Entry #14: Maligayang Pasko!

1572 Words
“MERRY Christmas!” bati ko sa buong family at isa-isa ko silang nilapitan at k-in-iss sa cheeks. Iniwanan ko muna sila at tumambay ako sa veranda. Walang tigil na tinititigan ko ang cellphone ko. Inaabangan ang tawag ni Sky. Ilang minute na rin nang lumipas ang twelve midnight pero kahit text wala pa siyang s-in-end sa akin. Nauna na nga akong mag-text sa kanya pero wala pa ring reply. Ayaw ko namang kulitin dahil baka isipin n’ya nagpapapansin ako. Baka nag-e-enjoy sila ngayon ng family n’ya. Papasok na sana ulit ako sa loob ng bahay nang nag-ring ang cellphone ko. Lumapad kagad ang ngiti sa labi ko nang makita ko kung sino ang tumatawag. “Sky!” masiglang sabi ko. “Ah. CK, busy ka ba? Ngayon ko lang kasi naalala naiwan ko pa lang bukas `yung ilaw sa kuwarto ko sa hide out. Baka p’wede mo namang puntahan. Kinakabahan kasi ako. Baka kung ano’ng mangyari.” Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Maiinis ba o ano? `Yun talaga ang binugad n’ya sa akin? Hindi man lang ‘Merry Christmas’ o ‘Maligayang Pasko’? “Ah. Sige. Puntahan ko na,” disappointed na sagot ko. Lalo akong napasimangot nang busy tone na ang marinig ko sa kabilang linya. “Merry Christmas, Sky,” bulong ko na lang sa cellphone ko. Ayaw ko sanang puntahan `yung hideout pero dahil baka magkaroon nang sunog o kung ano mang aksidente dahil sa naiwang ilaw, nagpunta pa rin ako. Pasko pa naman ngayon. Mahirap na baka magkaaksidente pa. Pagdating ko sa labas ng hide out nakita ko kagad na bukas nga ang ilaw sa kuwarto ni Sky. Ang isa talagang iyon. Apat na araw na siyang wala ngayon n’ya lang naalalang naiwan n’yang bukas `yung ilaw n’ya. Paano na lang pala kung mas nauna ko pang nabalitaan na sunog na ang bahay kaysa sa tawag n’ya? Tss. Mabilis na umakyat na kagad ako sa kuwarto ni Sky. Ayaw ko nang magtagal doon at baka hanapin din naman ako nila Mommy. Papatayin ko na sana ang ilaw nang may napansin akong nakatalikod na canvas. Nilapitan ko `yon at napansin kong may letter pala sa likuran. Binasa ko. “Paki-play `yung video file sa desktop ng laptop ko. Alam mo naman `yung password. Enjoy my gift! Sayang, sana nand’yan ako para makita ko ang reaction mo kapag nakita mo ang gift ko. Love, Ulap.” Sinunod ko ang nakalagay sa sulat. Hindi ko muna tiningnan `yung canvas. Binukasan ko muna ang laptop n’ya at saka p-in-lay `yung video na nasa desktop. “Hi, CK! Merry Christmas! Sana mag-enjoy ka sa panonood nitong video na `to. Actually, wala naman `tong masyadong sense. Ipapakita ko lang sa iyo kung paano ko ginawa ang regalo ko. Panoorin mong mabuti, ha?” Hinubad n’ya ang suot n’yang t-shirt at saka sinuot ang maong apron n’ya na ginagamit n’ya tuwing nagpe-paint siya. Una n’yang kinuha ang isang bucket ng glue at ang paintbrush n’ya. Nag-drawing siya sa isang puting canvas. Hindi ko pa maaninag kung ano ang dino-drawing n’ya. Pagkatapos ng ilang minuto ay binuhos n’ya ang itim na buhangin sa buong canvas. Lumitaw ang portrait ng mukha ko. Gusto ko nang maiyak dahil doon. “Saglit lang, hindi pa tapos!” excited na sabi n’ya. Napangiti ako. Kahit sa video ang cute pa rin ni Sky. Kinuha n’ya ulit `yung bucket ng glue at kumuha siya ng maliit na paintbrush. May ginuhit siya sa bandang mata ng portrait n’ya. “Para sa finishing touch, syempre hindi ikaw `to kung hindi green ang mata.” Kumindat siya sa harap ng camera at saka may dahan dahang hinipan sa parte ng mga mata ng portrait n’ya. “Tada! P’wede ka nang ma-amaze! Merry Christmas, Charity Keight! Ingatan mo `tong regalo ko, ha? Isa lang `to sa mundo,” sabi n’ya habang pinipirmahan ang isang sulok ng canvas. “See you soon, CK! Love, Ulap.” Natapos ang video sa nakangiti n’yang mukha. Nilapitan ko ulit `yung canvas at tiningnan na ito. Mas maganda ang output kaysa `yung nasa video. Nabuhay ang painting dahil sa kulay green na ginamit sa mata. “Sky, in love na ako sa iyo, pero bakit ganito? Parang mas lalo pa akong na-i-in love?” sabi ko sabay bagsak ng katawan ko sa kama ko. “Kung ganito ka nang ganito baka mag-isip na ako ng iba. Hay.” Blog Post # 101: Merry Christmas! It’s official! December 25 na at isa lang ang ibig sabihin n’yan! Tentenenetenten! MERRY CHRISTMAS! Hope you’re having a wonderful night/day with your love ones. Hihihi. I received so much gift pero isa lang ang nag-stand out. See the photo below. Hahaha. Bigay sa akin `yan ni S! Hahaha. Though, hindi n’ya personally na nabigay. But it’s okay. He left a video message naman. Okay na `yon. At least nakita ko pa rin siya kahit papaano. Anyway, ako `yan! Hahahaha. Ang ganda, `no? Feeling ko tuloy ang ganda ganda ko. Tuwing ido-drawring ako ni S pakiramdam ko ay ang ganda ganda ko. Kasi ang ganda ganda naman kasi talaga nang nagiging output, e. Parang ako pero hindi ako. Para sa akin ito ang pinaka-expensive na regalo na natanggap ko. Bukod sa galing `to sa taong… ahem… ko. Nakita ko kung paano n’ya pinaghirapang gawin `to. He made it with his heart and I really appreciate it. Sobra! As in! Sana next Christmas puso naman n’ya ang ibigay n’ya sa akin. Hahaha. Ay teka. Maalala ko lang. Dahil binigyan n’ya ako ng something na ginawa n’ya at especially para sa akin lang… Cac! Nagawa na naman n’ya ang isa sa mga sign na nasa list ko! Seryoso `to. Walang halong biro. Hindi ko `to expected. Dahil usually binibili n’ya lang ako sa mall ng ireregalo n’ya sa akin. Kahit noon na ginagamit n’ya akong model hindi n’ya binibigay sa akin ang kahit isa sa mga `yon. Kaya ko nilagay ito sa list ko dahil hindi ko rin expected `to. Cac! Isa na lang at mako-cross out na lahat ni S ang nasa list ko. P’wede na ba akong umasa? Maaari bang may 50% chance na ako na hindi one sided `tong nararamdaman ko? Paano kapag nangyari ang natitira pang sign na nasa list ko? Magtatapat na ba ako? Kakayanin ko ba? Maniniwala ba ako sa mga sign na ito? Commenter commented on your Blog Post #101. Commenter: Merry Christmas! Ang ganda ng regalo n’ya sa iyo. Sana kasing galing n’ya rin ako. Hahaha. Isa na lang din ang kailangang mag-cross out sa list ng mga sign na hiningi ko at magtatapat na ako sa kanya. Paano kaya kung sabay tayong magtapat? Hahaha. ms-secretnoclue: Merry Christmas din sa iyo! Hindi ko pa alam kung magtatapat ako. Hahaha. Dapat lalaki ang gumagawa noon at hindi babae. Pero kung mangyayari nga ang ikatlong sign baka pag-isipan ko kung ako na nga ang unang magtatapat. Iniisip ko rin kasi na baka coincidence na lang naman kaya nagawa n’ya ang dalawang sign. `Yung pangatlo, sigurado akong hindi n’ya gagawin. Kaya doon siguro ako dedepende. Hahaha. Good luck sa pagtatapat mo! Commenter: Ano ka ba? 2014 na tayo ms-secretnoclue hindi na uso ang lalaki ang unang nagtatapat. Kung gusto mo talaga ang isang tao, ikaw na mismo ang gagawa ng paraan para masabi mo sa kanya `yung nararamdaman mo. ms-secretnoclue: Madali mo lang `yan nasabi dahil lalaki ka. Pero kung babae ka magdadawalang isip ka rin. Hahaha. Binati ka na ba ng minamahal mo ng Merry Christmas? Ako kasi hindi pa. Hahahah. Kaunti pa baka magtampo na ako sa kanya kahit maganda ang regalo n’ya sa akin. >:| Commenter: Hindi pa rin yata. Siguro tatawagan ko siya. Sabi mo nga dapat lalaki ang mauunang gumawa ng action! Hahaha. Uy. ms-secretnoclue, ipapaalala ko lang na may mahal na ako. Hahaha. Baka landiin mo na naman ako, e! >:D ms-secretnoclue: Ang kapal mo! Hahaha. Hindi kita nilalandi, `no! Ni-re-reply-an ko lang mga comment mo! Letse! Hahaha. Tawagan mo na nga lang `yung mahal mo! Hahaha. Merry Christmas ulit! Enjoy this day! :) Hindi ko alam kung paano n’ya nasasabing nilalandi ko siya dahil lang sa nag-re-reply ako sa comment n’ya. Baliw yata talaga ang isang `yon. Pero in fairness naman, may sense na siyang kausap ngayon kung ikukumpara mo noon. Sana magkaroon sila ng happy ending ng babaeng gusto n’ya. Umangat ang excitement ko nang makita ko kung sino ang tumatawag sa cellphone ko. Sinagot ko ang tawag ni Sky pero hindi ako nagsasalita. “CK? Nakita mo na `yung regalo ko? Merry Christmas! Miss na miss na kita!” malambing na sabi n’ya. “Merry Christmas, Ulap! Thank you sa awesome na regalo mo!” Hindi ko masyadong pinahalata na kinikilig ako. “Nami-miss na rin kita. See you soon.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD