Laking pasasalamat ni Chanylle dahil kinabukasan ay naging maayos na ang pakiramdam niya. Tumalab naman pala ang gamot sa lagnat na ininom niya. Ang hindi lang talaga nawala ay ang sakit sa gitnang bahagi ng maselang parte ng katawan niya.
Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras upang lisanin ang hotel. She will go back to the place where she belong. Kung magtatagal pa siya ay nasisiguro n'yang wala siyang mukha na maihaharap sa R.Drebb na 'yon. At hindi niya maaaring pabayaan si Reyn kaya babalik siya ng Davao.
She will just go back to her chaotic life dahil sa kabi-kabilang sermon at pandidikta ng kanyang mga magulang. But sometimes she must look at the brighter side. If she will marry that Roger, hindi niya na lang iisipin na baka katulad din ito ng kanyang mga magulang. Dapat maging positibo siya. Malay niya at mabait naman pala ang Roger na iyon at kaya siyang gawing prinsesa sa bahay. Pero naisip rin niya, paano kung pangit ang Roger na iyon? at paano kung pagbuhatan siya ng kamay? Mapipilitan pa rin siyang magpakasal alang-alang sa pagtanaw ng utang na loob ng kanyang mga magulang sa pamilya nito.
She's still thankful dahil sa kanyang paglalayas sa poder ng mga magulang ay hindi naman siya nakaranas ng kahirapan. Money is power ika nga. Pero siguro kung nagtagal siya sa paglalagi sa Baguio ay marahil naubos ang perang inipon niya noon pa, na siyang iginagasto niya sa ngayon. At ang akala niya ay malilibot niya ang mga lugar na nais niyang mapuntahan noon.
After her long ride at last nasa teritoryo na siya ng kanyang mga magulang. Hindi niya maipagkakailang na miss niya ang lugar na iyon.
As she enters the door, she expected the silence greeted her hearing. Marahil ay nagpapakaabala nanaman ang mga magulang niya sa mga negosyo.
Paumailang hakbang siya. Gulat na gulat siya nang may biglang humagupit ng sampal sa kanyang makinis na mukha.
To her surprise, it was her mom looking at her angrily and her dad beside her mom wearing sarcastic smile.
“Iyan ang kabayaran ng pamamahiya mo sa amin ng daddy mo!” mariing saad ng kanyang ina.
“And because of what you've did, nadamay ang kaibigan mong si Reyn.” Ang saad naman ng kanyang ama na matalim na nakatingin sa kanya.
“Hindi ko po kasalanan kung masama kayong tao! Hindi ninyo dapat idinadamay ang walang kinalaman!” Naiiyak na sigaw ni Chanylle.
“Enough, Chanylle. Wala akong pakialam! Ang mahalaga ngayon ay nandito ka na at matutuloy na ang kasal ninyo ni Roger!” Mataas ang boses na wika ng kanyang ama. Inutusan ng ama ang ilang katulong na dalhin siya sa kanyang silid.
Nagulat ang dalaga nang makita doon si Reyn. Malungkot na malungkot ang mukha. Napatakbo ito palapit sa kanya nang makita na siya. Mahigpit siyang niyakap.
“I'm sorry, Reyn. Pati ikaw nadamay. Anong ginawa nila sayo?” Ang naiiyak na tanong ng dalaga sa pinsan.
“Sinaktan ako ni Tita. Ikinulong nila ako sa kwarto mo.Hindi ako pinakain ng ilang araw.” Pagsusumbong nito. Halata naman dito ang pagdurusa. May mga pasa din ito sa mga braso.
Nagngitngit ang kalooban ni Chanylle.
Walang paglagyan ang kaba at takot ni R. Drebb habang humahakbang papasok ng kanilang bahay. Sa wakas ay nakarating na siya sa kinalakhan niyang probinsya ng Davao. Ang tagal niyang nanirahan sa ibang bansa at ngayon niya lang ulit nasilayan ang kagandahan ng kanilang lugar. Ang preskong amoy ng kapaligiran ang pinakamiss ng binata.
Kung hindi lang dahil sa mga plano ng mga magulang niya para sa kan'ya ay malamang pagkagaling ng Paris ay dumeritso na siya ng Davao City. Pero dahil iniwasan niya ang mga plano ng mga ito ay mas minatamis na lamang niya ang magtungo muna ng Baguio City baka sakaling huwag ng ipilit ng mga ito ang bagay na ayaw niya. Saka niya babalikan si Caroline sa Paris.
“Welcome back!”
Gulat na gulat ang binata nang biglang may nagsigawan ng welcome back, pagkabukas pa lang niya ng pintuan.
Napakunot-noo siya sapagkat nakita niya ang kanyang ama. Ang sabi ay isinugod ito sa hospital. Mababanaag ang sobrang saya ng mga mukha ng kanyang ama at ina gayundin ang bunso niyang kapatid na babae at ang mga pinsan niyang lalaki na sina Rylan, Rolly at Rigor.
“What's the meaning of this?” naguguluhan pa rin na tanong ng binata sa mga ito.
Nagkatinginan ang kanyang mommy at daddy sabay halakhak sumunod naman ang kapatid at mga pinsan niya.
“We're just lying!” Tila proud pang sagot ng kanyang kapatid na si Clarisse.
Napakamot naman sa ulo ang binata. Hindi maiwasan ang madismaya dahil sa paghahabi ng mga ito ng kasinungalingan.
“Sorry anak, ginawa lang naman namin iyon para umuwi ka na dito,” malungkot naman na saad ng kanyang mommy.
“Pauuwiin ninyo ako dito para ano? Para pilitin sa mga naunsiyami ninyong plano?” Inis na sumalampak ng upo si R. Drebb sa isang single sofa na malapit sa kinatatayuan niya kanina.
“This is for your own good, Drebb. Sa tingin mo ba itutulak ka namin sa isang bagay na alam namin na ikakasira mo? No, we're not like that.” Sabat naman ng kanyang daddy. “You need to find a woman na sasamahan ka habang buhay.”
“Besides, you're stable. You have your own business. And we shoulder on you all the responsibilities for our business here in Davao,” Sabat din ni Rylan.
“D'yan kayo magaling! Bakit? Magaling din naman naman kayo. Umaasa akong kayo ang mangunguna dito.” Kunwa'y inis na wika ni Drebb sa pinsan na si Rylan.
Mahina naman itong natawa. Lumapit ito sa kinauupuan niya at tinapik tapik ang balikat niya.
“Rolly, Rigor and I are just your followers. You must be the team leader, a CEO of Mindanao Grande Hotel.” Nakangising saad nito. Sinagot niya lamang ito ng buntong-hininga.
“We all know how dedicated you are in terms of business. And being with that kind of business, you have the capacity to create your own family. To build a happy family!” Sosog naman ni Rigor. “You can feed your family.”
“That's why we are forcing you to be married immediately!” nakangisi din na sosog ni Rolly.
Hindi na niya pinansin ang mga ito. Ibinaling niya ang tingin sa kan'yang mommy at daddy.
“Patawarin mo na kami, anak.” Ang kan'yang mommy.
“Sorry.” Wika naman ng kanyang daddy.
Matagal bago siya sumagot.
“I'ts okay. I'm still happy na hindi totoong naisugod ka sa hospital.” Nakakaunawang tugon ni Drebb.
Dahil nga matagal na hindi nakasama ni R. Drebb ang pamilya ay nagkaroon sila ng bonding moments.
Sa kabila man ng itinatagong bigat sa dibdib ng binata. Dahil alam niya one of this day, matutupad na rin ang kagustuhan ng kanyang mga magulang, ang bagay na hindi lubos maisip ni R. Drebb na mangyayari pala sa kanyang buhay.
“And because you are already here, we will celebrate, let's drink!”
Ang boses ni Rigor ang nakapukaw sa malalim na pag-iisip ni R.Drebb. Inabutan siya nito ng wine.
Roger's homecoming was a joyous occasion as he was warmly welcomed by his three cousins. The air was filled with excitement and nostalgia as they gathered to create new memories. The atmosphere was vibrant, and the laughter echoed through the walls as they shared stories of their childhood.
As they sat around the table, a bottle of wine in hand, they began to reminisce about the days when they were carefree and innocent. The clinking of glasses and the rich aroma of the wine filled the room, creating a sense of friendship among them.
The first sip of wine triggered a cascade of memories. They laughed about the mischief they used to get into, the secret hideouts they built, and the countless adventures they embarked on together. Each sip seemed to unlock another chapter from their past, and soon they were engulfed in a flood of stories that transported them back in time.