Entry #16: I'm fine.

1746 Words
“Sky, saan ka na?” bungad ko kay Sky nang tawagan ko siya. “Male-late na tayo. Malapit na mag-start ang gig nila Marco.” “Sorry. Baka hindi na ako makapunta,” sagot n’ya. “Ano? Bakit?” “May nangyari lang. Sorry, CK. Babawi na lang ako sa susunod.” Busy tone na ang sunod kong narinig. Ano na ang nangyayari kay Sky? Hindi ko rin alam. Madalas na siyang walang time. Nagkikita na nga lang kami kapag may klase, e. Madalang na rin siyang pumunta sa hide out kaya madalang na rin akong pumunta doon. Ano pa ba ang ipupunta ko doon kung wala naman siya? Tuwing tinatanong ko naman siya kung bakit nagiging parang busy na siya at hindi na kami masyadong nagha-hang out. Akala ko lang daw `yon. Pero, sigurado akong hindi lang akala `yon. Nararamdaman ko talaga na nawawala na siya. Hindi na siya palaging nasa tabi ko. Pakiramdam ko ay hindi magtatagal tuluyan na nga siyang mawawala. “Bakit nakasimangot ka?” Tiningnan ko nang masama ang taong naglakas loob na kumausap sa akin. Si Kelvin. “Chill,” natatawang sabi n’ya. “Ano’ng nangyari sa iyo? Bakit gan’yang itsura mo? Lahat ng tao dito sa The Cliché nag-e-enjoy, bukod tanging ikaw ang hindi.” “Wala ako sa mood, Kelvin,” walang ganang sabi ko. “Hindi ka na naman sinipot ni Sky, `no? Tss. Recently, hindi ko na kayo nakikita sa hide out niyo. Kaya napapaisip ako. Nag-break na ba kayo?” diretsong tanong n’ya. “Hindi kami, okay? Mag-best friend lang kami,” inis na sagot ko. “E? Pero hindi best friend ang tingin mo sa kanya, `di ba? Kasi kung best friend lang ang tingin mo sa kanya hindi ka magkakagan’yan.” Hindi ako nakasagot kay Kelvin. Parang bullseye ako sa sinabi n’ya. “See? Hindi ka sumagot, ibig sabihin tama ako. Kung gusto mo talaga siya, bakit hindi mo sabihin? Hindi na uso ngayon na lalaki ang unang nagtatapat. 2015 na, Keight,” naiiling na sabi n’ya. “Alam mo pareho kayo nang sinabi ng online friend ko. Though, 2014 n’ya sinabi sa akin `yon,” huminga ako nang malalim, “Uulitin ko sa iyo `yung sinagot ko sa kanya, babae ako. Hindi ganoon kadali para sa akin na sabihin sa kanya `yung nararamdaman ko. Hindi ko p’wedeng basta na lang sabihin na, ‘Hey, Sky! Ilove you!’. Hindi ko kaya.” “E, `di sabihin mo sa kanya sa ibang paraan. Love letter, e-mail, text, tawag, o kaya daanin mo sa kanta. Madaming ibang way para masabi mo na mahal mo ang isang tao.” Ininom ko ang isang baso ng beer na nasa harapan ko at hinarap si Kelvin. “Ang dami mong alam. Nakakainis ka.” Naiiling na tinawanan n’ya ako. “Iwanan muna kita d’yan. Mag-start na ang set namin. Huwag kang aalis d’yan, ha? Babalikan kita.” Tumalikod na siya pero bigla ulit siyang humarap. “I’m serious. You can watch us from there. Don’t go anywhere. Baka kung sino ang lumapit sa iyo, mapano ka pa.” Tumango na lang ako sa kanya bilang sagot. In-e-enjoy ko ang tugtugan ng bandang The Cliché ng may magandang buntis na babae ang umupo sa tabi ko. Pamilyar siya sa akin pero dahil medyo nakainom na ako nagdadalawa na ang tingin ko sa kanya. “Keight, are you okay?” tanong n’ya sa akin. “Do I know you?” tanong ko rin sa kanya. Ngumiti siya sa akin. “Si Amber `to, kaibigan ni Marco. Okay ka lang ba? Bakit mag-isa ka dito?” “Uy! Ate Amber, ikaw pala `yan,” natatawang sabi ko. “Sorry, medyo dalawa ka na kasi sa paningin ko, e. Napaparami na yata ako nang inom.” “Sabi ni Marco kasama mo raw `yung best friend mong si Ulap, bakit mag-isa ka lang dito?” tanong n’ya. “Ah. `Yon? Busy-ing tao na `yon. Hindi na nga yata ako kilala no’n, e,” natatawang sabi ko. “Ayos lang naman na mag-isa ako. Masaya naman, e. Saka ang astig nang tugtugan ngayon nila Marco.” “19 ka lang, `di ba? Sino nagbigay sa iyo ng alcohol?” tanong n’ya sabay layo ng mga beer mug na nasa harapan ko. “Daanin na lang natin sa usap `yan. Walang inom, okay?” Tumango lang ako. Ayos lang naman sa akin dahil medyo may tama na nga ako. “Ilang months na ang baby mo, Ate?” “Seven months na,” sagot n’ya. “Ikaw? Ilang buwan ka nang in love sa best friend mo?” Parang biglang nagising ang diwa ko dahil sa naging tanong n’ya. “H-huh? A-ano `yon?” nauutal na tanong ko. “You’re in love with your best friend, right? Hindi ka naman magkakagan’yan kung hindi, e. So, bakit ka nagagalit sa kanya? May ginawa ba siya? May girlfriend na?” sunod sunod na tanong n’ya. “Hindi ko alam. Wala na siyang time, e. Mas madalas na siyang may bukod na lakad. Siguro. I mean, baka. Baka may girlfriend na siya. Baka nagkabalikan na sila noong ex n’ya. Naging lagi lang naman siyang busy simula noong dumating ulit `yung ex n’ya, e. Hindi naman siya ganoon dati. Kahit hindi naman n’ya sabihin. Alam kong nagkikita sila,” kuwento ko. “Bakit hindi mo sabihin sa kanya `yung nararamdaman mo?” Napasimangot ako. Pangatlo na siya sa nagsasabi noon. “Para saan pa? E, alam ko namang iba ang gusto n’ya.” “Ate Amber, hiramin ko lang si Keight. Sayaw lang kami.” Sabay kaming napatingin ni Ate Amber kay Kelvin. Tumayo na ako para sumama kay Kelvin. Bababa na sana kami nang pinigilan ako ni Ate Amber at binulungan. “Walang masama kung ikaw ang unang magtapat. At hindi mo malalaman kung ano talaga ang nararamdaman n’ya kung hindi mo itatanong sa kanya.” “YOU OKAY?” tanong ni Kelvin habang nagsasayaw kami sa dance floor. “Yeah, why?” balik na tanong ko. “Kanina ka pa kasi parang walang gana, ayaw mo bang sumayaw? We can go upstair if you want,” halos pasigaw na sabi n’ya na dahil biglang lumakas pa ang tugtog. “No. I’m fine,” sabi ko na lang at nakisabay sa pagsayaw n’ya. Dahil medyo kilala na rin si Kelvin kahit bago lang siya sa The Cliché, maraming babae ang lumalapit sa amin. Ginigitgit kami habang sumasayaw pero thankful ako sa kanya dahil kahit nahihirapan siya ay pinoprotektahan n’ya ako. Alam kong sinusubukan n’ya na pagaangin ang pakiramdam ko. At nagpapasalamat ako dahil doon. “Kel—” Naputol ang sasabihin ko nang makita ko sa hindi kalayuan si Sky. Lalapitan ko sana siya pero may nauna nang lumapit sa kanya. “Ericka,” nasambit ko. “Huh? You telling something?” tanong ni Kelvin. Napatingin siya sa tinitingnan ko. “Is that his girl— oh!” Nagulat na lang ako nang nakaharap na ang mukha ko sa mukha ni Kelvin. Nakahawak ang magkabila n’yang kamay sa magkabila kong pisngi. Nararamdaman ko ang pagtulo nang luha ko. “You want to go outside?” nag-aalalang tanong n’ya. Umiling ako. Hindi ko na alam kung ano na ang tumakbo sa isip ko. Bigla ko na lang inilagay sa magkabilang balikat ni Kelvin ang mga kamay ko at hinatak siya papalapit sa akin. Pumikit ako bago tuluyang nagdikit ang mga labi namin. “Keight,” tawag n’ya sa akin nang naghiwalay ang mga labi namin. “I’m sorry,” halos bulong na sabi ko. Muling lumapat ang labi n’ya sa labi ko. Hindi ko alam kung paanong naging ganito ang sitwasyon. Blog Post #124: … I feel dizzy. I’m a bit drunk but I can still manage myself. I know what I’m doing, what I’m saying and what I saw. Ano ba ang mali sa akin? Bakit ako nagkakaganito? Bakit ako nasasaktan? Sabi ko noon ayos lang. Ayos lang. Akala ko nahanda ko na `yung sarili ko. Akala ko lang pala. Masakit pala. Hahahaha. Masakit na makita mo sa sarili mong mata `yung iniisip mo lang. `Yung iniisip mo na ‘baka lang’ naman na `yon ang ginagawa nila. Na ‘baka lang’ naman na sila na ulit. Puro ‘baka’ na nasa isip ko lang noon. Huh! Ang tanga ko. Hahaha. Dapat noon pa lang naramdaman ko na, e. Dapat noon pa lang siniksik ko na sa utak ko na hindi talaga p’wede. Dapat noon pa lang pinigilan ko na. Dapat noon pa para hindi na ako lumala nang ganito. Nakuha ko pang umasa na baka sakali. Hahahaha. Ano nga ba’ng pumasok sa isip ko at napunta ako sa conclusion na baka nga may gusto sa akin si S? Ah! `Yung tatlong sign! Hahaha. Nakuha n’ya lang naman `yung dalawa doon. Pero `yung huli, hindi. Hahaha. Hindi totoo ang sign na `yon! Pinakilig lang ako. Simula ngayon, kakalimutan ko na ang nararamdaman ko kay S. Iisipin ko na hindi ako na-in love sa kanya. Hanggang best friend lang kami. Hanggang doon lang. Walang labis. Walang kulang. Enough is enough! Kung mas masaya siya kay E, fine! Doon siya. Iwanan n’ya ako. I’ll be fine! I wish I can forget everything. As in lahat sa isang pitik ko lang. Tuwing pumipikit ako naalala ko kung paano n’ya halikan si E sa bar kanina. And it’s f*****g not alright. Ang sakit sa puso. Hahaha. How can I possibly forget this s**t? I wish he saw me kissing K and feel the same way I feel right now. Hahaha. It’s impossible, right? Ano ba ang pakialam n’ya kung nakikipaghalikan ako sa iba? Hahahaha. f**k. Commenter commented on your Blog Post #124. Bukas ka na Commenter. I’m so tired and all I want to do is sleep and forget all about this s**t.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD