Cheska trying not to fall asleep— binabantayan niya anak. Ilang oras na rin pero mas naging mabilis ang pagtaas ng lagnat ni Madi kaya hindi na niya alam ang gagawin sa sobrang pag-aalala. Pinainom na niya ito ng gamot pero parang hindi umepekto. Nagbasa na rin siya ng bimpo para ipunas sa katawan ni Madi. Kahit pa na antok at pagod siya pilit niyang nilalabanan upang mabantayan ang anak. Makailang ulit na rin kasi siyang nakaidlip pero agad siyang nagigising tsaka niya ulit icheck si Madi. Pumasok ang kanyang ina sa loob ng kwarto niya. “Ano bumababa ba ang kanyang lagnat?” tanong nito kay Cheska tsaka lumapit kay Madi. Umiling siya bilang tugon. Pinapanalangin ni Cheska na wag naman sana mangyari ang kinatatakutan nila. Kapag sobrang taas ng lagnat ay maaari itong kumbulsyon— tum

