C H A P T E R F I V E
The happiness she experienced every time she's with Paulo has nothing to compare with. It was beyond words.
However, the moments they spent together with her family seemed to be off. It was weird. There's something missing.
Sa isang iglap may nagbago.
She is looking for something, she needs to feel something.
Parang hindi si Paulo ang kasama niya, parang ibang tao ang nandoon.
"Okay ka lang?" Paulo asked her.
Tiningnan niya lang si Paulo.
Ano pa nga ba ang isasagot niya?
How can she be okay? Kung na kay Marissa ang buong pansin nito. Parang nakalimutan yata ni Paulo kung ano na talaga ang sadya nila sa lugar na iyon at kung bakit sila nandoon.
Hindi ba anibersaryo nila? Pero bakit ganoon ang nangyari?
Gusto niyang magtampo, gusto niyang magtanong.
"Okay lang! Don't mind me," sagot niya rito.
Tuluyan na siyang nawalan ng gana; ang monthsary nila ay parang wala ng saysay pa. Marami pa naman sana siyang balak sa kanilang dalawa, para sa mahalagang bagay na 'yon na mayroon sila. Pero tila nga nakalimutan ni Paulo na kasama siya nito, kanina pa ito mukhang masaya sa piling ni Marissa, nagsisilbi na nga lamang siyang palamuti kung saan siya nakatayo samantalang ang mga ito magkasama sa unahang bahagi niya.
She was just like the wind there.
Ang buong akala niya magiging masaya ang araw na 'yon. Perfect pa nga para sa kaniya, nagkamali lang pala siya. Ibang-iba 'yon sa lahat ng monthsarry nila ni Paulo noon, Mabuti pa 'yong mga naunang selebrasyon nila laging dalawa lang sila ang magkasama at kuntento sila. Mas na-appreciate niya pa nga ang mga sandaling 'yon hindi tulad ngayon kung saan nasa mamahaling kainan nga sila parang doon naman walang pakialam ang nobyo niya sa kaniya. Gusto nya na nga mag-walk-out, ayaw niya lang pag-isipan siya ng mali ng pamilya nito. Kung bakit ba naman kasi sa lahat ng taong nandoon si Marissa pa talaga ang kasama ng mga 'to.
Sana hindi na lang siya nag-expect, sana pala hindi siya nasasaktan at sana walang maraming tanong sa isip niya; tulad na lang kung mahalaga rin ba kay Paulo ang mayroon sa kanilang dalawa.
Muli niyang tinapunan ng tingin ang mga ito.
Kilala niya ang pamilya ni Paulo.
Sino ba naman ang hindi makakakilala sa pamilya Rodriguez?
Sa loob at labas ng bansa kilalang-kilala ang mga ito bilang matagumpay na mga tao sa larangan ng negosyo, ganoon din si Marissa na katabi ni Paula sa kaliwang bahagi kung saan din nakatayo si Paulo. Balita niya pa nga kay Marissa isa itong matagumpay na chef sa isang sikat na restaurant sa Pasig. Gusto niyang makaramdam ng panliliit sa sarile niya. Napayuko si Farrah, habang kasi tumagatagal siya sa lugar na 'yon mas lalong linulukob ng lungkot ang puso niya, kabilang na rin siguro ang selos na nararamdaman niya.
Napailing-iling siya. Kung alam niya lang na mangyayari ang lahat ng 'to, sana pala hindi na lang siya sumama kay Paulo. Nagmukla lang siyang tanga.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Farrah. Hindi niya inaasahan na masisira ang gabi niya---ang gabi nila dapat ng katipan niyang si Paulo.
"They're great, Tita." Malakas na pagkakasabi ni Marisa na hindi nakaligtas mula sa pandinig ni Farrah. Close talaga ang dalaga sa pamilya ni Paulo. Oo nga naman! Pareho naman kasing nasa altasociedad ang mga 'to, kaya hindi na siya magtataka pa. Habang siya, hanggang pangarap na lang din siguro ang lahat para sa kaniya na mapalapit ang loob niya sa mga ito--- lalo na sa mommy ni Paulo, harap-harapan lang din kasi ang pinapakita nitong pagdidisgusto sa kaniya at alam niya kung saan nanggagaling ang hugot na 'yon; mahirap lang si Farrah, bukod dito isa pa siyang pipitsuging tattoo artist. Wala nga siguro siyang mararating sa buhay niya para sa mga ito e. Ano pa nga ba aasahan niya? Ayaw niya na rin umasa pang magugustuhan ng pamilya Rodriguez, sapat na lang sa kanya ngayon si Paulo. Lalo na ang pagmamahal at pagpapahalaga nito.
Magaling naman sana ang tumutugtog, kung siya ang tatanungin mag-e-enjoy din siya. Isa sa mga paborito niya sa buhay ay piyanesta, nasabi niya na nga rin noon kay Paulo na pangarap niya rin maging pianist bukod sa pagiging tattoo artist sana. Pero 'yon nga lang hindi siya gusto ng piano kaya nga kahit na ano'ng pilit niya noon na matuto hindi talaga nangyari. Hindi niya na rin pa pinilit ang bagay na 'yon para kay Farrah--- kung ano ang para sa kaniya, kahit na ano'ng mangyari para talaga sa kaniya. At ang pag-ta-tattoo ang buong puso't kaluluwa nyng tinanggap. Mas naging doble lang din ang saya ng puso nya nang tanggapin din ni Paulo 'yon.
Gusto niyang hagilapin ang saya sa puso niya kung nasaan man sila ni Paulo. Pero paano nya magagawa 'yon ngayon? Kung ang sa unahang tanawin niya nandoon ang nobyo niya at tila komportable at masaya itong may katabing ibang babae. Samantalang siya, nandoon kuntentong nakatayo sa isang gilid parang binalewala. Iniisip niya na lang na labag din kay Paulo ang lahat.
Inikot niya ang tingin sa kaliwang bahagi napansin niya ang isang lalaking nakatayo d'on. Tulad niya may tattoo rin Ito sa kaliwang bahagi ng kamay nito. Kahit madilim ang kinatatayuan niya hindi siya pweding magkamali, kilala niya ang katulad niya. Isang sulyap pa lang alam niya kung magkapareho silang dalawa.
Ngumiti ito sa kaniya. Iniwas nya ang tingin binalik kay Paulo, kahit na may kausap man o katabi itong babae hindi pa rin 'yon sapat para makipagngitian siya sa ibang lalaki. Mali 'yon, maling-mali.
"Nag-enjoy ka ba?" tanong nito sa kaniya.
Saan kaya Ito kumukuha ng lakas para magtanong sa kaniya ng ganoon? Alam niyang hindi manhid si Paulo.
"Ang galing nila 'diba, Love?" tanong pa sa kaniya.
Nakangiting tiningnan niya lang Ito, pinaglipat-lipat ang tingin sa mga mata nito.
Isang malalim na buntong hininga ulit ang pinakawalan niya.
"Ikaw ba nag-enjoy ka?" tanong niya rito.
Tinapunan nya ng tingin ang mama, ate at si Marissa sa likuran nito. Mabuti na lang at hindi naman nakatingin sa kanila ang tatlo.
"Galit ka ba?"
Aba! Manhid nga! angil ni Farrah sa sarili. Nagpapanggap lang ba si Paulo? O, talagang ganoon lang talaga ito, pag kasama ang pamilya nito lalo na si Marissa?
"May dahilan ba ako para magalit sa'yo, Pau?" balik tanong niya rio.
Ngumiti siya ng pilit at tinapik-tapik ang pisngi nito. Bumalik na siya sa mesa niya kung saan pina-reserve ni Paulo para sa kanilang dalawa kanina. Para sa kaniya kanina espesyal ang araw na mayroon silang dalawa ngayon, tuluyan lang talaga itong nasira dahil sa pagdating ni Marissa.
Alam kaya ni Paulo na pupunta pamilya nito sa lugar na 'yon? tanong ni Farrah sa sarili. Tanong na alam niyang walang kasagutan, dahil kung itatanong niya lang din ito kay Paulo alam niya na ang magiging sagot. Kung hindi nito itatanggi, pag-iisipan lang siya ng nagsisilos siya kahit 'yon ang nararamdaman niya, sasabihin pa rin nito sa kaniyang walang dahilan.
Ano pa nga ba ang magagawa niya? Kung hindi manahimik na lang. Hihintayin niya na lang ang oras na ihatid siya nito pauwi.
"Gusto mo pa bang kumain?" tanong sa kaniya ni Paulo.
"Salamat. Pero okay na ako sa kinain ko kanina, ang gusto ko na lang ngayon ay ang umuwi, Pau," ani. Ayaw niya ng makipagplastikan pa kay Paulo.
She is no longer comfortable. Nawala na nga ang lahat ng gana niya nang umalis sila. Ang gusto niya na Lang ngayon ay ang umuwi na at magpahinga sa bahay nila--- doon mas magiging maayos pa ang utak niya at walang kahit na ano'ng alalahanin. Ayaw niya sa mga nakikita niya ngayon at wala siyang pakealam kung ayaw din ni Paulo ang kinikilos niya.
"Sigurado ka ba?" tanong sa kaniya nito. Naisip niya kung mananatili pa siya sa lugar na 'yon baka tuluyang masira lang ang araw niya, kaya mas gugustuhin niya na lang ang umuwi at magpahinga o mag-aral ng kailangan niya sa pag-ta-tattoo, kaysa makasama ang pamilya ni Paulo na lantaran ang pagkaka-disgusto sa kaniya.
"Magpapaalam lang ako kina mama, tapos uwi na tayo. Ihahatid na kita," ito lang ang sabi sa kaniya ni Paulo.
Nasurpresa pa siya at wala man lang kahit na ano'ng pagsuyo siyang natanggap mula kay Paulo. Hindi ito ang inaasahan niyang reaksyon ng lalaki.
TULAD nga ng sabi sa kaniya ni Paulo hinatid siya nito. Gusto niya pa nga magtampo sa advice ng mama nito na hayaan na lang daw siya mag-taxi at gabi na. Harap-harapan din itong sinabi sa kaniya at kaharap pa nila si Marissa. Mabuti na lang at pinagpilitan ni Paulo ang paghatid sa kaniya.
"Pasensiya ka na kay mama, Love," pagbasag ni Paulo sa katahimikan nilang dalawa. Hinawakan nito ang kamay niya. Napabuntong hininga siya ano pa nga ba ang aasahan niya? Lagi naman nangyayari ang mga bagay na iyon sa kanilang dalawa. Mabuti na nga lang at mahaba ang pasensiya niya pagdating kay Paulo at sa pamilya nito. Sa isip niya okay lang sana kung si Paulo lang at ang pamilya nito ang nandoon, pero hindi dahil nandoon din si Marissa. Nagmukha tuloy siyang kawawa kanina.
"Ayos lang. Sanay na---" sabi niyang hindi man lang kaya itanggi ang pagtatampo niya rito. Nasira na nga talaga ang monthsary nilang dalawa.
"Babawi ako. Hindi ko naman kasi alam na pupunta sina mommy d'on, kung alam ko lang e 'di sana sa iba na lang tayo pumunta 'diba?" sabi sa kaniya ni Paulo. Naniniwala naman siya sa nobyo niya, ang hindi niya lang maintindihan kung bakit hindi man lang kaya magpanggap ng pamilya nito ang tanggap siya kunyare, ganoon na ba kabigat ito sa loob ng mga ito? Ang pagkakaalam niya wala naman siyang ginagawang masama sa mga ito. Mahal niya lang si Paulo at iyon lang ang alam niya.
"Kailan kaya ako magugustuhan ng mommy mo 'no?" wala sa sariling natanong niya kay Paulo. Nilingon siya nitong nagtataka at hindi inaasahan ang tanong niya. Ewan niya rin kung bakit bigla-bigla niya na lamang iyon nasambit sa sarili niya.
"Farrah, nag-usap na tayo tungkol dito 'diba? Gusto ka naman nina mama. Hindi ko lang alam kung bakit minsan aloof sila. Siguro dahil nahihiya rin sa'yo," dahilan ni Paulo sa kaniya. Kabisang-kabisa niya na si Paulo, aniya. Lagi na lamang kasi nito pinagtatakpan ang magulang at kapatid nito. Gaya nga ng sabi niya, sanay na sanay na siya.
Binaling niya ang tingin sa labas ng bintana, malapit na pala siya sa condo unit niya sa Pioneer. Wala naman gaanong traffic kaya halos mabilis silang nakarating.
"I want to stay with you ha. Babawi ako, Farrah," anito sa kaniya.
Nilingon niya si Paulo. Ang bilis lang talaga mawala ng inis na nararamdaman niya rito. Tumango-tango siya, gusto niya rin naman makasama si Paulo kahit papano.
Kung hindi man sila naging masaya kanina, siguro naman sa unit niya magiging maayos ang lahat sa kanilang dalawa. Gusto niya na lang ito ipagluto o igawa ng paborito nitong kape.
"Can I, Love?" tanong nito sa kaniyang may himig paglalambing. Napasinghap si Farrah kasabay ang sunod-sunod na pagtango bilang tugon dito at ang saya sa puso niya na akala niya ay ay wala na muli niyang nadama.
"Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita, Farrah. Don't mind about mama and Pauline. Tayo naman ang magsasama habambuhay e. Hindi ba?"
Paismid siyang tumango-tango rito. Tama si Paulo sila naman ang magsasama end of the day at walang kahit na sino ang makakasira sa kanila, dahil hangga't mahal siya nito walang magbabago.
"Mahal na mahal din kita, Pau at lagi kitang mamahalin."
Dinala ni Paulo ang palad niya sa labi nito kasunod ang paghalik nito sa likod na bahagi ng palad niya. Sa puso niya nandoon ang walang katulad na saya, hindi lang dahil makakasama niya pa ito kundi ang pangako nitong kailanman sa kaniya ay alam niyang tutuparin ni Paulo.