ENCOUNTER 01

1091 Words
ONE NIGHT ENCOUNTER 01: Tirik na tirik ang araw sa labas at marami ang mga naglalakad sa kaharap na parke kasama ang kanilang mga kasintahan, pamilya o ‘di kaya naman ay mga kaibigan. Lahat sila ay sinusulit ang araw na ‘to kung kailan walang pasok sa opisina at kung ano-ano pang establisyemento. Ang ibang mga kabataan naman ay patuloy sa pagpasok sa loob ng shop na aking tinatambayan. “Gwen, kanina ka pa ba riyan?” nakangiting bati ni Cassandra nang makalapit siya sa pwesto ko at naupo sa aking harapan. “Pasensya ka na. Medyo mahigpit sa akin si Daddy sa paglabas-labas ko kaya hindi agad ako nakatakas,” paliwanag niya. “Hindi mo ba sinabi na ako ang nag-aya sa ‘yo?” nakakunot ang noong tanong ko sa kanya. Umiling siya bago ngumisi. “Paniguradong sasabihin niya na naman sa akin na bad influence ako sa ‘yo kaya tigilan na kita,” natatawa nitong sabi bago inilibot ang kanyang paningin sa paligid. “Wala pa si Janeen?” “Naglalakad na raw siya papunta rito,” paliwanag ko sa kanya. “Bakit mo nga pala kami pinatawag nang biglaan? May problema ka na naman ba?” nag-aalala niyang tanong bago hinawakan ang aking kamay. “Don’t tell me nauntog ka na sa pader para makipaghiwalay sa boyfriend mong si Renz?” dagdag pa nito. “Loka!” suway ko sa kanya bago siya inirapan. “Hindi, ‘no! Pinatawag ko lang kayo rito para makahingi ng opinyon n’yo,” dagdag ko. “Sabihin mo na.” “Pagdating na ni Janeen. Ayaw ko na magpaulit-ulit sa sasabihin ko,” mabilis na sabi ko. Napairap na lamang siya sa akin at tumayo sa kanyang pwesto upang pumila sa counter. Napailing na lamang ako sa inasta niya bago tumingin sa labas. Magmula noong college kami ay magkakasama na kaming tatlo nina Janeen at Cassandra. Magkasundong-magkasundo ang dalawang ‘yan sa lahat ng bagay, kalokohan at halos parehas din sila ng pag-uugali, ngunit dumating na lamang ang araw na hindi na sila nagpansinan pa pero dahil nasa iisang unit lang kami nakatirang tatlo noon ay wala silang magawa kundi ang pakisamahan ang isa’t-isa para na rin sa ikaaayos naming tatlo pero hanggang ngayon ay kitang-kita pa rin ang pagiging mainit ng dugo ni Cassandra kay Janeen. Mayamaya lamang ay nakabalik na si Cassandra mula sa counter. Hawak-hawak nito ang dalawang baso at iniabot sa akin ang isa. “Bakit hindi mo pa in-order-an si Janeen?” tanong ko. “Kaya na niya ang sarili niya,” sagot niya sabay irap. Hindi na lamang ako umimik at tiningnan lamang siya. “Hanggang ngayon ba naman?” tanong ko. “Hanggang ngayon ba ay hindi pa rin kayo magkaayos? Matagal na ‘yon, Cassandra. Gano’n ba kalaki ang ginawa niyang kasalanan sa ‘yo?” Matapos kong tanungin ‘yon ay tumingin na lamang siya sa labas at tila lumalim ang kanyang iniisip. “Ikaw, Gwen, kung malaman mo na ang isa pala sa itinuturing mong matalik na kaibigan at kapatid ay inaahas ka patalikod, ano ang mararamdaman mo?” tanong niya pabalik sa akin bago mahinang tumawa. “Ano ba kasi ang tunay na nangyari nang gabing ‘yon?” nagtatakang tanong ko. Umiling siya at tumingin sa akin. “Nandito na siya.” Napatingin ako sa labas ng salamin. Nandoon na nga si Janeen, medyo pawisan dahil sa init ng panahon. Hindi katulad ni Cassandra na bihis na bihis, ito ay nakasuot lamang ng simpleng high waist jeans at crop top. “Sorry,” paghingi nito ng paumanhin nang makalapit na siya sa pwesto namin. “Ayos lang, Neen. Kararating lang din naman ni Cassandra at naiintindihan ko na malayo ka sa lugar na ‘to,” sagot ko bago hinila na siya paupo. “Cass—“ Hindi na natuloy pa ni Janeen ang kanyang sasabihin nang mabilis itong putulin ni Cassandra. “Hindi ko kailangan ng pasensya mo,” walang emosyong sabi nito. “Manahimik ka na lang at hayaan mong magsalita na si Gwen.” Napayuko naman si Janeen sa sinabi ni Cassandra. Mabilis kong hinawakan ang kamay ni Cassandra bago umiling sa kanya upang patigilin siya at saka humarap kay Janeen. “Neen, mas mabuti pa yata na mag-order ka muna ng sa ‘yo bago tayo mag-umpisa,” sabi ko sa kaniya bago inabot ang aking wallet na nakapatong sa mesa. “Ito na ang gamitin mo.” “Hindi na,” sagot na lamang ni Janeen bago tumayo sa kanyang pwesto upang magpunta sa counter. Nang tuluyan na itong makalayo sa aming pwesto ay humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay ni Cassandra. Umirap naman ito sa akin bago binawi ang kanyang kamay sa aking pagkakahawak. Ilang saglit lamang ay bumalik na rin si Janeen hawak ang kanyang order. “Bakit mo nga pala kami pinatawag, Gwen?” mahinahong tanong ni Janeen na tila walang nangyari kanina sa pagitan nilang dalawa ni Cassandra. “Hindi naman sobrang importante. Pinatawag ko lang kayong dalawa para humingi ng tulong at opinyon n’yo. Malapit na kasi ang anniversary namin ni Renz—“ “Oh, iyong manloloko,” pagputol ni Cassandra sa sinasabi ko. “Cassandra!” suway ko sa kanya. Umirap lang naman ito sa akin at tumingin sa mga dumaraan sa labas. “Ipagpatuloy mo, Gwen,” sabi ni Janeen na seryosong nakikinig. “Iyon na nga. Gusto ko sanang humingi ng tulong sa inyong dalawa. Gusto ko siyang i-surprise pero hindi ko alam kung paano at ano ang gagawin. Malapit din naman kayo kay Renz dati kaya alam ko na matutulungan n’yo ako,” umaasang paliwanag ko sa kanila. “Pasensya ka na, Gwen. Hindi kita matutulungan sa bagay na ‘yan,” mabilis na sagot ni Cassandra bago humarap kay Janeen. “Natatakot ako na baka ikaw ang masurpresa sa bandang huli kung sakali,” makahulugan pang dagdag nito na ipinagtaka ko. “Matutulungan kita pero hindi ko masasabi na magiging maganda,” sagot naman ni Janeen na may ngiti sa kanyang labi. “Talaga?” sagot ko kay Janeen na hindi pinansin ang sinabi ni Cassandra. “Oo naman,” aniya sabay hawak sa braso ko. “Sabihin mo lang sa akin kung ano ang gagawin at kung kailan ulit tayo magkikita,” dagdag pa nito na ikinatuwa ko naman. “Ikaw, Cassandra?” pagbaling ko kay Cassandra na mukhang walang pakialam sa mundo. “Sasama lang ako pero hindi kita tutulungan,” tanging sagot nito sa akin bago ako inirapan.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD