bc

Paunang Lunas (BL: On-going)

book_age12+
8
FOLLOW
1K
READ
powerful
confident
bxb
genius
witty
expert
childhood crush
slice of life
war
nurse
like
intro-logo
Blurb

Bilang isang anak nang isang empermera, maraming natutuhan si Mateo. Mula sa pag-aalaga nang manga pasyente, paghahanda nang manga gamot, at pagtitistis nang manga sugatan. Nguni't, hindi niya natutuhang magmahal hanggang sa dumating sa buhay niya si Heneral Sergio.

chap-preview
Free preview
Epígrapé at Prólogó
Epígrapé "Sa dami nang gamot na maaaring pagpiliin, ang iyong pagmamahal mo lamang ang makapagpapagaling sa sakit nang aking damdamin." Prólogó Manila, San Isidro, Agosto 2, 1898 "Bisturi" Iniabot ng aking empermera ang isang matulis bisturi habang nagsasagawa kami nang pagtitistis sa isang pasyenteng naliligo sa sarili niyang dugo. Isang malaking hiwa ang natamo nang aming pasyente nang dahil sa isang saksak sa kanang bahagi ng kanyang tagiliran. May mga parte rin nang kalamnan ang kailangang tanggalin dahil hindi na ito magagamit at maaari lamang makapagsanhi nang impeksyon sa aming pasyente. Gumuhit ako nang isang linya gamit ang bisturi sa hiwa nang mailabas ang manga bato at tinik nang kahoy na pumasok dito. Isa-isa namin itong inalis at tinapalan nang bulak nang hindi magbaha ang hiwa. Ang sabi raw nang aking kapwa-katistis, na Amanda ang ngalan, may kaalitan daw itong pasyente namin at nauwi na lang bigla sa sakitan at saksakan. Natumba pa raw sila nang mangyari ang babag na iyon. Mabuti na lamang na maraming nakakita at sinugod agad ito rito sa pagamutan nang matahi. "Amanda, ihanda mo na ang bandeha nang matapos na tayo rito," lingon ko kay Amanda, "Kakausapin ko pa si Ginoong Rosales dahil kakaunti na lang ang bulak na ating gagamitin sa susunod na pagtitistis," napatingin ako sa salansanan na maraming silindrikong lalagyan ngunit iisang lalagyanan lang ang puno nang bulak. Iniharap ni Amanda ang bandeha sa aking kaliwa at inilagay ko roon ang mga bato, tinik nang kahoy, at kalamnan na pira-piraso na wari ba ay isang karneng hindi gaanong na nadurog sa dikdikan. Kadiri! Sa tulong naman nang isa pa naming kasama, kumuha siya nang makapal sinulid at isang manipis na karayom sa lamesita sa tabi niya na gagamitin namin sa pagsasara sa bukas na sugat na nasa harapan namin ngayon; pero bago pa niya itong makuha, may nahila siyang makapal lubid sa lamesita at inilagay niya ito sa dulong aparador. Tumungo na siya sa puwesto kung na saan kami ni Amanda. "Kaya mo na bang manahi ng sugat?" tanong ko sa kasama namin ni Amanda. Hindi ko pa siya kilala dahil baguhan pa lamang siya rito sa pagamutan. Napatango naman siya at pumunta malapit sa sugat nang aming pasyente upang simulan ang pagtatahi. Nakaantabay naman si Amanda sa ginagawa nang aming kasama at kinuha ko naman ang bandehang ibinigay sa akin ni Amanda at inilagay ko sa mesang nasa dulo ng silid. Ang pagtahi nang aming katistis ay pinong-pino na kasing kiyas nang manipis na barong tagalog na tinahi nang may kahinhinan at pag-iingat. Tamang-tama ang bawat pagbaon at paglabas nang karayom na sinusundan nang mala-ahas na sinulid sa tuwing nahahatak ito. Nang matapos na sa pagtatahi ang aming kasama, tinuruan siya ni Amanda kung paano ang huling gagawin sa pagtatahi nang sugat. "Ang pagtatahi nang damit at pagtatahi nang sugat ay katulad lamang. Ang huling gagawin upang tuluyang maging matibay ang iyong itinahi," kinuha ni Amanda ang magkabilang dulong sinulid at iniharap ito sa aming katistis, "Hilahin mo lang ang manga ito nang dahan-dahan nang masigurado mong mahigpit ang pagtatahi nang sugat," hinila ni Amanda ang sinulid at naglapit ang magkabilang balat na maihahalintulad sa pagsarado nang mapulang rosas, "At ibuhol mo nang tatlong beses ang magkabilang dulo nang sinulid nang maging matibay at hindi na muling bumukas ang sugat," binuhol ni Amanda nang isang beses ang sinulid at ipinasa ito sa aming katistis nang matutuhan niya ring magbuhol nang sinulid sa ginawa niyang tahi. Ibuhol mo nang tatlong beses ang magkabilang dulo nang sinulid nang maging matibay at hindi na muling bumukas ang sugat, pag-uulit ko sa sinabi ni Amanda sa aking isipan. Ngunit, kahit anong buhol o panapal ang ilagay ko sa sugat na ito hinding-hindi ito sasara at; bagkus, kakawala at bubukas na lamang ito dahil ang hapis na aking naranasan ay hindi kailanman gagaling at hindi hihilom magpakailanman. Naudlot ang aking isipan at natapos na ring magtahi ang aking manga kasama nang may narinig akong katok na galing sa pinto nang silid-tistisan kung saan na roon kami. Lalapit na sana si Amanda ngunit pinatigil ko siya, "Ako na ang bahala, magligpit na lang kayo rito at puntahan niyo si Manang Cecilia nang mabigyan ang ating pasyente nang halamang gamot kapag sumakit ulit ang kanyang sugat." Napatango ang dalawa sa aking harapan at nilapitan ko ang pinto na may tatlong katok pa rin na maririnig sa kabila nito. Binuksan ko ang pinto at tumambad doon si Ana, isa siyang taga-tanggap sa mga pasyente sa pagamutan na ito. Sa tuwing may humahanap sa amin sa silid-tanggapan, sa kanya nakaatas ang pagpapaalam sa amin. "Señor Mateo, si Pedro ay nasa ibaba at may sulat na nakapangalan para sa iyo," wika nito. Napatango at nagpasalamat ako sa kanya at nagmadaling tumuloy sa unang palapag nang pagamutan nang makapaghugas ako nang kamay sa batalan. Ang dalawang palapag na ostipal na ito ay itinayo nang aking Ama. Ang manga silid-tistisan ay nasa itaas at ang manga silid-pasyente naman ay nasa unang palapag. Isang doktor ang aking ama at ang aking ina naman ay isang empermera. Wala akong kapatid, dati meron; subalit, namatay siya kasama nang aking ama noong lusubin sila nang manga nag-aaklas na manga rebelde sa Plaza de San Juan. Apat na taong gulang pa lang ang aking kaputol noon at ako naman ay pitong taon. Ang ina ko naman ay namatay rin noong naglingkod siya bilang isang empermera sa manga nag-aklas na manga Pilipino laban sa manga Espanyol. Maraming namatay sa pag-aaklas na iyon; at ngayon, nakuha na namin ang matamis na kalayaan na matagal nang hinihintay nang manga Pilipino. Sana laging ipaglaban nang manga susunod na henerasyon ang kanilang kalayaan laban sa mga mananakop. Dumiretso ako sa silid-tanggapan at nakita ko si Pedro na naghihintay sa akin. Maraming manga tao rito sa silid. Halos lahat ay hinihintay nila ang balita kung maayos ang kalagayan nang kanilang kaanak o kapamilya. May isang babaeng mahimbing na natutulog sa isang upuan. May isang doña naman na mukhang inip na inip sa tagal nang paghihintay. May isa ring matandang lalaki ang nakahiga sa sahig at walang kumot. Matagal na siguro siyang naghihintay upang malaman ang kalagayan nang kanyang kaanak o kapamilya. Saktong may dumaan na katrabaho namin at pinakiusapan kong kumuha nang kumot at unan at ibigay roon sa matandang natutulog. Nagpasalamat ako sa huli at pinuntahan na si Pedro. "Magandang umaga, Pedro," bati ko sa kanya. "Mateo! Magandang umaga rin! May sulat nga pala akong natanggap na galing kay Antonio," masiglang bati niya at inilahad ang isang sobreng natastas ang isang sulok. May selyo ito na may disenyong eskudo de armas nang Pilipinas. Amoy pulbura rin ito na mukhang galing pa sa giyera. Sabagay, si Antonio ay isang sundalo, na kaibigan nang irog ko. Ngunit bago ko iyon tanggapin may balisang nagpaikot-ikot sa aking damdamin. Hindi ko alam kung ano ang nasa loob nang sobreng nasa harapan ko pero alam kong masamang balita ang nasa loob nito na kapag binuksan ko guguho at masisira ang mundong ito. Parang Caja de Pandora na kapag binuksang mo ay magsasanhi ng kasakiman sa mundo. "Mateo," ulit ni Pedro na kumuha muli sa isipan ko. "Ayos ka lang ba?" Napatango ako at kinuha ko na ang sobre. Tinignan ko muna ito nang taimtim. Ayaw ko itong buksan. Natatakot ako sa mababasa ko. Sana mali ang iniisip ko. Tinignan ko ulit si Pedro na nakatingin pa rin sa akin na hinihintay na basahin ko ang liham na hawak ko. Ibinalik ko kaagad ang aking tingin sa sobre at dahan-dahang binuksan ito. Damang-dama ko ang kabog nang aking puso at tagak nang pawis na dumadaloy sa aking noo. Inilabas ko ang liham na nagsasabing: ---------------------------------------------------------------- Hulyo 3, 1898 Mateo Jeronimo San Isidro, Manila Mapagpalang araw, Mateo Masayang ipinahayag nang Pangunlong Emilio Aguinaldo ang kasarinlan nang Pilipinas sa Cavite. Ngayon ay nagkakasiyahan ang mga tao rito dahil sa kalayaang natamo nang manga Pilipino. Masaya na sana ang araw na ito kung na rito pa si Heneral Sergio. Maraming namatay sa pag-aaklas dito. At isa na roon si Heneral Sergio. Ako ay nalulungot sa kanyang kinahinatnat. Alam ko rin na ikaw, Mateo, ay mas malulungot sa balitang ito. Ako ay nakikiramay sa kanyang pagkawala sa mundong ito. Iyong kaibigan at nagpapasalamat, Antonio Ibarra. ---------------------------------------------------------------- Sana mali ang nababasa ko. Binasa ko ulit nang maigi ang liham na hawak ko. Pilit na inuulit ang pariralang "Maraming namatay sa pag-aaklas dito. At isa na roon si Heneral Sergio" at nagbabakasakaling mabago pa ito. Alam kong pilyo si Antonio; ngunit, hindi naman aabot sa ganitong paraan ang kapilyuhan niya. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Natapos ko nang basahin nang paulit-ulit ang liham at mukhang natapos na rin ang buhay ko sa balitang nabasa ko. Namalayan ko na lang na may patak nang luha na bumagsak sa sulat na nasa harapan ko na nagsanhi nang pagkalat nang tinta sa manipis papel na hawak ko. "Mateo," nabiglang boses ni Pedro, "A-ano ang nakasulat sa liham?" mukhang nararamdaman niyang may masamang balita sa nabasa ko. Nanuyo ang aking lalamunan. Masakit sabihin ang katotohanan. Hindi ko kayang sabihin na wala na ang aking mahal. Pero sa huli, aking nasambit: "Wala na si Heneral Sergio," na may panlulumo at panginginig sa boses ko. Napaawang ang bibig ni Pedro sa aking nasabi habang kinakalamay ko ang aking loob na maging matatag kahit na may malakas na bagyong dumaan at sumira sa aking tahanan. Tahimik lang si Pedro na nasa harapan ko at nagpatuloy-tuloy nang daloy ang manga luhang pilit kong pinilipigan. Tumalikod ako at tumakbo papunta sa aking kuwarto. Maririnig sa kalayuan ang boses ni Pedro na tinatawag ako. Hindi ko pinansin si Pedro at ang mga taong nasa paligid ko. Wala akong pake sa kanila. Wala akong pake sa kung anong sabihin nila. Gusto ko munang magkulong. Gusto ko munang mawala. Gusto kong ako na lang ang nawala kaysa naman siya. Tunog na tunog ang bawat dagunot nang aking lakda sa kahoy na hagdan na nagsasanhi nang pagyanig sa bawat hakbang. Napatid ako sa huling hakbang at nasubsob ang aking panga sa kahoy nang palapag. Iyak pa rin ako nang iyak. Ang tanga mo, Mateo! Kung hindi mo lang siya iniwan noong tumatakas kayo, edi sana buhay pa si Heneral Sergio! Tumayo ako at pinunasan ang dugo sa aking panga at nagpatuloy sa dulong silid na aking tulugan. Isinara ko ang pinto nang malakas at kinandato ito nang walang makaistorbo sa akin. Tumalon ako sa aking kama at kinumutan ko ang aking sarili. Umiyak nang umiyak lamang ako sa aking kama. Mukhang rinig na rinig ang aking pag-iyak sa kabilang silid dahil may manga lakad at katok sa kahoy na pinto nang aking kuwarto. Kahit patahanin nila ako, wala pa ring makapagbabago sa katunayang wala na si Heneral Sergio. *** Hindi ko kinaya ang manga nangyari ngayon at hindi ko rin alam na nakatulog pala ako at napalinga na lamang sa kapaligiran. Hating-gabi na nang nagising ako. May manga tunog-kuliglig ang umaalingawgaw sa kadiliman nang gabi. Sa bukas na durungawan nang aking silid, may makakapal na ulap ang pumapalibot sa malabulawang buwan sa kalangitan. May malamig ding ihip nang hangin na pumapasok sa aking silid, dala nang halumigmig nang nakaraang araw nang Agosto. Masyadong mabigat ang aking dala-dala at mukhang hindi na ito gagaan pa. Napahiga ulit ako, iniisip ko kung ano na ang gagawin ko sa buhay ko. Wala na akong mga magulang, kapatid, lalo na ang mahal ko. Samahan ko na rin kaya sila sa kabilang buhay? Wika ko sa aking isipan. Napatulala na lang ako sa kisame nang aking silid. Maalikabok at luma na ang mga kahoy na nagsisilbing pundasyon nito. May itim na lahang na pumapaikot sa bawat rabaw nang naagas na kahoy na ito. May naisip ako bigla. Bumangon ako sa aking pagkakahiga at dahan-dahang binuksan ang pinto nang aking silid. Paglabas ko nang pinto muntikan na akong mapatid sa bagay na nasa lapag kaya nilingunan ko ito. Alam ko kung sino ang naglagay nito. May nakita akong isang bandehang may tatlong tinapay, isang baso nang tubig, at isang puspas na may paminta sa itaas. Mukhang matagal na itong nilagay rito dahil hindi na mainit ang tinapay at aroskaldo. Malamig na rin ang tubig nang hawakan ko ang baso para inumin ito. Maraming salamat, Amanda. Hinding-hindi mo talaga ako pinababayaan. Hindi na rin ako nagtataka kung bakit pinagkakatiwalaan ka ni Ina. Salamat dahil naging kaibigan kita at yaong pagkakaibigan ay aking dadalhin hanggang sa pagtanda. Inilagay ko na yung baso sa bandeha at dumiretso na ako sa silid-tistisan at dahan-dahang binuksan at isinara ang pinto. Naghalungkat ako sa manga aparador at mga gabineteng naroon sa silid. Hinanap ko ang isang bagay na kailangan ko nang matapos na itong karimlan na aking nararamdaman. "Nasaan na kasi iyon," bulong ko sa aking sarili. Ngunit may biglang pumasok sa aking isipan. Napangisi ako at napatitig sa dulong bahagi nang aparador. Inilagay nga pala nang aming katistis ang bagay na iyon sa dulong bahagi nang aparador. Dali-dali kong pinuntuhan iyon at binuksan ang makalumang aparador. Sumalubong sa akin ang manga alikabok at napaubo ako dahil doon. Kinuha ko agad ang lubid at nagmadaling tumungo ulit sa aking silid. Pagkaapak ko sa aking silid. Kinandado ko ulit ang pinto at humakbang papalayo rito. Napalinga ako sa aking kaliwa at nakita ko ang mataas na tokador. Nahirapang inurong ko ito papalapit sa pinto nang sa gayong walang makapipigil sa gagawin ko. Binuhat ko ang upuan nang tokador at inilagay ito sa gitna nang silid. Doon, umupo ako at ibinuhol ko ang silo na kakasya sa leeg ko. Seryoso ka na ba sa gagawin mo? Wika nang aking isipan. Ngunit, hindi ko pinansin ito at pumatong ako sa upuan nang maitali ang dulong bahagi nang lubid sa kisame habang ang buhol nito ay nakalambitin sa harapan ko. Huminga ako nang malalim bago ko isinuot ang silo sa aking leeg. Alam kong mali ang gagawin ko at paniguradong sa impyerno ang bagsak ko. Sisipain ko sana ang upuan na pinapatungan ko; ngunit, naalala ko ang manga kataga nang aking Ina noong bata pa ako sa tuwing gusto naming kausapin si Ama sa kabilang buhay. "Anak, halika kausapin natin ang Ama mo," wika nang aking Ina na sabik-sabik sa kanyang gagawin. "Ngunit po, Ina, wala na po ang Ama. Paano po baga natin siya makakausap?" aking tanong sa kanya. Napabuntong-hininga si Ina at lumapit sa akin, "Makakausap natin ang Ama mo kapag nagsulat tayo nang liham sa kanya." malumanay na wika niya. "Po? Liham po? Ngunit paano niya po baga ito mababasa kung patay na ang Ama?" hindi ko makapaniwalang tanong. Tinitigan niya ako nang mataimtim at dali-daling may hinanap sa aparador. Nasa kusina kami ngayon. Maghahating-gabi na at ang lagablab nang apoy nang lampara sa ibabaw nang mesa na may nagsasayaw na kulay kahel at pula ang aming liwanag sa madilim na silid na ito. Kaarawan nang aking Ama ngayon. Imbes na maghanda ang Ina para sa aming dalawa, naghanda siya nang marami pagkain para ipakain sa manga may sakit at walang makain sa tabing bayan. Bumalik ang Ina sa aking harapan at inilahad niya ang isang kandila at apuyan sa tapat nang mesa. Sandaling nawala si Ina upang kumuha nang pluma at tinta mula sa kanyang opisina. Sa kanyang pagbabalik, dadala niya ang kanyang manga kinuha. Ngunit, nakalimutan niyang kumuha nang papel. Dali-dali siyang tumungo sa pinakamalapit na estante rito sa kusina at pumunit nang dalawang papel sa kuwadernong naroon. Bumalik siya nang mabilis at sinabing: "Magsulat ka rito nang manga gusto mong sabhin sa iyong Ama," ibinigay niya ang puting pluma at lukot na papel sa akin. Tinaggap ko iyon at ginawa ko ang sinabi nang Ina. Nagsulat na rin ang aking Ina samantalang ako naman ay nag-iisip pa nang maari kong sabihin. Ngunit sa huli, aking naipluma ay hindi gaano kahaba pero malalim ang kahulugan, mahal ka po namin, Ama. Natapos na ako sa aking pagsusulat habang ang aking Ina ay nagsasatitik pa rin nang kanyang gustong sabihin. Nang matapos na siya, tinanong niya ako kung tapos na akong magsulat. Tumango ako at binigay ang sulat sa aking Ina. Binasa niya iyon at napangiti siya. Lumapit siya sa akin at niyakap ako at hinalikan sa noo. Sinindihan niya ang kandila at winikang, "Ang sulat na ito," sabay pakita nang ginawa naming sulat, "Kapag sinunog natin ay magiging usok at abo na dadalhin nang hangin papunta sa taong gusto nating kausapin." Ibinigay niya ulit sa akin ang aking sulat at tinitigan ko muna iyon bago ko iyon kuhain. Naunang nagsunog nang sulat ang aking Ina na may luhang pumatak sa kanyang manga mata. Nang maging abo at mabahong usok na ito, tumango ang Ina at sinunog ko na ang aking sulat para kay Ama. Napatitig ako habang kinakain nang apoy ang sulat na ginawa ko. Ang bawat kulay nang apoy ay unti-unting bumabalot sa papel na pinapakain ko. Pula, dalandan, at bughaw. Sa paglipas nang sandali, may usok na kumakalat sa itaas at abong lumilipad naman sa ibaba. Nang masunog na ang aking letra tumingin ako sa aking Ina, "Mababasa po baga iyon nang Ama?" Napangiti naman ang Ina, "Oo, anak. Mababasa iyon nang iyong Ama." Hindi ko namalayan na tumutulo na ulit ang manga luha ko sa aking pisngi. Napahinga ako nang malalim at tinanggal ang silo na nakapalibot sa aking leeg. Tumungo ako sa aking pupitre at sinindihan ang lamparang napaglipasan na nang panahon. Naghanap ako nang papel sa gabeta nito at nailabas ko ang papel na lumipas na ang puting kulay nito dahil sa labis na tuyo at halumigmig nang panahon. Kinuha ko ang pluma at isinawsaw ko ito sa tinta. Aking itinapat ang pluma sa itaas nang kaliwang bahagi nang papel at huminga nang malalim. Inaalala ko ang aming nakaraan. Inaalala ko ang bawat saya at hapis na aming naramdaman. Ang bawat kilig at tampuhan. Na ngayon ay aking itititik sa papel sa aking harapan. "Aking isusulat ang una nating pagkikita. Sa panahong ipinakilala ka sa akin nang mapagbirong tadhana."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
32.2K
bc

NINONG II

read
611.9K
bc

NINONG III

read
354.1K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

NINONG

read
353.2K
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.4K
bc

The Ruthless Billionaire. Hanz Andrew Dux

read
81.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook