"Hindi na pera ang kailangan ni boss." Lalong bumigat ang dibdib ko. Parang ayoko nang marinig ang susunod nitong sasabihin. Ngunit sinabi pa rin niya. "Dalhin ka na raw." Tuluyan akong natigilan. "Sa cabaret." Nanginginig ang mga labi ko.nPakiramdam ko mawawalan na ako ng malay. "Hindi..." Mariin na umiling ang lalaki. "Hindi na ikaw ang magdedesisyon." Mariin kong pinikit ang mga mata ko habang tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha sa mga pisngi ko. Wala na akong lakas para lumaban. Dahil sa bawat pagtatangka kong tumakas, mukha ng pamilya ko ang kapalit. At iyon ang bagay na hindi ko kayang isugal. Ilang segundo pa ang lumipas bago marahan kong ibinaba ang mga kamay ko. Napansin agad iyon ng mga lalaki. "Good." Mahina akong napailing. Hindi dahil sumusuko ako.nKundi dahil wala na a

