Commenter: Siya ba talaga ang humalik? Tinanong mo ba kung nagkabalikan na nga ba sila? Ganoon lang? Tapos na? Aayaw ka na? Hindi mo man lang ba sasabihin sa kanya kung ano ang nararamdaman mo?
ms-secretnoclue: Para saan pa? Hahaha. Tama na. Tanggap ko na. Saka kung hindi n’ya girlfriend `yon, bakit n’ya hinalikan? May naghahalikan ba na hindi in relationship? Tss.
Commenter: Mayroon! Kayo ni S! Nakadalawa ka nga sa kanya, `di ba? Saka sigurado ka bang siya ang humalik? Baka naman si E talaga ang humalik? Nag-kiss lang, sila na? Hindi ba p’wedeng hindi pa sila ulit? Magtanong ka muna kasi. Bago mo sabihing sumusuko ka na.
ms-secretnoclue: Alam mo nawawalan ka na naman ng sense. Aksidente ang kiss na `yon! Hindi n’ya nga alam `yon, e! Sapat na `yung nasaktan ako kagabi. Sapat na `yung nakita ko. Ayaw ko na marinig ko pa galing sa kanya lahat nang nakita ko. Tao lang ako. Nasasaktan po ako. Kung kaya nga lang ng pain reliever `tong nararamdaman ko malamang ininom ko na ng gamot dahil sobra sobra ang sakit.
Commenter: Hindi n’ya nga ba alam? Paano mo nalaman na hindi n’ya nga alam? Paano kung tinatago n’ya lang pala sa iyo? Na hindi n’ya lang sinasabi sa iyo? Paano kung may dahilan pala kung bakit siya nawawalan ng time sa iyo noong mga nakaraan? Paano kung may dahilan pala kung bakit sila magkasama ni E kagabi? Paano kung hindi n’ya lang masabi sa iyo? Paano kung hindi naman pala lahat nang nakita mo ay totoo? Na baka lahat `yon may dahilan? Hindi mo ba gustong malaman `yon?
ms-secretnoclue: Bakit parang nagagalit ka pa sa akin? Kung gusto n’ya talagang malaman ko `yung mga `yon, kahit hindi ko na itanong kusa n’yang sasabihin sa akin ang mga `yon! Best friend n’ya ako, alam n’yang lahat p’wede n’yang sabihin sa akin. Pero bakit hindi n’ya sinasabi? Ah. Lalaki ka kasi, kaya mas alam mo kung ano ang tingin mong nararamdaman ni S. Huh! Bakit nga ba hindi ko kagad naisip `yon? Hindi ikaw ang dapat kinakausap ko ngayon. Hindi mo ako maiintindihan kasi lalaki ka.
Commenter: Kanino ka tatakbo? Kay K? Lalaki rin si K, `di ba? Tingin mo ba maiintindihan ka rin n’ya?
ms-sercretnoclue: Maiintindihan n’ya ako kahit lalaki siya. Alam kong maiintindihan n’ya ako. Dahil kung hindi, hindi na sana n’ya ako tinulungan kagabi. Hindi n’ya sana hinarap ang mukha ko sa mukha n’ya para hindi ko patuloy makita kung ano ang ginagawa ni S. He did that in an instant. He knows how I feel and I know he knows how to help me.
Commenter: Kausapin mo ako kapag malinaw na ang pag-iisip mo. Hindi mo ako naiintindihan ngayon, e.
ms-sercretnoclue: Ikaw ang hindi nakakaintindi sa akin ngayon, Commenter. Kasi kung naiintindihan mo ako, hindi mo ipipilit `yung sa iyo. Let’s not talk for awhile. Bye.
“KEIGHT, Ulap is here. He wants to talk to you,” sabi ni Kuya Marco nang pumasok siya sa kuwarto ko.
“Just told him I’m not here. I don’t want to talk to him,” walang ganang sabi ko.
Lumabas siya sa pinto ko at sinilip mula doon si Sky. “She said, she’s not here and she doesn’t want to talk to you.”
Napairap na lang ako at tumayo sa kama ko. Hindi na ako nag-ayos dahil sanay na naman si Sky na ganito ako kapag bagong gising. Pagbaba ko nakita ko kagad si Sky. Ang bilis ng t***k ng puso ko. Kinakabahan ba ako? Ah, oo nga pala. In love nga pala ako sa kanya. Hay.
“CK, may problema na naman ba tayo? Hindi mo sinasagot mga tawag ko, e,” bungad n’ya.
“Kagigising ko lang. Hindi ko pa na-che-check phone ko,” sagot ko.
Hinawakan n’ya ang kamay ko. Nagrigidong na kagad ang puso ko. “Let’s talk outside.” Nagpatangay na lang ako sa kanya hanggang makarating kami sa bench na nasa labas ng gate namin. “Ano ang problema ngayon? Artist block ba ulit?”
“Sabi ko nga hindi ko pa na-che-check phone ko kasi kagigising ko lang. Ano ba ang magiging problema?” inis na tanong ko.
“Hindi lang naman `yon, e. Hindi ka na madalas magpunta sa hide out. Bakit?”
“Ikaw rin naman, a! Mas madalang ka pa ngang hindi magpunta kaysa sa akin!” sabi ko at saka tumalikod sa kanya. “Ikaw yata ang may problema, hindi ako. Tss.”
“CK, galit ka ba sa akin?”
Naiinis na tumingin ako sa kanya. “Galit? Bakit naman ako magagalit sa iyo? May ginawa ka ba? May dapat ba akong ikagalit? Wala naman, `di ba? Bakit ba tayo nag-uusap? Wala naman tayong dapat pag-usapan ngayon. Wala ka bang lakad? Sunday ngayon, hindi ka ba magsisimba kasama ng girlfriend mo? Hindi ka pa ba aalis?”
“Girlfriend? Sinong girlfriend, CK? Wala akong girlfriend!” tanggi n’ya.
Ngumisi ako. “Yeah, right. So, kahit hindi mo pala girlfriend p’wede mong halikan. Huh!”
“Halikan?” Saglit na napaisip siya. “Nakita mo kami kagabi ni Ericka?”
Umiwas ako nang tingin sa kanya. “Maliit lang ang The Cliché. Sana noong sinabi mong hindi ka makakapunta dahil may emergency or something, hindi sana kayo doon nagpunta. Alam mo namang nandoon ako. You’re a liar! Alam ko namang nagkikita kayo, e. Bakit hindi mo na lang sinabi sa akin `yung totoo? Sabihin mo sa akin na nagkabalikan na kayo para hindi na kita naiistorbo.”
“Will you stop talking and let me explain?” Hindi ako nagsalita. “Aksidente `yung kiss na `yon. May tumalak sa akin. At hindi ko siya girlfriend, okay? Aksidente lang kaming nagkita sa bar. Hinahanap kita doon kagabi. Ikaw ang pinunta ko doon. Hindi kami madalas magkita. Noong huli ko siyang nakita two weeks ago pa.”
“Ah, `yung nakita text ka sa kanya? Huwag ka na ngang magsinungaling, Sky. Hindi naman ako magagalit sa iyo kung sasabihin mong nagkabalikan kayo, e. Bakit naman ako magagalit, `di ba? I just want you to tell the truth.”
“I’m telling the truth! Hindi nga kami, okay? Wala na akong nararamdaman para sa kanya at ganoon din siya sa akin. Nagkita lang kami noon kasi may binalik ako sa kanya. Wait. Nagseselos ka ba?”
Umiwas ako nang tingin sa kanya. “Bakit ako magseselos? Tss.”
“Hey, kiddos, you done? I’m pretty sure you went outside for me not to hear what you guys are talking. But sad to say, I can here everything. Why don’t you just say that you’re in love with each other? Problem solved!” singit ni kuya.
“I’m not in love with him!” sabi ko sabay pasok sa bahay.
“Ulap, didn’t say he’s not in love with you though,” sigaw ni Kuya Marco pagdating ko sa hagdan.
“Shut up!”
TWO WEEKS passed and we still don’t talk with each other. Sinusubukan kong kausapin siya pero bigla na lang akong nagba-back out kapag malapit na ako. Naiinis kasi ako sa sarili ko. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito.
Dahil ba sa sinabi n’yang mali lahat ng akala ko? Dahil ba sa nilamon ako nang selos noon? Dahil ba sa hindi n’ya pagtanggi na in love siya sa akin?
“Ba’t `di pa sabihin ang hindi mo maamin? Ipauubaya na lang ba `to sa hangin? `Wag mong ikatakot ang bulong nang damdamin mo. Naririto ako’t nakikinig sa iyo.”
Napatingin ako sa kumakanta sa likuran ko. “Kelvin.” Napayuko ako. Isa pa siya. Hindi pa ako masyadong ready na makita siya. Huminga ako nang malalim. “I’m sorry.”
“Sorry for what?” tanong n’ya.
“`Bout what happened last last week at The Cliché. Hindi ko sinasadya. I was drunk and…”
“You’re jealous and you’re hoping he see us kissing.” Napatingin ako sa kanya. “I know. That’s why I kissed you too, because he’s looking at us.”
“You mean…?”
“I like you, but I know you’re in love with him. Saka may aura kay Sky kapag magkasama kayo na parang nagsasabi na ‘This girl is mine so back off’. That kind of aura. Kaya as much as I want to get close to you I kept my distance. Like is far behind love. I know my place,” natatawang sabi n’ya. “If you love him, just say it.” He cleared his throat. “Ba’t `di ba sabihin ang hindi mo maamin? Ipauubaya na lang ba `to sa hangin? `Wag ikatakot ang bulong nang damdamin mo,” kanta n’ya. Napatingin ako sa tinuro n’ya. “Naroon siya at handang makinig sa iyo,” bulong n’ya sa akin. “Good luck.”
Sasabihin ko na ba sa kanya?