Entry 5: Hart Hart Ko Na Siya

1500 Words
BINIBIGYAN ko nang instructions ang mga nagbababa ng mga bagong gamit para sa hide out nang biglang may narinig akong naggigitara sa kabilang bahay. Kung hindi ako nagkakamali doon ang bahay nila Kelvin. Siya kaya `yong tumutugtog? “Miss, saan ko po ito ilalagay?” Napakunot `yung noo ko dahil pamilyar sa akin ang boses nang nagtanong. “Ano tinitingnan mo d’yan?” Nakangiting nilingon ko si Sky. “Wala lang. May narinig kasi akong naggigitara d’yan sa kabilang bahay. Kanina ka pa?” “Kadarating ko lang. Kanina pa ba dumating `yung mga gamit?” tanong n’ya saka sinilip `yung mga taong nag-aayos sa loob. Tumango lang ako sa kanya bilang pagsagot. Napatingin ako sa hawak n’ya. May hawak siyang dalawang cute na cube na may nakalagay na mga pentel pen. “White board markers,” sabi n’ya sabay angat sa kulay white na cute na cube, “at permanent marker,” sabay angat sa kulay black na cute na cube. “Naisip ko lang bumili ng madami. Malaki pa `yung space ng salamin, kaya madami pa tayong maisusulat doon.” “Dati sigurong dancer `yung may-ari nito? Halos buong wall kasi `yung mirror of memories natin, tingin mo?” tanong ko sa kanya habang papasok kami ng bahay. NARINIG ko na naman `yung tunog ng gitara mula sa kabilang bahay. Malakas siya pero hindi `yung masakit sa tainga na tunog. Alam ko `yung kanta, e. “Somewhere over the rainbow,” kanta ko kasabay nang tunog ng gitara na naririnig ko. “Oo, `yun nga `yung title!” Napapikit pa ako habang pinapakinggang maigi `yung tunog. “Ang sarap n’yang pakinggan.” Lumapit pa ako lalo sa bintana para mas marinig ko pang maigi `yung tunog. Nakapalumbaba pa ako habang nakikinig. Ang astig n’ya lang. Dati akala ko acoustic lang ang masarap pakinggan pero kahit pala ang electric guitar kayang mag-produce nang ganito kagandang musika. “P’wede na ang isang kiss bilang bayad sa pakikinig mo.” Napadilat ako nang may narinig akong nagsalita. Saktong sakto ang tingin ko sa mga mata n’ya. Pakiramdam ko ay nag-init ang pisngi ko nang ngumiti siya sa akin. Kumabog nang napakabilis ng puso ko. Is this… “Nasaan `yung asawa mo?” “E? Sinong asawa? Wala akong asawa,” mabilis na sagot ko. “`Yung guwapong lalaki na kasama mo noon? Hindi mo ba asawa `yon?” tanong n’ya sabay baba ng gitarang nakasabit sa kanya. “A, si Sky? Best friend ko `yon. Hindi ko siya asawa,” paglilinaw ko. Ngumiti siya. “Sayang naman pala kung ganoon, bagay kayo, e.” Natawa ako sa narinig ko sa kanya. “Nako, hindi, `no! Masyadong guwapo si Sky para sa akin.” Nanlaki ang mga mata n’ya kaya napaangat ang isang kilay ko. “Ang ganda mo kaya, tanga lang ang hindi magkakagusto sa iyo.” Natawa na naman ako. Mas malakas na kaysa kanina. “Ang galing mo ring magpatawa, `no?” Kumunot ang noo n’ya. “Hindi naman ako nagbibiro,” seryosong sabi n’ya. Napatahimik tuloy ako. Hindi ko na alam kung ano ang sasabihin ko. Minsan lang kasi may magsabi sa akin na maganda ako. Kung ikukumpara kasi ako sa kuya ko parang ampon lang ako dahil malayo ang itsura naming dalawa. Si Kuya makikita mo kagad na anak siya ng foreigner. Samantalang ako, kung titingnan mo lang ako hindi mo ako mapaghahalataan na dugong Irish ako. Kapag nag-english na ako saka mo lang mahahalata dahil sa accent ko o kaya kapag kausap ko ang parents ko sa salitang Gaeilge. E, sino lang ba nakakakita no’n? Syempre mga magulang ko lang. Kaya since dito naman ako lumaki dahil dito naka-base ang company ni Mommy nag-aral ako ng Tagalog. Mas madalas ko pa siyang gamitin kaysa sa English at Gaeilge. Mas komportable kasi ako kapag `yon ang gamit ko. Walang nag-aakalang nagpapaka-feeling sosyal lang ako. Mukha daw kasi akong feelingerang sosyal kapag nag-english na ako. Though, wala akong magawa sa kulay ng mata ko. Forever kulay green na siya. Hinahayaan ko na lang na isipin nila na naka-contact lense ako kahit hindi naman. Ayaw ko naman mag-contact lense ng brown o black para lang i-please ko sila. Hindi ko pahihirapan ang sarili ko. “Alam mo may kamukha ka,” biglang sabi ni Kelvin pagkatapos ng mahabang katahimikan. “Kahawig mo si Kuya Marco. `Yung drummer ng The Cliché, kilala mo sila?” Nasamid ako sa narinig ko mula sa kanya. Siya ang kauna unahang tao na nagsabi na may hawig ako sa kuya ko. Sasabihin ko ba na kapatid ko nga si Kuya Marco? “A, kasi magkapareho kayo ng kulay ng mata. Natural ba `yan o contact lense?” “Natural `yan, may problema ka ba?” Sabay kaming napatingin sa likuran ko. “Uy! Dumating ka na pala, Sky. Naaalala mo ba si Kelvin? Siya `yun—” “Oo, naalala ko siya,” mabilis na sagot n’ya. Hindi na n’ya ako hinintay matapos sa sinasabi ko. “Hiramin ko lang si CK, ha?” sabi n’ya sabay pilit na ngumiti at hinatak ako palayo sa bintana. “Hindi ka ba tinuruan na don’t talk to strangers? Hindi mo naman kilala `yon, e.” “Kaya ko nga kinakausap para makilala, e. Ano ka ba? Saka, ang layo kaya ng pagitan namin. Parang maano naman n’ya ako,” natatawang sabi ko sa kanya. “Masyado kang OA. Kapit-bahay lang siya.” “Kapit-bahay, e, mukhang may gusto sa iyo, e,” mahina pero narinig kong sabi n’ya. Natawa ako. “Ano ka ba? Gusto kagad ako? `Wag ka nga!” Sumimangot siya. “Uuwi na ako. Nilagay ko na sa ref `yung pinabibili mong snacks. Bahala ka na d’yan,” sabi n’ya at saka mabilis na lumabas. Sinubukan ko siyang habulin pero hindi ko siya naabutan. Masyadong Malaki ang bawat hakbang n’ya tapos naka-motor pa siya. Tinotopak na naman siguro ang isang `yon? May dalaw kaya siya? Blog Post #72: Damn you, hart. Galing ako sa hide out kanina. After a week mukha na siyang bahay kung ikukumpara mo sa dati. Malinis na siya at kumpleto na sa mga gamit. Salamat sa magulang ni S at sa kapatid ko dahil sila lahat nag-provide ng mga gamit doon. Kapag nagkatrabaho na kami saka na lang namin sila babayaran. Hahaha. Hindi ba weird na mag-best friend kami pero may bahay kami na sa amin lang? Sa tingin ko naman hindi siya weird o dahil kasi best friend ko nga si S kaya tingin ko hindi weird? Hindi ba kami iisipan ng iba ng mga tao? Alam niyo `yon? Baka akalain nila mag-asawa kami o kung ano man? Katulad kanina ni K, akala n’ya mag-asawa kami ni S kasi nga nakita n’ya kaming magkasama noong naglilipat kami ng mga gamit. Baka ganoon din ang tingin sa amin ng iba? Saka ko na iintindihin `yan kapag may iba nang nag-akala sa amin na ganoon. Speaking of K. Ang galing n’ya pa lang maggitara. Napakinggan ko siya kanina habang tumutugtog siya gamit `yung electric guitar n’ya. Ang astig lang. Na-LSS tuloy ako sa ‘Somewhere over the rainbow’. Matanda na `yung kanta pero noong narinig kong tinugtog n’ya parang nagkaroon ng ibang tono `yung kanta. Hindi ko ma-explain, e. Pero kakaiba promise. Ibang iba siya sa original version. Dahil doon, plus pogi points siya. Iba talaga dating ng mga lalaking magaling gumamit ng musical instrument. Para siyang si kapatid ko. Mas lalong gumaguwapo kapag nagsisimula nang tumugtog. Seryoso ako dito. Ma-appeal talaga sila para sa akin. Tapos. Tapos. Tapos kanina. Noong ngumiti siya sa akin. Bumilis `yung t***k ng puso ko. Hindi ko alam. Masyado yata akong nadala sa pagtugtog n’ya kaya parang hart hart ko na siya. Kakaiba nga siguro ako. Dahil guwapo siya, nagustuhan ko siya kagad. Ngayong nalaman kong may nakaka-in love siyang talent. Hart hart ko na siya. Hay. Letse. Commenter commented on your Blog Post #72. Commenter: Napanood mo na ba `yung Frozen? Sinabi doon ni Elsa na you can’t marry a man that you just met. I think medyo applicable siya sa iyo. Hahaha. Paano ka ma-i-in love sa taong kakakilala mo pa lang? :D `Yung maganda na `yung naging takbo ng buong araw mo pero may isang tao na marunong o magaling sa pagsira ng gabi mo? Bakit ba kailangan nag-ko-comment ang isang `to? Pati, ano ba ang alam n’ya? Hindi n’ya ba alam na mayroong tinatawag na love at first sight? Tss. ms-secretnoclue: Alam mo ba `yung love at first sight? -_-“ Commenter: Kailan pa tumibok ang mata? Hahahaha. Letse. Dapat hindi na ako sumagot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD