Nasa labas ako sa likuran sa may Gazebo at nakatingin sa mga alaga kong halaman. Biglang sumulpot si Marcus akoy nagulat.
"Hanggang ngayun nandito ka pa rin bakit di ka pa umalis dito. Napaka swerte mo naman. Sa ginawang pananakit sa pamilyang ito. Sampid ka lang dito kaya dapat ay umalis kana."
Nakayuko lang ako at di makatingin sa takot sa kanya. Ngunit nagbabadya na ang aking luha.
"Aalis nalang sana ako ngunit bigla niyang hinawakan ng mahigpit ang aking braso. Ako'y napa igik sa sakit paniguradong magkakapasa ako.
"Pls Marcus bitawan mo ako wala akong ginagawa sa iyu. Parang awa mo na." Bigla niyang binitawan ang aking kamay akala ko ngay malalagas sa lakas ng pag bitaw niya.
Bigla sinabi niya " Binabalaan kita wag kang maglalandi kay Aldrin dahil fiance na siya ni Stacey wag mong guluhin ang buhay nila. Wag mong akitin".
Ako ay nagulat sa natuklasan ko. Kaya pala kasama nila kanina si Kuya Aldrin dahil fiance na siya ni Ate.
"Wala akong intensyon na ganyan. Kapatid ang turing ko kay Kuya Aldrin. Wala kaming ginagawa na masama"
"Di ako naniniwala kaya oras na makita kong lumalapit ka sa kanya matitikman mo ang galit ko at wag kang mag susumbong kay Mama at Papa kundi mas matinding parusa ang malalasap mo sa akin".
Sabay alis ni Marcus at akoy napaupo nalang sa may gazebo habang umiiyak.
Matuling lumipas ang araw at buwan at eto na nga malapit ng ikasal si Ate Stacey at Kuya Aldrin. Isang napaka engrandeng kasal ang gaganapin.
Nakakaiingit naman sila ang suerte naman dahil nasa kanila na lahat yaman, pamilya,at isang mabait na fiance. "Ako kaya kailan" sabi ko sa sarile ko.
Lumapit si Kuya Aldrin sa akin at ako ay kinamusta. "Sophia musta kana masaya ako at natupad ang pamgarap mo na maging guro at ganun din ang mga kaibigan mo. Sana magkita kita naman tayo minsan. " masayang kinakausap ako.
Ako namay di mapakali masaya ako dahil di pa rin siya nagbabago. Ngunit natatakot ako dahil naka bantay si Marcus para bang kahit saan ako pumunta ay naka bantay siya. Kaya ako ay nagpaalam na sa kanya.
Nagmamadali akong umalis ngunit pagpasok ko sa may kusina ay may biglang humila sa akin at dinala ako sa may gilid ng Ref yung di agad kami makikita.
Tinakpan niya ang bibig ko habang ang kamay niya sa nakahawak sa bewang ko upang di ako makakilos.
"Subukan mong sumigaw" Nanginginig ako sa takot at naiininita ako. dahil magkadikit ang aming katawan.