I’m trying to fix everything– gumawa ako ng effort just to fix our relationship. Pinupuntahan ko siya sa working place niya right after ng mga kailangan kong matapos sa school. Kasi ang unfair sa part ko na kahit wala akong ginawa para masaktan siya o kahit anong maaaring maka-damage sa inner peace niya. Pinaniniwalaan niya ang lahat ng mga bagay na gusto lang niya. He insisting things– na walang katotohanan. Hindi ko rin alam kung saan at paano ito nangyari. Mabuti pa nga siya alam niya, ako na daw ang gumawa hindi alam. Walang kaalam-alam sa mga nangyayari.
Nandito ako sa labas ng workplace niya nakatayo lang ako naghihintay para sa kanya. Oras na rin mahigit akong nakatayo. Madilim na at malamok. Malamang marami na akong mga kagat ng lamok sa binti pero hindi niya pa rin magawang lumabas para kausapin ako kahit na sandali.
Isa sa mga ka-work niya ay ilang beses na akong nilalapitan para tanungin kung ayos lang ba ako. Ang gago ni Miguel! Sobrang gago!!
“Ayos ka lang ba?” tanong niya.
Syempre ano pa ba ang sagot ko. “Ayos lang ako,”sagot ko pa sa kanya.
“Nag message ka na ba kay Miguel kanina? Kasi may break naman.” nag message naman talaga ako kay Miguel but no use.
“Ay hindi ko maalala hindi ata.” pagdadahilan ko. Ayoko naman na masira siya sa iba lalo pa at ka-workmate niya pa.
Nagpaalam na ito babalik na sa loob ng work nila. Tapos na ang break time niya. Nahihiya na ako kasi ilang beses na akong binalikan nun.
Ang bigat bigat ng loob ko dahil sa mga nangyayari ngayon. I don’t deserve to be treated like fvcking s**t! Too much! May pakiramdam din ako nasasaktan at napapagod din. Panahon na nagkamali siya hindi ganito ang pakikitungo ko sa kanya. I keep distance to him pero yung gawin at tratuhin na parang basura ay hindi ko nagawa. Makita ko lang siyang nahihirapan mas nasasaktan pa ako.
Miguel is really unfair!
“Another minute Cheska please be brave.” pag kumbinsi ko sa aking sarili habnag nandoon nakatayo naghihitay na lumabas si Miguel.
Masasakit na ang mga daliri at talampakan ko. Gusto ko na matulog at magpahinga pero gusto ko makausap si Miguel, kahit na alam ko na ayaw niya ginagawa ko pa rin baka makita niya naman na nandito pa rin ako kahit nag gago niya na sa akin.
Kanina pa tawag ng tawag si mama pati ang mga kaibigan ko hinahanap ako kung nasaan daw ako.
Napagod na ako kaya ang ginawa ko umuwi na sa bahay para makapag pahinga wala na rin kasing patutunguhan kung magtatagal ako rito. Kinausap ko na rin ang workmate niya na baka maaring palabasin siya sandali kaso ayaw niya.
Nakatatak na sa aking isip na hinayaan na niya ako mag-isa at wala na siyang pakialam sa akin. Ang ginagawa ko umuwi na sa bahay namin para magpahinga at matulog doon ko na lang idadaan ang sakit na nararamdaman ko sa aking dibdib.
Dapat ay wala ako rito sa ganitong sitwasyon dahil wala akong ginawang mali sa kaniya. Iniisip niya ang mga bagay na wala namang katotohanan. Gusto ko siyang sumbatan at saktan para maisip niya, maaalala niya na ako ng gumawa siya ng kasalanan sa akin at nahuli ko pa sa akto habang nakikipag halikan siya.
Another day– maaga akong nagising kasi nakaramdam ako ng gutom kaya bumaba na ako agad para humanap ng makakain. Kung ano lang ang makita ko iyon ang mga pinag huhuha ko tsaka iyon nilantakan ng kain. Mas maganda pang kumain na lang ako kaysa ma-stress sa pangit na nilalang.
Kung ayaw niya sa akin eh hindi kasi gusto ko pa siya. Bagong stock pala ang ref ni mama kaya marami ang laman busog na busog na naman ako. Pag madaling araw nagigising ako at nagugutom kaya punta ako sa kusina para kumain syempre.
Ako lang mag-isa sa bahay tapos sunday na kaya ang gagawin ko gagala muna ako baka mag mall na lang ako para mag tingin lang doon pampalipas oras lang muna.
I need a break from him and to my study.
Pagkain ko umakyat na ako sa kwarto just to prepare myself– para makaalis na papunta sa mall.
Nag message ako sa mama na aalis ako at mag mall muna kahit saglit. Si Miguel ang gusto kong pahinga pero anong ginawa niya hinayaan lang ako na ganito? Mababaliw na sa kaiisip kung paano kami magkakaayos na dalawa. Ma-pride akong tao pero dahil sa mahal ko siya ginawa kong ibaba iyon pero hindi niya iyon makita!
Nakarating na nga ako sa mall. Naglalakad lakad na ako sa loob ang mga bwisit na mag-jowa na agad ang sumalubong sa akin. Ano na pag welcome ba itu? Masyadong mahaharot ang puta! Gusto ko na tanggalin ang suot ko sa paa tsaka bato sa kanila para magkahiwalay. Kainis!!
Bumili na rin ako ng ice cream para mabawasan ang lungkot ko at ang sama ng loob ko kay Miguel. I can enjoy myself— I don’t need them to make my day fine and happy.
Nga-ikot ako sa kung saan-saan na store tumingin ng mga damit doon. Maganda pero wala akong nagustuhan na mabili na para sa akin.
Napadaan ako sa kids section ang cute ng mga dress ng baby girl kaso malaki na si Lota para sa mga ganun.
Mapagod ako nakaupo lang ako doon sa food court pinanood ang mag jowa na kumakain. Naalala ko na si Miguel yung mga moment namin ng magkasama. Namiss ko na tuloy ang gagong iyon! Samantalang siya hindi ako namimiss! Sana ngayon kung kinausap niya ako kagabi sana ayos na kami magkasama na kami ngayon nakapag long ride na rin kami.
Gusto ko ulit gawin yung sa first month celeb namin ni Miguel.
Maisip ko na umuwi na kasi medyo napagod na ako sa paggala sa loob ng mall kanina. Lumakad na ako pa-exit. Nag-abang ako ng jeep pauwi.
Makarating ako sa bahay nandoon na sila mama kaya ang ginawa ko ay nag hugas ako ng kamay para sumabay kumain sa kanila kumain. Sakto talaga ako ngayon! Makakasabay ko sila kumain ngayong araw.