Makailang beses akong tinanong ni Lulu kung maayos lang ba ako. Hindi ko alam kung paano yon masasagot dahil natatakot ako sa naiisip ko. This day– ang presentation ng group namin. Aaminin ko naging pabigat ako sa grupo madalas akong late, madalas akong late na nagigising sa hindi ko malamang dahilan. Madalas na antok na antok ako. “Cheska ayos ka lang ba?” tanong ulit niya. Dama ko ang pag-aalala sa kanya. “Ayos lang ako Lulu salamat.” naninigurado kong sagot. Ngumiti lang siya sa akin at mukhang kahit paano ay naniniwala na siya sa naging sagot ko. Hinihintay namin ang result ng presentation namin. Sabaw na sabaw ako buong presentation namin pero dahil sa lahat ng groupmates ko nakaalalay sa akin kaya kahit paano ay naraos namin. Sumasabay pa kasi si Miguel ngayon. Hindi ko siya

