naman siguro. Kakayanin naman siguro…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD