Chapter 6

1521 Words
Winter Snow's POV Kaagad akong bumaba ng huminto na ang sasakyan kung saan naroon sila Chaos. Nanlaki ang mga mata nang mga tao'ng nadadaanan ko. Nababagot na binalingan ko sila ng tingin bago sumulyap sa iba pa. Nakita ko pa ang pag-laki ng mata ni Apollo at ang pagtakip niya sa kaniyang bibig. “H-Hala si Snow!” Gulat na saad niya kaya't unti-unting tumaas ang sulok ng aking labi. Huminto ako sa kaniyang harap at ibinuka ang aking mga braso, senyales ng pagyakap niya sa'kin. “Hi,” saad ko. Mas lalong nanlaki ang kaniyang mata't sinunggaban ako ng mahigpit na yakap. “Akala ko hindi ka na ulit babalik dito!” saad niya habang nakaharap ang mukha niya sa mukha ko. Bahagya pa 'kong nakatingala dahil mas matanglad siya sa'kin. Kita ko ang kaniyang pag-nguso at pangingilid ng kaniyang luha. "Tch, huwag ka nang malungkot, andito na ulit ako." Nawala ang ngisi sa aking labi at napalitan ng mumunting ngiti nang hinigpitan niya ang pagyakap sa'kin kasabay ng pagsubsob ng kaniyang mukha sa aking balikat. "Psh, kaya ka lang naman pumunta rito dahil kay Kuya Chaos," Tila'y nagtatampong saad niya bago kumalas ng yakap sa'kin. Sinuklian ko siya ng isang ngiti. “Nasaan si Chaos?” Ngumuso siyang muli bago itinuro ang daan patungo sa training room. “Naroon siya,” saad niya bagp ibaling ang paningin sa'kin. “Samahan kita sa kaniya.” kasabay ng paghawak niya sa pala-pulsuhan ko't hinila ako patungo roon. Tahimik lamang kaming naglalakad sa pasilyo patungo sa training room. May ilan pa kaming nakakasalubong at kagay kanina ay nanlalaki ang mga mata nila. Hindi ko na sila pinagtutuonan pa ng pansin at dumiretso nalamang sa training room. Napabuntong hininga ako ng mabungaran ko sila Zeus na pilit ginagamot si Chaos na iniiwas at hinahampas ang mga kamay nila palayo sa kaniyang mga sugat. “Boss, Kailangan 'yan magamot, kagabi pa yan hindi nalilinisan.” Nagmamakaawang saad ni Perses ngunit agad rin'g tumiklop ng samaan siya ng tingin ni Chaos na ikinailing ko. Siraulo talaga. “I can handle myself,” Inis na saad niya. “Hands off fuckers.” Wala nang nagawa sila Zeus kaya hinayaan nalang nila si Chaos. Napabuntong hininga ako bago lumapit sa kaniya't walang ano-ano'y sinapak siya. Gulat na napatingin sa'kin sila Perses, Zeus, Apollo at ang dalawang kakarating lang na sila Eros at Hades. “What the f---” Sisinghalan na sana ako ni Chaos ngunit gulat siyang napatingin sa'kin. Bagot ko siyang tinitigan at umupo sa tabi niya. Nilabas ko ang mga gamit na kakailanganin para gamutin ang sugat niya pati ang gilid ng kaniyang labi na dumugo dahil sa pag-sapak ko. “B-Babe...” Nagugulat niya 'kong sinusundan ng tingin. “Hindi ko nagugustuhan iyang pananalita mo, Chaos.” Bagot na saad ko't tinitigan siya, nakita ko pa ang kaniyang paglunok at pag iwas ng kaniyang paningin. Hinawakan ko ng marahan ang kaniyang panga at hinarap ko ang kaniyang mukha sa'kin para matignan ang sugat niya. Napangiwi ako ng makita ang sugat bridge ng ilong niya. “Sino ang sumugat sa ilong mo?” Tanong ko bago bitawan ang panga niya't pasadahan ang buong katawan niya. Kitang kita ko ang mga sugat sa kaniyang dibdib at braso dahil wala siyang suot na pantaas. Ngumiwi ako habang pinagmamasdan ang mga sugat niya bago muling itinaas ang paningin sa mukha niya. Unti-unting nawalan ng ekspresyon ang aking mata bago muling mag tanong, “Ilang beses ko na bang sinabi na ang pinaka-ayoko sa lahat ay magkaroon ng sugat 'yang balat mo?” Sunod-sunod ang pag-lunok niya tumunga. “Gago, lagot na!” “Zeus, mag 911 na ba?” “R.I.P nalang sa mga doon,” Narinig ko pang bulong nila Perses ngunit ipinagsawalang bahala ko nalamang. “Sagot,” bagot na saad ko bago sinimulan ang paglinis sa mga sugat niya. “I-It's already twenty-eight,” He whispered na ikinangisi ko. “And the pito-pito g**g again.” “Kapag naka trentang paalala na'ko sa'yo, anong gagawin ko?” Lumunok muna siya bago magsalita, “I promise, I will not allow them to hurt me anymore.” As he raised his right hand ngunit agad din'g napangiwi ng kumirot siguro ang kaniyang sugat. “Dapat lang,” saad ko bago muling ipagpatuloy ang paggamot sa kaniya. “Dahil kapag sinugatan ka pa ulit nila, babalatan ko sila ng buhay.” Malamlam ko siyang tinitigan bago muling umarko ang ngisi sa aking labi. Tinapos ko na ang paggamot sa sugat niya at tumayo na. Ipinalibot ko ang paningin ko kila Zeus na mga nakatingin sa'kin. Nawala ang ngisi sa labi ko nang pinagmasdan ko sila. “Kailangan ko nang umuwi, gusto kong magpahinga.” paalam ko sa kanila at muling binalingan ng tingin si Chaos na nakatingin lang rin sa'kin na hindi na mababahidan ng kahit anong ekspresyon. Lumapit ako sa kaniya't hawakan ang kaniyang pisnge at marahan na dinampian ng halik ang kaniyang noo. ”Oww s**t! Sabi ko sainyo may relasyon sila e!” Rinig ko pa ang bulong ni Perses sa mga kasama na agad na sinegundahan ni Eros. “Ramdam ko rin,” sabi ni Eros. “Shut your mouth up, Eros and Perses.” Rinig ko pang saway ni Hades. Lumayo rin ako kay Chaos ngunit bago pa'ko tuluyang makalayo ay hinila niya ako papalapit sa kaniya't yakapin ang beywang ko kasabay ng pagsubsob ng kaniyang mukha sa tiyan ko. Nagulat ako sa ginawa niya ngunit kalauna'y niyakap rin ng marahan ang kaniyang ulo. “I'm sorry, babe,” he said using his soft voice. Napapabuntong hininga akong hinimas ang buhok niya. “Kaya kong protektahan ang sarili ko, Chaos. Ayokong nasasaktan ka dahil sa'kin, kaya pakiusap lumayo ka sa mga g**o ko. Maliwanag?” Hindi siya nagsalita sa sinaad ko at hindi rin siya tumango. “But baby,” he whispered. Kumalas ako sa yakap niya at tumungo upang magpantay ang tingin namin. Hinawakan ko ang kaniyang parehas na pisnge gamit ang ang palad ko't hinaplos ito gamit ang hinalalaki ko. “Alam mo naman'g ayokong masugatan yang balat mo 'di ba?” tanong ko na ikinatango niya habang nakanguso. Bumuntong hininga muna ako bago magpatuloy. “Tch, Isama mo 'ko kung saan ka man makikipag basag ulo.” Gulat siyan napatingin sa'kin at a-angal pa sana ngunit hinalikan ko ang tungki ng kaniyang ilong at marahan na ngumisi nang matigilan siya. “No more buts. I gotta go,” I said bago umayos ng tayo at lumakad na papalabas. LUMIPAS ang araw at muli'y pasukan nanaman. Nakadukdok lang ako sa aking desk at hindi pinag-tutuunan ng pansin ang mga kaklase kong ang ingay-ingay. Hindi ko rin pinapansin sila Fiona, Shawn at mga kaibigan ni Shawn na nagdadaldalan sa tabi ko. Mapayapa lang akong namamahinga ngunit may mga tao talagang magaling manira ng umaga. Agad na napaangat ang ulo ko nang may humampas na kung anong bagay sa ulo ko. Nakita ko si Emerald at Krystal na ngising-aong nakatinhin sa'kin. Saglit ko pang pinasadahan ng tingin ang hawak nilang libro na hindi gaanong makapal. Kinunotan ko sila ng noo bago umayos ng upo. Ang kaninang maingay na classroom ay tumahimik at ramdam ko ang titig nila sakin-- samin. “Ba't?” Bagot na tanong ko bago humalukipkip sa kanila nang hindi iniinda ang ulo kong pinalo nila ng libro, hindi naman masakit. sakto lang. Ngumiti sila ng mapanuya bago magsalita, “Gusto mo mag lunch mamaya? Don't worry, treat namin.” Pekeng ngiti ni Krystal. Ayos ah? Matapos nila akong paluin ng Libro sa ulo ay aayain nila akong mag-tanghalian kasama nila. Ulol! “'di na, baka may lason pa.” Humikab pako bago balingan muli sila ng tingin. Parang asong bulldog na ngumuso naman si Emerald at kumapit pa sa braso ni Krystal, “Hindi naman kami gano'n eh, Sige na! Minsan lang tayo mag-bond,” sabi niya at tila'y nalulungkot pa. Nangunot ang noo ko sa kanila. Anong pauso 'to? Plastikan challenge? Ngumiwi ako sa kanila bago dumukot sa bulsa ko't inilibas ang plastic na dala ko dahil may unti raw'ng salo-salo mamaya sa Dance room dahil birthday ng isa sa mga ka-member ko, mag-uuwi sana ako ng pagkain. Kinuha ko ang kamay ni Emerald at pilit na ipinahawak sa kaniya ang plastic. “Kausapin niyo yang plastic tapos tignan niyo kung sinong mas plastic sainyo, Maliwanag?” Tinaasan ko pa sila ng kilay bago humalumbaba sa desk ko. “Lumayas kayo sa harap ko.” Panira ng araw. Sumama ang timpla ng kanilang mukha at walang ano-ano'y sinamaan ako ng tingin at tinarayan bago maghilahan papunta sa upuan nila. Narinig ko pa ang hagikhikan ng mga kaklase kong nakarinig saamin ngunit hindi ko na pinansin. Natahimik din sila ng pumasok na ang Guro na magtuturo sa'min. Inikot ni Chaos ang paningin niya't huminto ito sa'kin pero agad rin'g umiwas. Gusto kong iikot ang paningin ko dahil imbis na pumanget siya sa mga sugat niya sa mukha ay tila mas lalo pa siyang gumuwapo rito. Ang maliit na band aid sa kaniyang ilong ay mas lalong nagpalakas ng appeal niya. Narinig ko pa ang impit na tili ng mga kaklase kong babae habang pinagmamasdan si Sir Chaos. “Good morning class.” Walang ekspresyon na nilibot ulit ni Chaos ang kanoyang paningin at nang magtama ang paningin namin ay umangat ang sulok ng kaniyang labi bago muling magsalita. “Good morning, baby girl.” To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD