Habang naglalakad ay may tumawag sa phone ko. "Hello Aileen oh napatawag ka? kailan tayo magkikita kita talaga andun din si kuya Aldrin..Ayyy sige kita kita tayo.
Masaya kong binaba ang phone ko. Excited na ako sa pagkikira naming magkakaibigan. Ang tagal na rin kasi nga ay naging busy kami sa kanya kanyang piniling mga trabaho.
At di lang yun makikita ko rin si Kuya Aldrin ang kuya kuyahan namin sa School before ang taga pag tanggol namin. Kasakasam sa mga lakaran. Musta na kaya siya? Alam naming may lihim na pagtingin siya kay ate Stacey ang kaso ay di makalapit dahil sa mga barkada ni Ate lalo na kay Marcus.
Naalala ko na naman siya ang bully ko. Madalas niya akong paiyakin dati ngunit nagka gusto pa rin ako sa kanya.
Ang tinatangi ng puso ko. Siya lang ngunit alam kong malayo ang agwat namin at di niya ako magugustuhan hayy hanggang pangarap nalang siya.
Nakarating na ako sa massion at ako ay nagulat parang ang daming sasakyan sa may garahe. Sinu kaya ang bisita nila Senor.
Ako'y dumaan sa likod sa may kusina.
Naabutan ko si Nay Cora at ang ibang katulong na sobrang busy sa kanilang gawain. Ang daming pagkain na inasyus nila.
"Nay Cora bakit ang dami nyong niluluto at sinu po yung bisita?"
Sabay lingon sa akin ni Nay Cora. " Ay Sophia andyan kana pala. hala mag bihis kana at tulungan mo kami rito pasenya kaba anak alam kong pagod ka ngunit kulang kami dahil si Rachele at Chelsea ay inaayus ang mga guest room. Biglaan ang dating nila eh.
Dito daw sila matutulog. Andyan sila Sir Marcus at ang grupo nila. Galing pa sila ng New York dumirecho dito sa mansion.
Nagulat ako kinabahan ako parang bumiles ang pag t***k ng puso ko sa pagka dinig ko na nandito na si Marcus.
Sumilip ako sa may gilid ng kusina at dun nakita ko siya. Hinde pa rin nagbabago napaka kisig pa rin niya. Nakaka indimidate pa rin siya. Nakakatakot pa ring tumingin ni hinde ngumingite.
Habang ako ay nakatingin sa kanya nagulat ako dahil biglang tumingen dito sa akin at nag tagpo ang aming mata. Kinabahan ako, nanginig sa takot dahil ang dilim at naka kunot pa ang kanyang nuo.
Bigla kong binawi ang aking tingin sabay takbo sa aking kwarto. Pinag papawisan ako ang aking dibdib ay tumatambol sa kaba. Parang gusto ng lumabas ng puso ko sa kaba at takot.