Chapter 3: SUSPICIOUS CALLER

2182 Words
“ Nanliligaw ba iyan sayo?” tanong ni Beth. Kumunot ang noo ko. Sino? Kung ano-anong iniisip, kulay ube na naman iyong kuko niya. Sinundan ko ang direksyon ng nguso niya at bumalik agad ang tingin sa kanya. “ Porket andito palagi, nanliligaw agad?” Napailing ako sa kanya na halos lunukin lahat ng tortang talong. “ Alam mo naman matalas ang pang-amoy ko. Pustahan tayo, may gusto iyan sayo.” “ Sige at ng isubo ko 'yang buong talong sa ngala-ngala mo. Masyado kang mapangduda!” Sumulyap ako sa kinaroroonan nila, sakto namang tumingin si Croix kaya nag-abot ang aming titig. Tinaasan niya ako ng kilay at madilim pa sa hating-gabi ang mga matang halos ibaon ako sa lupa. Naramdaman ko na lang ang mahinang kurot ni Beth sa aking tagiliran kaya't sinulyapan ko siya ng masama. Hindi ko alam kung naiihi ba siya o natatae sa kanyang kinauupuan. “ Ang guwapo! Bagay na bagay kayo!” umindak siya sa upuan kaya muntikan ng tumimbuwang ang mesa. “Tumigil ka nga! Ang landi mo. Huwag mo nga iyang pansinin at baka pag-isipan pa tayo ng masama!” “Totoo naman 'di ba?” “ Makakain mo ba iyang gwapong mukha?” “ Ito naman masyadong kj! Hindi PO,” aba't talaga pang diniin ang salitang po. Kung nakakamatay lang ang titig, kanina pa ako bumulagta dito. Hindi ko alam pero parang may kakaiba sa kanya na hindi ko matukoy kung ano. Pinagsawalang-bahala ko nalang ang mga titig niya at nagpatuloy sa pagkain. Marami ng oras ang naubos sa pag-iisip ko sa kanya, na 'di dapat. Bahala siyang maduling, kakatitig. Kinakalkula ko ang magiging gastusin para sa gamot ni Itay. Nasa maliit na folder ang lahat. Kuryente, tubig, groceries at pati ang income ng tindahan ay binukod ko rin. Hindi rin mawawala ang para sa PANGARAP. Kahit walang gala, okay lang. Napabuntong-hininga ako. Kasya pa. Pero hindi ako dapat pakampante, kailangan kong mag-ipon para sa emergency funds. Binisita ko ulit ang online store namin ni Beth. Sinagot ko ang ilang mga katanungan sa messenger, at pinili ang ilang pictures na nakuha namin kanina para sa mga bagong produkto. Ilang minuto ang nakaraan at nakadama na ako ng antok, kailangan ko ng pahinga kaya ang mga gala ay 'di sumasagi sa aking isip. Tulog lang, iyon ang pahinga ko. “ Mukhang napapadalas iyang out-of-town mo anak, ah!” puno ng pag-aalala ang mukha ni Tatay ng magpaalam akong aalis para magtrabaho. May lakad na naman kasi kami ni Monte sa susunod na Linggo pa naman pero gusto kong magpaalam nang maaga. Bigla nalang may nabasag sa sala kaya nahinto ang pag-uusap naming dalawa. Nagkalat ang bubog sa sahig. “ Anong nangyari, pare? Okay ka lang?” Pulang-pula ang mukha ni Croix. Galit ang tinging pinupukol sa akin o di kaya'y ilusyon ko lang din. Tinaasan ko lang siya ng kilay habang nakahalukipkip. “ I-i'm fine! Pasensya na Dos!” Pumanhik na ako't hindi na sila pinansin pa. Maliligo na lang ako at magpapahinga. Kung minamalas nga naman, naubusan na pala ako ng stocks na pads. Wala na rin doon sa tindahan. Sobrang busy kasi kaya nawala na sa isip kung malapit na pala ang dalaw ko. “ 'Asan si Dos?” Napahawak ako sa dulo tuwalyang nakabalot sa aking katawan. Naka loose shirt lang kasi ako hanggang hita at walang panloob dahil maliligo. “ Gone out. Why?” Umiling ako't umakma ng aalis ng bigla niyang hawakan ang braso ko. Muntik na akong mapatili kung hindi ko pa naalalang tulog na si Tatay. “Bitiwan mo nga ako!” “ Is there something wrong?” kunot-noo niyang tanong. Binawi ko ang aking braso. Nakakahiya naman kung siya ang bibili ng gagamitin ko. Ang tanong kung sasang-ayon bang siya ang bibili. Sa pagkakaalam ko, ayaw ng ibang lalaking bumibili ng pads. Pwera nalang sa dalawa kung kapatid. “ Wala! Ako nalang.” Lalong kumunot ang noo niya. Ngayon ko lang nahalatang ang tangos pala ng ilong niya. Maninipis at mapupula ang labi. Gwapo nga talaga. Tama si Beth. Sa sobrang tangkad hanggang dibdib lang niya ako. Amoy na amoy ko ang panlalaking pabango niya. Amoy malinis. Iyong mata niya, parang pamilyar sa akin ngunit ko matandaan kung saan ko nakita. “ You'll go outside with those clothes on?” Nahinto ako sa pag-iistema sa kanya at dumako ang tingin sa aking suot. Wala namang mali. Makapal naman itong tuwalya. “ I'll buy it for you!” Mukhang nagmamagandang-loob naman siya kaya sinabi ko na. “ Whisper yung may wings, dalawa!” Binigay ko ang bente pesos ngunit hindi pa rin siya umaalis. Mukha siyang ewan. Magpri-prisinta, wala naman palang kaalam-alam. “ Sanitary pads! Diyos ko, saang planeta ka ba galing at hindi mo alam.” “ Ohh, pads!” Ngumisi siya at tumingin sa akin. Masyadong pilyo. Kung andito si Dos paniguradong hindi to makakaporma. Hindi nga ba? Eh parang magkadikit na ang bituka nilang dalawa. Halos kalahating oras na akong naghihintay, saang lupalop pa kaya iyon bumili. “ Ano 'to?” Napanganga ako sa mga dala niya. Sino ba ang hindi? Apat na karton ng whisper with wings iyong dala niya. Sinong tao ang nasa tamang pag-iisip na bibili ng ganito kadami. Sa tindahan nga namin pinakamarami na ang dalawang pack. “ I can't use that. And you're the only girl here, so probably it's all yours!” Kahit anong pilit ko sa kanya ayaw niyang kunin iyong iba. Aanhin niya naman. Ibebenta ko nalang para naman mabayaran ko siya. “ Mag-antay ka kung kelan kita mababayaran, ha.” Tumango lamang siya at tinulungan akong ipanhik lahat ang apat na karton sa aking kwarto. Problema ko pa ngayon kung saan ko ito ilalagay lahat at ng di masyadong sumikip itong kwarto ko. “ Don't you have cabinets for your toiletries?” Nag-ala sumang pinipit ang aking mga kilay. Sosyal. May cabinets pang nalalaman. “ Lumabas ka na nga baka makita ka nila dito at mabugbog ka pa!” “ So, ayaw mo akong mabugbog?” Napakawalang-hiya naman ata nitong taong 'to. “ Anong ayaw? Ayaw ko lang makagastos sa pagpapaayos ng mukha mo!” Humalakhak siya kaya't parang lumipad ang kaluluwa ko at daling tinakpan ang bibig niya. Baka magising pa si Tatay at talagang mapapasubo ako. Dahil sa aking mabilis na kilos, nabuwal kaming dalawa papunta sa aking kama. Nakadagan ako sa kanya habang hawak ang kanyang baba. “ Tumahimik ka nga, Croix!” Pabulong kong sabi. Pigil na pigil ko ang sigawan siya. Ilang segundo siyang nanigas ngunit muli ring gumuhit ang mapaglarong ngisi sa kanyang labi. “ Say it again?” Lumaki ang mata ko sa gulat ng bigla kong naramdaman ang dila niya sa aking aking palad. “ Bastos!” Lumundag ako sa pagkakadagan sa kanya at dumiritso sa banyo. “ Ate, okay ka lang?” Mas lalo akong nahintakutan ng biglang kumatok si Dos. Ano na ang gagawin ko? Pinagpawisan ako ng malagkit. Dahil sa napkin na iyan nagkanda leche-leche ang gabi ko. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Pero si Croix mukhang natutuwa pa. “ Wa-wala! Nag— ahmm, nagpa- practice para sa audition sa gig.” Buti at naniwala naman. Naririnig ko ang mga yapak niya paalis. Tiningnan ko siya ng mariin. May gana pa talaga siyang ngumisi. Problema ko pa ngayon kung paano ko siya palalabasin. “ I don't have a problem sleeping in your cute bed!” Ano? Akala siguro nito kakasya yung mga binti niya sa kama ko. “ At sinong nagsabing papatulugin kita dito?” Ano siya sinuswerte? Nameywang ako habang nag-iisip. “I looked like Tarzan, Sophia! Bukas nalang ako bababa, baka mabalian pa ako ng buto rito.” “ Huwag ka ngang maingay!” Pabulong kong sabi sa kanya habang pababa sa aking bintana, papunta sa puno ng bayabas. “Aww! What the f**k was that?” “Tumahimik ka nga, talagang itutulak kita kapag narinig tayo rito!” Masyado ata siyang nasisiyahan sa mga nangyayari. Tawa siya ng tawa. Nagmukha siyang magnanakaw na nakalambitin sa puno. At dahil hindi kalakihan ang puno at masyado siyang malaki kaya sumasayaw ito sa bawat balanseng ginagawa niya. Tinakpan ko gamit ng mga palad ang aking bibig. Sumasakit na ang tiyan ko sa kakatawa. Para siyang si Tarzan na nakalambitin sa sanga, baging nalang ang kulang. “ Sophia, gabi na! Matulog ka na. May ibang tao ba riyan?” rinig ko ang boses ni Tatay. Nilagay ko ang hintuturo sa aking labi para senyasan siyang huwag maingay, mabuti naman at nakuha niya ang ibig kong sabihin. “ Wala po, 'Tay! Matutulog na po!” Sinara ko agad ang pinto. Naghugas ng katawan atsaka humiga. Hindi mapuknat ang ngiti sa aking mga labi. Ngunit nawala rin kalaunan matapos bumalik sa akin ang realidad ng buhay. May kaunting kiliti ang pumaibabaw sa aking tiyan, napapangiti ako habang inaalala ang posisyon niya kanina habang pinapak ng mga langgam. Nakakatuwa. NAALIMPUNGATAN ako sa tunog na nagmumula sa aking telepono. May tawag. Kahit lutang pa ako't nakapikit kinapa ko sa mesang katabi ng aking kama, “ Hello?” wala sa sarili kong tanong. Tanging kaluskos lang ng isang bagay ang aking naririnig, kung hindi ako nagkakamali, coffee maker. Inatras ko ang aking mukha at pinanliit ko ang aking matang tiningnan ang screen ng aking cellphone. Unknown number. “Hello, sino 'to?” Naiinis na ako. Ilang segundo na wala pa rin akong sagot na naririnig kundi ang tanging pagpitik ng switch o kung anuman. “Kung wala kang magawa sa buhay, magpatulog ka ng tao, pwede?” Walang pagdadalawang-isip kong pinutol ang tawag at muling tiningnan ang aparatung hawak. Alas tres ng madaling araw. Kung sino man siya, sana mapuyat siya. Hinila ko ang kumot sa aking paanan at pinulupot sa aking katawan. Scammer. Iyon ang nasa isip ko. Kung may plano siyang huthutan ako, wala siyang mahihita sa 'kin. Mataas na ang sikat ng araw nang magising ako. Ang hirap pa namang bumangon kapag late na akong nagigising. Gusto ko nalang humilata maghapon, sobrang bigat sa katawan. “Ate Iya! Baba ka na raw, sabi ni Tatay,” marahang boses ni Tres. “Oo, maghihilamos muna,” sigaw ko matapos ma-press ang send button sa huling nag-inquire sa benta naming Maxi dress. Wala kaming matinong trabaho sa ngayon, ang mga kapatid ko rin ay apektado sa pandemya kaya kailangan kong bumenta. “ Yeah, they've agreed on a 8-player trade with the rockets,” tumulis ang nguso ko nang marinig ang baritonong boses ni Croix sa sala. Abala sila sa usaping basketball. Tumalima ako papasok sa kusina at nagsimulang kainin ang mga tirang nasa mesa. Nakalagay sa iba't-ibang mangkok ang mga ulam. Bigla akong natigilan. Ang sarap! Parang mamahalin. Wala na akong sinayang na oras, sumandok pa ako ng gabundok na kanin at tinaas ang paa sa kahoy na upuan at nilantakan ang mga pagkain. Ngayon ko lang naramdaman ang gutom, na parang pinagkaitan ng ilang araw dahil masyadong marami akong iniisip. Kasalanan ko rin naman. Ay, hindi! Kasalanan no'ng caller kaninang madaling-araw. Dinisturbo niya ang tulog ko. “Ang sarap kumain kapag nakakamay!” wala sa sarili kong sabi matapos ininom ang juice sa aking tabi. “Really?” Napalingon ako sa gilid. Nakasandal sa hamba ng pinto at nakahalukipkip, “ we'll see about that,” sabi niya. Tinaasan ko lang siya ng kilay. FC. Hindi kami magkaibigan kaya hindi na ako nag-aksaya ng oras para sumagot. Naalibadbadbaran ako sa pagmumukha niya. Gwapo. Tipong gusto mong pisilin at busisiin kung pinagawa o natural talaga. Gumuhit ang mapaglarong ngisi sa kanyang labi kaya nagbaba ako ng tingin. Masyadong misteryoso. Iyong pakiramdam mong may binabalak na masama sa 'yo. Feeling ko gano'n, eh. Kaya ayaw na ayaw ko siyang makasalamuha. Andiyan pa ang mga titig niyang gusto akong ilibing ng buhay. Tumayo ako. Inipong lahat ang mga kagamitan at dinala na sa lababo. “Did you like the food?” Pinikit ko nalang ang aking mga mata sa hiya habang nakaharap sa lababo. Akalain mo nga naman, dala niya pala 'yon. Kinagat ko ang aking labi at sinimulang sabunin ang mga pinggan. Hindi ko pinansin ang presensya niya. Wala akong ideya kung bakit palagi siyang andito, kulang nalang dito tumira. “Croix, pare! Wala ng Grande sa tindahan, eh. Heto, Mojito. Malamang, makakadiskarte ka na mamaya!” “Yeah, right!” pati 'ata istilo nitong Croix ginaya na rin ni Dos. Pumihit lang ako nang marinig ko ang papalayo niyang yabag. Naiwan ang kanyang amoy sa kusina at ang pamumula ng aking pisngi dahil sa hiya ay unti-unti na ring humupa. Naubos ang araw ko sa paglilinis ng kabuuan ng aming bahay. Katulong ko si Tres paminsan-minsan, pero ngayon ako lang mag-isa, nagpaalam na aalis at may sideline raw siyang aatupagin. “Kung sino ka man, sana pumutok ang eyebags mo! Disturbo!” pasigaw kong sagot sa misteryosong caller. It's 3 AM. Sinong may tamang-isip ang mag-aalay ng oras na gambalin ang masarap kong tulog. Akma ko ng puputulin ang linya nang magsalita ang isang pamilyar na boses. “D-don't drop the call, yet!” “Croix?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD