[LQ] MAAGANG nagising si farrah nang mapaginipan niya si Paulo. Hindi naman masama ang panaginip nya rito, masyado niya lang sigurong na-miss ang boyfriend niya kaya hanggang sa panahinip dumalaw ito. Pasado alas sais pa lang naman pala ng umaga, maaga pa para sa gising niya, kalimitan alas otso ang bangon niya at alas dyes naman ang oras ng pasok nya sa shop. Tiningnan niya agad ang cellphone nyang naka-charge. Nakalimutan niya palang i-on ang data niya bago siya matulog; naka-airplane mode pa siya. Wala pa rin text si Paulo o message man lang sa kaniya sa messenger, w******p, i********: or viber niya. 'Ano ba talaga ang nangyayari sa lalaking 'yon?!' naiinis nya pa ring bulong sa sarili. Wala na yata itong balak kamustahin siya, ang alam niya naman maayos ang relasyon nilang da

