Chapter 9

2188 Words
“We're glad that you're already here, hijo!” Ang masayang wika ng ama ng binata. Mabilis na binawi ni Chanylle ang tingin sa nagtatanong na mga mata ng binata. “Have a seat at kailangan mong tabihan ang mapapangasawa mo!” Tila teenager na kinikilig na sabi ng sariling ina. Hindi malaman ni Chanylle ang gagawin. Nag-umpisa nang rumagasa ang kakaibang damdamin ng dalaga. Para siyang biglang naging pipi sa mga sandaling naramdaman niya na ang pag-upo ng binata sa kanyang tabi. “Why are you so shy?” Ang wika naman ng ama ni Chanylle. “Hijo, look at your future wife. She's really beautiful.” Tila nanunukso naman na wika ng ama ng binata. Narinig niya lang ang pagtikhim nito. Hindi naiwasang itanong ng dalaga. Sa dami ng lalaking dapat niyang pakasalan ay ito pa talaga? Paano nangyari iyon? Parang nananadya talaga ang tadhana. “We invited them for a dinner because, we will be discussing about your wedding,” Ang masayang saad ng ina ng binata. Hindi umimik ang binata kaya mas lalong hindi mapalagay si Chanylle. Halatang hindi nito nagustuhan ang sinabi ng ina. “You know, Chanylle? From Paris, talagang dinismaya kami ng anak naming ito. Hindi ba naman dumiritso dito sa bahay namin, sa halip ay sa ibang lugar siya nagtungo, tinakasan niya ang kasal ninyo.” Natatawang pagkuwkento ng ina ng binata. Kunwari ay natawa na rin ang dalaga. “Siguro naman ngayon na nakita ka na niya, ay hindi na ito magdadalawang isip na ituloy ang kasal, aba ang ganda-ganda mo kaya!” “Don't forget the food,” natatawang paalala ng ama ng binata dahil simula pa kanina ay walang tigil sa kadadaldal ang asawa, kaya nakalimutan na nilang may pagkain pala sa harapan nila. “Oh, I'm sorry,” hinging paumanhin na wika ng ina ng binata. Binalingan nila ang pagkain sa harap ng mesa. “Serve your future husband, sanayin mo na ang sarili mo dahil tungkulin iyan ng isang asawa.” Utos naman ng ina ni Chanylle. Hindi alam ng dalaga paano niya gagawin ang bagay na iyon. Pasimple niyang sinulyapan ang binata, tila hinihintay nito ang gagawin niya. Hindi maiwasang mainis ng dalaga. Pakiramdam niya ay isa lamang siyang alipin na nagsisilbi sa isang prinsipe. “I can manage.” Maya-maya ay narinig ni Chanylle na wika ng binata. Tila biglang nahiya ang dalaga dahil wala siyang nagawa. Hindi niya nagawang pagsilbihan ito. Napatingin siya bigla sa kinauupuan ng kanyang ina at ama na parehong may taglay na madilim na mukha. Marahil ay hindi nito nagustuhan ang hindi niya pagsunod. Nagyuko na lamang siya ng paningin at hindi ginalaw pa ang pagkain na nasa harapan niya. “Alam mo rin ba hijo, na itong mapapangasawa mo ay tumakas din sa kasal ninyo? At ngayon ay hindi na siya makakawala sa pangalawang pagkakataon,” biglang saad ng ina ng dalaga. Alam niyang tumingin sa kanya ang binata kaya hindi siya nag-angat ng paningin pa. Hanggang ngayon ay nagwawala pa rin ang puso niya dahil hindi pa rin niya lubusang matanggap ang mga nangyayari sa ngayon. Marami pang pinag-uusapan ang mga ito subalit tila wala nang naririnig si Chanylle. Basta ang tanging nasa isipan niya lang ngayon ay puro katanungang gumugulo sa isipan niya kahit naman malinaw na ang lahat. “Hija, are you with us?” Saka lamang tila natauhan ang dalaga. “Yeah, yeah ofcourse!” Pilit niyang pinasigla ang boses. “If then, alin ang gusto mo? What kind?” Napanganga ang dalaga at pasimpleng sinulyapan ang lahat ng taong kasama. Naghihintay sila ng sagot. Paano niya masasagot eh hindi niya alam ang pinag-uusapan ng mga ito. “Ha? Eh.. what is it again? I-I mean about what po ang itinatanong ninyo?” Gusto nang maglaho ng dalaga dahil sa sobrang hiya. Pulang pula na ang kanyang mommy at daddy marahil ay sobrang inis na ito sa kanya dahil wala siya sa kanyang sarili. “Excuse me!” Napatingin silang lahat sa binatang biglang tumayo. “Where are you going? We still have visitors.” Ang nagtatakang tanong na ina ng binata. “I'm sorry, nawalan ako ng gana.” “Saan? Sa foods? Hindi mo nagustuhan ang lasa? We can cook again.” Nag-aalalang tanong ng ina nito. “No.no. The foods are good. It's just nawalan lang ako ng gana. Siguro bukas na natin pag-usapan ang tungkol dito. I'm tired. “This is serious agreement, baka naguguluhan pa siya, let her think wisely. Excuse us.” Kung maaari nga lang ay bumuka na ang lupa at lamunin ng buo ang dalaga sa mga sandaling iyon dahil sobra siyang nahiya. “Pero hijo, hindi na kailangan ni Chanylle pag-isipan ito, everything is fine for her!” depensa naman ng ina ng dalaga. Sa halip tipid na ngumiti at nagmartsa palayo si R. Drebb Pag-uwi nila ng bahay ay katakot-takot na panenermon ang matanggap ng dalaga. “Are you insane? Ipinahiya mo ulit kami, Chanylle!” Nanlilisik ang mga matang sigaw ng kanyang mommy. “Paano kung hindi matuloy ang kasal? Paano kung umatras si Roger? Use your mind, woman! Alam mo ba na pinangakuan kami ng malawak na lupain ng pamilya ni Roger kapag pinakasalan mo siya?” Galit na sigaw naman ng kanyang daddy. Kung ganun ay hindi pala totoong utang na loob ang dahilan kung bakit pinipilit siya ng mga ito na magpakasal sa taong iyon, kundi dahil sa yaman. Gustong maiyak ng dalaga. Masyadong nagpapasilaw ang mga magulang niya sa ganung bagay, hindi iniisip ang mararamdaman niya. “Roger's dad and your daddy are best of friends since they were a child. At nais ng ama ni Roger na ang anak lamang ng kaibigan niya ang dapat na mapangasawa ng kanilang anak, at ikaw iyon, Chanylle. Ibibigay nila sa amin ang malawak na lupain na iyon, pumayag ka lang.” Lintaya naman ng kanyang ina. “Kung nag-iisip ka, para din ito sa'yo!” Galit na saad ng kanyang ama. “This is not for me, dad! This is for your own sake! I didn't love that Roger!” Sa wakas ay nasambit ng dalaga. Hindi na siya nahiyang ilabas ang sakit na nararamdaman sa mga sandaling iyon. Umiyak siya sa harapan ng mga ito. Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ng dalaga. Mabilis siyang tumakbo patungo sa kanyang kwarto at doon naglabas ng sama ng loob. Hindi siya lumabas ng kwarto kinabukasan. Mugto ang kanyang mga mata. Matagal bago siya bumangon. Nag shower siya upang kahit paano ay gumaan ang bigat sa dibdib na kanyang dala-dala. Isang katok mula sa labas ng kwarto ang dahilan upang bilisan niya ang pagsho-shower. “Ma'am, ibinilin po ng daddy at mommy niyo na bumaba po ngayon din.” Mula sa labas ay wika ng isa sa mga katulong nila. “B-bakit daw po?” Mabilis niyang binuksan ang pinto. Hindi pa siya nakakapagbihis, tanging roba lamang ang sout niya ngayon. “May bisita po yata kayo.” Napakunot-noo ang dalaga. Sino naman ang bibisita sa kanya eh wala na dito sa pinas si Reyn. Pagbaba niya ay gulat na gulat siya. Sobrang nahiya siya sa kanyang ayos kaya mabilis siyang bumalik sa kwarto at nagbihis ng disenteng damit. Idagdag pa ang pamumugto ng mga mata niya. Ang bisita pala na tinutukoy ay ang parents ni Roger. At talagang kasama pa ng mga ito ngayon ang binata. Sobrang seryoso ng mukha ng binata. Muli ay na confused ang dalaga pero inayos niya ang kanyang sarili. Alam niyang nakamasid sa kanya ang kanyang ama at ina kaya hindi na siya dapat gumawa ng hakbang na hindi magugustuhan ng mga ito. “Good morning po,” bati ng dalaga sa mag-asawa. Hindi niya magawang tingnan ang kinaroroonan ni Roger. “Were here to continue our discussion last night. We hope that this time everything will be clear. Pag-uusapan natin maigi ang tungkol sa kasal ninyo.” Wika ng ama ni Roger. Mahaba-habang diskusyon hanggang sa napagkasunduan nila ang lahat tungkol sa kanilang kasal. Tumawag sila ng wedding planner at coordinator to make sure that the plans are carried out properly. Kanina pa palihim na sinusulyapan ng dalaga si Roger. Mukhang hindi naman ito nakikinig. Marahil nga ay dahil kapwa nila hindi gusto ang kasal na pinaghahandaan ngayon. Ang ginawa niya ay palihim niyang hinila palabas ng bahay ang binata. “Do something para hindi matuloy ang kasal!” “And why would I do that?” Seryosong tanong nito. “Alam mo, pareho natin hindi gusto ito!” singhal niya “Wala akong magagawa, you know what narinig mo naman siguro ang sinabi ng parents ko kagabi, tinakasan ko itong kasal noon dahil hindi ko gusto!” singhal din nito. “Bakit hindi mo takasan ulit?” Inis na tanong ng dalaga. Nanatiling seryoso ang mukha ng hinata. “Let's just go with the flow. Wala pa rin naman tayong magagawa. Everything is under their control.” Inis na umupo si Chanylle sa isang bench. Nasa harap sila ng swimming pool. “Look, I'm just twenty! Hindi pa ako nababagay sa pag-aasawa! I didn't even know how to cook! How to wash dishes and all!” naiiyak na saad ng dalaga. “Natututunan ang lahat ng bagay kung nanaisin mo. Pero hindi mo naman kailangang gawin ang mga 'yon kasi sa papel lang naman tayo kasal.” Biglang napahiya ang dalaga. Sabagay tama naman ito. “Siguro, magpapanggap tayong mag-asawa sa harap nila. We buy house at titira tayo doon like a real couple.” Seryosong saad nito. “Maaari tayong magsama sa iisang bubong, pero sa iisang kwarto hindi.” Narinig ni Chanylle ang mahinang pagtawa nito. Inis niyang sinulyapan ang lalaki. “Bakit? Ano ang ikinatatakot mo?” Makahulugang tanong nito. Pinamulahan ng mukha ang dalaga. May dapat ba siyang ikatakot? “Don't worry, hindi kita gagalawin,” nakangising saad nito. “I'm done doing that.” Nanlaki ang mga mata dalaga. Inis niyang binalingan ito ng tingin dahil sa huli nitong sinabi. “Tell me the truth, R. Drebb, Roger whatever! May nangyari ba sa atin sa hotel na 'yon?” kinakabahang tanong ng dalaga. Matagal bago sumagot ang binata kaya mas lalo siyang kinabahan. “Forget about the past.” Naalarma ang dalaga. “So mayroon nga?” naiiyak na tanong niya. Nakita niya ang paggalaw ng adams apple nito dahil sa paglunok. “Ikaw mismo ang dapat na makakaalam.” Wika nito sabay talikod sa kanya at naglakad palayo sa kinatatayuan niya. Napaiyak ang dalaga. Hindi niya maiwasang hagilapin sa kanyang alaala kung mayroon ngang nangyari nong gabing iyon, pero wala talaga siyang maalala. Wala siyang ibang naramdaman kundi ang pananakit ng maselang bahagi ng katawan niya, headache, painful and like swelling private part. At ang mantsa ng dugo sa kobre kama! Kaya mabilis niyang inalabas ang selpon at nag google search ng mga maaaring signs o nararamdaman after makipag s*x ang isang dalagang birhen pa. Wala kasi siyang ideya tungkol sa bagay na iyon. Napatakip ng bibig ang dalaga. Nabasa niya doon ang vaginal bleeding, vaginal swelling, sudden headache after s*x at marami pang iba na talaga namang naranasan niya. “What would I do?” Naiiyak na tanong ng dalaga sa sarili. Bumalik siya na parang basang sisiw. Hindi niya matingnan ng diretso ang mga mata ni R. Drebb o Roger Drebb. “Napansin kong lumabas kayo ni Roger, anong ginawa niyo? Is that already a sign na magkakasundo na kayo?” Ang masayang tanong ng mommy ng binata. This time nagtapon ng tingin ang dalaga sa binata. Wala itong reaksiyon. At pagkuwan ay nagpaalam itong lalabas muna dahil may kakausapin lang ito sa cellphone. Hindi mapakali si Chanylle. Gusto niyang sundan si Roger at komprontahin ito. Kaya mabilis siyang tumayo at hinanap si Roger. Nakita niyang nasa garahe ito nakasandal sa sarili nitong kotse habang may kausap sa cellphone. Nakita ng dalaga ang pagkunot-noo ng huli nang makita siya nitong papalapit. Kaagad nitong tinapos ang tawag. Nakita niya ang paghimas nito ng bigote habang nakakunot-noo. Saktong paglapit niya dito ay mabilis niya itong pinaliparan ng sampal. Nakita niya ang pagkagulat sa mukha nito ngunit hindi pa rin umimik sa huli. “You raped me! Oportunista!” “Stop accusing me, woman. You did not know the story. Hindi mo ba naisip na baka ikaw ang unang gumawa ng hakbang para may mangyari sa atin?” Nambubuskang saad nito na labis namang ikinagalit ng dalaga. Kahit kailan ay hindi niya magagawa ang ibinibentang nito. Matino siyang babae. “Kahit ano pang sabihin mo, you raped me! Sinamantala mo ang kalasingan ko habang matino naman ang pag-iisip mo nang gabing iyon!” nanggagalaiting saad ng dalaga. “Keep this in your mind, there's no decent man when it comes to s*x, especially when this woman would make the first move.” Namula ang mukha ng dalaga. Naiwan siyang nakatulala. Nagngingitngit ang kalooban niya sa Roger na yon. Nagpasya siyang huwag na lang bumalik sa loob. Bahala na kung magagalit ang kanyang mommy at daddy. Hinanap niya si mang Ed. Nagpasya siyang magliwaliw upang hamigin ang sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD