Entry #13: Unang sign

1625 Words
Sky Montefalco: Saan kayo sa Christmas Eve? Charity Keight O’connor: Dito daw mag-Christmas si Gramms and Pops, so, hindi kami uuwi ng Ireland. Kayo? Sky Montefalco: Palawan. Tinitigan ko pang maigi `yung in-attached n’yang plane ticket n’ya. Bukas na ang flight nila. Sky Montefalco: Hindi tayo magkasama ngayong pasko. Punta ka na lang ng Ireland para fair `yung reason kung bakit hindi tayo magkasama. Charity Keight O’connor: Gan’yan ka naman, e. Aalis ka na naman. Tss. Sky Montefalco: Bumabalik naman ako, a? Gusto mo ba akong mag-stay? Sabihin mo lang magpapaiwan ako. :) Charity Keight O’connor: `Wag ka nga! Baka sabihin ko ngang huwag ka nang sumama. Hahahah. Hindi kita pipigilan, `no! Christmas ngayon at mas importante kung kasama mo ang family mo. :D Sky Montefalco: May ilang oras ka pa para pigilan ako. :D Charity Keight O’connor: Simoun Kyle Yshmael Montefalco, huwag mo akong pilitin at baka pumayag ako. Hahaha. Enjoy your trip with your family. Magkita naman tayo before mag New Year, `di ba? Sky Montefalco: Nakalimutan ko nang `yan ang tunay kong pangalan. -_-“ Wala nang tumatawag sa akin n’yan. Hahaha. Anyway, hindi, e. Hanggang New Year kami doon. :( Charity Keight O’connor: Oh… Sky Montefalco: Mami-miss kita, Charity Keight O’connor. :’) Charity Keight O’connor: May skype naman. Hahahah. Sky Montefalco: Ang skype ginagamit lang ng mga nasa LDR. Hahaha. Saka, hindi kita ko-contact-in habang nandoon ako. Para ma-miss mo ako nang sobra. >:D Charity Keigh O’connor: Hindi kaya kita mami-miss! Baka ako ang ma-miss mo, `no! >:D Sky Montefalco: Oo nga, e. Miss na nga kita. Hindi ako naka-sagot sa chat ni Sky dahil biglang nawala ang internet namin. Ilang beses kong sinubukan na i-send pero ayaw talaga. Puro retry. Hinayaan ko na lang at pinatay muna ang laptop ko. Mamaya ko na lang siya sasagutin kapag bumalik na ang internet. Napakunot ang noo ko nang makita kong may tumatawag sa phone ko. Sa video call pala siya tumatawag. Nagdalawang isip ako kung sasagutin ko. Baka banatan n’ya rin ako ng mga hirit n’ya kanina sa chat. Makikita n’ya reaction ko. Mukha lang akong hindi kinikilig sa chat pero kinikilig talaga ako. I cleared my throat and tapped the answer key. Inayos ko rin ang tapat sa akin ng phone ko. Baka kasi magmukha akong ewan. “Lakas maka-seenzone nito!” bungad n’ya kagad. “Nawalan kami ng internet. Hindi ko naman kasalanan `yon,” natatawang sabi ko. “Sosyal, pa-video video call na tayo, a?” “Gusto kasi kita makita,” sabi n’ya sabay kindat. “Nami-miss na kasi talaga kita.” “Baliw ka, magkasama naman tayo kahapon, a?” Gusto kong kiligin pero pinipigilan ko lang talaga. “Hatid kita sa airport bukas?” Umiling siya. “Huwag na. Baka magbago pa isip ko at hindi na sumama.” “Bakit masyadong close up sa mukha mo?” segway ko. Nakakaletse naman kasi. Bakit siya humihirit nang mga ganoon? Parang… ewan! “Naka-boxers lang ako, e. `Di ba, sabi ko hindi ko na i-expose sa iyo katawan ko?” natatawang sabi n’ya. “Baka pag- pantasyahanmo na naman ako.” Napangisi na lang ako sa narinig ko mula sa kanya. Grabe. Ano kaya nakain ng isang ito at ganito ang mga banat. “Pero seryoso, CK. Mami-miss kita. January na ang balik namin, e,” sabi n’ya sabay kamot sa ulo n’ya. “Ayain mo sila sa Palawan. Tutal naman dadalaw grandparents mo. Gala na lang kamo kayo.” “Hindi p’wede. Masyadong mapapagod sila Gramms at Pops kapag gano’n. Babalik ka pa naman. Para kang baliw,” natatawang sagot ko. “Wait lang, iaayos ko lang `tong phone sa study table para makap’westo ako sa kama. Nangangawit na `yung kamay ko,” sabi n’ya. Pinanood ko lang siya sa screen ko habang parang bina-balance n’ya `yung phone n’ya para makatayo o parang ganoon. Nang naka-steady na ay lumayo siya sa phone dahilan para makita ko ang tinatago n’ya kanina. Kumunot ang noo ko dahil hindi naka-plain o checkered na boxers si Sky. Kulay blue ito na parang may pink na design. Mabilis na tinakpan ni Sky ang katawan n’ya ng comforter n’ya nang makaupo siya sa kama. “Sorry, nakita mo ba?” “Ano `yung design ng boxers mo? Parang hindi ko pa siya nakita before,” biglang sabi ko. Nanlaki ang mga mata n’ya. “Kabisado mo ang design ng mga boxers ko?” Tinakpan n’ya ng kamay n’ya ang mukha n’ya. “Wala na talaga akong maitatago sa iyo, CK. Nakita mo na ang lahat sa akin.” Napailing ako dahil sa mga narinig ko mula sa kanya. “Ngayon ka pa nagdrama sa akin nang gan’yan!” natatawa kong sabi. “Seryoso, ano nga design ng boxers mo ngayon?” “Promise mo muna hindi ka tatawa,” sabi n’ya. Tinaas ko ang kanang kamay ko. “Promise!” “Patrick Star,” halos bulong na nasabi n’ya. Wait. Did he say…? “Ano nga ulit `yon?” “Patrick Star!” pasigaw pero halata mong nahihiya siya. “Sige na, tumawa ka na! Alam ko namang hindi mo in-expect na may ganito ako. Tss.” Hindi ako natawa. Hindi talaga ako natawa. Hindi rin naman nakakatawa. Ano naman kung may Patrick Star siya na boxers? Wala namang masama doon. Wait. Patrick Star na boxer? Binaba ko muna ang phone ko at kinuha ang notepad ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung ano ang nasa pangalawang sign. “Cac!” biglang bulalas ko. “Hoy, Sky! Seryoso ka bang Patrick Star `yan design ng boxers mo?” tanong ko nang tinapat ko ulit sa akin `yung phone ko. “Oo nga, gusto mo tingnan mo pa, e!” Tumayo siya sa harapan ng phone n’ya. “Oh, ano? Ayaw mo pa maniwala, e!” “Para kang bata, Sky! Hindi naman kita pinagtatawanan, e!” sabi ko habang tinitingnang maigi `yung boxers n’ya. “Tss! Good night na nga! Matutulog na ako. Para p’wede ka nang tumawa.” “Para kang timang! Hindi nga kita pinagtatawanan. Ang cute nga ng boxers mo, e!” Nag-belat lang siya sa akin at pinatay na ang tawag. Tingnan mo ang isang `yon! Parang timang lang! Tss. Blog Post #96: Unang sign. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Matutuwa? Kikiligin? Mababaliw? Hahaha. Pero, seryoso na. As Commenter’s suggestion, gumawa ako ng list ng tatlong sign ko. Tatlong sign na ako lang ang nakakaalam. Hindi ko ipo-post dito kasi gusto ko ako lang talaga ang nakakaalam. Anyway, so, may tatlong sign nga ako. Ngayon sa tatlong sign na iyon may nakuha na kagad si S na isa. Pangalawa siya sa list ko. Sinulat ko `yon dahil never kong in-expect na maaaring may ganoon siya. Medyo childish kasi ang isang `yon. Base kasi sa pagkakakilala ko kay S. Well, hindi siya ganoon ka-childish. Oo, may pagka-childish kami pareho. Pero basta hindi ko siya in-expect sa katulad ni S. Mas mag-expect pa ako kung mga Superman or Batman pero Patrick Star? I did not see that coming. Hahaha. Though, I love Patrick Star. Ewan, nakakatuwa kasi siya, e. To tell you the truth, medyo nag-mi-mix emotion ako dahil sa signs na ito. Paano kung hindi n’ya makuha lahat? Ibig bang sabihin noon hindi n’ya talaga ako gusto? Paano kung isa lang ang nakuha n’ya? Ibig bang sabihin noon maliit lang ang chance na gusto n’ya ako? Paano kung dalawa? May 50% chance na ba ako? Kung tutuusin parang wala rin namang credibility ang mga sign, pero kasi hindi naman alam ni S kung ano `yung mga nilista kong sign, kaya p’wedeng destined din na mangyari `yung nangyari kanina. `Yung makakuha siya ng isang sign doon sa list ko. Masama ba kung hilingin ko na sana makuha n’ya lahat ng sign? Hay. Commenter commented on your Blog Post #96. Commenter: Hindi ka ba nakakaramdam ng excitement dahil sa mga sign? Kahit lalaki ako, sinubukan ko na `yan. Maniwala ka man o sa hindi. Dati akala ko pag-ihi na lang ang magpapakilig sa akin. Hindi pala. Hahaha. Though, sa limang sign na nilista ko, tatlo pa lang ang nakukuha n’ya. I’m still hoping but not expecting. :D ms-secretnoclue: Cac! Lalaki ka pala? Hahaha. All this time akala ko babae ka. Seryoso ka bang lalaki ka? O_O Commenter: Nakakalalaki ka, a! Hahaha. Lalaki po ako. Pakita ko pa sa iyo abs ko, e. -_- ms-secretnoclue: Abs talaga? Hindi ba p’wede mukha mo ang ipakita mo? Hahahaha. Sorry naman. Commenter: Pangit mukha ko. Sabi ng best friend ko, maganda katawan ko pero may tigyawat ako sa mukha (na hindi naman masyadong halata siya lang nakakapansin). Maputi daw ako pero hindi katangkaran. Hahaha. Hindi raw ako kasing guwapo ng dati n’yang crush. :D ms-secretnoclue: Bakit ganoon `yung best friend mo? Pinupuri ka muna bago ka laitin? Hahaha. Commenter: Ganoon daw talaga kapag nagbibigay ng review. Pupuriin mo muna bago mo sasaktan. Hahaha. Oy! Nakatatlong reply ka na, a! Nilalandi mo ako, `no? >:D Napangisi ako sa nabasa ko. Kapal din ng mukha ng isang `to. Napapailing na lang ako habang tumatawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD