ONE NIGHT ENCOUNTER 43 Walang tulog at namumugto ang mga mata na bumangon ako sa aking kinahihigaan. Buong gabi akong naghintay sa kanyang pag-uwi, umaasa na kausapin niya ‘ko at hayaan na makapagpaliwanag. Magmula kagabi ay wala na din tigil ang pagtawag sa akin nila Lyca upang kamustahin at alamin ang aking kalagayan ngunit ni isa sa mga mensahe o tawag nila ay hindi sinagot. Isang tawag lamang ang aking hinihintay—si Eros. Hindi ako nakatulog sa paghihintay sa pag-uwi niya, pinagalitan na ‘ko ni manang pero parang isang sermon lamang ‘yon na pumapasok at diretso labas sa aking tenga. At sa buong paghihintay sa kanya ay wala niisang anino akong nakita sa kanya, walang tawag, at mukhang walang balak na marinig ang aking paliwanag. Paglabas ko ng kwarto ay isang mabangong amoy ang agad

