Chapter III: Cared and Loved

3069 Words
Napahinto si Gail sa tangkang pag-abot ng rubber shoes mula sa lalagyan nang hindi sinasadyang mahagip ng mata ang bahaging iyon ng walk in closet niya. Dahil sa sobrang pagka-busy ay matagal na niyang hindi nasisilyan iyon. Dahan-dahan syang naglakad palapit doon at tinitigan ang itinuring niyang isang obra noon. She felt her chest tighten as she remembered her childhood. Buong kabataan niya'y iginugol sa pangongolekta ng mga larawang idinikit niya doon. Memories filled her. Pinaghalong saya at lungkot ang nararamdaman niya kasunod ay ang walang katumbas na sakit as she remembered Aaron. Katok sa pinto ang pumukaw sa pag-iisip niya. Ipinilig ang ulo saka pumikit upang luhang ang luhang nagtatangkang sumungaw sa mga mata.  Muling naulit ang katok. "I'm coming." Sigaw niya kahit alam niyang hindi siya maririnig mula sa labas. Dali-dali niyang inayos ang sarili at tinungo ang pinto. "Senyorita ipinapatawag na po kayo ng mama niyo." Anang katulong na bumungad sa kanya. "Susunod ako, pakisabi po." Tumango ito at tinalikuran siya. Binigyan niya ng huling sulyap ang sarili sa salamin bago dali-daling bumaba. Lingo ngayon kaya narito ang magulang. Ilang lingo na rin niyang hindi nakikita ang mga magulang. Masyado kasing busy ang mga ito sa pagpapatakbo ng kompanya nila. Kung wala sa out of town ay out of the country ang mag-asawa. Kung hindi naman ay siya ang wala. Kaya madalang silang magkatagpo-tagpo sa bahay. "Good morning mommy, daddy." Bati niya sa magulang sabay halik sa pisngi ng mag-asawa at naupo sa kaliwa ng ama. Agad naman nilagyan ng katulong ang baso niya ng juice. She murmured a silent thanks. "Mabuti naman at naabutan ka namin dito, Abigail. Akala ko'y kung saang liblib na lugar ka nanaman dumayo." Sermon ni Lorenzo sa nag-iisang anak. Umikot ang mata ni Gail. Eto nanaman ang daddy niya. Hanggang ngayon kasi'y hindi parin nito tanggap ang trabaho ng unica hija nito. Well, kahit anong trabaho ay hindi talaga nito magugustuhan except kung sa sariling kompanya na nito. Ang rason ng ama ay bakit siya magpapakahirap samantalang may posisyong naghihintay sa kanya at siya mismo ang boss. Well, unang-una ay hindi related ang course na kinuha niya na tinutulan din ng matanda noon. She took creative writing, of all courses ayun kay Lorenzo. She can clearly imagine his father's reaction nang mag-enrolled siya noon. Ginusto niya kasing magsulat ng mga poems dati para kay Aaron kaya iyon ang kinuha niya. Nagagamit din naman niya ang naturang kurso dahil dati siyang editor ng isang sikat na magazine. At dahil malakas pa si Lorenzo'y pinayagan nito ang anak sa nais at umaasang darating ang araw na ang dalaga mismo ang magka-interes na pamahalaan ang sariling business. Ang Sebastiano Groups Inc, a multi-million company that worth billion to these dates. Ang pera na solong mamanahin ni Gail pagdating ng araw. Pero imbes na ipag-pasalamat ay tila naging dahilan iyun para maging mailap ang dalaga sa mga naging manliligaw. Pakiramdama niya ay pera ng daddy niya ang nakikita sa kanya at hindi siya. Tama ng minsan ay nasaktan siya dala ng impluwensya ng ama. She preferred a low profile. Kaya nga ba't nadismaya ang ama dalawang taon na ang nakararaan nang lumipat siya sa field work. Ang paalam niya'y ang management ang naglipat sa kanya. Pero ang totooy inilipat niya ang sarili doon. At dahil mahusay ay pinayagan siya ng amo. At hindi ito nagkamali sa desisyong iyon. Kung saan-saang liblib na lugar siya nakararating. At ngayo'y may bago siyang assignment. It was somewhere in Quezon called Tagong-bato. Kailangan niyang magsulat ng article tungkol sa naturang lugar. And to be able to write a good story, she have to experience the place itself. Kailangang mapuntahan at ma-explore ang Tagong-Bato na ito. "Ikaw naman Lorenzo pagbigyan mo na itong anak mo. Hamot darating ang araw na siya mismo ang magsasabing gusto na niyang pamahalaan ang kompanya. " si Rosana na kinindatan ang unica hija. "Oo nga naman daddy. Malay mo last assignment ko na pala ang Tagong-bato, tapos pagbalik ko ay ako pa mismo ang lalapit sa inyo para sabihing gusto ko ng mag-trabaho sa kompanya mo." Napailing-iling nalang si Lorenzo." Ano pa nga bang magagawa ko eh pinagtulungan niyo nanaman akong mag-ina. At saan na naman itong Tagong-bato na ito?" Pati si Rosana ay napakunot-noo rin. Nakalimutan niyang hindi pa pala niya nasabi iyon sa mga magulang niya. "It's in Quezon pa." Alanganing sagot niya. "City or province?"  "Province.." Naningkit ang mata ni Lorezon at rumihistro ang galit sa mukha. Sa pakiwari ni Gail ay tila lalong tumanda ang itsura nito. "Tinanggap mo ang assignment na yan ng hindi man lang kumukunsulta sa amin, Abigail. I am reminding you young lady that you still have both your parents! And for heaven's sake, hindi ba at delikado ang lugar na yun." Hindi napigilang taasan ng boses ang matanda. "Pero dad, I've been to many places at hindi naman ako napahamak," putol niya sa sasabihin ng ama. "Do you remember when I went to Mindanao last year?"  "At gabi-gabing hindi ako nagkaroon ng magandang tulog. For six days Abigail! I've been so worried that my only daughter is in that god forsaken place." "Dad, you're overeacting." Bulalas niya, hindi pansin ang warning look ng ina. "Your father is right. Hindi na kami nakakatulog ng maayos kapag may pinupuntahan ka. Masyadong liblib ang mga lugar na ina-assign sayo. And now Quezon for god sake Gail aatakihin ako ng alta presyon ko." Napabuntong-hininga si Gail at pinaglipat-lipat ang mata sa mukha ng magulang. Labis na concern ang naroon. Lihim siyang na-konsensya. Dapat ay tinutulungan niya ang mga ito sa kompanyang pagmamay-ari nila pero mas pinili niya ang magtrabaho sa iba. In one way or another ay siya ang magmamana nun. Matagal pa iyon pero dapat ay unti-unti na niyang pinag-aaralan. Sa bandang huli'y inilahad niya ang isang desisyong ilang buwan na ring pinag-isipan. She wanted to surprise them pagbalik sana ng Tagong-bato ngunit mukhang kakailanganin niya iyun ngayon. "Okay, here's the deal, if you allow me to go to Tagong-bato now, I promised that it would be my last assignment. Mag-reresign na ako at pag-aaralan ko ng i-manage ang kompanya mo Daddy. Deal?" Nagpalitan ng makahulugang tingin ang mag-asawa. Marahil ay ina-analized ang inilahad na proposisyon. "Are you serious hija?" pati ang ina'y hindi rin makapaniwala sa sinabi niya. Nakangiting tumango si Gail. Well, matagal na niyang  pinag-iisipan ang bagay na iyon. Marahil ay oras naman na upang paluguran ang magulang . Besides, it seems na iyong dahilan kung bakit niya pinili ang field ay tuluyan ng naglaho. I'm totally healed saloob-loob niya. Kailangan na niyang mag-step sa next level ng buhay niya and try to embrace who she really is. Abigail Hoxha Sebastiano. Ginagap ng ama ang kamay niya na nakapatong sa ibabaw ng mesa. "Hindi mo lang alam kung gaano mo ako napasaya sa desisyon mong iyan hija. " kumikislap ang mata nito sa katuwaan. "Basta payagan niyo muna ako. Promise, I'll be safe, may mga kasama naman ako." she gave them a reassuring smile Muling bumalik ang lambong sa mga mata ni Lorenzo. "Ano pa nga bang magagawa ko, kahit naman hindi kita payaga'y ipipilit mo parin ang nais mo. "sabay buntong-hininga. "Basta ipangako mong walang mangyayaring masama sayo. " "I promise" Ngumiti siya at itinaas pa niya ang kanang kamay. Hindi mapaknit ang ngiti sa labi niya. "Ill be back unscathed." "Another week of sleepless nights." Bulong ni Lorenzo. Nagkatingan sila ng ina. Ginagap ng huli ang kamay ng asawa na nakapatong sa mesa. "For the last time, Lorenzo. Pagbalik ni Gail ay matutupad na ang inaasam-asam mo. Hindi ba hija?" Tumango siya for assurance. "Basta daddy ikukuha mo ako ng magaling na magtuturo ah." "Of course." May kakaibang kislap sa mga mata nito. "Only the best for my only daughter." At nagpalitan ang dalawa ng makahulugang tingin. "Have you met Arthur recently?" maya-maya'y tanong ni Lorenzo. Umiling si Gail. Matagal na niyang hininto ang pagpunta sa mga mansyon ng mga Martinez. "Why don't you meet him before you go to Quezon." "Still playing as a matchmaker, dad?" "Hindi ko igi-give up ang pangarap kong makapangasawa ka ng isang Martinez, hija." "Hindi lang si Arthur ang lalaking anak nina Tita Aurora at Tito Augusto. What do you like about him anyway. Gusto niyo bang tumanda ako agad sa pangungunsumi sa kanya." "She's a good man." "And a playboy. Daddy, papalit-palit siya ng girflriend." eksaheradang bulalas niya. "They were just rumors hija. I'm sure, once he settles down ay mapuputol ang buhay binata niya. And I will make sure of that." "You can't change a person dad. Hindi ka nakakatiyak kung kakayanin ng lalaking yun ang mabuhay ng iisa lang ang babae sa tabi niya." may halong sarcasm ang tinig ni Gail bago ngumuya ng pagkain.  "Ano bang inaayaw mo sa batang yun? Other woman would love him to be their husband." "And I'm not just any other woman, daddy. I am your only daughter." Pinanlakihan niya ng mata ang ama. "Are we being so conceited here?" tumaas ang kilay ni Lorenzo at kumislap ang mata sa tinuran ng anak.  "I'm just stating a fact, dad. Sabi mo, you only want the best for me. And I don't think he is the best option. Hindi lang ang mga Martinez Siblings ang mga lalaki sa mundo." Si Rosana ay may pagka-aliw sa matang nanonood sa diskusyon ng mag-ama. They both have a point. Kung siya ang tatanungin ay ikatutuwa niyang isa sa mga anak ng malapit na mga kaibigan ang makatuluyan ni Abigail,. Nasubaybayan niya ang pag-laki ng apat na binata ni Aurora and she would love any of them to be a son-in-law. Pero mukhang may ibang napupusuan ang unica hija. "Bakit hindi mo ako paluguran ng isang beses hija. Matagal na kayong hindi nagkikita ni Arthur, baka mag-iba ang pananaw mo kapag nakita mo siya ngayon." She refused. Pero nagulat nalang siya nang makatanggap ng tawag mula kay Arthur the next day. Kinumpirma nito ang isang date sa kanya. Malapit lang ang restaurant na ni-reserve nito kaya nagpunta narin siya. "You look lovely, tonight." Compliment ni Arthur pagkaupong-pagka-upo ni Gail sa katapat ng upuan nito.  Gumuhit ang pagka-disgusto sa mukha ng dalaga.  "Ikaw naman Gail, hindi mo ba pwedeng ipakita na kahit papaano ay masaya kang makita ako. O may gusto kang ibang makita ka ganyan ang reaction mo." Tumaasa ang sulok ng labi nito.  Humalukipkip siya. Hindi na siya ang dalagitang madaling mapikon sa mga pang-iinis ng binata. "You looked better before. Bakit mukha kang lalong nangingitim?" Nabura ang ngiti sa labi nito . Biglang napatingin sa sariling balat. "Babad sa araw. Unlike your prince charming na babad sa loob ng opisina. I wonder why you agreed on this date, alam naman nating pareho na ibang tao ang gusto mong kaharap ngayon." Tumalim ang mata niya. Kahit kailan ay matabil parin ang dila ng lalaki. "Ikaw Arthur, bakit ka pumayag na makipag-date sa akin?" Nagkibit-balikat ito. "My mother asked me to. Alam mo bang napakasaya niya na napapayag ka ni tito Lorenzo na makipag-kita sa akin. Besides, I don't mind seeing you. Nag-expect nga lang ako masyado." at pinasadahan siya ng tingin. Mula kasi sa opisina ay dumiretso na siya sa restaurant na kinaroroonan. Bukod kasi sa kanyang naka-suot ng casual na trouser at long sleeves, the rest of the guest ay nakasuot ng mamahaling night gowns. "Galing ako sa opisina." pagdadahilan niya. Muling tumaas ang sulok ng labi nito. "Bakit nga ba hindi natin subukan? Hindi na ako lugi kapag napangasawa kita. Imagine, I will marry the only daughter of Lorenzo Sebastiano. Mapapasaya pa natin ang mga magulang natin." Gail made a face sa tinuran nito. Ang totoo'y hindi narin naman siya lugi kung sakali. Ang pagiging babaero ni Arthur ay reasonable. Kung hindi niya lang nasaksihan ang pagiging pilyo nito habang lumalaki sila ay siguradong mahuhulog rin siya dito. He wasn't just charming, he was really drop dead handsome by the true meaning of the word. Hindi nga ba at ito ang unang naging crush niya noon. "Are you even ready to get married? Wait, let me rephrase it. Do you even believe in marriage?" Nagkibit-balikat ito. "Mapag-uusapan naman natin ang terms and condition ng marriage kung sakali." "Like how?" panunubok niya. "Like you can do your own thing, and I'm not? Come on Arthur, you are not cut for marriage. Masasaktan lang ang taong pakakasalan mo." Rumihistro ang pagdaramdam ng sa mukha ng binata. "That is so mean, you know." "Oh cut the crap. Hindi ka marunong masaktan Arthur." Naputol ang pag-uusap nila ng dumating ang pagkain.  "Okay, let's just pretend that we are happy to see each other. Truth is, I'm not looking forward to see you. Mas curious ako sa magiging reaksyon ng isang tao kapag nalaman ang tungkol sa paglabas natin." Hindi sumagot si Gail at tahimik na kumain. After the dinner ay nag-hiwalay na ang dalawa at sumakay sa kanya-kanyang sasakyan. Si Arthur ay agad duniretso sa mansyon. Nagulat ng madatnan si Aaron na mukhang paalis ng bahay. "Ginabi kana, I'm heading out. Walang katulong kaya kung gusto mong kumain ay lumabas ka nalang. We don't have a maid." "Anong ibig mong sabihin, kuya?" Inikot ang mata sa loob ng bahay. Tahimik nga ang buong paligid. "Naka-leave silang lahat. Pinag-leave ni mama." "What?" Nagkibit-balikat si Aaron sa reaksyon ng kapatid. Ganoon rin ang reaksyon niya nang una niyang malaman. "Kaya lumabas ka nalang kung gusto mong kumain. Nasabihan ko na si Andrew at Anthony. Angela will take home food for them. Kung gusto mo ay tumawag ka sa hotel para dagdagan ni Angela ang take-away niya." "I already had one." "Date?" tukso ni Aaron na palabas na sa pinto. "Yes. You wanna know with whom?"  It's Abigail." Walang pasakalyeng sabi ni Arthur. "She looks prettier now." Nabitin ang gagawing pagbukas ni Aaron ng main door at magkasalubong ang kilay na nilingon ang kapatid. "Si Tito Lorenzo mismo ang nag-set ng date.  We even talked about if marriage is possible, tulad ng gustong mangyari ng mga magulang niya at natin," pagbibigay impormasyon ni Arthur kahit hindi tinatanong. At kitang-kita ng lalaki ang pagbabago ng reaksyon ng mukha ng kapatid. For once ay kinakitaan niya ito ng pagkalito. Pero sandali lang dahil biglang sumeryoso muli ang mukha nito. "At bakit mo sinasabi sa akin?" Nagkibit-balikat si Arthur. "Just saying. I want everyone to know just incase. Atleast walang samahan ng feelings sakaling mas mauna akong ikasal sa inyong tatlo nila Kuya Andrew at kuya Anthony." Aaron's lips pressed into thin line. "I have to go." paalam ni Aaron at tuluyangumabas ng pinto. Si Arthur ay napapailing nalang sa nakitang reaksyon ng nakatatandang kapatid at nagtuloy sa hagdan. Walang katulong? Hindi big deal sa kanya yun.  "You've got everything you need?" pang-sampung beses na yatang ulit ni Lorenzo iyon mula pa kaninang umaga. Isinara ni Gail ang trunk ng sasakyan sabay ikot ng mata. Para siyang high school student na pupunta sa field trip sa ginagawa ng mga magulang. Maaga pang gumising ang mommy niya para ipagluto siya ng agahan. Pati ang papa niya'y sinadyang magpa-late para lang mapaalis siya. "Dad, Mom. I'n not a child anymore." Reklamo niya sa ginagawa ng mga ito. "Ikaw naman hija, pagbigyan mo na itong papa mo at masaya lang siya sa naging desisyon mo. Kagabi'y hindi ako nakatulog ng ilatag niya ang mga plano niya para sayo." Lumapit siya sa ama at yumakap sa bewang nito. "Don't be too excited. Remember, marami akong hindi alam sa kompanya mo. Huwag kang masyadong mag-expect baka ma-disappoint lang kita." Lumabi siya. Hindi niya alam kung bakit biglang na-miss niya ang ganitong eksena nilang mag-anak. "Kaya nga ako kukuha ng magaling na magtuturo sayo diba." Anitong hinawi ang ilang hibla ng buhok na tumabing sa mukha niya. "Only the best for my only daughter." Mula sa likod ay yumakap ang kanyang ina. Kaya naman naipit siya sa gitna ng mga ito. "Mom.." Natatawa siya but happiness filled her. "I miss you hija. Matagal na rin mula nung huli tayong nag-bonding na tatlo." Malungkot na turan ni Rosana. Nakonsensya si Gail. "Promise, pagbalik ko babawi ako sa inyo ni daddy." Sumilay ang matamis na ngiti sa labi ni Rosana. "I'll be waiting dear. Take care of yourself okay. " malambing na bilin ng ina habang hinahaplos ng palad ang lampas balikat niyang buhok. "I love you too, mommy and daddy. " anas niya habang yakap-yakap ang magulang. Habang palabas na ng gate si Gail ay binigyan niya ng huling tingin ang magulang mula side mirror. Rosana waved habang nakaakbay dito ang asawa at hinatid palayo ang sinasakyan niya.  Dumaan muna si Gail sa opisina upang kunin ang ilang gamit na kailangang dalhin saka na siya dideretso sa Maid Cafe. Doon kasi ang meeting place nil ng team niya. "Good luck, Gail." Pag-angat ng mukha ay nasilayan ang kasamahang si Riza. Ito sana ang maa-assign sa Tagong-bato pero sa last minute ay tumanggi dahil sa kalagayan. Buntis kasi ito ng tatlong buwan na recently lang nito nalaman. "Thank you." Tipid niyang sagot at muling inayos ang table. Ilang araw din niyang hindi magagamit iyon at para pagbalik niya'y kaunti nalang ang aayusin niya. Kaninay pormal na siyang nagpaalam sa management. Nagulat ang amo niya pero naintindihan siya nito nang sabihin ang dahilan niya. "Gusto ko din sanang sumama kaso alam mo na hindi puwede." Bakas ang panghihinayang sa mukha ni Riza. Adventurous din kasi ito at magaling rin naman kaya nga ito ang first choice sa naturang assignment. Nilapitan niya ito at hinimas ang hindi pa halatang tiyan nito. "Alam mo Riza, mas exciting ang kalagayan mo ngayon. Biruin mo sa tinagal-tagal ng paghihitay niyo, dininig na rin sa wakas ang dasal ninyo." Umaliwalas ang mukha nito. "Oo nga eh natatakot nga ako at the same time nai-excite." "Oh diba. Basta ninang ako ah." Sabay kindat. "Naku, oo naman syempre. Kahit wala kana dito pupuntahan kita sa inyo. Mga magaganda lang kukunin ko." Bulong ni Riza na ikinatawa niya ng malakas. Saktong bumukas ang pinto at sumungaw ang isang kasamahan. "Gail, may naghahanap sayo. Labasin mo nalang." At umalis na ito. Nagkatinginan sila ni Riza. "Sino naman yun?" Tumingin siya sa relo. Sanay saglit lang ang pakay nito at baka mahuli siya. "May ini-expect kabang bisita?" tanong nito. Umiling siya. " Sige na labasin mo na. "Pagtataboy ni Riza. Tumayo siya at tinungo ang pinto. " Rico sinong naghahanap...." Natigilan siya nang makilala ang lalaking nakatayo ilang dipa mula sa kanya. Nakatagilid ito sa kinaroroonan niya pero hinding-hindi niya maaring ipagkamali ito sa iba. His beauty could take anyone's breath away. She would die if he would just glance in her direction. Just one look.Pero para saan? Napailing-iling ang dalaga. Saktong humarap si Aaron sa direksyon niya. She hadn't seen him in nearly what almost two years. But she was still struck by his good looks. The same reaction she always had for him His chiselled jaw lifted with a proud, pleasant smile. "Geh" he called. Gail closed her eyes as she remembered again those bitter sweet memories. The first time he ever called her with that name.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD