INAAYOS KO na ang mga gamit ko sa hide out. Ang bigat sa pakiramdam. Bakit kailangan dumating sa point na `to? Bakit humantong sa ganito na hindi na talaga kami nag-uusap o kahit pansinan man lang?
Tinitigan ko `yung Christmas gift sa akin ni Sky. Hanggang ngayon ay nagdadalawang isip pa rin ako kung isasama ko siya sa pag-alis ko. Maraming alaala sa bahay na `to. Maraming nangyari sa bahay na `to.
Lumabas ako ng kuwarto at pinuntahan ang Mirror of Memories namin. Wala nang nadagdag doon simula noong January 3. And ine-expect naming memorable na 2015 ay mukhang maglalaho.
150103: Punuin natin ngayong taon ang mirror of memories natin. :) – K8
150103: Let’s have a wonderful 2015 together. ;) – Ulap.
“CK.”
Napatingin ako kay Sky. “Ano’ng ginagawa mo dito?” tanong ko.
“Packing my things,” mahinang sagot n’ya at pinakita n’ya sa akin ang hawak n’yang boxes. “You?”
“Same,” sagot ko. Yumuko at bumalik na sa kuwarto ko.
Binuksan ko ang laptop ko. Kailangan ko nang mapaglalabasan ng nararamdaman ko. Bago ako nagsimulang mag-new post tiningnan ko muna kung may new notification ako. Ilang linggo na ring hindi nagpaparamdam sa akin si Commenter. Siguro nga ay nagalit na siya sa akin. Hindi ko naman siya masisisi dahil may mali rin naman ako sa sinabi ko.
Blog Post #142: 10 days before Valentine’s Day.
Ang bilis dumaan ng mga araw. Parang kalian lang noong nagkagalit kami. Halos mag-isang buwan na pala. Exagerated ang isang buwan, three weeks na lang. Hahahaha. Ang korni. Hay.
Ang duwag ko. Kung tutuusin hindi ko naman kailangang
umalis ang kailangan ko lang ay harapin ang katotohanan na mahal ko ang best friend ko. Kailangan ko lang sabihin sa kanya na mahal ko siya at tanggapin kung ano ang isasagot n’ya.
Pero kay daling isipin pero kay hirap tanggapin talaga. Ang daming pumapasok sa utak ko na maaaring mangyari. Paano kung umamin ako pero hindi n’ya pala ako gusto? Ganito rin ang magiging ending nito. Magiging awkward kami sa isa’t isa at hindi na kaya pang ibalik sa normal kung ano man ang mayroon kami.
Pero paano kung pareho pala kami ng nararamdaman? Paano nga ba? Dalawa lang naman ang paraan para malaman ko kung pareho nga kami. Una ang magtapat ako sa kanya. Pangalawa ang magtapat siya sa akin.
Lalaki si S. Kaya tingin ko kung talagang gusto n’ya ko matagal na n’yang sinabi. Pero ang tagal na nito. Wala pa rin akong naririnig mula sa kanya. So, ano ang ibig sabihin no’n? Wala kasi talaga siyang gusto. Hay.
NAPATINGIN ako sa night stand ko nang may narinig akong parang notification sound pagka-post ko ng blog ko. Nakita ko ang cellphone ni Sky.
“Paano `to napunta dito?” tanong ko pagkakuha ko sa phone. Napatitig ako sa screen at binasang maigi kung ano ang nasa screen. “Miss Secret No Clue posted Blog Post #142: 10 days before Valentine’s day.”
In-slide ko ang screen ni Sky para makita kong maigi `yung notification. “Bakit nag-noti kay Sky ang blog post ko?” tanong ko sa sarili ko. Binuksan ko ang notification at deretsong napunta ako sa blog site ko. “Ano `to? Ibig bang sabihin matagal nang binabasa ni Sky ang blog ko?”
Naihulog ko sa kama ang phone n’ya nang makita ko kung anong username na gamit ni Sky.
“S-siya si Commenter?” hindi makapaniwalang usal ko. “P-paanong…?”
“YOU MEAN `yung sinasabi mong online friend mo na laging nagbibigay sa iyo ng advice ay `yung best friend mong si Sky? Paano mo na sigurado?” tanong ni Kelvin.
“Ano ka ba? Nakita ko nga mismo sa phone n’ya!” inis na sabi ko.
Naging close friend ko si Kelvin simula noong nagkaroon kami ng gap ni Sky. Lagi n’ya akong sinasamahan dahil alam naman n’ya daw na naging dependent ako kay Sky kaya hindi ako masydong sanay mag-isa. Naging malinaw naman sa aming dalawa na hanggang magkaibigan lang kami at hindi na lalagpas pa doon.
“Ano’ng gagawin mo ngayon? I mean, you have all the rights to get angry with him because he lie to you. He acts like he doesn’t know you like him. Is he even normal?” hindi maipinta ang mukha n’ya habang nagsasalita. “How can he possibly do that?”
Nag-poker face lang ako sa kanya. Kung siya nga hindi n’ya alam ako pa kaya? Kung alam ko lang, e, `di sana hindi na ako pupunta sa kanya.
“Ano nararamdaman mo?”
“Hindi ko alam? Hindi ko nga alam kung galit ako o ano, e. Seryoso. Feeling ko hindi ako normal. Dapat magalit ako, `di ba? Pero somehow I think I’m glad na siya si Commenter.”
“I agree with you. You’re not normal,” hindi makapaniwalang sabi n’ya. “Seriously? Bakit hindi ka nagagalit?”
“Kasi mahal ko siya? At ayos lang sa akin `yong ginawa n’ya?” Ginulo ko ang buhok ko. “Hindi ko alam. Masyado ko yata siyang mahal dahil hindi ko magawang magalit sa kanya.”
“What will you do?” Umiling ako. “How about you post something that asking for his real identity? Sabihin mo tingin mo na-i-in love ka na sa kanya. Tingnan lang natin kung aaminin n’ya kung sino siya.”
“Tingin mo maniniwala `yun? After kong mag-post ng sangkaterbang blog post tungkol sa nararamdaman ko kay Sky?”
“You need to take the risk to get the biscuit, Keight.” Napakunot ang noo ko dahil sa narinig ko sa kanya. “I know, catch phrase `yan ni Sky. I recently read your blog and I saw that. He used that phrase for so many times. And I guess, he’s right. You need to take the risk.”
Blog Post #143: Mahal na yata kita.
Dear Commenter,
This is an open message for you.
Hindi ko alam kung bakit mo pina-follow itong walang kuwenta kong blog at kung bakit bawat post ko ay nagko-comment ka. `Yung totoo? Ano’ng mayroon dito sa blog ko at lagi kang nakatambay dito?
Sa totoo lang hindi ko in-expect na may magpa-follow sa blog ko na ito. Una sa lahat, hindi naman ako sikat na tao. Hindi ako gumagamit ng tags para hindi ako mahanap ng mga tao. Hindi ko rin naman ipino-post kung saan-saan ang link nitong blog ko para hindi nila makita. Dahil ayaw kong mabasa nila ang kung ano mang pino-post ko dito.
Paano mo ba natunton itong blog ko?
Sino ka ba talaga?
Kilala ba kita? Kilala mo ba ako?
Bakit parang ang dami mong alam tungkol sa akin?
Sagutin mo nga ako. Bakit ako nagkakaganito? Bakit parang matagal na tayong magkakilala? Sa bawat comment mo pakiramdam ko ay alam na alam mo ang tinutukoy ko sa blog ko. Stalker ka ba?
Gulong-gulo na ang utak ko dahil sa iyo, Commenter. Dahil sa pagko-comment mo lalong nangangati ang utak ko sa kagustuhang makilala ka. Malaman kung sino ka talaga. Kung hihilingin ko bang magpakilala ka sa akin, magpapakilala ka?
Araw-araw hinihintay ko ang pag-comment mo. Araw-araw tuloy akong nag-iisip nang maaari kong i-post para lang makita ko ang paglitaw ng username mo sa notification ko. `Yon lang, napapangiti mo ako. Oo, alam ko hindi na ako normal. Hindi naman kita sinisisi, pero parang ikaw rin naman talaga ang may kasalanan nito dahil kung hindi mo pinansin `tong blog ko hindi ako masasanay na lagi kang magko-comment.
Naiintindihan mo ba `tong pinagta-type ko? Nababaliw na yata ako. Maiintindihan ko kung ang tingin mo sa akin ay baliw. Hay.
Nami-miss ko na ang comment mo. Sana mag-comment ka na ulit. Kapag nagko-comment ka kasi nararamdaman ko ang pagtibok ng puso ko. Nakakaramdam ako nang saya.
Bakit kahit hindi pa kita kilala ay pakiramdam ko ay in love na ako sa iyo?
Mahal na yata kita. Posible ba `to?
Naleletse nang dahil sa iyo,
Ms. Secret No Clue
P.S. Alam kong nababasa mo ang lahat ng s**t ko dito tungkol kay S. Pero as I said, ginagawa ko na lang `yon para may ma-i-post at mag-comment ka ulit.
Commenter commented on your Blog Post #143.
Commenter: You wanna know me? Type this password 110606K8 and read all my blogs. I’ll see you in person on 150214 at JCFMU’s art exhibit.
It’s definitely him. Gan’yan kami magsulat ng date. Year, month and date.
Kumakabog nang malakas ang puso ko habang isa isa kong pinipindot ang password ng blog n’ya. Kakaiba ang stracture ng blog n’ya dahil nakasimula ito sa pinakaunang unang post.
“Blog Post #1: 110606K8. First day of school. Akala ko magiging boring ang buong araw ko, pero may isang tao na nikawan ako. Nawala ako sa sarili ko nang matitigan ko ang berde n’yang mata. Unang beses ko pa lang nakakita nang ganoon. Parang nakita ko na kagad `yung buong pagkatao n’ya dahil sa mata n’ya. Mukha itong inosente at gugustuhin mo na lang alagaan. Alam ko. Sigurado akong nanakaw n’ya ang puso ko. Hindi ko mapigilan ang hindi siya isipin. Napabili kagad ako ng bagong sketch pad dahil hindi p’wedeng hindi ko siya iguguhit…”
“Blog Post #143: Pangatlong post ko na ba `to ngayong araw? It’s official! Mag-best friend na kami ni K8! Isang buwan pa lang simula noong unang beses ko siyang nilapitan at nagpakilala. Parang kailan lang. Masaya ako dahil nag-e-enjoy siyang kasama ako. Dahil ako naman ay talagang maligaya tuwing kasama ko siya. Hindi ko naman itatanggi na mahal ko na siya… 143 blogs at may 143 na rin akong sketch n’ya sa sketch pad ko. Kaunti na lang at mapupuno ko na ito. Hindi ako nauubusan ng ido-drawing. Araw-araw, oras-oras o minu-minuto kasi may nakikita akong bago sa kanya…”