ONE NIGHT ENCOUNTER 05: LET’S GET DRUNK!
“Sigurado ka ba sa gusto mong ipagawa sa akin, Cass?” nag-aalangan na tanong ko sa kanya bago tumingin sa aking repleksyon sa salamin.
Suot ang isang fitted black one shoulder dress na pinaresan ng may kataasan na takong na kanya pang ipinasadyang ipadala sa kanyang driver papunta dito, at ngayon naman ay panay ang paglalagay niya ng kolorete sa aking mukha.
Hindi ako mapakali sa gusto niyang mangyari. Oo nga’t pumayag ako na sumama sa kanya pero hindi ko akalain na pati sa aking susuotin na damit ay kanyang aayusin at papalitan. Ilang na ilang ako sa dress na kanyang pinapasuot, hindi naman ako takot na ibalandra ang aking balat pero ayaw ko bumababa ang respeto ng mga makakakita sa akin sa ganitong kasuotan na kulang na lamang ay ilabas ang aking buong kaluluwa.
“Mukha ba akong hindi sigurado sa ginagawa ko ngayon, huh, Gwenneth?” tanong niya sa akin na nakataas ang isang kilay habang abala pa din ito sa pag-aayos ng aking kilay.
“Hindi naman pero—“ hindi ko matapos ang aking sasabihin ng lumayo siya sa akin at saka ako sinamaan ng tingin, “Bakit?” tanong ko sa kanya.
“Sabi mo ay gusto mong makalimot ‘di ba? Kaya dadalhin kita doon para kahit papaano ay makalimutan mo naman ang mga problema mo sa buhay.” Sagot niya sa akin bago inilapit ang kanyang mukha sa akin at itinapat sa salamin, “Look at you, ang ganda mo, Gwenneth. Lagi mo lang tinatago ang kagandahan na namana mo sa mga magulang at hindi nilalabas dahil sa lagi mong, ‘sinasabi na ‘respeto-respeto’.” Sabay irap niya sa akin.
“Wala naman masama sa paniniwala ko na ganon,” sagot ko sa kanya bago itinaas ang tube sa aking kaliwa dahil sa lumabalabas ang aking dibdib dahil sa putok na putok na parte na ‘to. Nang mabilis niyang hampasin ang aking kamay.
“Gwenneth, hindi ka na bumabata kundi ay mas lalo kang tumatanda. Tandaan mo, kung hindi ka pa magbabago para sa sarili mo mula sa porma, paniniwala, at sobrang pagiging dalagang Filipina mo ay hindi ka makakapag-asawa. Wala ng lalaki ang gentleman ngayon, lahat ng lalaki ay mas pipiliin ang mga ready to eat na babae kesa sa mga pakipot.” Sermon niya sa akin bago inalis ang aking kamay sa parte ng aking inaayos at siya na ang gumawa nito.
“Wala pa naman akong balak mag-asawa.” Sagot ko sa kanya.
Baka nakakalimutan niya na bente tres pa lamang ako at sa susunod na taon pa ‘ko mag bebente kwatro. Masyado pang maaga para mag-asawa ang isang babae, hindi pa nga ‘ko nakakapag-enjoy sa buhay pagkadalaga ko ay pag-aasawa na agad ang kanyang iniisip.At nawala na din sa isip ko ang bagay na ‘yan. Minsan ko ng pinangarap ang magpakasal pero sa tuwing naalala ko ang ginawa ni Renz sa aming relasyon ay nawawalan na din ako gana na maniwala pa sa kasal na ‘yan.
“Hindi mo din masasabi ang bagay na ‘yan, Gwen. Siguro ngayon ay oo pero darating ang isang araw na makakalimutan mo na din ang lahat at mas pipiliin mo na mag-umpisa na ng bagong pamilya.” Sagot niya sa akin bago ngumiti.
Nagretouch lang naman siya ng kaunti bago inilagay na ang kanyang makeup kits sa kanyang signature bag bago ito tumingin sa akin. “Tara na?” tanong niya bago kinuha ang aking kamay.
Wala na akong magawa kundi ang tumango na lamang sa kanya at sumunod sa kanyang kagustuhan, “Ito na.” sagot ko sa kanya bago kinuha ang sling bag na aking inayos.
Ayaw ko naman na hawakan lang sa aking kamay cellphone at wallet ko, hindi din naman ako makakaalis ng walang panyo na dala-dala. Sabay na lumabas kaming dalawa sa apartment, sa ibaba nito ay naghihintay na ang kanyang personal driver sa amin dalawa na maghahatid papunta sa bar.
“Hindi ka ba papagalitan ng daddy mo kung magpupunta ka sa bar?” nag-aalangan na tanong ko sa kanya, “Bakit tayo pupunta doon at ang driver mo pa ang maghahatid sa ‘yo?” dagdag ko pa.
“Hindi lang siya basta-bastang driver, isa din siya sa body guard ko. Don’t worry, hindi naman tayo papagalitan ni Daddy—ang sabi niya lang ay kailangan ko isama ang nasa loob papasok para may magbabantay sa atin dalawa, nagsabi na din ako na dito na muna ako pansamantala sa iyo makikituloy sa ‘yo dahil kailangan mo ‘ko sa tabi mo.” Sagot niya sa akin.
Napangiti naman ako sa kanya at saka niyakap ang kanyang braso, “The best ka talaga.” Sagot ko sa kanya.
“Alam ko,” sabay paikot niya ng kanyang mga mata, “Tara na, pumasok na tayo sa loob ng sasakyan.” Pag-aaya niya.
Naiiling na lamang ako na pumasok sa loob ng sasakyan at sumunod din naman siya. Pagpasok ko ay agad na tinignan ko ang driver na nagdridrive para sa amin—minsan lang kasi magtiwala ang daddy ni Cassandra mas lalo na ‘t kung sa buhay pa nang nag-iisang babae sa pamilya nila ang ilalagay dito.
“Good evening,” sabi ng baritong boses sa aming harapan bago ito humarap sa amin at napatingin sa akin.
“evening,” nagtataka kong sagot sa kanya.
“Pwede ba, tigilan mo na ang pagpapacute sa best friend ko. Magdrive ka nalang ng matuwa naman ako sa ‘yo.” Pabalang na suway at utos ni Cassandra sa binata.
Nagulat naman ako sa kanyang sinabi. Mostly ay mabait siya sa lahat, mas lalo sa mga taong naninilbihan sa kanilang pamilya dahil para sa kanya ay ginagawa ng mga ito ang lahat para mapaayos sila. Pero sa lalaking ito ay nakakagulat na maging pabalang siya.
“Cass, ang rude mo.” Suway ko sa kanya bago tumingin sa lalaking nasa harapan, “Pasensya na po, magdrive ka na manong.” Sagot ko sa kanya na ikinatawa ng malakas ni Cassandra.
Tila naman na gulat ang lalaki sa aking sinabi bago tumaas ang kilay nito, “Mas masakit pa ata ang sinabi mo eh.” Sagot niya ng iiling-iling bago nag-umpisa na magmaneho ng sasakyan.
Napangiwi na lamang ako sa kanilang dalawa ni Cassandra. Mukhang ito at ang naging dahilan kung bakit asar sa kanya si Cassy. Well, buhay naman nila ‘yan at minsan ko lang makita si Cassy na may kinaiinisan maliban kay Janeen.
Janeen—heh.
Dahil papadilim na ay dagsaan na din ang mga labasan ng mga sasakyan mula sa mga kompanya, paaralan, at kung ano-ano pang mga establishemento. Kaya naman ay anong oras na kami nakarating sa mismong aming pupuntahan.
May kahabaan din ang pila pero dahil mukhang suki na si Cassandra ay nakapasok kami kaagad gamit lamang ang kanyang card na nakalagay ang VIP. Pagpasok na pagpasok namin sa loob ay nakakahilong mga ilaw ang agad na bumungad sa aming tatlo, ang mga pinagsama-samang amoy mula sa alak, pawis, pabango, at pati na din sa sigarilyo.
“Cassandra, akala ko ay nagbibiro ka lang?” hindi makapaniwala na ani ng lalaki bago yumakap siya kay Cassandra na nangunguna sa aming paglalakad.
“Kelan ba ‘ko nagbiro?” sarcastic na tanong niya dito bago lumingon sa akin, “Btw, kailangan namin malasing dalawa. Alam mo naman ang word ko na ‘lasing’ ‘di ba?” tanong niya dito bago ito kinandatan.
“Ikaw pa ba?” tanong sa kanya nito, “sumama kayo sa akin, may nireserve akong pwesto para sa inyong dalawa.” dagdag pa niya bago napatngin.
“Sino siya?” tanong ko kay Cassandra ng mag-umpisa na kaming maglakad at nakakalayo-layo na siya sa amin dalawa.
“Siya ang may-ari ng bar na ‘to. Kung sakali na may gagalaw siya sa atin ay siya agad ang makakabangga, you know,” sabay kindat nito sa akin.
Napatango na lamang ako sa kanya at magkahawak ang aming kamay na sumunod dito. May isang pabilog na sofa ang andoon habang hindi sa kalayuan ay may mga nagsasayawan at umiindak sa lakas ng tugtugin.
Naupo naman kaagad ako dito, isa-isa na din sinerve ng mga waitress ang mga inumin pati na din ang mga pagkain sa mesa, masyado itong marami para sa aming dalawa.
“Here, uminom ka.” Sabay abot niya sa akin ng isang baso na may lamang alak. “Samahan mo ‘ko na magpakalasing ngayong araw na ‘to. Dahil ngayong araw na ito ay wala tayong ibang gagawin kundi ang magpaka-wild!” tili nito.
Wala naman pakealam sa kanya ang nasa ibang mga table at may kanya-kanyang mga mundo ito. Napatango na lamang ako sa kanya at nakipagcheers bago sunod-sunod na ininom ang mga tagay na kanyang ibinibigay sa akin.
Hindi din kalaunan ay nakaramdam na ‘ko ng hilo sa aming na inom ngunit patuloy pa din ang pagdating ng mga bote sa aming mesa.
Habang papikit-pikit ang aking mga mata muling bumabalik sa akin ang lahat ng alaala ng nakaraan. Ang alaala na sabay namin binuo ni Renz na magkasama.
“Saan ka magpupunta?” tanong ng driver ni Cassandra ng makita niya ‘kong tumayo.
“Sa banyo,” sagot ko sa kanya bago pinipilit na maglakad na tuwid kahit alam ko sa aking sarili na hindi ko na ‘to kayang gawin.
Kita ko na gusto na gusto niya pa ‘kong sundan pero bigla din tumayo si Cassandra na lasing at nag-aayang magpunta sa dance floor kaya naman ay wala itong magawa kundi ang sundan ang kanyang amo.
Hindi kalaunan ay nakapunta ako sa banyo, hinugasan ko ang aking mukha at tinanggal ang lahat make up na inilagay sa akin ni Cassandra. Ayaw ko man pero kailangan ko bumalik sa aking katinuan at baka ang paghihilamos ang natatangin paraan.
“N-nahihilo pa din ako.” Ani ko sa aking sarili bago iniiling-iling ang ulo.
Kahit paano ay na wala na ang aking hilo, siguradong magagalit si Cassandra kung malaman niya na isinuka ko lamang ang lahat ng ininom namin dalawa sa buong oras na pag-inom namin dalawa ng biglang—“ Ahhh!” tili ko at hinihintay ang pagbagsak ko sa lupa ng may isang pares ng kamay ang sumalo sa aking bewang.
Ang amo ng kanyang mukha, ang nag-iisang lalaki na nakita ko na may perpektong kagwapuhan. Ang maninipis nitong labi, ang singkit nitong mga mata at ang matatangos na ilon. Hindi ko maialis ang aking tingin sa kanya at tila nagslow motion ang lahat sa aking paligid.
“Miss, ayos ka lang?” tanong niya sa akin.
Doon lamang ako natauhan bago tumango sa kanya bago na pahawak sa aking ulo, “Ayos lang ako, pasensya ka na. Medyo nahihilo lang ako,” paliwanag ko.
Ngumiti lamang siya sa akin at inayos ako sa aking pagtayo. Inalalayan niya ang aking braso bago nag-umpisang maglakad.
“Saan ang table niyo?” tanong niya sa akin.
“Doon,” sagot ko sa kanya.
Tumango naman siya at alay-alay ang aking siko na naglakad upang hindi ako matapilok o madapa. Hindi din nagtagal ay nakarating kami doon, wala nang ibang tao maliban sa amin dalawa.
“Bago ka palang dito?” tanong niya sa akin. “Ngayon ko lang nakita ang mukha mo dito.” Dagdag pa niya.
Tumango ako, “Oo, sinama lang ako ng kaibigan ko para makalimot.” Sagot ko sa kanya bago napa-iwas ng tingin.
Sobrang gwapo niya!
“Great! Parehas lang pala tayo.” Mapakla niyang ani bago tumingin sa nagsasayawan, “Ang babaeng dapat na papakasalan ko ay nagpakasal na sa tunay niyang minamahal. Ayaw ko na maging hadlang sa kanila, mas pipiliin ko din na sumaya ang babaeng mahal ko kesa ang parehas namin lokohin ang sarili namin sa isang kasal na may pekeng pagmamahal.” Masaya pero may halong lungkot nitong ani.
Tinatago ang kanyang kalungkutan sa pamamagitan ng magagandang ngiti na kanyang ipinapakita sa labas. Sa kanyang pananamit ay mukhang simplelamang itong lalaki pero hanga din ako sa kanyang pinakitang kabaitan—nakuha pa akong ihatid dito kahit na hindi niya naman ako kilala.
“Sabay anong nangyari?” tanong ko sa kanya.
Mahina siyang napatawa bago napailing, “Heto, naiwan akong nagluluksa sa relasyon namin dalaw pero hindi ako nakaramdam ng pagsisi sa ginawa kong desisyon. Ayaw ko na maging miserable ang kanyang buhay sa piling ko,” sagot niya sa akin bago kumuha ng baso sa aming harap bago ‘yon tinungga. “Ikaw?” tanong niya.
“Ako?” natatawa kong ani bago umiling, “Nalama ko na niloloko ako ng boyfriend at bestfriend ko—hindi ko alam kung ano ang dapat na maging reaction pero iyon na ‘yon.” Sagot ko sa kanya bago kumuha din ng baso bago uminom.
“Parehas lang pala,” sagot niya bago napailing, “Huwag ka mag-aalala, darating ang araw na may isang lalaki na mas papasiyahin ka at aalagan.” Payo niya.
“At ikaw din. May babae na ikaw ang pipiliin na kahit anong problema ang mangyari.” Dagdag ko pa.
Napangiti naman kami sa isa’t-isa at nagcheers.
“Magpakalasing tayo ngayong araw at kalimutan ang lahat.” Ani ko at malakas na tumawa na kanyang sinabayan.