“I was told not to call you today, but since ikaw naman ang tumawag, hindi naman siguro counted `yon. So, what’s up?” bungad sa akin ni Kelvin nang tawagan ko siya. “By the way, Happy Valentine’s Day,” natatawang sabi n’ya. “Para kang baliw,” sabi ko. “Saan ka? Nasa school ka na ba? May gig kayo, `di ba?” “Yep. Nandito na ako sa school. May in-attend-an pa kasi akong klase. May event ngayon, pero astig `yung professor ko nagklase pa rin. Bakit ka pala napatawag?” “Wala lang. Wala bang kakaiba d’yan ngayon sa school? Iniisip ko kung pupunta ako.” “Wala naman. Mukhang normal naman ang lahat. Bakit? Sayang naman kung hindi ka pupunta. Maraming booth. Ang dami na ngang humahatak sa akin sa wedding booth. Shina-shot gun wedding nila ako. Para akong Muslim. Ang dami ko ng asawa,” natatawang

