Entry #15: Selos

1586 Words
SINALUBONG ko kagad nang yakap si Sky nang dumating siya sa hide out. Hindi naman ako nag-failed dahil sinagot n’ya ang yakap ko. Parang stuff toy siya na pinanggigilan ko. Dalawang linggo kaming hindi nagkita kaya sobrang na-miss ko siya. Kung minsan ay nag-vi-video call kami, pero iba pa rin `yung nakikita mo siya in person at mayayakap mo nang ganito. “Mukhang na-miss mo ako nang sobra, a?” natatawang sabi ni Sky habang mas lalong humigpit ang yakap n’ya sa akin. “Happy New Year,” sabi ko. “Kumusta ang Palawan?” “Mas inuna mo talagang kumustahin ang Palawan kaysa sa akin?” natatawang tanong n’ya. Humiwalay siya sa yakap at tinitigan ako. “I missed you,” nakangiting sabi n’ya. Napangiti na lang ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Kapag hindi ako nagpigil baka mahalata n’yang kinikilig ako. Kaunti pa baka mag-giggle na rin ang katawan ko. “Pasalubong ko?” tanong ko. Syempre segway ulit. Baka sumabog ang kakiligan ko kapag hindi pa ako tumigil. “Wala. Hindi naman ako lumabas ng hotel kaya hindi ako nakapamili ng pasalubong,” sabi n’ya sabay kibit balikat. “Nakabili na pala ako ng DVD copy ng The Maze Runner, gusto mong panoorin?” Ngumisi ako at naniningkit ang mga mata kong tiningnan siya. “Original ba `yan? Baka naman pirate `yan?” Mahinang tinapik n’ya ang pisngi ko. “Baliw! Syempre original `to.” Magkatabi kami sa sofa habang nanonood. Nasa kalagitnaan na kami ng The Maze Runner nang maramdaman kong masakit na ang puwit ko at hindi na ako komportable sa pagkakaupo ko. “Bakit?” tanong ni Sky. “Masakit na puwit ko,” walang hiyang sabi ko sabay tawa. “Gusto mong humiga?” tanong n’ya sabay tapik sa hita n’ya. Sino ako para tumanggi? Walang sagot sagot, humiga ako sa sofa at umunan sa hita n’ya. Hindi ko mapigilan ang ngiti ko habang nanonood. Kinikilig ako. The perks of being in love with your best friend. May malisya na sa iyo. Wala pa sa kanya. Dahan dahan kong dinilat ang mata ko. Nakatulog pala ako habang nanonood kami. Ayos lang naman dahil napanood na namin `yon sa sine. Tatayo na sana ako nang maramdaman kong may kamay na nasa tiyan ko. Dahan dahan akong tumingin sa likuran ko. Muntik na akong mapamura dahil nakita ko ang natutulog na si Sky. Maingat kong iniharap ang katawan ko. Magkaharapan na kami ngayon nang natutulog na si Sky. “Sky?” mahinang tawag ko. Hindi siya kumibo. “Sky?” ulit ko pa. Hindi pa rin siya kumibo. Hindi ko alam kung bakit ako kinikilig. Siguro dahil sobrang lapit ng mukha n’ya sa mukha ko. P’wede ko kayang subukan i-kiss siya? Paano kung magising? Ano sasabihin ko? Ang pervert nitong naiisip ko. Napatitig ako sa lips ni Sky. Nakaka-tempt talagang i-kiss. Peck lang. Peck lang. Pumikit ako at dahan dahan kong idinikit ang labi ko sa labi ni Sky. Mas mabilis pa sa alas kuwatro nang alisin ko rin. “s**t! Na-kiss kita ulit,” bulong ko sa sarili ko. Napapikit ako nang gumalaw si Sky. Please, don’t wake up. Don’ wake up! And he did wake up. Naramdaman ko ang pagtayo n’ya. Dahan dahan n’ya akong ibinaba nang maayos sa sofang hinihigaan namin. Sana hindi n’ya alam `yong ginawa ko. Kung alam n’ya man sasabihin ko na lang hindi ko alam. Magpapalusot na lang ako. Nang maramdaman kong medyo nakalayo na si Sky nagkunwari akong kagigising ko lang. Nag-inat inat pa ako at naghikab para mas convincing. “Gising ka na? Gabi na pala, ano gusto mo for dinner?” biglang tanong n’ya. Umayos ako ng upo at saka siya hinarap. “Ramen? Parang gusto ko ng Japanese Ramen,” sagot ko. HINDI ako makatingin nang maaayos kay Sky habang kumakain kami ng Ramen sa Tokyo Tokyo. Ang awkward. Napapatingin kasi ako sa labi n’ya habang humihigop siya ng noodles at sabaw ng ramen. Hindi na ako normal. Siguro nga ay pinagpapantasyahan ko siya. “Kyle?” Sabay kaming napalingon sa nagsalita. “Simoun Kyle Yshmael Montefalco! Long time no see!” nakangiting sabi noong… ahem… magandang babae. “Ericka!” gulat na sabi ni Sky. Tumayo siya at niyakap `yung babae. “Long time! Kumusta ka na?” tanong n’ya nang maghiwalay sila. “By the way, Ericka, si Keight,” tumingin siya sa akin, “CK, si Ericka an old friend,” pagpapakilala n’ya sa amin. Pilit na ngumiti lang ako at saka tumango. Hindi ko alam kung ano `tong nararamdaman ko. Parang gusto ko na lang mag-walk out. First time na may niyakap na babae si Sky sa harapan ko. Syempre bukod sa Mommy n’ya at Mommy ko. Selos? “Old friend? Kinakahiya mo ba ako sa new girlfriend mo, Kyle?” natatawang sabi noong Ericka. New girlfriend? Ibig bang sabihin ex siya ni Sky? At bakit Kyle ang tawag n’ya kay Sky? Bakit iba ang tawag n’ya kay Sky? “Hindi ko siya girlfriend. Best friend ko lang si CK,” sagot ni Sky. Nalaglag na nang tuluyan ang korona ko. Forever best friend lang talaga ako. Hay. Sige. Oo na. Best friend n’ya ako. Best friend ko siya. What do I expect? “Saan ka nga pala nag-college? Tagal na pala noong nagkausap tayo.” Tuloy lang sila sa usapan nila. Parang wala ako doon. Hindi ako nag-e-exist. Ang sarap sabihin na, “Sky, nandito ako. Pansinin mo naman ako.” Blog Post #110: Selooooos. Letse. This day started with hugs and ended up with… I don’t know? Jealousy? After two weeks ngayon na lang ulit kami nagkita ni S. Kasi nga nasa Palawan siya at ako nandito sa Manila. Given na na-miss namin ang isa’t isa. Sinabi n’ya rin naman sa akin na na-miss n’ya ako. At naniniwala ako doon dahil nararamdaman ko. Nakanakaw na naman ako ng kiss sa kanya. Siya kasi, e. Matulog daw ba siya na nakayakap sa akin. Hindi ko kasalanan `yon dahil sobrang lapit ng mukha n’ya sa mukha ko. Syempre na-tempt lang ako. Bakit ang defensive ng dating nito? Hahahah. Anyway, bali wala na `yung kiss na `yon. Nawala `yung katumbas na kilig noon dahil sa nangyari after noon. Kung alam ko lang na may hindi magandang mangyayari sana nagpaluto na lang ako sa kanya ng cup noodles at hindi na nag-ayang kumain ng ramen. Sa pagpunta namin ng mall nakakilala ako ng tao na hindi ko naman gustong makilala. I mean, bakit ko gugustuhing makilala at makausap ang ex ni S? Pakialam ko sa kanya? Okay. Walang masama sa nakilala ko siya. Pero, sana hindi ako na left out noong dumating siya. Pakiramdam ko kasi nawala ako sa eksena na `yon. Biglang walang ako na nag-e-exist sa mundo. Alam niyo ba `yung ganitong feeling? To cut the long story short. Schoolmate namin si E. Single siya ngayon, well sort of daw dahil nagkaproblema yata sila noong boyfriend n’ya. Single si Sky ngayon. Bakit nakakaramdaman ako na magkakabalikan silang dalawa? I don’t want to feel this way. Ayaw ko nang ganitong feeling. Pakiramdam ko mawawala si S sa akin one of these days dahil kay E. Hindi ako handa para doon. Pero paano kung doon masaya si S? Sino ako para hadlangan `yon? :( MAY ILANG minuto na ang nakakalipas pero hindi pa rin nag-ko-comment si Commenter. Nanibago tuloy ako. Nakahanap na siguro nang pagkakabusy-an ang isang `yon. O, baka nagtapat na siya sa taong mahal n’ya? Pero kahit ano naman doon masaya ako para sa kanya. Dahil sa boredom ko. Naisipan kong bisitahin ang blog ni Commenter. Nagulat ako nang humihingi ng password ang blog n’ya. In short, wala akong makikita dahil password protected ang blog n’ya. Madaya rin ang isang ito. Sa akin nababasa n’ya lahat pero siya masikretong tao pala. Napatingin ako sa phone ko nang makita kong umilaw ang screen nito. Ibig sabihin ay may nag-text. Galing sa unknown number ang text. Buburahin ko na sana kasi baka `yung mga spam text lang naman `yon na nagbebenta ng condominium pero nagbago ang isip ko nang ma-scan ng mata ko ang text. CK, nakalimutan kong i-lock `yung hide out. Pupunta ka ba doon? – Ulap. “Kaninong number `tong gamit mo? Nagpalit ka ba?” reply ko. Hindi ko alam pero nagkaroon ako nang kakaibang pakiramdam. Hindi naman nagpapalit si Sky ng number. Simula nang makilala ko siya `yon na ang number n’ya. At ngayon lang siya nag-text sa akin na ibang number ang gamit. Kay Ericka `to. Naiwanan ko kasi sa bahay `yung phone ko kaya naki-text ako. – Ulap. Napakagat ako sa labi ko. Gusto kong umiyak pero pinipigilan ko. Bakit sila magkasama noong babae na `yon? Ibig sabihin nagkita pa pala sila noong hinatid n’ya ako. Bakit sila nagkita ulit? Nabitin ba usapan nila dahil kasama nila ako kanina? “Hindi na ako pupunta do’n. Problemahin mo `yung lock! Manakaw sana lahat ng gamit mo!” nanggigil na reply ko. Pinunasan ko ang luhang tumulo sa phone ko. Letse!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD