TULAD ng napagkasunduan nilang dalawang lumabas para at bawiin ang sandaling hindi sila magkasama nagdaang-araw. Dinala ni Paulo si Farrah sa isang Parke sa kalakhang Manila. Sa isa sa mga sikat na pasyalan sa Pasig. Bagay daw kasi d'on ang get-up niya biro pa sa kaniya ni Paulo. Hinubad din nito ang sariling polo at nagpalit ng t-shirt na laging dala nito sa sasakyan nito. Matapos makapag-settle ng bayad, agad na silang pumasok sa loob. Walang pinagbago ang paligid, isa ito sa magandang lugar para kay Paulo. Madalas doon siya nagpapalipas ng mga sandali noong kabataan niya at hindi niya pa kilala si Farrah. Kilala ang lugar na 'yon sa tawag na Rainforest, Pasig dahil sa mga punong-kahoy na nakapalibot sa buong parte. Ilang beses niya na ring nadala si Farrah sa lugar na 'yon, kaya alam ni

