Entry #11: Green eyes

1486 Words
PINAPANOOD ko lang si Sky habang nagluluto siya. Hindi ko siya makausap nang maayos. Nahihirapan akong kausapin siya to be specific. Something is really wrong with me. “Nakakailang buntong hininga ka na?” tanong n’ya sabay lapag ng niluto n’yang spaghetti sa harap ko. “May problema ba tayo?” seryosong tanong n’ya sabay upo sa harapan ko. Hindi ako makatingin sa kanya nang maayos dahil tinitingnan n’ya ako. Bawat galaw ng mata ko sinusundan n’ya. “Sabihin mo nga, may ginawa ba ako?” Napakagat ako ng labi. Ang lungkot kasi ng tono ng boses n’ya. “Wala ka namang ginawa,” mahinang sagot ko. “E, bakit ayaw mo akong makita?” Hindi ako nakasagot. Bakit nga ba ayaw ko siyang makita? “Alright, kainin mo `to, ha? Uuwi na ako. Siguraduhin mong naka-lock `yung pinto before ka umalis o kung dito ka matutulog, okay?” bilin n’ya at saka ako iniwanan sa lamesa. “Sky,” tawag ko sa kanya. Nag-hmm siya. “Ingat ka pag-uwi.” “Okay. Ikaw rin,” sabi n’ya at tuluyan nang umalis. “Cac! Ní mian leat é a fhágáil, leathcheann!” gigil na sabi ko sabay sabunot sa buhok ko. s**t! You don’t want him to leave, idiot! Blog Post #84: What’s wrong with me? Gusto kong umiyak. Gusto kong umiyak pero hindi ko alam kung bakit ayaw lumabas ng mga luha ko. Sasabog na ang utak ko kung ano ang dapat kong isipin. Bakit ba ako nagkakaganito? May mental problem na ba ako? Sabi ni Kuya, hindi ko lang na-re-realize na in love na ako kay S. Paano ko ba malalaman kung in love ako? Oo, alam kong mahal ko siya bilang kaibigan, pero more than that? Is that even possible? P’wede bang ma-convert `yung nararamdaman ko sa kanya bilang best friend to more than that? Marami na akong nabasa na mga tungkol sa mag-best friend na naging lovers. Most of them hindi nag-wo-work out. Pero teka, bago ko problemahin kung mag-wo-work out, sabihin na nga nating in love ako sa kanya. E, siya ba? In love ba siya sa akin? Hoy, Commenter, bago ka mag-react. Sinasabi ko na, hindi mo sigurado ang nararamdaman ni S dahil lang sa nababasa mo sa mga p-in-ost ko. Pero the rest sa sinabi mo noong nakaraan. Nakakahiya mang aminin, pero tama ka. Points are all taken. Know that I’m thinking about this… my heart is pounding really hard. At puro si S lang ang laman ng utak ko. Kahit `yung ginawa kong additional portrait para sa portfolio ko si S ang nagawa ko. I can’t get him out of my mind. I think… I’m getting in there. Hindi ko alam kung mabuti ba `to o hindi. Siguro, poproblemahin ko na lang kapag dumating na talaga sa punto na kaproble-problema na siya. I mean, sabihin na natin na, oo, in love ako kay S. Pero hindi ibig sabihin noon ay in love siya sa akin. So, parang sumatutal ay one sided lang `to. Is that a good thing or a bad thing? And how the hell I will know if his in love with me… too? Itatanong ko na lang ulit siguro kay Manong Google. Hopefully, lahat nang sinasagot n’ya sa mga tanong ko ay tama. Hay. Commenter commented on your Blog Post #84. Commenter: I hope na may sagot sa iyo si Pareng Google mo. Pero, hindi lahat ng sagot n’ya ay tama. It’s internet, ms-secretnoclue. Halos lahat ng tao may kakayahan na baguhin ang laman ng internet. Even Wikipedia. All you have to do is make an account and tada! You can edit every facts that written there and change it to something not real. Hahaha. Napapa-english ako dahil sa blog mo na `to. By the way, you’re forgiven. Just a little piece of advice, madali lang naman malaman kung in love sa iyo ang lalaki, e. Sinubukan ko nang i-search kay Pareng Google at tingin ko naman tama ang sagot n’ya. Good luck! Commenter commented on your Blog Post #84. Commenter: P.S. Just go with the flow. Kung hindi ka pa rin sigurado kung ano ang nararamdaman mo para sa kanya o kaya kung ano ang nararamdaman n’ya para sa iyo, enjoy-in mo lang `yung mga panahon na magkasama kayo. Kung sigurado ka na naman sa nararamdaman mo. Take the courage and confess. Remember, you need to take the risk to get the biscuit. ;) I need to take the risk to get the biscuit. Last time na sinunog ko ang advice n’ya na `to iba ang naging resulta sa akin. Though, hindi ko masasabing hindi maganda `yung nangyari. Kasi dahil doon nalaman ko kung anong klaseng lalaki si Jonathan. Binaba ko muna ang laptop ko nang makita kong umilaw `yung screen ng cellphone ko. Napangiti ako nang mabasa ko kung sino ang nag-text. “You okay now?” basa ko sa text ni Sky. “Na-miss kita. Punta ka dito,” reply ko. Napangiti ako lalo sa sumunod na reply n’ya. “Actually, nandito lang ako sa labas. Naghihintay sa iyo. Smiley.” Hindi na ako nag-reply at lumabas na sa kuwarto ko. Nakita ko kagad siya sa salamin. Kakatapos n’ya lang yatang magsulat sa Mirror of Memories namin. Ngumiti siya sa akin at may tinuro. Bati na tayo, ha? :) Kinuha ko ang white board marker na hawak n’ya. Ngumiti muna ako sa kanya bago ako nagsimulang magsulat. Nag-away ba tayo? Hindi naman, `di ba? I miss you, Ulap. Sorry sa pagiging ewan ko kanina. Love, Charity Keight. Mag-do-drawing pa sana ako ng heart nang bigla n’ya akong niyakap mula sa likuran ko. Nakapatong `yung chin n’ya sa ulo ko. May kakaiba akong naramdaman sa buong katawan ko. Bumilis ang t***k ng puso ko. Nagkaroon ng kakaibang lula sa tiyan ko. “I missed you,” bulong n’ya at mas lalo n’ya pang hinigpitan `yung yakap n’ya. “Akala ko kung ano na ang nagawa ko dahil sabi mo kanina kay Kuya Marco ayaw mo talaga akong makita. Akala ko talaga nagagalit ka sa akin. Natakot tuloy ako.” Hinawakan ko ang kamay n’ya na nakapulupot sa bewang ko. “Sorry, medyo upset lang ako kanina dahil hindi ko pa tapos `yung portfolio ko. Pero, okay na ako. Nagawa ko na siya,” palusot ko na lang. Tinanggal n’ya `yung yakap n’ya. Pipigilan ko sana kaya lang baka kung ano ang isipin n’ya. Tinitigan n’ya ako sa mga mata. Ngumiti siya na parang gusto ko na lang matunaw dahil doon. “Kung nagkakaroon ka ng artist block, p’wede mo namang sabihin sa akin. Tutulungan kita.” “Hayaan mo, next time.” Hinawakan n’ya `yung kamay ko at saka hinatak ako pababa ng hagdan. Pagdating namin sa salas nakita ko kagad `yung paints and brush ni Sky katabi ang isang small size na canvas. “P’wede ba kitang gamiting subject para sa entry ko sa portrait competition?” Nagulat ako sa narinig kong tanong n’ya. “E? B-bakit ako?” nauutal na tanong ko. Nasabi ko na ba na bukod sa magaling mag-basketball si Sky ay magaling din siyang artist? Maraming beses na siyang nanalo sa contest ng school o kahit sa labas ng school. Nag-compete na rin siya sa national. Kung tutuusin parang hall of famer na siya dahil never pa siyang natalo. Ang kapal ng mukha ko kung tatanggi ako. “Because I can’t think of anyone right now. All I can see in my imagination is your green eyes that I love so much and all I can hear is you talking cutely with your native language.” Tinitigan ko siya. Kitang kita ang sincerity sa mga sinasabi n’ya. Sino ako para tumanggi? “Tingin mo ba pagkatapos mong sabihin sa akin `yan, makakatanggi pa ako?” Ngumiti ako sa kanya. “A ligean ar é a dhéanamh!” sabi ko at sinenyasan siya na magsimula na kami. Let’s do it! Ang sarap sa pakiramdam na marinig sa kanya na ako lang ang nasa isip n’ya ngayon. Hindi ko alam kung dapat akong umaasa doon na baka sakaling may nararamdaman din siya sa akin. Pero kahit wala, ayos lang. Basta kasama ko siya at masaya kami, okay na sa akin `yon. Tama nga si Commenter, just go with the flow at enjoy-in ang mga panahon na magkasama kami Maybe I really do love him. Well, maybe. Tingnan natin kung saan ako dadalhin nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD