Chapter 3

1374 Words
Shan Ysabelle’s POV Mabilis na lumipas ang mga araw at ngayon nga ay third grading exam na namin. Nag aral kami buong araw nila Drei at Bri kahapon at nagbasa rin ako kaninang umaga bago pumasok to make sure na may maisasagot ako, ‘yun nga lang ay ibang eksena ang nangyayari ngayon. “Class! Tutulog tulog na naman kayo!” Sigaw ng home room adviser namin na si Ms. Ylissa. Hawak hawak niya ang stick niya at masama ang tingin sa amin habang palakad lakad sa buong room. Exam day namin ngayon at halos karamihan sa amin ay halatang walang maisagot. Nakatulala lang ako sa test paper ko dahil hindi ko talaga alam ang sagot kahit na anong gawin kong pagpiga sa utak ko. Nag-aral naman kami nila Bri at Drei at nagbasa rin ako ng notes ko bago pumasok kanina at bago dumating si Ms. Ylissa pero ngayon ay ni isa ay wala akong maalala at gusto kong sabunutan ang sarili ko ngayon. I’m so confident yesterday na kahit papaano ay maipapasa ko ‘to but look at me now. Ilang minuto pa akong nakatulala at pilit na inaalala ang sagot at halos nanlaki ang mata ko nang tumunog na ang bell. “Okay, finish or not pass your papers!” Wala akong nagawa kundi ibigay na kay Ms. Ylissa ang papel ko kahit na wala pa sa kalahati ang nasagutan ko. Napakagat labi ako at awkward na tumingin sa kanya. “My goodness, Shan. I know that kind of look.” Disappointed na saad niya. Ngumiti lang ako ng pilit at sinukbit na ang bag ko. Nasa labas na sila Drei at Bri dahil nauna sila ng kaunti sa’kin. Walang gana akong naglakad papalapit sa kanila. “Kamusta? Inaral natin ‘yun kahapon, Shan.” Bungad ni Drei nang makalapit ako sa kanila. Bumuntong hininga ako at umiling lang. Gets na nila ‘yun kaya bumuntong hininga rin sila ng sabay at parehong kumapit sa magkabilang braso ko. “Okay lang ‘yan, Shan. May finals pa!” ani Bri. Hindi ako sumagot at malamya silang tiningnan. Hindi ko na talaga alam kung saan ako pupulutin next year. Puros pasang-awa ang scores ko sa last two exam ko at ngayon, sigurado na akong bagsak ako. Dumeretso kami sa cafeteria para mag snacks at wala akong kagana gana. Hawak hawak ko lang ang sandwhich na binili ni Drei at pinaglalaruan ‘yun. “Anyways, nakita niyo na ba ‘yung transferee last week?” biglang saad ni Bri. ‘Yung mukha niya ay halatang sinasabing gwapo ‘yung transferee dahil kumikinang na naman ang mata niya. “Last week lang nag transfer? Pwede ba ‘yun?” takang tanong ni Drei. Tumango tango si Bri at ngumiti ng malapad. “Yep, and guess what!” “What?” “Gwapo!” masayang saad niya at tumili pa. Mabuti na lang at kahit papaano ay sanay na ang mga schoolmates namin sa kanya. “Ewan ko sa’yo. Saka buti at tinanggap pa siya rito, I mean kakatapos lang ng third grading exam natin. Kung last week siya pumasok paniguradong bagsak na ‘yun.” Naiiling na kumento ni Drei. “Well, balita ko sobrang talino raw nu’n. So, hindi malabong makahabol talaga siya.” Hindi ako nagsalita at tahimik lang na nakikinig sa  kanila. Hindi ako interesado sa ngayon dahil hindi parin mawala sa isip ko ‘yung pagiging mental blocked ko kanina. Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Dad mamaya, lalo na’t alam kong umaasa na naman siya na nag-aral akong mabuti dahil pinuri niya pa kami kahapon nila Bri na sure raw na papasa kami dahil buong araw kaming nag-aral. “OMG!” Napaigtad kami pareho ni Drei nang biglang sumigaw si Bri. Nakatakip pa ang bibig niya ng dalawang kamay niya at impit na tumili. Hinampas siya ni Dei sa braso at tiningnan ng masama. “Nababaliw ka na naman ba, Briana?” Lalong nanlaki ang mata niya at lumapit sa amin ng bahagya para bumulong. Automatic naman na napayuko kami ni Drei para pakinggan siya. “Yung sinasabi kong gwapo, nasa likod na Shan…” mahinang saad niya. Lilingon na sana kami ng hatakin niya pababa ang mga ulo namin at bahagya pa kaming nauntog ni Drei dahil sa lakas ng pagkakahila niya. “Aray ko, Briana! Namumuro ka na ha.” Inis na saad ni Drei at hinila ang ilang hibla ng buhok niya. “H’wag niyo kasing tingnan, baka mabuko tayo na pinag uusapan siya.” “Ano naman? Arte!” At dahil nga sa kaartehan ni Bri ay hindi na namin nakita kung sino ‘yung tinutukoy niya. Wala rin naman kaming pakialam, lalo na ‘ko na occupied pa ang utak. Naunang lumabas ‘yung transferee kaya nu’ng dumaan kami palabas ay wala na siya. Umiikot ang mata ko tuwing bigla na lang titili si Bri dahil gwapong gwapo siya ro’n, buti sana kung pinakita niya sa’min kanina nang mahusgahan. Dumaan sa harap namin ang grupo nila Talia at maarte pang hinawi ang buhok pagkalampas sa amin. “Naku, sarap hilahin ng buhok. ‘Kala niya maganda siya, mukha kaya siyang espasol!” gigil na saad ni Bri. Natawa kami ni Drei dahil sa facial expression niya. Hindi naman namin kaaway ang grupo nila Talia, sadyang naiinis lang si Bri sa kanila dahil maarte raw. Sabagay, totoo din naman ang sinasabi niya. Pagkauwi ko ng bahay ay walang gana akong umakyat sa kwarto ko. Para akong hinang hina na ewan dahil sa nangyari kanina sa exams ko. Nawawalan na ‘ko ng pag-asa na makaka graduate ako ng may matinong grades dahil sobrang palpak ng mga exams ko. Kapag hindi ko pa naipasa ang finals ay baka may chance na bumalik ako ng fouth year at isang malaking kahihiyan ‘yun kay Dad. Nakatulala ako sa ceiling ng may kumatok sa pinto kaya napaupo ako ng maayos. “Shan, nasa baba ang Daddy mo hinahanap ka na.” ani Manang Rosie. “Okay po, magpapalit lang ako.” Tumango siya at umalis na rin agad. Tamad akong tumayo at nagpalit ng pangbahay. Simpleng yellow shirt at white shorts ang suot ko at ginawa kong bun ang buhok ko bago bumaba. Itinuro sa akin ni Manang Rosie ang dining area kaya agad akong nagtungo ro’n. Pero halos mapaatras ako ng may makitang bulto ng isang lalaki na nakaharap kay Dad at nakatalikod sa gawi ko. Hindi ko alam pero biglang bumilis ang t***k ng puso ko at kinabahan ako. Iisang tao pa lang ang nagparamdam sa akin ng ganito at 7 years na ang nakalipas ng una at huli ko siyang makita. Imposible. Hindi naman siya ‘to hindi ba? I mean… ‘wag sana. Babalik na sana ako sa kwarto ko dahil nagpasya akong ayoko na munang alamin kung sino ‘yung kausap ni Dad pero nagtama ang mata namin ni Daddy bago pa man ako makatalikod. “Oh, Shan. Come here, hija.” Pilit na ngumiti ako kay Dad at dahan dahan na lumapit kay Dad ng hindi tinitingnan ang lalaki. Matapos kong bumeso kay Dad ay wala akong choice kundi ang humarap at halos malaglag ang panga ko ng makita kung sino ang lalaking nakaupo sa harapan ko. The guy with the most beautiful brown eyes… ‘Yung unang lalaking nagkaroon ng malaking epekto sa sistema ko when I was 12 years old. Ang dahilan kung bakit hindi na ako bumalik pa sa We Care… “Naaalala mo ba siya, hija? Siya ‘yung nasa We Care 7 years ago.” Hindi ko alam kung bakit ako umiling kay Dad. “Oh, okay. Matagal na rin ‘yun kaya baka hindi mo na siya namumukhaan.” Natatawang ani Dad. “Anyways, Storm this is my daughter, Shan Ysabelle. And Shan, si Storm one of my scholars. He’ll be your tutor for a month I guess.” Nanlaki ang mata ko at halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko habang nakatitig sa kanya na ngayon ay nakatingin din sa akin. Hindi pa nagsi-sink in sa utak ko ang sinabi ni Dad at mas lalo lang akong na-mental blocked nang ngumisi siya sa akin.   “Hi, it’s nice to see you again.” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD