CHAPTER ELEVEN : TEARS KITANG-kita ni Rio sa may 'di kalayuan ang dalawang pares ng taong sa ayos ng mga ito my mukhang may hindi pinagkakaunawaan. Dadalaw sana siya sa mga kaibigan niyang si July at Miggy nang napahinto siya. Hindi niya na nakuhang bumaba pa sa kotse niya, agad niyang nakikilala ang babaeng si Farrah na may kausap na isang lalaking nakatalikod mula sa kung saan siya. Pero hindi siya pweding magkamaling si Paulo Rodriguez ang kasama ni Farrah. Kilala niya ang tinutukoy nitong nobyo ng dalaga, unang beses nang magawi siya sa lugar na 'yon. Nagpasya siyang umalis ulit. Hindi niya gugustuhing makita siya ni Paulo, para sa kaniya hindi pa iyon ang oras para malaman nito ang sadya niya sa buhay ng bawat isa sa kanila. Matagal niyang pinaghandaan ang lahat at pinaghirapan n

