Natapos na nga ang dinner kaya agad na nag-set-up ang mga kaibigan ni Cheska ng table kung saan sila nag-iinom ngayon. Sila na rin ang nag-hugas ng mga pinggan just to make sure na makakapag-pahinga na ang ina ni Cheska. Hinayaan lang muna niya ang mga ito na gawin ang kailangan sa kusina at inasikaso na ulit ang anak. She needs to put Madi on the bed to get some sleep. Akala niya talaga na matutulog na ito kanina pero dumede lang ito ng pagka-tagal-tagal kaya halos patapos na sila sa pagkain bago palang na kakain. Nakatingin lang si Madi sa kanya habang naglalakad sila paakyat sa kanilang kwarto. “Mag-sleep na ‘yan ha.” sabi niya kay Madi. Ngiti lang ang naging sagot nito sa kanya. “Matulog po hindi magpacute kay Mama.” She can't help but smile because her daughter is so adorable

