“Blog Post #1143: Nagsisimula na yata akong magselos. Dati ako lang ang pinapanood n’ya kapag nanonood siya ng basketball. Ngayon. May iba nang tinitingnan ang mga mata n’ya. Para bang biglang hindi na n’ya ako nakikita. Impulsive man pero nag-quit na ako sa basketball team. Hindi ko naman talaga masyadong hilig `yon. Gusto ko lang na na-e-exercise ang katawan ko Siguro babalik na lang ako sa pag-gi-gym…”
“Blog Post #1523: Sabi ng ex ko, gumawa daw ako ng signs. Kapag nakuha n’ya `yung mga `yon ibig sabihin gusto rin ako ni K8. Napaisip ako kung gagawin ko. Kalalaki kong tao, e. Pero in the end ginawa ko rin. Wala namang masama kung susubukan ko. Hahahah. Saka ako lang naman ako nakakaalam…”
“Blog Post #1431: Inabot ng isang taon bago n’ya nagawa `yung unang sign. Hahahah. Muntik ko na ngang makalimutan. Bigla ko na lang naalala noong nangyari na. Unang sign, ang ayain n’ya ako sa acquaintance party. Hindi ko `to expected dahil ang alam ko si Kuya Marco pa rin ang aayain n’ya…
“Blog Post #1543: After month bago nagawa ang sunod na sign. Naiguhit n’ya ako! Hahaha. O, `di ba? Hindi ko siya pinilit. Kusa n’yang ginawa `yan…”
“Blog Post #2683: Pangatlong sign! Mukhang ang bagal ng progress namin. Hahahah. Pero okay lang. Masaya na naman ako kahit ganito lang kami ni K8. Kahit best friend lang ang tingin n’ya sa akin ay ayos lang. Ang importante naman ay nakakasama ko siya…”
“Blog Post #2986: Alam na ng Kuya ni K8 kung ano ang nararamdam ko para sa kapatid n’ya. Hindi ko tuloy alam kung paano ko haharapin si Kuya Marco. Hindi naman kami gaanong ka-close dahil busy siyang tao. Pero sabi naman n’ya okay lang daw kung ako ang magiging boyfriend ni K8…”
“Blog Post #3976: Wala pang dalawang taon pero ang post ko dito ay umabot na ng halos apat na libo. Sorry na. Hindi ko kasi mapigilan na hindi mag-post nang tungkol sa kanya. Naging hobby ko na nga siya…”
“Blog Post #4732: Ang tagal tagal na. Habang tumatagal lalong lumalala. Para siyang droga na hindi ko kayang tigilan gamitin. Ngiti n’ya pa lang naha-high na ako. Kailan kaya masasagot ang pagsinta ko na ito?”
“Blog Post #5110: May blog na siya! Hahaha. Malaman n’ya kayang mayroon din ako? Siguro ay pasimple ko na lang muna siyang susubaybayan sa blog n’ya. Aasa rin ako na sana kahit isang beses gumawa siya ng tungkol sa akin…”
“Blog Post #5164: Lumabas na ang pangalan ko. S ang tawag n’ya sa akin. Pero, wala naman akong masyadong significant sa sinabi n’ya. Gusto n’ya pa rin na ilakad ko siya kay Jonathan. Bakit ko siya ilalakad doon? Ano ko to-torture-in ang sarili? E, `di kaysa ilakad ko siya doon sa akin ko na lang siya ilalakad…”
“Blog Post #5170: Ang wish ko ngayong birthday ko. Sana sa susunod ay magkasama ulit kami. Mabuti nang hindi n’ya narinig. Hahahah. Kinikilig kasi ako…”
“Blog Post #5176: K after J? Uubusin n’ya ba ang letra sa alphabet? At ilang letra pa ang dadaan bago siya makarating sa letter S? Kailangan n’ya ba sasabihin na may nararamdaman na rin siya para sa akin? Kulang pa ba? Hindi ko pa ba masyadong pinaparamdam?”
“Blog Post #5188: Muntik ko nang gawin ang matagal na matagal ko nang gustong gawin. Paano na lang pala kung hindi ako nakapagpigil. Kamuntik ko nangsabihin sa kanya na mahal ko siya. Paano na lang ang pagkakaibigan namin kung nasabi ko `yon? Baka iwanan n’ya ako…”
“Blog Post #5192: Groggy ako. Hindi ko alam kung nangyari talaga siya. Did I really kiss her? Pero sabi n’ya sa blog n’ya nangyari talaga siya. Nangyari talaga?”
“Blog Post #5193: Nagi-guilty na ako. Gusto ko nang sabihin sa kanya na ako si Commenter. Pero paano kung magalit siya sa akin? Paano kung mas lalong hindi ko masabi sa kanya kung ano ang talagang nararamdaman ko?”
“Blog Post #5202: Nasabi ko na. Nasabi ko na, pero bigla kong binawi. Bakit ba ang torpe torpe ko? Bakit ba ako ganito? Ngayon pa ako nagkakaganito kung kalian may nararamdaman na para sa akin si K8…”
“Blog Post #5212: Hindi ko alam kung ang slow ni K8. Halos sabihin ko nang ako `to sa mga comment ko sa blog n’ya. Pero parang hindi n’ya pa rin nahahalata…”
“Blog Post #5234: Nag-iinit ang ulo ko dahil sa sobrang selos. Sobra sobra na. Hindi ko na kaya. Bakit kailangan n’yang halikan si Kelvin? Bakit kailangan kong makita `yon? Huli na ba ako? Akala ko ba ako na ang gusto n’ya?”
I can’t stop reading his blog. Everything is all about me. Simula nang nagsimula siyang gumawa ng blog lahat ng naka-post doon ay tungkol sa akin. Kung paano kami nagkakilala. Kung ano ang ginawa namin sa ganitong araw. At hindi lang siya minsan isang beses mag-post sa isang araw. Minsan ay umaabot pa ng lima.
Hindi siya nagsasawa na ikuwento ako sa blog n’ya. Lahat ng nararamdaman ni Sky nasa blog n’ya. May mga sagot siya minsan sa blog ko.
“Keight, are you alright? You look pale. Are you getting enough sleep?” nag-aalalang tanong ni Kuya Marco.
“I’m fine. I’ve been reading this book for a few days now. It’s so thick. I don’t know why I don’t get tired while reading it,” sagot ko sa kanya.
“What kind of book is that? And how thick is that? It’s like you’re reading it for a week or more now. You need to take a rest.”
“A random book. I’m almost done. I think I need to finish it before February 14.”
“February 14? Why?” napaisip siya. “We will attend your school’s foundation week. And I guess, February 14 is our performance for the opening ceremony of the Art exhibit.”
“Really? You’ve been very active in participating in our school events, huh?”
“Yeah. John, James and Mark graduated there and Kelvin is still studying there. I guess, they love their school,” natatawang sabi n’ya. “By the way, how are you and Ulap? It’s been awhile since the last time I saw him.”
In-scroll ko `yung blog ni Sky at binasa ang pinaka-latest entry. “I guess, he’s busy for the Art Exhibit. You’ll see him soon at school.”
Tiningnan n’ya ako. “Just admin it. You love him,” bigla n’yang sabi. “Don’t you miss him?”
“Why don’t you just mind your own business, Marco?”
THIS IS THE DAY. February 14 it is. Hindi pa rin ako nakatulog nang maayos dahil dito. Actually, simula noong binasa ko `yung blog n’ya hindi na ako nagkaroon ng normal na tulog. Hindi ko kasi matigilan basahin `yung blog n’ya.
Lahat ng nararamdaman ni Sky nandoon. Lahat ng mga bagay na hindi n’ya sinasabi sa akin nandoon. Nawala lahat nang iniisip ko noong nabasa ko lahat `yon. Ang tagal tagal na pala n’yang naghihintay pero hindi ko man lang napansin `yon. Tumitingin pa kasi ako sa iba nasa malapit lang pala ang hinahanap ko.
Napatingin ako sa laptop ko. Nag-refresh ng kuha ang newsfeed ng blog ko.
Commenter posted Blog Post #5254.
Blog Post #5254: Are you still reading this?
Dear Ms. Secret No Clue,
This is an open message for you.
Are you still reading my blog? By this time, alam kong alam mo na kung sino talaga ako at kung ano ang nararamdaman ko. Hindi ko sinasadya na magsinungaling sa iyo. Wala `yon sa plano ko. Pero dahil bigla ko na lang siyang nasimulan hindi ko na kagad natapos.
Ayos lang naman na magalit ka sa akin. Maiintindihan ko kung magagalit ka sa akin. Mali ang ginawa ko. Mali na nagsinungaling ako. At hihingi ako nang tawag hanggang sa mapatawad mo ako.
Hindi ko sasabihin dito sa blog na ito kung ano ang nararamdaman ko. Dahil hindi na ako magpapakatorpe. Sobra na ang ilang taong pagiging torpe ko. Dapat matagal ko na itong ginawa pero gaya mo natatakot lang ako. Hindi ko `to gagawin dahil lang alam kong may nararamdaman ka sa akin.
Ayaw kong magkaroon ka ng ibang impression sa gagawin ko ngayong araw. Hindi ko naman kasi gustong malaman mo na ako si Commenter. Hindi ko expected na makikita mo sa phone ko. Hindi ko sinadyang iwanan doon `yon. Nataranta kasi ako noong dumating ka kaya naiwan ko ang phone ko.
Hindi ko rin in-expect na magtatapat ka nang nararamdaman mo sa blog mo. Pakiramdam ko tuloy huli na `tong gagawin ko. Late na late na siya. Kumbaga, baka isipin mo kaya lang naman ako ngayon magtatapat kasi alam ko nang may nararamdaman ka sa sakin.
Nagtataka ka siguro kung bakit ngayon ko lang `to gagawin. Hinihintay ko kasi talaga ang araw na `to. Kaya kahit noon ko pa gustong sabihin, hindi ko masabi. Hindi pa kasi ako handa. Hindi pa tapos lahat nang hinahanda ko.
Ito ang naging dahilan kung bakit lagi akong busy nitong mga nakaraan. Hindi dahil sa may girlfriend na ako. Hindi dahil sa nagkabalikan kami ni Ericka. Nagkabalikan na pala sila ng boyfriend n’ya noong nakita mo kami sa bar. At uulitin ko, hindi ko siya hinalikan. May tumulak lang sa akin.
I’m officially inviting you to my very own Art Exhibit at The Art and Letter’s building. Please do come and hear me out. Just hear me out. Just listen to everything I want to say. If you’re still angry… Please come.
Nagmamahal,
Simoun Kyle Yshmael Montefalco
P.S. Ako pa rin ba ang Ulap ng buhay mo?