Chapter 4

1373 Words
NANDITO kami sa cafeteria nila Bri at Drei nang huminto sa harapan ko si Storm. Nanlaki ang mata ko dahil hindi ko alam na nag-aaral din siya dito sa Safami, hindi nabanggit ni Dad kagabi! “Anong oras ang tapos ng klase mo?” seryosong tanong niya habang nakapamulsa. Napalunok ako at ilang beses na kumurap kurap bago tumikhim. “A-ano. 4pm.” Tumango siya. “Okay, I’ll see you later.” Aniya at agad na umalis. Nakatunganga lang ako sa likod niya at sinundan siya ng tingin hanggang sa bigla na lang akong alog-alugin ni Bri habang tumitili. “OMG!!! Omg, Shan!” Nagtataka ko siyang tiningnan at inalis ang pagkakahawak niya sa’kin dahil masyadong mahigpit at halatang gigil na gigil siya. “Stop it, Bri. Nahihilo ako!” angit ko sa kanya. “Omg, Shan! Paano mo siya nakilala? I mean, akala ko ba hindi ka interesado sa kanya?” Tinakpan ko ang bibig niya dahil sobrang lakas ng boses niya at nakatingin pa rin sa amin ang ibang kumakain. “Hinaan mo nga boses mo!” “Sino ba ‘yun, Briana? At mukha kang tanga diyan, kulang na lang tumulo laway mo!” bored na ani Drei. “Hindi niyo siya kilala?” mataas ang tonong tanong niya. “Shan, siya ‘yung sinasabi kong transferee!” Napaawang ang bibig ko at tiningnan lang siya. Si Drei naman ay napairap lang. “So?” “Anong so ka diyan. Fyi, Andrea, he’s so freaking hot!” maarteng saad ni Bri. “Fyi, Briana. He’s not.” Umirap pa muli si Drei na ikinatawa ko. Tiningnan ako ni Bri na parang humihingi ng tulong. “Well… he’s kinda cute.” Naiilang na saad ko at sumimsim sa hawak kong iced coffee. “Eeww.” Umarte pa si Drei na nasusuka kaya hinampas siya ni Bri ng mahina sa braso. “So back to the topic, paano mo siya nakilala, Shan?” mataray na tanong ni Bri. Naubo ako at ngumiti ng pilit. “Well… he’s my tutor for the mean time.” Gusto kong matawa sa reaksyon ni Bri, may patakip-takip pa siya ng bibig na may kasamang panlalaki ng mata. “OMG, again and again!” inalog alog niya ulit ako. “You’re so lucky, Shan! Ang gwapo’t talino nu’n!” Muli kong inalis ang pagkakahawak niya sa braso ko dahil nakakahilo talaga ang pag-alog alog niya. “Stop it, Bri. Nahihilo ako!” inis na saad ko. “And… to set the record right, si Dad ang kumuha sa kanya without me knowing it. Wala talaga akong idea na siya ‘yung tinutukoy ni Dad na taga We Care.” “We Care? ‘yung orpahange ninyo?” “Yeah. And I guess, he’s my Dad’s fave. He trusted him the most.” Napairap pa ako nang sabihin iyon. I really don’t know why, wala naman akong makitang especial sa kanya bukod du’n sa sinasabi ni Bri na matalino raw at uhm…gwapo. Pero kahit na! Hindi naman sapat ‘yun, importante pa rin ang personality, and I think he doesn’t have a good one. Pagkatapos ng klase namin ay agad akong umuwi dahil 5pm daw dadating si Storm sa bahay. I’ts not like I’m excited or what, ayoko lang na ma-disappoint si Dad. Yeah, right Shan. “Shan, dito ba kayo sa living room? O sa library?” Manang asked. “Uhm… dito na lang po sa sala, Manang.” Nakakailang naman kung kaming dalawa lang sa lib. “Sige, anong food ang gusto mong ihanda ko?” “I actually don’t know him personally, but I guess any kind of sandwhich will do.” Tumango si Manang at iniwan na ako sa sala. Nakaligo na’ko at nag aantay na lang sa kanya. It’s already 4:50 pm and any moment from now ay dadating na siya. SImpleng t-shirt at shorts lang ang suot ko, tinali ko rin ang mahaba kong buhok at hindi na nag-abala pang mag ayos dahil baka isipin niyang special siya or what. Pinagpapawisan ang palad ko at sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit sobra akong kinakabahan, isa na siguro sa dahilan ‘yung nakakahiya na wala akong alam at baka pati ang basics ay hindi ko masagutan. Parang tumigil ang mundo ko nang marinig ang tunog ng door bell. Agad na lumapit si Manang para pagbuksan siya ng pinto at wala akong ginawa kundi ang umayos lang ng upo. “Hi,” aniya. Tumikhim ako at tipid na ngumiti. “Hi.” Umupo kami pareho sa sala at halos hindi ko mabilang ang distansya naming dalawa dahil nahihiya talaga akong dumikit sa kanya. “Galing ka pang school?” nahihiyang tanong ko dahil naka-uniform pa siya at mukhang dito na dumeretso. “Yeah. I needed to take several exams and quizzes.” Oo nga pala, late transferee siya so basically, marami talaga siyang need na habulin. Tumango na lang ako dahil ayoko namang ipahalata na pinag chismisan namin siya nila Bri. “So, shall we start?” “Yeah, please.” Kinuha ko ang bag ko at inilabas ang books at notes ko. Medyo nanginginig pa ang kamay ko nang ilapag ko ‘yun sa table. Inuna namin ang Math, since doon ako pinakamahina. At totoo nga ang hinala ko kanina na kahit ang basics ay hindi ko alam, nang pasagutin niya ako ng iilan ay wala akong naisagot at tanging pekeng ngiti ang naibigay ko sa kanya. Hindi ko alam kung hinuhusgahan na niya ako ng palihim sa isip niya o baka nagsisi na siyang tinanggap niya ang offer ni Dad dahil naka poker face lang ang mukha niya at walang mababasang emosyon. “Okay, Shan. I’ll explain to you everything, so kindly listen carefully.” Tumango ako at agad na itinuon ang atensyon sa notebook ko na susulatan niya. Buong oras ay seryoso lang siyang nagtuturo samantalang ako naman ay nakatulala sa notes habang kagat kagat ang dulo ng hawak kong ballpen. “Got it?” tanong niya ng matapos i-explain ang pang apat na halimbawa. Tumango ako. “Yeah. Bakit ganu’n? Mas madali ‘yung equation na tinuro mo kaysa sa profs.” Nakangusong saad ko. Hindi ko naiwasang sabihin ‘yun dahil talagang naintindihan kong mabuti ang tinuturo niya kaysa noong itinuro ‘yan sa amin ng Profs. Nagkibit balikat lang siya at hindi sumagot. “So, since nagets mo na, I’ll give you some activity.” “Okay,” confident na saad ko. Ilang minuto siyang tahimik na gumawa ng questionaires habang ako ay pumunta sa kusina para kuhanin na ang meryenda namin. Mag pa-five o clock na rin at maya maya ay dadating na si Dad. Pagkalapag ko ng food namin ay saktong ibinigay niya sa akin ang questionaires. “Finish that first before you eat,” striktong saad niya. Napaawang ng bahagya ang bibig ko dahil hindi ko ‘yun inexpect. I mean, it’s meryenda time na. Wala akong nagawa kundi ang umupo ulit sa tabi niya at kuhanin ang ballpen ko para magsagot habang siya ay nagsimula nang kumagat sa sand which niya. Inabot ata ako ng 30 minutes bago ko naipasa sa kanya ang paper. Pagkaabot ko sa kanya ay agad kong kinuha ang sand which ko para kainin na dahil nagutom ako ng todo. Habang chini-check niya ang gawa ko ay dumating si Dad at ngumiti sa amin. “Storm, sabayan mo na kaming maghapunan.” Aniya. “Okay po, tito.” Ngumiti si Dad at iniwan na kami sa sala. Ilang minuto pa kaming natahimik bago niya ibinalik sa akin ang papel ko. “You did great. May iilan ka lang mali pero so far ay mataas ang score mo.” Kumento niya at halos mapunit ang mukha ko dahil sa lapad ng pagkakangiti ko. “Really? Thank you.” Nakangiting ani ko habang tinitingnan ang paper ko. Tatlo lang ang mali ko over 20 at so far ay ito ang highest score na nakuha ko sa math! I’m so happy, really. Tiningnan ko si Storm at ngumiti sa kanya. “You did great also. Thanks.” Tinanguan niya lang ako kaya ibinalik ko ang tingin ko sa papel ko. Mukhang papasa ako ngayong finals namin, finally!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD