Nagtataka talaga ako sa mga kaibigan ni Miguel na nagtatanong at hinahanap sa akin si Miguel samantalang ilang araw na kami hindi nagkikita kasi abala daw siya sa bago niyang work. Yun ang sabi niya kaya nga updating lang ang ginagawa niya sa mga nagdaang araw. Kahit ang pagsundo niya sa akin sa school ay hindi na rin niya nagawa dahil sa busy na siya sa bago daw niyang work. Nabanggit lang niya ang work niya pero hindi ko alam o wala akong ideya kung anong klase ng trabaho ang trina-trabaho ng lalaking iyon. Abala rin ako sa mga school ko kasi natambakan ako dahil panay ako sinasama ni Miguel sa lakad ng tropa niya ng mga nakaraang linggo. Nag focus muna ako sa school works baka may makaligtaan ako at hindi ko pa makumpleto ang lahat ng requirements na kailangan ipasa. Pero dahil sa m

