“BAGO KO kayo paalisin at enjoy-in niyo ang Christmas break ninyo, nais ko lang i-congratulate si Sky Montefalco para sa pagkakapanalo n’ya sa nagdaang National Portait Competition,” tiningan ni Sir Catacutan si Sky, “As usual, siya na naman ang nag-champion sa nasabing patimpalak.” Kinuha n’ya ang trophy na may nakasabit na gold plated na medal na nasa ibabaw na ng table n’ya. “Please, come forward, Mr. Montefalco.”
Nag-cheer ang buong classroom nang tumayo na si Sky. Syempre ako rin nakiki-cheer. Papahuli pa ba ako? Sa lahat ng tao dito ako yata ang pinaka-proud sa kanya. At syempre, ako yata `yung ginawa n’yang model.
“May gusto ka bang sabihin?” tanong ni Sir kay Sky.
“Gusto ko lang magpasalamat sa inyo. Salamat sa pagpapasali sa akin sa competition na iyon at sa taong tumulong sa akin para magawa ko ang portrait na iyon,” nakangiting sabi n’ya.
“Sino nga ba ang misteryosong babae na nasa portrait mo na iyon?” curious na tanong ni Sir. Lahat ng mga kaklase namin ay nakikisawsaw na rin sa pagtatanong kay Sky.
Ngumiti lang si Sky at bumaba na sa plotform na kinatatayuan n’ya kanina. Actually, hindi mo naman talaga mahahalata na ako `yon. Half lang ng mukha ko ang p-in-aint ni Sky. Naka-focus sa kulay green na mata ko `yung painting. Mahirap i-explain kung ano `yung kinalabasan n’ya. Pero, hindi ko inakala na ganoon pala kaganda `yung mata ko sa paningin ni Sky.
“At isa pa pala,” pahabol pa ni Sir. Nag-boo na `yung mga kaklase namin dahil atat na atat nang umuwi o maglakwatsa. “Ang nakakuha ng pinakamataas na marka para sa portfolio niyo ay si Charity Keight O’connor. Pero kung pinagpasa ko pa si Mr. Montefalco ay malamang ay siya rin ang makakakuha noon.”
Nanlaki ang mga mata ko nang ilabas ni Sir ang portfolio ko. “Sir!” pigil ko. “Huwag niyo na po ipakita. Nakakahiya.”
Hindi n’ya p’wedeng ipakita dahil malalaman nila na si Sky `yung ginamit kong model sa huling drawing sa portfolio ko. Naka-line art pa naman `yon at semi-realistic. Baka kung ano ang isipin nila. Naka-topless kasi sa drawing ko si Sky. Kahit na sabihin natin na lower part lang ng mukha ni Sky ang dr-in-awing ko, mahirap na.
“Bakit parang nahihiya ka, Ms. O’connor?”
Napakamot ako ng ulo nang binuksan na ni Sir `yung last page ng portfolio ko. Nagsimula nang magsigawan `yung mga kaklase ko. Hindi siguro nila napansin na si Sky `yon. Pero alam kong alam ni Sky na siya `yon. Masyadong detalyado ang pagkakagawa ko sa drawing ko na `yon.
“Bumabawi ka, Ms. O’connor, ha? Nag-improve ang portfolio mo kumpara noong nakaraang semester,” puri ni Sir.
Lumapit ako sa kanya at kinuha `yung portfolio ko. “Thank you, Sir,” mabilis na sabi ko at nakayuko akong bumalik sa desk ko.
“Okay, guys! Enjoy your Chirstmas vacation! Happy Holidays!” dismissed n’ya sa amin.
HINDI AKO makatingin nang maayos kay Sky. Nakikipagtitigan na lang ako sa ice cream na in-order ko. Nagpunta kami dito sa ice cream parlour sa loob ng village para mag-celebrate. Pero ang lagay, e. Walang nagsasalita sa amin.
Bakit ang awkward? Hu-hu-hu!
Nag-clear throat siya. “Parang pamilyar sa akin `yung tattoo ng portrait mo sa portfolio mo. Never grow up cursive text sa kanang balikat. May kilala akong tao na may ganoong tattoo at sa parehong posisyon din.”
Hindi ako nakasagot. Masyadong naging detalyado ang pagkakagawa ko sa drawing ko na iyon, e. Dahil pati `yung tattoo n’ya nilagay ko. Hindi ko naman sinasadya na pati iyon ay ilagay. Nagkataon lang na habang ini-imagine ko `yun na-imagine ko rin `yung tattoo n’ya. At pati tingin ko ang sexy talaga noong tattoo na `yon. Lalong nagpa-sexy sa katawan n’ya.
“Masyado ko nga yata in-expose `yung katawan ko sa iyo. Kabisadong kabisado mo, e. Pati `yung sugat ko sa braso ko nandoon din.”
Lalo akong napayuko.
Hiyang hiya na ako, Sky. Tama na, please?
“CK,” tawag n’ya.
Hindi ko inaangat `yung ulo. “Bakit?” mahinang sagot ko.
“Is maith liom leat.”
Napatingin ako nang marinig ko `yung sinabi n’ya. Bumilis ang t***k ng puso ko. “What did you say?” gulat na tanong ko.
“Hindi ba ‘I like it’ `yun sa Gaeilge?” kunot noong tanong n’ya.
Napakagat ako sa labi ko. “I like you `yon, stupid,” bulong ko.
“May sinasabi ka? Mali ba `yung sinabi ko? Alam ko `yun `yung tinuro mo sa akin dati, e.”
Tumango tango na lang ako bilang sagot. Hindi ko alam kung bakit biglang tumaas ang pag-asa ko. Nag-expect siguro ako na `yon nga ang ibig n’yang sabihin. Na sinabihan n’ya ako ng ‘I like you’. Pero nakakababa pala ng self-esteem kapag ganito. `Yung nagkamali lang pala siya at nag-expect ka na.
“Ito sigurado ako, tama na `to,” he cleared his throat, “Is breá liom tú, CK,” seryosong sabi n’ya habang nakatitig sa mata ko. “I love it, CK. Pahingi ng copy no’n, ha?”
Nanggigil na hinawakan ko ang kutsarita sa ice cream ko. “Is breá liom é, Sky. Not tú. Magkaiba `yon,” pagtatama ko sa kanya.
Tumigil ka na Sky. Medyo masakit, e. Sasabihin mo nang gano’ng kaseryoso na aakalain ko na `yon nga ang ibig mong sabihin pero bigla mong i-ta-translate. Mali pala ako nang iniisip. Umaasa ako. Letse.
Blog Post #95: Is breá liom tú.
`Yung sinabihan ka n’ya ng ‘I love you’ pero nakamali lang pala siya. Nakaka-depress `to. Gusto ko nang kiligin dahil sa seryosong pagkakasabi n’ya pero para akong prinsesang nadulas sa harap ng prinsipe at nalaglag ang korona ko nang sinabi n’ya na kung ano talaga ang ibig n’yang sabihin.
Mahirap pala ito. Aware ako sa nararamdaman ko. Tumataas ang expectation ko sa bawat ginagawa ni S. Umaasa na baka sakaling pareho kami nang nararamdaman. Pero siguro nga. Isa akong patunay ng sinasabi nila na sa isang mag-best friend na lalaki at babae ang isa doon ay palihim na in love sa isa.
Ako na ang in love at ayaw kong ma-friendzone kaya hindi ko sasabihin ang nararamdaman ko. Hindi naman nagbago sa akin si S. Ganoon pa rin ang pakikitungo n’ya sa akin. Ang nagbago lang ay binibigyan ko nang kahulugan ngayon ang bawat ginagawa n’ya. Pinapataas ko ang pag-asa ko na baka pareho kami ni S at hindi one sided `tong nararamdaman ko.
Sabi kasi ni Manong Google masasabi mo raw na in love sa iyo ang isang lalaki kung:
He initiates. – eg. If you are in a party, he’ll pick you up even if you already said ‘no’.
Listens to what you say and remembers the details.
Body language cues.
Eye contact
Acts differently around you vs other friends.
He compliments your appearance.
Pay attention to gentle, friendly teasing.
How does he react when you talk about another guy in his presence?
Another sign that a guy likes you is when he becomes protective, supportive and helpful.
If he chats to you often on SNS (social networking site), it may mean he likes you.
10/10 na si S kung ito ang pagbabasihan. Hindi ko alam kung maniniwala ako. Pero kasi, ang hirap. Gusto kong maniwala dito, pero natatakot ako na baka umasa lang ako. Maaari kasing kaya naka-10 dito si S dahil kasi gan’yan naman talaga siya sa akin, e. Best friend n’ya nga ako, `di ba? So, normal lang sa kanya na gan’yan siya sa akin.
Aamin ba o aamin? Paano kapag umamin at napagtawanan lang? Iyak na lang ba? Babalik pa rin ba kami sa dati pagkatapos noon? :(
Commenter commented on your Blog Post #92.
Commenter: Bakit hindi mo subukang humingi ng signs? Tatlong sign na kapag nangyari ibig sabihin ay may gusto rin sa iyo si S. Let’s have a deal. Kapag nangyari ang tatlong sign na hihingin mo, magtatapat ka kay S pero kung hindi, e, `di hindi. Hahahaha.
Tatlong sign? Bakit nga kaya hindi kong subukan? Kinuha ko ang notepad ko at sinulat ang tatlong sign na pumasok sa utak ko.
Unang sign, i-pi-piggy back ride n’ya ako.
Pangalawang sign, kapag nakita ko siyang may suot na kakaibang boxer. As in `yung kakaiba doon sa mga usual n’yang plain at checkered na boxers. Siguro Patrick Star na design ng boxer.
Pangatlo, kapag binigyan n’ya ako ng kahit anong personalized na bagay na ginawa n’ya talaga para sa `kin.
Shit, Sky. Kahit isa lang dito sana may magawa ka para magkaroon naman ako ng kaunting pag-asa.