bc

Seasons Of Life

book_age12+
1
FOLLOW
1K
READ
others
drama
comedy
sweet
humorous
like
intro-logo
Blurb

Winter Snow Luna also known as Snow Buena Vista is a pure hearted girl. She never been loved by her family. Nang tumungtong siya sa kolehiyo ay naisipan niyang hindi na dumipende sa kaniyang pamilya dahil pakiramdam niyang hindi naman talaga siya parte nito. Nakikilala siya sa kaniyang paaralan bilang isang arogante, walang modo at walang ka class-class sa buhay. Batid ng lahat na isa lamang siyang ordinaryong tao na nakapag-aral lamang dahil sa scholarship na kaniyang nakuha. Ngunit ano nga ba ang magiging ikot ng kaniyang mundo kapag nakilala niya ang mga tao'ng sa palagay niya'y hindi niya makakasundo?

chap-preview
Free preview
Chapter One
Winter Snow's POV Being at college is one of the normal routine that student will experience, at kapag tumuntong na sa yugtong iyon ay doon na magsisimula ang tunay na laban. May mga tao'ng bagong makakasalamuha, makakaaway at magiging kaibigan. Maaga akong nagising ngayon dahil ito ang unang araw ko bilang kolehiyo, hindi man excited ngunit masaya ako dahil nakayanan kong makapag-tapos sa highschool. Kumilos na'ko at naligo. Pagkatapos no'n ay ginawa ko na ang iba pang gagawin kasama ang pag-aayos ng aking gamit pang-eskuwela. Hindi ko na inabala pa ang sarili sa paglagay ng kung anong make-up sa'king mukha dahil bukod sa nakakairita ay hindi ako marunong gumamit no'n. May tatlo akong nakakatandamg kapatid na hindi ko magawang makasundo. Bukod kasi sa galit sa'kin ang tatlo ay naiirita rin ako sa mga ugali nila. Mas okay nang hindi ko sila makausap. Hindi maayos ang pamilya namin at hindi na magiging maayos pa. Sabihin nalang natin na yung magulang namin ay isa sa mga tao'ng pinag-tagpo ngunit hindi itinadhana, iyon kasi ang sabi ni Papa. Mama may be our fathers first love, but she will never be his true love. Dahil ang true love ni Papa ay ang kinakasama niya ngayon na si Tita Diamond, sa lahat ng step-mother ay masasabi kong siya ang pinaka mabait, May anak sa una si Tita, Krystal ang pangalan niya at si Emerald naman ang anak ni Tita kay Papa. Gano'n kagulo ang pamilya namin. Ni hindi ko nga maintindihan kung bakit ba galit na galit ang Mama ko sa'kin subalit si Tita Diamond naman ay hindi. Ganun pa ma'y minabuti ko nalang itikom ang sarili kong bibig. Kapag kuwa'y may Biglang kumatok sa pintuan ng aking silid. "Lady Snow bumaba na raw ho kayo. Nakahanda na ang hapag kainan," saad ng isa sa tagapangalaga ng bahay dito. Minabuti ko nang lumabas habang bitbit ang aking gamit pang-aral at tumungo patungo sa hapag-kainan. Pagkababa sa hagdan ay rinig ko na agad ang mga hagikhikan sa hapag-kainan, hindi man gano'n kaingay ngunit nasisiguro kong masaya sila. Pagkakita nila sakin ay biglang nagbago ang timpla ng mga mukha nila. Ang aking mga kapatid ay kusa na lamang sumimangot kasama si Emerald at Krystal, ayaw na ayaw nilang nasa paligid ako, gano'n din naman ako sa kanila. Hindi ko gustong pilitin na gustuhin nila ako. Gayon pa ma'y nakapaskil pa rin ang ngiti ni Tita Diamond at ni Papa. "Good morning Snow. Tara na, kumain kana dito," nakangiting saad ni Tita Diamond kaya tumango nalamang ako at naupo. Hindi ko na ginawa pang bumati dahil hindi ko naman gawain ang gano'n lalo na rito sa bahay. "Tsk. Wala talagang modo," rinig kong saad ni Summer, ang panganay kong kapatid, ngunit minabuti ko nalang na hindi siya pansinin. "Summer 'yang bibig mo ay patikumin mo," pagsusuway ni Papa sa kamalditahan ni Summer. Agad namang suminghal si Summer dahil do'n. "What? Dad, I'm just telling the truth," maarteng saad ni Summer na bahagya kong ikina-iling. Hindi ko na tinuonan pa sila nang pansinin at sumandok na ng sinangag upang ilagay sa'king plato, kumuha na rin ako ng ulam na spam at itlog. Nang magsimula na'kong kumain ay sinusuway pa rin ni Papa ang katatanda kong kapatid. "Shut up, Summer, she's your sister," Mahinahon na saad ni Papa kay Summer. "Wala akong kapatid na tanga," saad ni Summer dahilan para mapatitig ako sa kaniya't magawa siyang patulan. "Same here." Bored na Saad ko, napatayo si Summer at akmang lalapit sa'kin ngunit agad siyang napigilan nila Autumn at Spring. Kahit pa ma'y si Summer ang panganay ay siya talaga ang pinaka maikli ang pasensya sa kanilang tatlo. "You should wash your mouth, idiot," Inis na saad ni Spring, ang sumunod kay Summer, siya ang bossy sa kanilang tatlo. Bagot ko lamang silang pinagmasdan habang inis naman nila akong tinitignan, wala akong nagawa kun'di ang umiling. "Why should I?" nang-aasar na tanong ko sa kanila dahilan upang singhalan nila ako, mas lalo silang nainis. "Tumigil na kayo, nasa hapag-kainan kayo, 'di ba? Gumalang kayo," saad ni Tita Diamond kaya wala nang nagawa si Summer kun'di ang padabog na umupo nang hindi pa rin inaalis ang inis niyang paningin sa'kin. Wala akong ibang nagawa kun'di marahang ibagsak ang kutsara't tinidor na hawak ko, senyales na tapos na'kong kumain. "I'm done eating. Una na'ko," Paalam ko sa kanila't lumabas na ng hindi man lang sila pinagmamasdan. "Anak." Napahinto ako nang narinig kong tinawag ako ni Papa. Humarap ako sa kaniya para makausap siya ng maayos. "Bakit po?" Tanong ko. "Pagpasensyahan mo na ang mga kapatid mo ha?" Nag aalalang bilin ni Papa, wala skong ibang ginawa kun'di ang tumango. "Sumabay ka na sa kotse," paanyaya ni papa na ahad kong tinanggihan. "Mag co-commute nalang ako 'pa. Mag-ingat na lang kayo, huwag masyadong paka-stress sa trabaho," bilin ko bago gumayak papaalis. Hindi ko na hinayaan pang pilitin ako ni Papa. "Mauna na ho ako." Saad ko na lang kasabay nang paglakad ko papaalis. Nang makalabas ako ng village ay agad na'konh sumakay sa Jeep patungong Stanford Univerty kung saan ako mag ko-kolehiyo. Hindi naman gano'n kalayo ang eskuwelahan, puwede rin naman lakarin dahil may short-cut naman patungo doon. Bumaba na'ko sa tapat ng isang matayog na gate na may nakapaskil na 'Stanford University' sa itaas nito. Inilibot ko ang aking paningin sa paaralang aking papasukin dahilan upang makita ko ang mga kapwa kong estudyanteng pawang mga nakatingin sa'kin. Kung sila'y may sari-sariling sasakyan ay ako naman, commute lang. Rinig ko rin'g bulungan ng iba na akin nalang ipinag-sawalang bahala. "Seryoso? May mga nakapasok pala sa school natin na ganyan ang itsura?" rinig kong saad ng babae sa katabi niya habang pinagmamasdan ako. Mula ulo, hanggang paa. Ngayon lang ba sila nakakita ng tao'ng plain kung manamit? porke ba hindi branded ang suot ko'y mukha nang alien para sa kanila? Mukha silang elementary na nakapasok ng college. Ang dami nang tumitingin sakin ngayon at karamihan ay mga babae na tila'y nandidiri sa'kin. Taas noo'ng naglakad nalang ako papunta sa announcement area, kung saan nakapaskil ang bawat schedule. About medicine ang kinuha kong kurso, BS Biology, kursong medisina ang kinukuha ng magulang ko nung sila'y nasa kolehiyo, kaya gano'n rin ang kursong kinuha namin. "Oh look who's here... A stupid s***h idiot," May biglang nagsalita sa'kin likod ngunit kahit hindi ko lingunin ay kilala ko na kung sino iyon, si Summer. Binaling ko nalang ulit yung tingin ko sa announcement board at hinanap yung pangalan ko. Masyado akong tamad para patulan sila ngayong araw. "Hey. Kinakausap kita," inis na saad ni Summer ngunit tinignan ko lamang siya at umalis na, pagkatapos kong makita ang schedule ko. Hindi ko na ginawa pang lumingin sa kaniya't pinag-patuloy nalang ang pag-lalakad. Nang dahil sa pagmamadali ay hindi ko namalayang may mababangga pala ako. "Ouch!" Daing niya, dahilan upang mapagmasdan ko siyang mabuti, nakasalampak siya ngayon sa lapag dahil sa aking pag-kakabangga. Inilahad ko ang aking palad sa kaniya, saglit niya iyong pinakatitigan bago lingunin ang aking mukha, natulala siya nang makita ako ngunit agad din'g ngumiti at abutin ang aking kamay na nakalahad para tulungan siyang tumayo. "I'm sorry Hindi kita Nakita eh," nahihiyang saad niya pagkatapos magbitaw ng aming kamay. Tumango ako. "Same here," tipid na saad ko sa kaniya. Handa na sana akong iwan siya ngunit kaagad din siyang nagsalita. "By the way, I'm Fiona Santos," nakangiting pakilala nito bago ilahad ang kaniyang kamay. Kahit pa ma'y mailap ako sa tao ay agad ko nang kinuha ang kamay niya't nagpakilala rin. "Snow," tipid na saad ko atsaka binitawan na an kaniyang kamay. Nagugulat niya 'kong pinagmasdan at ilan sandali lang ay para siyang nagpipigil ng tili n agad kong ikinailang. "I-Ikaw yung sobrang lupet na dancer na nag audition sa SDT, right?" Abot tenga ang ngiting saad niya, kaya't kahit pa man naiilang ay minabuti ko nang tumango, masyadong OA ang pag-bigkas niya ng 'sobrang lupet'. "OMG! Finally nakausap na kita!" Tuwang-tuwa saad niya na kulang nalang ay ikunot ko ang aking noo. "Anong schedule mo ngayon?" Nakangiting tanong niya habang sinimulan nang naglakad, wala sa sarili akong napasunod sa kaniya. "Major subject, 8:15am to 10:15am," kahit pa ma'y wala sa sarili ay bagot ko itong sinagot ko. Nagulat nang bigla siyang tumili at nag-tatalon-talon dahilan upang pagtinginan siya ng mga tao. "Same!" Nakangiting saad niya dahilan upang mapatigil ako sa mukha niya, aminin ko man o hindi ay napaka ganda niya, bagay siyang maging artista. Napakurap muna ako bago umiwas ng tingin sa kaniya't bagot na umiling. Pamilyar ang mukha niya ngunit hindi ko maalala kung saan ko siya nakita. "Wala ka bang emosyon?" Kapagkuwa'y tanong muli niya. I shrugged my shoulder. "I'm not comfortable if I'm with someone I just know earlier like you," dire-diretsong saad ko, wari'y bagot at tinatamad. "Ah... Sabi ko nga," ani niya na tila'y na-awkwardan sa sinabi ko. "I'm one of SDT member nga pala," nakangiti muling patuloy niya. Siya nga. Siya yung babae'ng unang nakakuha ng atensyon ko nung sumali ako sa dance club. "Ikaw yung unang nakakuha ng atensyon ko," kaswal na saad ko. Kahit nakangiti ay napakunot ang kaniyang noo. She asked. "Really? Why?" Nagkibit balikat muna ako bago siya sinagot. "Your beautiful." Nakita kong bigla'y namula ang kaniyang pisnge na agad kong ikinailing. Hindi siya nakapagsalita dahil do'n ngunit sadyang hindi ata talaga maawat ang bunganga nito. "Bakit ka nga pala sumali do'n?" Tanong niya "Scholarship," tipid na saad ko na ikinakunot ng kaniyang noo. "Really? Are you poor?" She asked but I just shrugged my shoulder. "Kapatid ko ang mga Luna,"saad ko dahilan upang matigilan siya. "Batid kong kilala mo sila dahil dati pa ma'y dito na nag-aaral iyong mga 'yon." patuloy ko. "Is that even true?" muli niyang tanong. "Hindi pa tayo close para biruin ko," saad ko kaya napaawang siya ngunit kalauna rin ay napangiti. "Can I be your friend?" tanong niya. "If you want to befriend with me because of them, well It's a no." Natawa siya sa sinabi ko at agad na umiling. "I hate them, they're maldita eh," ani niya. "I want to be your friend because you're a trill, your personality is unique and I suddenly want to explore your life." do'n ay natigilan ako sa sinabi niya ngunit hindi ko nalang siya sinagot at agad nang pumasok sa aming silid-aralan. Yung ibang kaklase namin ay napapatingin samin, saglit pang nagtama ang paningin namin nina Emerald at Krystal na pawang sininghalan lang ako. Dumiretso na'ko sa upuan kung saan ay sigurado kong komportable ako'y makakapag-aral ng maayos. Sakto namang pagkaupo namin ni Fiona ay dumating na ang professor na mag-hahandle sa'min ngayong taon. "Good morning class! I'm Miss Ferrer, your adviser, pero hindi permanent since mag-reresign na'ko," saad niya, napatanong naman ang iba kung bakit siya mag-reresign kaya agad niya rin'g sinagot. "Pregy na kasi ako tapos masyadong OA yung asawa ko," abot ngiting saad niya. Some of my classmates congratulate her. "Salamat! Pero siyempre introduced yourself muna para makilala natin ang isa't isa, marami kasing transferee ngayon," sabi ni Miss Ferrer kaya pumunta na sa harap yung nakaupo sa pinaka likod, ngingisi-ngisi pang naglalakad. "Clyde Navalis, 18 years old." nakangiting Saad niya kasabay nang pag-kindat na ikinatili naman ng mga babae. Halatang babaero ang isang 'to at madaldal. Sunod naman na tumayo ay ang lalake'ng masasabi kong guwapo at carefree. Kung ngumiti kasi ay parang anghel. "I'm Shawn Santos, 17 year old. Member of Stanford Dance Team," galak na saad niya't nag-bow pa sa harap. Hindi mawala-wala ang tilian ng mga babae dahil sa kanila, lalo na nang tumayo yung tao'ng singkit, mukhang may lahi ito, hindi ko lang matukoy kung Japanese ba o koryano. "Yuri Hiroshima, 18," tipid na saad niya. Halatang sobrang tipid niya magsalita, mukha siyang introvert, masyadong tahimik. Sumunod naman yung lalaking parang palaging may dalaw dahil nakabusangot. Suwerte niya't guwapo siya. "Josh Lozada," mahinahong saad nung lalake at umupo na. "I'm Fiona Santos older sister of Shawn Santos member of SDT," nakangiting saad ni Fiona at bumalik na sa upuan. "Snow," tipid na saad ko dahilan upang matahimik ang lahat, akala'y dudugtungan ko pa ang sinabi ko ngunit mahina nalang akong umiling at umalis na sa harapan. "Look at her outfit," "She's kinda weird," "She's cool!" "I like her," Ilang lang yan sa mga bulungan ng mga kaklase ko Ngunit hindi ko na pinansin at dumeretso nalang sa upuan. "Everyone hates her," napatigil ako sa sinabi ng isa sa mga kaklase ko, si Krystal. Nang magtama ang paningin namin ay nginisihan ko siya bago bumalik muli sa harap at magsalita. "I'm Snow, Everyone hates me, why? because I'm not a good girl, any question? None." sariling tanong ay sarili ko rin'h sagot dahilan upang matahimik sila. Hindi ko na sila pinansin at dumiretso nalang sa upuan ko. "Mukhang you're famous agad ah?" Natatawang bulong ni Fiona dahilan upang mailing ako. Nang natapos na ang introduction ay lumabas na kami ng room ni Fiona dahil tapos na ang klase. May libre kaming tatlumpung minuto bago ang panibagong klase. Napag desisyonan naming dumaan sa cafeteria para bumili ng inumin bago pumunta sa practice room ng SDT o tinatawag nilang dance room. "May kapatid ka pala," pormal na saad ko kaya bahagya siyang ngumiti at tumango. "Yeah, that Shawn Santos is very a hardheaded person. He's very makulit but carefree. Damn, I can't believe na may kapatid akong gano'n." Wari'y bwisit na bwisit niyang saad. Napailing nalang ako sa sinabi niya't magpatuloy nang maglakad. Nang nasa cafeteria na kami ay agad kong natunghayan sila Summer na pawang nag-uusap rito sa loob. "Fiona," pagtawag ko kay Fiona na agad niyang ikinalingon sa'kin. "Ayoko sanang ipagbigay alam mo na kapatid ko ang mga Luna," saad ko kay Fiona, noong una ay nagtaka pa siya ngunit agad din'g tumango at ngumiti. "If you don't mind, why don't you want to— uhm, you know they're your sister, you must be proud of that," alanganin niyang pahayag na ikinatigil ko ng bahagya. I sighed. "We're not in a good shape," I said that made her nodded and hummed. "Well then... I'll order some foods and drink para sa practice room nalang mag-eat," nakangiting Saad niya at pumila na. Dahil iniwan niya 'ko rito ay umupo nalang ako sa bakanteng upuan habang hinihintay siya. "Well well well... I thought you're going to cry out loud because of their words towards you." Napaangat ang aking paningin at doon nakita si Summer, kasama ang dalawa ko pang kapatid na si Spring at Autumn. "I can punch them whenever I want, Summer." I said. Napa 'tsk' naman si Summer sa sinabi ko't basta nalamang umupo sa kaharap kong upuan. Sumunod naman ang dalawa na si Spring at Autumn. "I hope na Hindi mo pinagkalat na magkapat---" Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya ng sumingit na'ko. Masyadong nakakarindi ang boses niya! "I would never do that. Ayokong mapahiya kayo." saad ko kasabay ng aking pagtayo upang lapitan si Fiona na papunta na sa'kin. Agad ko siyang sinalubong upang mag-paalam. "Fiona. Uuwi na'ko, Emergency." Hindi ko na hinayaan pang magsalita si Fiona at iniwan na siya. Agad akong naglakad papalabas, kahit pa man ay bawal, minabuti kong umalis na't gumawa nalang ng dahilan sa guwardiya. Mabuti nalang at may nakita akong taxi na agad kong pinara para makauwi. Hindi ko akalain na ganito pala ang magiging unang araw ko sa kolehiyo. Masyadong nakakainis. Parang mas gugustuhin ko nalang na bumalik sa dati kong paaralan. Ilang minuto lamang nasa tapat na'ko ng bahay namin. Agad akong pinagbuksan ng pintuan kaya't tumungo ako sa sofa upang umupo. Huminga ako ng malalim kasabay nang pag-sandal ko sa sandalan ng sofa, napakagat ako sa aking pang-ibabang labi. "Bwisit," I whispered. "Snow ang aga mong umuwi..." Bungad sakin ni Tita Diamond kasabay ng paglapit sa'kin. Tipid ko siyang nginitian. "Masama po pakiramdam ko tita," pagod na saad ko dahilan upang bumalatay sa kaniyang mukha ang pag-aalala. "Nako... Kumain ka na ba? Magdadala ako ng medicine sa room mo," saad ni Tita Diamond. "Hindi na ho, masama lang pakiramdam ko pero okay ako," saad ko sa kaniya. Buntong hininga niyang tinapik-tapik ang binti ko habang pinagmamasdan ako. "Hija... Your mom called me," mahinahon na saad ni Tita, napatigil ako ngunit agad ko rin'g ipinag-sawalang bahala. "She said that she want to visit here." Mahinahong patuloy niya. "Is that okay for you?" tanong ni Tita dahilan upang mapatawa ako ng pagak. My answer won't change anything. Kahit ayaw ko siyang narito ay wala pa rin akong magagawa. "How about you Tita? Isn't that awkward?" Binalik ko sa kaniya ang tanong, napatawa siya ng mahina sa sinabi ko't napailing. "We're matured enough hija," nakangiting Saad ni Tita "Tita... Bakit ba galit sila sa'kin? Bakit ayaw nila sa'kin?" Kapag-kuwa'y tanong ko. Kahit pa bulong lang iyon ay batid kong maaabot 'yon ng kaniyang pandinig. She smiled sadly. "Hindi galit sa'yo ang mommy mo snow. She's afraid. Your sisters just little insecure because you're so special. You're our perfect snow flakes, Snow," saad ni Tita. Para bang hinaplos nito ang puso ko't kusa nalang lumambot, wala sa sarili akong napangiti sa kaniya ngunit kalauna'y unti-unti rin'g nawala. Napaka-suwerte ni Papa st mayroon siyang katulad ni Tita. "So tell me anong ginawa mo sa school?" saad ni Tita Diamond, ngumiti akong muli sa kaniya ngunit halatang pilit na lamang. "May kaibigan na po ako, Tita," saad ko. "Why don't you invite your friend to have some dinner with us next week?" paanyaya ni Tita na ikinakunot ng aking noo. "May okasyon po ba sa next week?" I asked her. Napatigil naman siya bago mapabuntong hininga. "Dito mag ce-celebrate ng birthday ang mommy mo." paalala niya na ikinatigil ko't bahagyang ngumiti. "Hindi ho ako invited don tita." kalmadong saad ko "You're invited hija," "I'm not. Dati pa 'ko hindi naging imbitado do'n." pilit ko sa kaniya. "Okay. You win," natatawang saad ni Tita kaya napangiti ako "Did you really want to get that course?" She asked but I just sighed. "Criminology is my highest option pero wala naman akong magagawa dahil Medisina ang gusto nila para sa'kin," saad ko nalang. Hindi na siya naka-imik dahil do'n at muling bumuntong hininga. "Paano yung birthday mo? Celebrate tayo ah!" Excited na saad ni tita. "Hectic ang time ko Tita kaya huwag na." Tanggi ko sa kaniya. "But it's your birthday... We have to celebrate that," saad niya "Yung kay Emerald nalang ang intindihin mo Tita, mas mauuna ang kaarawan niya." nakangiting Saad ko. "Oo na. I give up, hija," sumusukong saad niya na bahagya kong ikinangiti bago tumayo upang umakyat na patungo sa aking silid. "Salamat Tita," peke man ang aking ngiti ngunit alam kong sinsero ako sa aking sinabi. "Thank you for being my second mother." To be continued...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

THE HOT BACHELORS 1: Gregory Rivas

read
60.8K
bc

The Billionaire's Maid [R18]

read
723.1K
bc

My Husband's Secretary (TAGALOG)

read
1.4M
bc

Law of Love (Buenaventura Series #1)

read
44.0K
bc

The Billionaire's Innocent Seductress

read
437.6K
bc

Sexytary |SPG|

read
568.6K
bc

The Crowned Mafia Boss: His Obsession [Completed] Tagalog

read
1.3M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook