Chapter 5

1652 Words
After their conversation, Chanylle immediately ended the call. She felt anxious. Unsure of what to do because she wasn't familiar with the place, she hesitated to go down. Later on, she came up with her plan. Despite feeling embarrassed, she mustered the courage to proceed with it. “I need help.” Nagulat naman na napamulat ng mata ang lalaking katabi. “Why?” Kunot-noong tanong nito. Mabilis na hinawakan ng dalaga ang mga kamay ng lalaki. Nakita niyang napalunok ang lalaki. “Wala akong alam sa lugar na ito. Gusto kong bumaba sa next bus terminal. Malapit na ba tayo?” “Y-yeah. But why?” “It's a long story. Please help me.” Nakita niyang napangisi ang lalaki. “Sa iba ka na lang humingi ng tulong.” Pasimpleng naikuyom ng dalaga ang mga kamay. “Please Drebb! I really need your help.” Mangiyak-ngiyak na pakiusap ng dalaga ngunit sa halip na maawa ay pangisi-ngisi lamang ito. “Drebb huh? We're not even close to just mentioning my name that way.” Napayuko ang dalaga dahil sa pagkapahiya at hindi malaman ang gagawin nang mamataan ang terminal bus ng Benguet. Napaisip siya kung tatayo na lamang ba para bumaba? Ano ang gagawin niya? What if nasundan pala siya ng daddy niya at ni mang Ed? Uuwi siyang luhaan dahil mapipilitan siyang magpakasal sa Roger na iyon? Hinamig niya ang kanyang sarili at nag-ipon ng hangin sa baga. Wala siyang maasahan sa lalaking katabi. Kailangan niyang tulungan mag-isa ang kanyang sarili. Ilang sandali pa ay huminto na ang bus sa terminal ng Benguet. Kinabahan siya dahil baka nasa paligid lamang ang kanyang daddy at si mang Ed. Ipinagdasal ng dalaga na sana ay hindi maligaw si mang Ed at daddy niya sa loob ng bus. Ngunit ganun na lamang ang kaba niya nang marinig ang pamilyar na boses . Mukhang nakaakyat nga ito sa bus na kinalulunanan niya. “Ayusin mo ang paghahanap!” Iyon ang mariin na pagkakasabi ng pamilyar na boses na iyon. Aligaga at hindi malaman ang gagawin. Habang ang lalaking katabi ay tila naintindihan naman ang kanyang sitwasyon kalaunan. “They are two?” Seryosong baling na tanong sa kanya ng lalaking katabi. Mabilis na tumango si Chanylle. Nang maramdaman ng dalaga na papalapit na sa kinaroroonan nila ang ama at ang driver nilang si mang Ed ay mabilis niyang isinout ang kanyang hoodie jacket. Ngunit laking gulat na lamang niya nang mabilis siyang kabigin at halikan ng lalaking katabi. Matagal ang halik na iyon. Para siyang natuod at hindi makahuma upang mag react. “Ayusin ang paghahanap!” Boses iyon ng kanyang daddy. Nilagpasan lamang nito ang kinaroronan nila. Marahil sila nito napansin. Natitiyak naman ng dalaga na kayang takpan ng malapad na katawan ni Drebb ang katawan niya. Paglipas ng ilang sandali ay sumuko narin marahil sa paghahanap sa dalaga ang kanyang ama at ni mang Ed. Kaya naman mabilis na itinulak ng dalaga ang binata. Talagang hindi siya nakuntento, sinampal pa niya ito ng ubod-lakas. Tahimik lamang nitong nahimas ang pisnging tinamaan ng kan'yang sampal. “I'm sorry. I-I just– “Just what? Wala kang karapatan gawin sa akin 'yon! Hindi ikaw ang unang lalaking makakaangkin sa mga labi ko!” mariing sambit ng dalaga. “T-that's why nag so-sorry ako. You know, dapat ka pa ngang magpasalamat sa akin, dahil kung hindi malamang ay kanina ka pa natunton ng mga lalaking 'yon.” Bigla namang natahimik ang dalaga. Pero mas nangibabaw pa rin ang inis niya dito. Kaya sa halip na kumuda pa ay minatamis na lamang niya ang manahimik kahit pa nagngingitngit ang kalooban niya. SA wakas ay nakarating na nga si Drebb sa kanyang patutunguhan. Ito ang pangalawang pagkakataon n'yang nakapag-book ng hotel room reservation sa Agoda. But it was a years ago. Pagkatapos siyang i-guide ng bell boy ay mabilis niyang hinubad ang kanyang damit at nagtungo sa bathroom upang makaramdam naman ng freshness ang katawan nya mula sa matagal na biyahe. As the water drops into his body, there's an immediate and unexpected image appearance. She was the girl with kissable lips and baby's breath. Her lips are so soft and sweet like cotton candy. Hanggang ngayon ay hindi pa rin makalimutan ni Drebb ang pagkagulat sa magandang mukha ng dalaga nang nakawan niya ito ng halik kanina at hindi lang basta halik iyon. It's not his intention to do that thing. He just want to protect her from those mens. Wala siyang ideya kung bakit may mga naghahanap dito pero nasisiguro naman ng binata na hindi ito masamang tao. Wala sa mala-anghel nitong mukha ang bahid ng pagiging masama. Kung kasungitan ang pag-uuspan oo nasisiguro niya iyon. Kitang-kita niya naman kanina kung gaano ito kabalisa at katakot nang mapagtanto ang tungkol sa mga lalaki. Ang gusto lang ng binata sa mga oras na iyon ay ang protektahan ang dalaga kaya nagawa niya ang halikan ito kanina. Speaking of her, Drebb knew that the woman was now resting in her room. He couldn't help but laugh in his mind. Why does it seem like there's always a way for them to meet? From the hotel bar to the bus, and considering the numerous hotels in Baguio, they somehow ended up in the same one today. What's amusing or interesting is the thought that their rooms are really facing each other now. Mabilis na iwinaglit ni Drebb sa isipan ang tungkol sa babae. Bakit kailangang maging laman ito ng kanyang isipan? Tinapos niya na ang paliligo at mabilis na lumabas ng banyo at nagbihis. Akmang bubuksan ng binata ang malaking screen ng tv nang biglang tumunog ang kan'yang cellphone. Napabuntong-hininga na lamang siya nang makita kung sino ang tumatawag. “Mom.” Malumanay n'yang saad. “What's on your mind Drebb? You did not go home! Ano ba ang nakain mo ha? From Paris hindi mo natunton ang bahay natin dito sa Pilipinas? You know, everything was planned from both parties!” Sermon kaagad ang sumalubong sa pandinig ng binata. “That's why hindi ako tumuloy diyan mom. Planning with a very serious thing without my approval is a mistake. Hindi niyo po ako dapat pinangungunahan. I'm old enough. Alam ko ang ginagawa ko sa buhay.” Umuwi naman talaga siya ng Pilipinas para sa bagay na nais ng mga ito, but then he realized, hindi niya dapat sundin iyon. Nagdalawang isip siya, kung kaya't sa halip na sa Davao siya patungo, talagang naisipan niyang magpalamig sa Baguio City. “At talagang sumasagot ka na ha?” “Hindi naman sa ganun. Gusto kong malaman niyo na may girlfriend na po ako sa Paris.” Alam niyang nagulat ito dahil lingid iyon sa kaalaman nito na may karelasyon siya habang nasa Paris. Isang malalim na buntong-hininga lamang ang naging sagot mula sa ina ng binata. “Alam kong alibi mo lang 'yan para hindi masunod ang gusto namin ng daddy mo.” Wika pa nito. “Please just obey us, son. This is for your own good. That imaginary girlfriend of yours isn't right for you.” saad nito na diniinan ang pagkakabigkas sa salitang girlfriend. “Mom please…” “No, son. Hindi mo na ba kami mahal?” Naikuyom na lamang ng binata ang kan'yang mga kamao. He loves his parents so much. Mahirap para sa kan'ya ang suwayin ang mga ito. Pero gusto niya rin naman isipin ang kapakanan ng sarili niya. Gusto niya magdesisyon mag-isa ng walang nakikialam at dumidikta sa mga gusto niya. Hindi madali ang hinihiling ng mga ito. “Pag-iisipan ko pa, mom.” “Huwag mong pag-isipan, gawin mo.” After their conversation he plans to go somewhere else. There are beautiful sceneries in Agoda. But before that he went inside the hotel bar. Pero napahinto siya ng hakbang mula sa entrance door nang mamataan ang isang pamilyar na pigura ng isang babae. She was lying with her head on the top of the island counter, with wine glasses and bottles surrounding her left hand. Mabilis na humakbang ang binata patungo sa kinaroroonan nito. “Excuse me, what happened to her?” ang tanong ni Drebb sa baristang naroroon. “Good evening sir, she's drunk. She take this hard liquor.” The bartender seriously answered hawak ang bote ng alak na ininom ng dalaga. Nagsalubong ang mga kilay ni Drebb. “Why did you gave that kind of drink?” Hindi sinasadya ng binata ang pagtaasan nito ng boses. Tila naalarma naman ito dahil sa ginawa niya. “I-I'm sorry, sir. But she insisted. I allow her to take just one glass, pero masyado po siyang mapilit. Kesyo gusto daw niyang matulog kasi may problema po siya.” Katwiran naman ng bartender. Hindi na nag-alinlangan pa si Drebb. Tila batang sanggol na kinarga niya ang lasing na lasing na dalaga. Dahil nasa third floor ang room nila ay kinailangan pa niyang kargahin ito papasok at paakyat sa elevator. Looking to her angelic face tila wala itong dinadalang problema. Sobrang mapayapa itong natutulog. Pilit na hinahagilap ng binata ang loob ng sling bag na nasa balikat nito. Kinapa niya ang laman sa loob pero tanging cellphone lamang ang nakapa niya doon. Hinanap ng kamay niya ang keycard nito ngunit wala siyang mahagilap. Pagbukas ng elevator ay mabilis siyang lumabas at nilakad ang hallway patungong room niya. Wala siyang choice kundi dalhin na lamang ito sa loob ng kanyang kwarto. Tila babasaging kristal na inilapag ni Drebb sa malambot na kama ang mahimbing na dalaga. Napalunok siya. So angelic and irresistible beauty. “What happened to you Drebb?” Tanong ng binata sa sarili. Ilang saglit ang dumaan ay napagpasyahan niyang tanggalin ang high heeled shoes nito. Napalunok ulit siya nang dumampi ang kamay niya sa malasutla nitong balat. Nang makitang gumalaw ang huli ay mabilis niyang kinumutan ito. Napagpasyahan niyang maglatag ng sapin sa sahig upang doon na lamang matulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD