CHAPTER 16

2064 Words
Huminga ako ng malalim bago kumatok ng tatlong beses, ilang minuto pa akong naghihintay na bumukas ang pinto. Nakakatakot malaman ang totoo marami ang maaring mangyari. I need to do this. “Cheska!” banggit niya sa pangalan ko. Halatang gulat na gulat ang isa sa mga asawa ng tropa ni Miguel ng makita ako nandoon sa tapat ng pinto. Wala akong pasabi na pupunta ako rito para kausapin siya at magtanong tungkol kay Miguel. Halatang may alam siya sa mga nangyayari sa monkey business ng lalaking iyon. Ayon sa kilos niya. Mahahalata mo iyon. Nilakihan niya ang bukas ng pinto. Tumingin muna siya sa kanan at kaliwa sa labas ng pintuan na parang may hinahanap. “Bilis tara pumasok ka na,” ani niya sa akin ng may pagmamadali sa tono. Kaya lumakad din ako papasok sa loob ng bahay nila. “Upo ka,” sabi niya sa akin. Sinunod ko ang sinabi niya naupo naman ako doon sa pang isahang sofa. Nandoon pala ang anak nila tahimik na naglalaro sa lapag ng living room. Ilang segundo muna ang lumipas bago ako nagkaroon ng lakas ng loob na magtanong sa kanya. “Nandito ako para magtanong,” seryoso kong panimula ko. Kailangan kong malaman ang buong katotohanan o kahit hindi lahat ay malaman ko lang. “I’m sorry kung nanatili akong tahimik Cheska pero madalas ko na sinabihan ang asawa ko maging siya sinusubukan na kausapin si Miguel dahil ng sa mga pinaggagawa niya ngayon sayo,” panimula nito magkwento. “Mabuti at ganitong oras ka pumunta at wala ang asawa ko nasa trabaho.. Ang mga marites naman sa labas namin ay natutulog na,” Akala ko pa ay tamang hinala lang ako! Iyon pala ay tama talaga ang hinala ko sa mga naiisip ko na ginagawa niya. Ang mga nararamdaman ko na parang hindi mapakali ay dahil may ginagawa siya sa likod ko. “Hindi pa man ikaw ang girlfriend niya ganun na talaga siya sa lahat ng nakarealasyon niya.. Ayos ka lang ba Cheska?” Tumingin ako sa kanya ng diretso bago tipid na ngumiti at tumango bilang sagot sa huli niyang sinabi. “Kumain ka na ba?” nag-aalala niyang tanong sa akin. Maski ako hindi ko na tanda kung kailan ang huli kong kain. Nakakabaliw ang mag-isip. Kaya ba siya kumuha ng girlfriend para pang display sa tropa at may ka-s*x siya sa tuwing nangangati siya pero hindi pa sapat sa kaniya na mayroon siyang ako sa buhay niya. “Sigurado ka ba?” tanong pa ulit nito sa tono na parang naawa sa akin. “Oo ayos lang ako,” naninigurado ako sa kanya kahit pa na hindi iyon ang totoo na nararamdaman ko. “Okay pero ayan ang sagot at karaniwang kasinungalingan na naririnig kong sagot sa tanong na ‘ayos ka lang’,” The truth is-- sino ba ang magiging okay kung ngayon ay unti-unti mo ng nalalaman ang mga ganitong bagay tungkol sa iyong nobyo na akala mo ay hindi kayang gawin ang mga iniisip ko. Ayun pa lang naiisip ko nagawa na pala niya.Maraming tanong ang nabuo sa aking isipan. Lalo ngayon ay binigyan na ako ng kaunting impormasyon tungkol sa nakaraan ng lalaking iyon. Kaya mas lalong gusto kong malaman ang lahat. I need to uncover the truth. “Ano pa bang alam mo?” tanong ko sa kanya. Kailangan kong mapiga hanggang sa may makuha pa akong sagot mula sa kanya. Hindi dapat masayang ang pinunta ko rito. “Bakit pala sila nag break ng last ex-girlfriend niya kahit yung rason lang,” Madalas pag nag-usap kami ni Miguel at napupunta ang topic namin sa mga ex na yan lagi siyang umiiwas kaya wala akong ideya sa kung ano ba ang mayroon sa nakaraan ng lalaking iyon. Takot ba siya na malaman ko ang tungkol sa lahat ng mga kalokohan niya sa nakaraan. Nakikita ko sa kanyang mukha na hindi niya alam kung sasabihin niya ang iba pang nalalaman tungkol kay Miguel. Ano pa ba ang mga nalalaman niya tungkol kay Miguel. Marami pa ba? “Lahat ng ex-girlfriend niya ay iniiwanan siya dahil nagsasawa sa ugali niya.. Madalas kasi siyang nahuhuli ng mga ito na may iba siyang malalanding babae kahit pa may girlfriend siya.. He’s cheating all of them,” Parang sirang plaka na nag playback sa aking isipan ng mga katagang sinabi niya. He’s cheating all of them. Cheater is always a cheater, never will change. Iba’t ibang senaryo ang naglalaro sa isipan ko. “Last girlfriend niya masyadong malaki ang eskandalo ang naganap.. Kamuntik na nga makulong si Miguel dahil sa babaeng iyon,” Sa paano siyang paraan makukulong kung naghiwalay lang sila ng girlfriend niya. Mas lalo kong gusto malaman ang dahilan kung bakit. “Hindi mo alam?” tanong niya sa akin. Ano pa ba ang hindi ko alam tungkol kay Miguel Rosales. “Wala akong alam at ideya kung ano ang tinutukoy mo,” May tanong na muli pang madadagdagan ng tanong habang tumatagal ang usapan namin. “Nabugbog kasi niya ang ex-girlfriend niya ng mag-away sila.. Malala ang ginawa ni Miguel ng araw na iyon,”Umabot sa ganun ang away nila. Nakakatakot na malaman dahil mas malakas siya sa babae at bakit kaya niyang gawin na manakit ng babae. I can’t explain what I feel right now! This is f*****g insane. All a long-- totoo pala ang lahat ng hinala ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon lalo pa sa mga nalaman ko. May mga clue pa siyang iniiwan parang puzzle na bumubuo sa isipan ko. Kung magaling siyang magtago mas magaling akong maghanap. Nanginginig ang buo kong katawan dahil sa matinding emosyon na nararamdaman ko sa mga oras na ito. Ilang araw pa bago ko ma-solve ang ginawa niyang kalokohan behind my back! That fvcking cheater! Ang gago niya para gawin sa akin iyon, ginawa ko ang lahat ng kaya ko para intindihin siya pero eto lang pala ang makukuha ko in the end. Do I deserve this kind of treatment from him! The fvck. Lahat naalala ko mga palusot niya na pilit na inilulusot kahit huling-huli na siya. Ang kakapal ng mukha nila para pagtakpan ang kaibigan nila. I ask him to go with a date with me before pa kami mag monthsary. Ako na ang nag first move-- para magkaroon ng time na magkasama kami at makapag usap lang. I miss being with him. Mga panahon na nanliligaw pa siya sa akin ang effort niya. Sa una lang talaga magaling!! We don’t celebrate our first monthsary-- isa pa iyon kinagagalit ko kay Miguel. “Shhh tama na Cheska!” saway sa akin ni Osang. “Wag ka na mag kwento.” Narito kasi ako kila Osang matapos ko kausapin ang asawa ng isa sa mga tropa ni Miguel dito ako dumiretso. I message them. 911 means need help. Kanina pa nila ako pinatitigil sa pag-iyak pero hindi ko naman magawa, hindi ko alam kung paano. Dahil sa mga nalaman ko tungkol kay Miguel parang hindi ko na siya kayang makita. Masyado akong nasasaktan dahil mahal na mahal ko siya. Walang tigil ang mga luha ko sa pagtulo pababa ng aking pisngi. Dapat maging honest na lang siya tungkol sa mga bagay bagay pero mas pinili niyang itago ang mga iyon mula sa akin. Bakit anong dahilan niya? Matatanggap ko pa sana kung siya mismo ang magsasabi hindi yung unti-unti niya pa akong binibigyan ng clue. Para siyang nakikipaglaro sa akin. “Nandito lang kami para sa iyo,” Tipid akong ngumiti kay Cess dahil sa sinabi niya. Last na bonding namin nakaya ko pang ikimkim ang sama ng loob ko at sakit na nararamdaman ko pero sa ngayon hindi na. Kailangan ko ng ilabas dahil ako ang nahihirapan na may bitbit ng mabigat na bigay ni Miguel. Lahat ng kasinungalingan niya at pagtatago ng totoo mula sa akin. “Gaano na pala kayo katagal?” tanong ni Angel. “One month pa lang,” Bago lang ang relasyon namin ni Miguel pero ganito na ang bigat na ng problema ang dumarating. “Tih may nangyari na ba sa inyo?” tanong ni Niem. “Meron na.” mahina ang paraan ng pagkakasabi ko. Nahihiya ako sa sarili ko hinyaan ko, mahal ko siya kaya ganun. Tanga na naman ako dahil sa isang lalaki. “Ayun kaya!” sabay sabay pa sila. Tahimik na lang ako roon habang nakayakap kay Osang. “Inom tayo?” tanong ni Mola. “Kaso pag-uminom tayo kukunin namin ang phone mo Cheska,” paalala ni Angel. Dapat! Iyon ang patakaran na bawal mag drunk message or drunk call sa jowa or ex-jowa. “Para bukas ay sakit na lang ng ulo ang iisipin mo Che!” Nag-iisip ang bawat isa kung iinom na ba para madamayan nila ako sa pagkasawi at paghihinagpis. “O edi bili na!” Napagkasunduan na bumili ng alak. Dalawa lang ang lumabas si Mola at Angel naman. Kami na naiwan nag prepare ng kailangan para pagbalik-- all set na. “Ang tagal ng rider!” reklamo ni Cess habang nakatingin sa phone niya. Nagpa deliver ng food. “Kailangan mo muna kumain Che baka sumakit ang tiyan mo kung inom agad,” paalala ni Osang. Mabuti pa siya kinakaya niya. Ilang taon ng buhay niya na kasama ang lalaking iyon then iiwanan din pala siya sa huli hahanap din ng iba na papalit sa kanya. Baliw na baliw ako kay Miguel kahit sa maikling panahon pa lang ganito na ako. Binigay ko na agad ang lahat sa kaniya. “Bakla ka iinom na tayo tama na ang emote!” “High school pa tayo uso ang emotera!” “Moment hindi na emote,” sagot ko sa dalawa. Natawa naman ang mga ito. Abala pa rin si Cess sa phone niya kakahintay sa rider. “Gutom na si Cess wala pa rin ang food,” “Zero star siya sa akin!” “Gago ang sama mo,” Mabuti na lang at nandito ang support system ko ang mga kaibigan ko mahilig sa inom. Na sasamahan ka sa mga drama ng buhay. Makabalik ang dalawa na bumili ng drinks nagsimula agad na mag shot before that-- kumain muna syempre. “Shot puno!” Tig-iisa kami ng shot glass. Mojito ang binili nila. “Ka-body shot na lang kulang,” nakangiting sabi ni Niem. “Manyakis mo!” kontra ni Angel. “Tang*na mo ka sino ang nag boracay tapos nakipag-body shot sa afam!” balik niya kay Angel hindi papatalo si Niem. Nakikinig at nanonood lang ako sa mga asaran nila. Wala ako sa mood na sumali ang gusto ko lang ay malasing at makatulog. Ayokong mag-isip ng mag-isip. “Mahilig sa malaking hot dog!” “Bakit ikaw anong gusto mo yung parang kikiam?” Tawanan talaga sa asaran ng dalawa usapang tit* na naman ang mga lokaloka. “Gusto ko yung pwedeng panampal pag bad girl ako,” “Mga pang porn ang gusto ni Angel,” sabi ni Mola na tinutukoy si Niem. “Wag kayong feeling malinis ha! Si Angel ang tinitira afam!” “Hanggang bituka mo talaga iyon.. Sa liit ba naman niyan,” Lahat active basta ganyan ang usapan sa loob ng bilog. “Masarap ang big bulldog,” parang kinikilig na sabi ni Cess. “See hindi lang kami lahat tayo rito want ang big bite,” “Pero kasi minsan swertihan lang din hindi mo naman malalaman agad kailangan mong makapa at makita ang malaking katotohanan,” We all agree with Osang. “Parang may hinanakit si Osang tungkol sa hotdog,” binubuyo na siya ng mga baliw. “Awit maliit ba?” tanong ni Mola. “Bobo kung maliit ba ang karga nun tatagal ba kami?” tanong ni Osang dito. “Ay putang*na talaga!” Cess proudly said. Nagpatuloy ang usapan tungkol sa hotdog. Marami na ang bote na walang laman kaya mas maingay na kami ng maingay. Sumasali na rin ako sa mga usapan at asaran nila. “Lahat may pangangailangan!” reklamo niya. “Oy bakit ka ganyan parang hugot na hugot ka ha?” tanong ko kay Niem. “Kulang ka lang ata,” Naubos namin lahat ng bote ng mojito na binili nila. Lahat kami ay lasing na lasing na at sa kung saan ang pwesto namin habang umiinom doon na rin kami natulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD