Nakahinga ng maluwang si Chanylle pagkatapos niyang yakapin ang kaibigang si Reyn. “I'm sorry for what happened.” “It's okay.” Tugon nito. Pagkatapos ng pang-aapi ng pamilya ni Chanylle sa kaibigan ay napagdesisyunan nitong bumalik na muna ito sa Canada kung saan naroroon ang mga kapatid nito. Wala nang mga magulang si Reyn at lingid sa kaalaman ng mga kapatid nito ang lahat ng nangyari dito. “Thank you for being my very good friend. I'll treasure you in my heart,” umiiyak na niyakap ni Chanylle ang kaibigan. Naging emosyonal sila pareho. Wala siyang naging kaibigang matalik simula pa noon. Ito ang naging sumbungan niya sa lahat ng problemang pinagdadaanan niya. Kapwa wala rin karanasan pagdating sa pag-ibig. Parang magkapatid na rin ang turingan nilang dalawa kaya masakit para sa k

