CHAPTER 2: FAMILIAR

2223 Words
Nagkikislapang mga kamera ang bumungad sa amin ni Monte habang pababa sa limousine na sinasakyan kung saan diniriwang ang kaarawan ng isa sa mga kasosyo niya. Puno ng press ang entrada at may ilang naghahangad na makapag-interview sa kanya. Kiming ngiti lang ang tinugon ko sa bawat makakasalubong papunta sa grand hall. Nakakawit ang aking kamay sa braso niya habang naglalakad sa red carpet. May iba't-ibang kulay ng bulaklak sa gilid na nakalagay sa plorera at ilang talutot ang nakakalat sa sahig na lalong pumuno sa kagandahan ng paligid. Sa pag-angat ng aking paningin, nakikita ko ang malalaking chandelier na kumikislap tuwing tinatamaan ng ilaw. “ Thank you for coming, Mon! We thought you would decline my invitation. At may kasama ka pang magandang binibini!” nang-uuyam ang kanilang mga ngisi. “ We both know it isn't just a party, Gascon. Everyone, this is Sophia!” kalmadong pagpapakilala niya sa akin. Isa-isa ko silang binati at nakipagkamay na rin. “ Matalas pa rin ang paningin mo hanggang ngayon!” lumapit at tumapik sa kanyang balikat ang lalaking nagdiwang ng kanyang kaarawan kasama ang isang babaeng sa tantiya ko'y kaedad ko lang din. Napakaganda niya. Naiiba sa lahat, ngunit kita ko ang walang ningning niyang mga mata. Lungkot ang nababanaag ko sa mga pilit na ngiti sa kanyang mga labi na hindi man lang umabot sa malamlam niyang mga mata. “ Same to you, kumpadre!"sumabay siya sa tawanan ng mga naroroon. Hindi ko maipagkakailang mas bata sila sa kanilang mga edad. Siguro, dahil mayaman at hindi babad sa araw kaya kahit sa ganitong edad, gwapo pa rin at matikas ang pangangatawan. Nilahad niya ang daan papunta sa mesang inilaan para sa amin. Muntik pa akong matalisud ng may biglang huminto sa harap upang kumuha ng wine na dala ng mga naglalakad na waiter. Isang linggo akong sinanay ni Beth sa paglalakad at kung paano gawing pino ang bawat galaw para umakma sa pang-mayamang piging. Ang hirap pala maging mayaman! Pero... mas mahirap maging mahirap na kahit dangal ay kailangang ibenta para mabuhay ang iyong pamilya. Umayos ako sa pagkakaupo at bumuntong-hininga. Malayong-malayo ako sa mga babaeng aking nakikita. Mabikas at kaaya-aya ang mga galaw. Ang pagngiti, pagtawa at pakikipagkamay ay sadyang sinanay na minsan ko lang makita sa mga palabas. Magagandang kutis, mamahaling alahas at eleganteng pananamit na 'di na kailangan pang paghirapang abutin. “ Save those thoughts for later. Enjoy the night, Sophia!” Napatingin ako sa maaliwalas na mukha ni Leon. “ Salamat!” Hindi lang dahil sa kanyang pagligtas kay Tatay kundi sa pagbibigay niya sa akin ng panahon para maranasan ko rin ang ganitong bagay. “ You're still young, Sophia! Stop your worries and savor every moment you have!” tumango ako at ngumiti sa kanya. Nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan kaya nagpaalam akong pupunta sa powder room. Nakayuko akong hinahalungkat ang dala kong purse habang naglalakad sa pasilyo. “ A—aray!!!” Muntik na akong mabuwal nang may biglang bumunggo sa akin. Napakislot ako sa sakit ng aking braso. Likod na lang ang nakita kong naglalakad paalis nang hindi man lang humingi ng pasensya. Dahil sa pag-aagawan ng dilim at malamlam na ilaw kaya hindi ko maaninag ng mabuti ang bultong papalayo. Ipinagsawalang-bahala ko nalang at nagpatuloy sa paglalakad. Kadalasan naman kasi sa mga mayayaman akala nila, kaya ka nilang bilhin. Ang paghingi nila ng tawad sa mga mabababang uri ay napakahirap sabihin. “ Monte's taste on woman doesn't change!” napahinto ako sa paglalagay ng pulbo sa aking mukha. Isang sopistikadang babae ang katapat ko sa salamin na inaayos ang pagkakatali ng kanyang suot na gown. “ Low class b***h! Tsk,tsk,” ngumisi siya at diritso ang tinging pinupukol sa akin. Bigla akong naguluhan, inaanalisa ang kanyang mga sinasabi. “ Chanel...—most expensive brand!” Napasulyap ako sa hawak na pressed powder na bigay ni Monte. Umangat ang tingin ko sa kanya ng mahinuha ko ang pinupunto niya. Sumakit ang lalamunan ko sa pagtitimpi ng aking galit at kahihiyan. Nanataling tahimik ang paligid. “ Pero kahit gaano man kamahal ang make up na itapal mo sa iyong pagmumukha, hindi mo mapipigilan ang pag-alingasaw ng baho ng iyong pagkatao.” Napatingin ako sa repleksyon niya. Nagtatanong ang aking mga titig pero tinaas lang niya ang kanyang kilay. Wala man lang akong nakitang pagsisisi sa bawat sulok ng mga mata niyang puno ng sarkasmo at pagmamalaki . Ang iba ay dahan-dahang naglalabasan at alam kong nakikinig at nakiusyuso na rin. Gustuhin ko mang ipagtanggol ang aking sarili ngunit alam kong sarado ang kanilang isip. Ni minsan, di ko hinangad ang karangyaan. Ngunit tuwing magkakasakit ang isa sa pamilya ko lagi akong nagdadasal na sana kahit konti, umangat man lang! Masama ba iyon? “ May I have this dance with you?” Naglahad siya ng kamay kaya walang pagdadalawang-isip na tinanggap ko iyon at sumunod sa kanya. Ang lamyos ng musika ay napakasarap sa tenga. Bumibigat ang aking mga talukap sa mahihinang indayog habang sumasayaw. Dahil sa pagod dala nang mahabang biyahe kaya siguro gusto ng pumikit itong mga mata ko. Naramdaman ko nalang na unti-unti akong umangat at kahit anong buka ko sa aking mga mata hindi pa rin nagigising ang aking diwa. Tuluyan ng ginupo ng antok at nakatulog. Lahat ng gastos ko hanggang pag-uwi ay sagot ni Monte kaya kahit isang kusing, walang bawas sa aking sasahurin. Gabi na ng dumating ako sa bahay. Bitbit ang travelling bag, kinakapa ko ang susi mula sa aking bulsa. Kung minamalas nga naman wala akong pang-ilaw. Kung kakatok ako baka magising ko pa si Tatay. May pasok pa naman ako bukas. Balik trabaho na dahil sa pagbaba ng kaso ng mga nagpositibo sa virus. “ Need some help?” May bigla nalang tumikhim at nagsalita. Hindi na ako nag-abalang linginon pa siya. Mga tambay sigurong kapitbahay at nag-iinuman pa, minsan hindi na nga natutulog gusto na yatang sumalangit. “ Hindi na!” Nasaan ba kasi iyong maliit kong pitaka. Kung kelan kailangan tsaka hindi mahagilap. Bigla nalang may umilaw, at ang nakakapikon sa mukha ko pa. “ Pwede bang ibaba mo naman iyong ilaw? Ang sakit sa mata!” Sandali akong napakurap. Hindi ko na napigilang pagtaasan siya ng boses. Para tuloy kumukuti-kutitap ang paningin ko. “ Akala ko hindi mo kailangan ng tulong!” Hindi na ako sumagot pa. Ako na nga ang tinulungan, ako pa ang may ganang magreklamo. Mabilis kong tinignan iyon tsaka bumalik sa pagkalkal sa aking bag. “ Nasaan na ba kasi iyon!” pinagpapawisan na ang aking noo at kili-kili dahil sa pagbubuklat ng aking mga gamit. “ C cups, hmmm— perfect!" Napasulyap ako sa kanya. Nagulat ako dahil nasa hawak kong panloob ang kanyang mata kaya dali ko itong pinasok sa bag. “ Bastos—”mabilis akong tumayo ng makapa ko sa secret pocket ang susi. “You forgot something, Miss!” “Sa 'yo na 'yan, kung gusto mo, baunin mo kung saan ka magpunta. Wala akong panahong makipag-argumento sa 'yo kung sino ka man,” inis kong sahoy. Inaaninag ko pa ang butas ng doorknob habang nagsasalita. “Fine! I'll bring this home, then!” “Bahala ka sa buhay mo.” “ Are you really sure?" Naubos na ang pasensya ko.“Huwag mo akong pinaglolo—, teka, akin na nga 'yan. Walang hiya ka, bastos!” Hinaklit ko ang bagay na nasa kanyang kamay bago pinagsikapang ipasok ang susi. “Thong is better,” pagpapatuloy niya, “ but, I didn't knew that red satin undies are the best.” Uminit ang aking mukha dala ng hiya, gusto ko nalang higupin ako ng lupa. Kung bakit ba naman pati panty ko'y nakuha niya pa. Loko iyon, ah! Sino ba ang lalaking iyon? Kahit mukha niya hindi ko maaninag dahil sa dilim. Dahan-dahan kong sinirado ang pintuan at patingkayad na humahakbang papunta sa aking silid. “ Iya, bangon na! Mali-late na tayo! Bakla ka.” Hinigit ko ang kumot atsaka muling sumukob, nang makatulog man lang kahit konti. Ito talagang si Beth ang alarm clock ko, tuwing may pasok mula noong nasa elementarya pa kaming dalawa hanggang ngayon. “ Limang minuto na lang!” Pilit niyang hinihila ang kumot. Pati tunog ng pagbukas sa aking bintana, dinig na dinig ko kaya wala na akong choice kundi bumangon. Ilang oras lang kasi ang tinulog ko kagabi. “ May utang ka pang kwento sa akin. Dali na. Susundan mo pa 'ata lahat ng dilim sa bawat sulok , eh!” Kinusot ko ang aking mga mata at lulugo-lugong naglakad papunta sa aking banyo. Hindi ko na naabutan si Beth paniguradong bumaba na iyon. “ Alam mo bakla. May bago kaming boarder. Ang gwapo, masarap...ahh, choke me Dzaddy!” tili niya. Kilig na kilig habang nagkukwento sa lalaking bagong nangungupahan sa kanila. “ Magdadala ka ba ng baon, anak?” tanong ni Tatay. Napatango nalang ako sa kanya bilang sagot dahil punong-puno ang bibig ko sa pagmamadali. Malapit ng mag- alas otso paniguradong tataas na naman ang kilay ni Mrs. T. nito. “ Itay, umupo ka muna at ng makunan ko kayo ng BP bago ako pumasok!” Sinisigurado ko bago umalis na nasa tamang pressure iyong dugo niya at nakainom ng gamot. Minsan kasi nakakalimutan niya ang mga importanteng bagay lalo na iyong gamot niya. “ Dos, 'yung mga basahan niyo sa likod huwag niyong kalimutan!” “ Oo ate! Alis na kami, 'Tay!” Sumunod na rin kami papunta sa labasan. Abala akong naglalagay ng press powder sa aking mukha habang naglalakad. “ Jusmiyo, bakit hindi ka lumaban? Sayang at wala ako dun. Hmmp!” dabog niya. Umiling ako at muling pinagtuunan ang ginagawa. Marami pa akong bagay na kailangang pagbigyang pansin kaysa ang makipag-away sa mga taong sarado ang utak. Wala akong dapat ipaliwanag sa kanila. “ Hayaan mo na!” Wala akong magagawa kung ano ang iisipin nila. Hindi ko kontrolado ang bawat pangyayari at ang pang-unawa ng bawat isa. “ Kita nalang tayo, mamaya sa canteen!” Kuminding pa ang bruha at nagsitaasan na naman ang kilay ni Mrs. T. Maraming tela ang kailangan kung gupitin kaya't parang mawawakwak na ang mga maliliit kong braso. “ Iya, pwede bang magtraysikel naman tayo ngayon. Burlogs na ang byuti ko, Mars! Nangangamoy salad na tayong dalawa kahit siguro sale hindi na ako mabebenta!” Kahit kelan talaga itong si Beth ang arte. Pagod na rin ako kaya't sumakay na kami. Sayang sana iyong sampung piso, malapit lang naman. “ Anong malapit? Tignan mo itong mga binti ko mukhang puputok na sa sobrang laki dahil araw-araw tayong naglalakad! Tinalo ko pa iyong binti ni CR7!” Pati drayber ay nakitawa na rin. Siya lang ang nag-iisa kong kaibigan. Nakaranas naman akong makipagkasundo sa babae kaso ayaw ko kasing nag-aaway at pinagtsitsismisan ang isa't-isa. Kung sino ang wala, panigurado ikaw ang magiging pulutan. Itong si Beth, complete package na at nakakawala ng problema dahil sadyang masayahin ang mga binabae. “ Magandang gabi, 'Tay!” Nagmano ako at kinuha na rin ni Tres ang mga dala ko. May ilang umiinom at kumakain ng balot ang aking nadatnan. Nasa tapat lang kasi ng kalsada ang bahay namin kaya nagtayo kami ng munting tindahan para sa mga pang-araw-araw na pangangailangan ng mga naririto. Pandagdag kita na rin. “ 'Tay, gamot niyo?” Pumasok ako ng tindahan at sinuri kung may kulang ang display para bumili na rin ako bukas. “ Tapos na anak, kumain ka muna! Mamaya na iyan.” Kailangan kong gawin ito ngayon at ng makapagpahinga na ako pagkatapos. “ Good evening. Do you ahm, do you have a toothpaste?” “ Meron, anong brand?” sagot ko habang nasa listahan ang tingin. “W-hat? What brand?” “Colgate, close up o hapee. Mamili ka!” Ilang minutong katahimikan ang namayani bago nagsimulang mag-talo ang mga nag-iinuman sa labas ng tindahan. “Bigyan mo ng kahit ano, Iyang. Pareho lang ang mga 'yan!” sabat ni Enting. “Hoy, gago. Iba-iba iyan. Palibhasa wala kang ngipin. Close up nalang, bossing. ' Yan ang gamit ko, kita mo? Ang puti!” Sinulyapan ko ang sinasabi ni Baldo na maputi. Totoo nga! Iyon lang kasi ang maputi na kitang-kita sa bilugan niyang mukha. Araw-araw ganito ang buhay ko, nakasanayan ko na rin. Hindi man lang ako nakakaramdam ng pagkamuhi sa aking mga magulang na hindi ako nabigyan ng magandang buhay. Mas sumasaya ako na dahil sa akin naaalagaan at nabigbigyan ko sila ng kaunting kaginhawaan. “ My change?” Ayun, nakalimutan ko na siyang bigyan ng sukli. May pa-english pang nalalaman itong...teka! Napatingin ako sa kanya at binigay na ang dalawang pisong sukli. Di ako sigurado kung siya ba iyong kagabi. “Oy, Croix, andito ka pala!” Napailing nalang ako sa kalandian ni Beth. May pakagat ng labi pa ang bruha. Iyon pala ang kinikwento niya. “ Iya, anong ulam ninyo? Hindi ako tinirhan ng ulam sa bahay.” Nauna pa siyang pumasok. Tinapos ko lang irefill ang bote ng beer sa ref at sumunod na sa kanya. Hindi ko gusto ang aura ng lalaking ito. Masyadong misteryoso. Nahuhuli ko siyang nakatitig sa akin ng masama. Galit o pagkamuhi ang nababanaag ko sa kanyang mga mata? O di kaya'y kathang isip ko lang iyon. Ilang araw ko nang napapansin na lagi siyang tumatambay dito kasama ang aking mga kapatid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD