Maaga pa lang ay dumating na paisa-isa ang mga kaibigan ni Cheska sa kanilang bahay. Nagluluto pa lamang ata ang kanyang ina sa kusina ay dumarating na ang mga ito. Napahinto si Cheska sa ginagawa ng makita nakasilip sa may pintuan si Niem at Osang— syempre kasunod pa ang iba nilang friends na maingay. Nakataas ang kilay niya ng makita na pumasok na ang mga ito na parang rumarampa pa. “Ang aga niyo masyado.” sabi agad ni Cheska sa mga kaibigan ng makumpleto na ito sa loob ng kwarto nila. Doon agad tumuloy ang mga ito. “Nasaan si Madi?” tanong ni Osang kay Cheska. She rolled her eyes. “Wag kayo maingay tulog pa.” bilin niya sa mga ito. Pagpasok pa nga lang maingay na malamang sa malamang mas magiging maingay na sila dahil kumpleto na naman sila. “Ano ba yan gisingin na natin!”

