ONE NIGHT ENCOUNTER 43.2 Maganda ang kalangitan, ang malakas na alon ng dagat ay dinig na dinig sa buong lugar, at malakas na ihip ng hangin na nagpapalamig sa aking pakiramdam. Hindi matigil ang paglabas ng luha sa aking mga mata habang nakatingin sa malawak na karagatan, paulit-ulit na nag-eecho sa aking isipan ang katotohanan na hindi na matutuloy ang kasal sa susunod na buwan. Ang bilis niyang bitawan ang lahat ng kanyang ipinangako sa ‘kin at pati na din sa anak namin. Kitang-kita ko pa kung gaano siya kasaya ng makita ang larawan sa aking sinapupunan pero kabaliktaran naman non ang nararamdaman ko ngayon. Masakit eh, umasa ako na siya na, ibinigay ko na ang lahat-lahat sa kanya at naisip ko na din ang magkapamilya sa kanya pero ganito pa din ang nangyari—iniwan niya pa din ako kahi

