KABANATA IX Matapos magtungo sa opisina nang mga amo nila Suzy at Rin, bumalik na sila sa opisina nila habang naiwan naman si JB na nakikipag-laro sa mga ama nito. Kaagad naman sumalampak ng upo si Suzy sa swivel chair nito at tumingin sa kawalan. Lumapit naman si Rin sa kanya at nauposa harapan nito. "Ano na naman `yang iniisip mo, Suzy?" saad nito. Umayos naman ng pagkaka-upo si Suzy at napasinghap ng malalim. Ibinaling nito ang atensyon kay Rin. "Wala naman, Rin. Iniisip ko lang kung handa na ba akong malaman ang katotohanan. Pero alam ko, handa na talaga ako. Matagal na panahon kong hinintay ang pagkakataong ito, ngayon pa ba ako aatras?" "Baka excited ka lang at hindi kinakabahan. Dahil sa wakas, makikilala na ni JB kung sino ang ama niya." aniya. Nakaramdam ng kasiyahan si Rin

