KABANATA X Hanggang ngayon, hindi pa rin makapaniwala si Suzy sa nakita at nalaman niya. Wala siyang nakitang peklat sa likuran ni Joshen at siya ang ama ni JB. Pinaghalong kaba, kagalakan at pangamba ang nararamdaman ni Suzy. Kinakabahan siya dahil hindi pa rin nito alam kung paano sasabihin ngayon kay Joshen na siya ang ama ng anak niya. Iniisip nito kung iko-konsidera nito ang suhestyon ni Rin na makipag-siping ang magandang paraan para gawin `yon. Lalo na't, ang amo pala niya ang ama ng anak niya. Magiging madali nalang para sa kanya gawin ito dahil alam nitong may pagtingin ang amo sa kanya at ang pakikipag-talik ay imposibleng tanggihan nito lalo na't kung kay Suzy mismo manggagaling ang imbitasyon. Pero alam nitong hindi talaga magiging ganoon kadali para sa kanya gawin `yon. Hindi

