For the last one week ay masayang masaya ako-- being in a relationship with Miguel. Gusto na siyang ma-meet ng mga kaibigan ko. Pinipilit na ako ni Niem na dalhin ko raw si Migs sa mga bonding namin. Ang bilis nga ng araw pero sa mga araw naman na lumipas na iyon ay masaya ako at laging pinaparamdam ni Miguel na mahalaga ako para sa kanya. Masyado ako nasasanay na nandyan siya lagi kaya parang hindi healthy para sa akin. May mga what if’s pa rin sa isip ko hindi ko mapigilan. I want to enjoy being in a relationship with him I don’t like pressure. Kaya nga ako nag boyfriend kasi gusto ko ng-- someone to be with and same understanding. Ayokong maging negative and paranoid kaya iniiwasan ko ang mag-isip ng mag-isip baka mabaliw ako. Dapat mag enjoy lang ako kasi kakasimula pa lang ng rel

