ONE NIGHT ENCOUNTER 03: THE NIGHT
Takbo. Iyan na lamang ang aking nagawa matapos kong malaman ang katotohanan sa dalawang taong sobr kong pinapahalagahan, ang tao na hindi ko akalain na magagawa sa akin ang ganitong mga bagay.
Panay lamang ang aking takbo, hindi ko alam kung saan nga ba ako dadalhin ng aking mga paa hanggang sa huminto ako sa sakayan papauwi. Dinig ko ang pagtawag ni Cassandra mula sa malayo pero hindi ko na ito nilingon pa, bagkus ay nagpatuloy lamang ako sa pagsakay na saktong ikinaandar nito.
Simple lang naman ang pinapangarap kong buhay, iyon ay ang maging masaya kahit na hindi ganon kayaman basta ay alam kong lahat ng nasa paligid ko ay totoo sa akin. Totoo sa bawat kilos na kanilang ginagawa, sa pakikitungo, sa pagngiti at pagtulong nila sa akin.
“Ate, ang cellphone mo kanina pa tumutunog.” Ani ng isang babaeng studyante sa aking tabi bago itinuro ang cellphone ko.
Tulala akong tumango sa kanya, pekeng ngumiti bago tinignan ang cellphone. Si Renz, hindi pa din ba siya tapos sa akin? Balak niya na naman ba ‘kong lokohin sa pagkakaton na ito ngayon? Hindi ba siya napapagod? Sunod-sunod na tanong ng aking isipan bago isinandal na lamang ang aking ulo sa bintana.
Maaliwalas ang buong paligid, maganda ang gabi, at mula sa sakay na bus na ito ay maraming mga nagtatawanan na mga studyante na mukhang masaya sa kanilang mga buhay.
Hindi ko mapigilan ang aking mga luha na mangilid sa aking mga mata at mapaisip ng isang bagay. ‘Totoo kaya sila sa isa’t-isa o masaya’t mabait lang sila kung kaharap ang bawat?’ tanong ko sa aking isipan bago pasimpleng pinunasan ang luha sa aking mga mata.
Muling naagaw ang aking atensyon ng muling magring ang cellphone ko, sa pagkakataon na ito ay si Cassandra ang nakalagay na number dito. Walang pag-aalinlangan ko itong sinagot bago malalim na napabuntong hininga.
“Na saan ka na ba, Gwen?” hinihingal nitong tanong habang patuloy ang pagbusina sa kanyang paligid, “Sabihin mo sa akin kung na saan ka at pupuntahan kita ngayon din.” Dagdag pa nito.
“S-salamat,” nauutal kong sagot sa kanya bago napakagat ng aking ibabang labi, “Pauwi pa lang ako ngayon sa bahay, wala naman akong ibang mapupuntahan.” Sagot ko sa kanya.
“Sige, pupuntahan kita. Huwag kang gumawa ng kung ano-anong kalokohan, hintayin mo ‘ko.” Aniya bago pinatay ang tawag.
Napahugot na lamang ako ng isang malalim na buntong hininga bago pinikit ang aking mga mata. Wala akong ibang maramdaman, tila natutula ako sa tuwing iminumulat ko ang aking mga mata, at tila manhid ang aking buong katawan ngunit ang dibdib ko—sobrang bigat.
Gusto ko umiyak ng umiyak hanggang sa tuluyan na mawala ang nararamdaman ko na ito. Hindi ko akalain na ganito kasakit ang pagtaksilan ng isa sa matalik mong kaibigan at nobyo na ilang taong pinagkatiwalaan. Hindi ko maiwasan na tanungin ang aking sarili kung ibinigay ko ba kay Renz ang aking sarili ay mangyayari ang bagay na ito o mas lalo lang siyang hindi makokontento sa akin? At si Janeen, itinuring niya ba talaga akong isang kaibigan, o simula’t sapul pa lamang ay ito na talaga ang gusto niya sa akin?
Inaamin ko naman na hindi ako kagusto-gusto, hindi ako kasing ganda at katalino ng iba. Wala nga akong ibang maipagmamalaki maliban na lamang sa diploma pero—bakits sa akin pa nila ginawa? Ganon na ba nila kagusto ipamukha sa akin na wala akong silbing tao?
Hindi ko namalayan na tumulo na ang aking luha, pinunasan ko ito gamit ang aking mga palad ng may kumalabit sa aking tabi. Isang binata, sobrang amo ng itsura nito habang sa kanyang mga mata ay may malulungkot na tingin.
“Gamitin mo,” sabay taas niya ng kanyang panyo bago maliit na ngumiti sa akin.
Nagtataka akong tumingin sa kanya, sunod sa kanyang inaabot na pansin. Nagdadalawang isip akong kuhain ang bagay na ‘yon pero marahan niyang kinuha ang aking kamay bago iyon ipinatong sa aking palad.
“Pero—“ hindi ko matapos ang aking sasabihin nang sumeyas ito sa akin na huwag mag-ingay na aking ikinataas ng kilay.
“Huwag ka mag-aalala, hindi ko pa naman nagagamit sa buong maghapon ang payo na ‘yan.” Pagpuputol niya sa aking sinasabi, “Lagi mong tandaan, ang luha ng isang babae na katulad mo ay mas mahal pa kesa sa kahit anong kayaman. Kaya tumahan ka na, marami nang nag-iisip na kasabayan natin na nag-aaway tayong dalawa.” pabiro niyang ani.
Marahan akong tumango sa kanya na ikinalaki ng kanyang ngiti kahit sobrang peke naman nito. Sakto sa paghinto ng bus station sa isa sa kilalang building sa buong lugar. Isinuot nito ang kanyang id na may nakalagay na lace bago ‘to naglakad papalabas ng bus na hindi nakuhang magpaalam sa akin
Nang magsara ang pinto ng bus ay sa huling pagkakataon ay muli ko siyang sinulyapan. Hindi na mas dihamak na may itsura ang lalaki na ‘yon kesa kay Renz—si Renz. Muli akong mapaklang napangiti bago pinunasan ang aking luha gamit ang binigay ng lalaking lumabas kanina.
Hindi nagtagal ay bumababa na din ako sa bus, medyo matraffic ang buong lugar pero hindi koi yon napansin dahil sa lalim ng aking iniisip. Pumasok ako sa loob ng aking apartment, agad na ibinagsak ang aking katawan sa malambot na higaan.
At doon ay nag-umpisang tumulo ang aking luha. Ang luha mga luha na kanina pang gusto bumagsak sa aking mga mata. Muling bumalik sa aking isipan ang lahat-lahat nga ming mga alaala.
Ang alaala namin ni Renz na masayang magkasama nitong mga nakalipas na taon. Sabay kaming kumuha ng diploma, sabay kaming nangarap pero natapos ang lahat ng ‘yon dahil sa isang katotohanan.
Ang katotohanan na hindi ko kayang ibigay ang kanyang pangangailangan bilang isang lalaki, at si Janeen—ang isa sa matalik kong kaibigan at pinakatitiwalaan, siya ang makakapagbigay nito sa dati kong kasintahan.
“Tumahan ka na nga, Gwenneth.” Ani ko sa aking sarili bago inayos ang aking mukha.
Tumingin ako sa harap ng salamin, magulo ang aking itsura, ang mga mata ko na namumugto dahil sa aking pag-iyak, at ang damit na aking inihanda para sa araw na ‘to. Lahat ng bagay na pinaghandaan ko ay nasira kasabay sa pagsampal sa akin ng katotohanan.
“Gwenneth!” malakas na sigaw mula sa salas ng aking tinitirhan.
Agad na inayos ko ang aking sarili bago tumayo sa aking pwesto bago binuksan ang pinto ng aking kwarto. Nang makita niya ‘ko ay agad siyang lumapit sa akin at binigyan ako ng mahigpit na yakap.
Yakap, dahil sa simpleng kanyang ginawa ay nakaradam ako ng isang bagay na hindi ko maipaliwanag. Pakiramdam ko ay gumaan ang aking loob dahil sa kanyang ginawa, muling tumulo ang aking mga luha. Ang aking tuhod ay unti-unting nanlambot at mabuti na lamang ay inalalayan niya ‘ko sa aking patayo.
“Shh, sige lang,” aniya habang inaalo ang aking likuran, “Iiyak mo lang ang lahat ng sakit na nararamdaman mo, andito ako para sa ‘yo. Makikinig ako sa lahat ng hinaing na iyong sasabihin.” Dagdag pa niya.
Ngunit, walang kahit anong salita siyang narinig mula sa akin. Patuloy lamang ako sa aking paghagulgol, lumipat kami sa kama. Hindi niya binibitawan ang pagkakaakap niya sa akin at ganon din siya.
“Gusto mo ba malaman kung ano ang tunay na dahilan kung bakit ganon na lamang ang galit ko kay Janeen?” tanong niya sa akin na namimiyok na tono ng boses.
Napatigil ako. Ngayon niya pa lamang na-open ang bagay na ito kahit wala akong ibang tinatanong sa kanya, handa na siyang buksan ang dahilan sa akin. Hindi ako umimik, lumayo ako sa kanya at binitawan ang yakap.
Nang mapansin niya na naging interesado ako sa kanyang tanong ay napangiti lang siya sa aking bago hinila ang aking buhok, “Broken ka na nga, chismosa ka pa?” natatawang tanong niya sa akin.
Napanguso na lamang ako sa kanya. Umayos siya ng upo, sa pagkakataon na ito ay siya naman ang napabuntong hininga. Seryoso ang kanyang itsura, ang kanyang mata ay pinaghalong sakit at galit ang ipinapakita.
“Dahil siya ang naging dahilan kung bakit kami naghiwalay ni—alam mo na,” sabay kibit balikat niya na hindi binabanggit ang nag-iisa at huling naging boyfriend niya, “Alam niyong dalawa kung gaano ko kamahal ang ex-boyfriend ko, kung paano kami nag-umpisa, kung paano namin pinatatag ang relasyon namin dalawa, at kung paano kami nag-umpisang magkalabuan. Ikaw, Gwen, nasaksihan mo ang lahat ng iyon,” aniya bago humigpit ang pagkakahawak niya sa unan sa kanyang gilid.
Ayon din ang aking pinagtataka ng una. Masaya silang dalawa ng ex- boyfriend niya pero bigla nalang ay nalaman ko na wala na sila, kinabukasan matapos nilang magkita upang ipaghanda ang kanilang anibersaryo.
Hindi ko pa din makuhang umimik at hinayaan siyang magsalita, “Naalala mo noon, nagtatanong ako sa inyo kung ano ang magandang ipang regalo, sabay niyo ‘kong tinutulungan maghanap pero sa mismong araw na ibibigay ko ‘yon ay nalaman ko na matagal na din silang mag relasyon ni Janeen. Nahuli ko sila, mismo sa aking mga mata, narinig ko ang lahat ng usapan nila patungkol sa akin at ang pang-uudyok niya sa ex ko na makipaghiwalay na sa akin.” Mahina itong tumawa matapos ang mahabang kanyang sinabi bago tumingin sa kisame upang pigilan ang nagbabadyang luha na tutulo mula sa kanyang mga mata.
I-ibig sabihin, ito ang pinapahiwatig niya magmula pa lamang ng mag-umpisa akong humingi ng tulong sa kanilang dalawa. Kung bakit gaano na katagal ang lumipas ay hindi pa din nawawala ang kanyang galit kay Janeen.
“Nalaman ko na matagal na pala akong niloloko—sa likod ko, sa likod dalawa ay parehas na din tayong pinagtataksilan ni Janeen. Inaamin ko na nasaktan ako matapos ang break up na ‘yon pero alam mo kung ano mas masakit?” tanong niya.
Umiling lamang ako bago hinawakan ang kanyang kamay, “Ang masakit sa parting ay mismong matalik na kaibigan ko pa ang gagaw non. Si Janeen na pinagkakatiwalaan ko sa lahat ng bagay, sikreto, problema, at isa naging daingan ko sa tuwing kailangan ko ng taong makikinig sa akin.”
Kitang-kita ko ang pagtulo ng kanyang mga luha na agad niyang pinunasan. Hindi ko akalain, na ang dalawang tao na pilit pinaglalapit at pinag-aayos ay may ganito kalalim na nakaraan.
“Bakit hindi mo sinabi sa akin agad?” tanong ko sa kanya na may halong awa sa aking tono ng pananalita.
Umiling lamang siya bago mapaklang ngumiti, “Dahil nasa isip ko na, wala siyang ginagawang masama sa ‘yo kaya kung sasabihin ko sa iyo ang ginawa niya ay sigurado ako na magagalit ka din sa kanya. Ayaw ko na madamay ka, Gwen. Ayaw ko na magalit ka sa kanya dahil lang sa galit ako sa kanya, Kaya naman ay mas minabuti ko na lamang na itago ang lahat, na kimkimin ‘to sa aking sarili. Pero kung alam ko lang sana na pati sa iyo ay gagawin niya ang ginawa niya katulad ng sa akin, sana una palang ay inilayo na kita.” Sagot niya may pagsisi.
Hindi ako makaimik sa kanyang sinabi, katulad na katulad din ng ginawa ni Janeen kay Cassandra ang nangyayari sa akin ngayon. Kaya hindi ko siya dapat na masisi pa kung magagalit siya ng sobra kay Janeen.
“Pasensya na,” mahina na aking bulong na sakto upang kanyang marinig, “Kung alam ko lang sana na ganon ang nangyari ay sana hindi pinilit pa na magkaayos kayong dalawa.” dagdag ko pa.
Mahina naman siyang napatawa sa aking sinabi bago hinawakan ang aking baba, “Ayos lang ‘yon, atleast ngayon ay tumigil ka na sa pag-iyak.” Sagot niya sa akin.
Doon ko lamang na malayan na wala ng luha ang tumutulo sa aking mga mata, tumigil na ‘to habang nakikinig sa kanya na hindi ko namamalayan.
“O-oo nga,” natatawa kong ani sa bago hinawakan ang aking pisngi, “Pero masakit pa din ang aking mata sa pag-iyak.” Dagdag ko pa.
“Natural lang ‘yan, Gweny. Mawawala din ‘yang sakit na nararamdaman mo pero sana dumating araw na makukuha mong magtiwala ulit sa ibang nakapaligid sa ‘yo dahil sa nangyari.” Sagot niya sa akin bago sinundot-sundot ang aking pisngi.
“Sa ngayon ay huwag na lang muna natin pag-usapan ang bagay na ‘yan.” Aking tugon sa kanyang sinabi.
Maliit siyang napangiti, “Huwag ka mag-aalala, hindi minamadali ang paghilom ng sugat. Ang magagawa ko na lang ngayon ay ang tulungan ka makamove-on, at uumpisahan natin ‘yon bukas ng gabi.” Sabay kindat niya sa akin.
Mukhang hindi magandang bagay ang kanyang naiisip.