Entry #6: C-cén fáth?

1591 Words
“SKY, may mali ba sa akin?” nakasimangot na tanong ko. Binaba n’ya `yung tinitingnan n’yang magazine at saka ako tiningnan. “Ano na naman `yan, CK?” walang ganang tanong n’ya. “Well,” umayos ako nang upo at hinarap siya, “Maganda naman ako, `di ba? Hindi naman ko pangit?” Kumunot ang noo n’ya. Tuluyan na n’yang binaba ang magazine sa center table at hinarap ako. “Anong s**t `yan?” taas kilay na tanong n’ya. “Sino na naman ang umano sa iyo?” seryosong tanong n’ya. “Umano kagad? Hindi ba p’wedeng na-curious lang ako? Tss.” Umirap ako at saka humiga sa sofa na inuupuan ko. “Bakit walang nagkakagusto sa akin?” Nanlaki ang mga mata ko nang biglang nasa harapan ko na ang mukha ni Sky. “Paano mo nasabing walang nagkakagusto sa iyo?” Napalunok ako ng ilang beses. Parang natuyo ang lalamunan ko. Sobrang lapit ng mukha n’ya. At `yung tingin n’ya sa akin. Pakiramdam ko ay tinitingnan n’ya ang buong pagkatao ko. Bumilis ang pagtibok ng puso ko. Nahihirapan akong huminga. Nagkakaroon nang hindi maipaliwanag na lula sa tiyan ko. Pakiramdam ko ay nakasakay ako sa Space Shuttle. Napakurap ako nang maramdaman ko ang paghaplos n’ya sa pisngi ko. “C-cén fáth?” kinakabahang tanong ko. Why? Patuloy lang n’ya akong tiningnan. Napapikit ako nang dahan dahang lumalapit ang mukha n’ya. Nararamdaman ko na ang paghinga n’ya. Ang bahagyang pangangatog ng kamay n’ya na nakahawak pa rin sa pisngi ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ni Sky. Pero sa hindi ko mawaring dahilan. Nananabik ang pakiramdam ko. Kinakabahan ako pero mas nangingibabaw ang sabik. Hindi ko alam kung tama `tong nararamdaman ko. Naghihintay ba akong halikan n’ya? Pero kasi sa posisyon namin na ito, pagdampi na lang ng labi n’ya ang kulang. Napasinghap ako nang maramdaman ko ang paghinga ni Sky sa bandang tainga ko. Lalong lumalim ang paghinga ko. Natuyo nang sobra ang lalamunan ko. Kinilabutan ang buong katawan ko nang marinig ko ang paghinga n’ya. “Don’t you ever say that nobody wants you, because I know someone who does,” bulong n’ya. Napadilat ako dahil sa narinig ko mula sa kanya. “Sk— nasaan na `yon?” Panaginip ba `yon? Pero hindi, e. Naramdaman ko talaga siya. Alam kong totoo `yon. Nakadilat ako nang lumapit si Sky. Naramdaman ko `yung kamay n’yang humaplos sa pisngi ko. Naramdaman ko `yung mainit na hininga n’ya sa tainga ko. Napahawak ako sa tainga ko. “Panaginip lang ba `yon? Pero bakit parang totoo?” SINASABUNUTAN ko na ang sarili ko dahil sa kakaisip sa nangyari kanina. Panaginip ba `yon o totoo? Pero wala na naman kasi si Sky noong dumilat ako. Nakatulog siguro ako noong magkausap kami. Pero, bakit naman n’ya ako iniwanan nang mag-isa sa hide out? Kung panaginip naman `yon, bakit naman ako may ganoong panaginip? Nakakabaliw talaga `to. “Keight.” Nahulog ako sa kinauupuan ko nang may narinig akong tumawag sa akin. Pagkatingin ko sa pintuan si Kuya Marco pala. “Marco! You scared me!” sigaw ko sa kanya at saka ako tumayo. “What?” “I mo thuairimse, tá mé i ngrá,” mahinang sabi n’ya sabay kamot sa ulo na parang bata. “Cad é? You think you’re in love?” hindi makapaniwalang tanong ko. What? Sunod sunod ang pagtango n’ya. Napakamot ulit siya sa buhok n’ya. “Or maybe not,” biglang bawi n’ya. Saglit na napaisip siya. “No, I guess I am.” “Really? Are you talking to me or you’re talking to yourself?” iritadong tanong ko. Tinaasan ko siya ng kilay. “Come on, Marco. I don’t have time for your problems right now. If you think you’re in love with Shara, be a man and tell her.” Kumunot ang noo n’ya. “No. It’s not Shara.” Napanganga ako bigla. Kailan lang ang sabi n’ya ay gusto n’ya si Shara, `yung assistant nila, tapos ngayon hindi na? “You know I’m not good in expressing myself. I think I’m confusing things,” sabi n’ya sa sarili n’ya. Ginulo ang buhok ko. “I can’t understand you! God, please stop talking to yourself! If you don’t want to talk about it with me, for Pete sake, go to your room and leave me alone!” “You have LQ with Ulap?” taas kilay na tanong n’ya. “LQ is for lovers, Marco. Sky and I are not lovers and we’re not in quarrel. We’re good,” pagpapaliwanag ko sa kanya. Tiningnan n’ya ako nang maigi. “I think something happened between you and Ulap.” Naningkit ang mga mata n’ya. “Did he say something?” “What do you mean?” kunot noong tanong ko. “Did he happened to confess his feelings to someone he shouldn’t confess to?” Bigla akong napaisip sa sinabi ni Kuya Marco. Hindi ko alam kung bakit ako napaisip. May mali ba sa construction ng tanong n’ya? O, may hindi lang ako maintindihan? “Do you know something that I don’t?” “Did I just say something?” Tiningnan ko siya nang masama. “Oh, I still have a gig tonight. I got to go, Keight,” mabilis na sabi n’ya. Hinalikan n’ya ako sa noo bago tuluyang iwanan. May mali kay Kuya. May alam siya na hindi ko alam. Ano nga `yung sinabi n’ya kanina? “Did he happened to confess his feelings to someone he shouldn’t confess to?” May mali, e. Ano ibig sabihin n’ya doon? May mahal nga kaya si Sky? E, bakit hindi ko kilala `yon? Blog Post #78: 20 days before Christmas. Walang kinalaman ang title ng blog ko na ito sa mga susunod na mababasa niyo/mo. Gusto ko lang ipaalam na malapit na ang pasko. Tumatanggap ako ng regalo basta galing sa puso. Hahaha! Anyway, may weird na nangyari sa akin ngayon araw. Hindi ko nga sure kung nangyari nga siya o panaginip lang. Well, kahit naman kung ano pa siya. Weird pa rin siya para sa akin. Bakit weird? Kasi ang weird n’ya. Hahaha. Hindi ko ma-explain. Letse. Parang nanaginip ako na nangyari siya pero parang nangyari naman talaga siya. Gets niyo ba? Pakiramdam ko ay nangyari talaga siya pero hindi ko sigurado kung pakiramdam ko lang ba talaga o nangyari talaga siya. Nararamdaman ko pa rin sa pisngi ko `yung paghawak n’ya doon. Nararamdam ko pa rin `yung pakiramdam sa tainga ko. `Yung pakiramdam nang mainit n’yang hininga. Naririnig ko pa rin kung paano n’ya sinabi `yung mga binitawan n’yang salita. “Don’t you ever say that nobody wants you, because I know someone who does.” Kinikilabutan ako tuwing naaalala ko. Nararamdaman ko kasi sa buong katawan ko `yung tila kuryenteng dumaloy sa akin noong marinig ko `yan. Ugh! Totoo ba `yon o ano? Pero kung totoo nga, bakit n’ya naman sa akin sasabihin `yon sa akin? O kaya ano ibig n’yang sabihin doon? May alam ba siya na hindi ko alam? Sino `yung tinutukoy n’ya na `yon? At… at… at… bakit n’ya pa kinailangan na gawin `yung ginawa n’ya kung `yun lang naman pala ang sasabihin n’ya? Bakit… Hay. Bakit ko pa kasi iniisip `to? Malamang naman panaginip lang `yon. Si S pa ba? Hindi siya magiging intimate sa akin nang ganoon. Hahaha! Ano ba `tong iniisip ko. Nababaliw na naman ako. `Yung kapatid ko naman kasi dinagdagan pa `yung iniisip ko. May alam siya tungkol sa best friend ko na hindi ko alam. Parang ang gara naman no’n, `di ba? Ako `yung best friend pero mas may alam pa `yung kuya ko kaysa sa akin. Tss. Bakit parang ang daming kong hindi alam? Regaluhan niyo nga ako ng kaalamanan ngayong darating na pasko. Pisti. Commenter commented on your Blog Post #78. Commenter: May mga bagay na mas komportableng sabihin ng lalaki sa kapwa lalaki. P’wedeng hindi komportable si S na ikuwento sa iyo ang kinuwento n’ya sa kuya mo. And I guess, hindi ka nanaginip. Hindi mo kasi mararamdaman `yon kung panaginip lang. Tingin mo? ms-secretnoclue: tingin ko? Tingin ko hindi mo binasa nang maigi `yung blog ko ngayon. Sinabi ko na ngang hindi ko alam kung totoo o hindi, tapos tatanungin mo pa ako kung ano tingin ko? -_-“ Commenter: Bakit ba ang sungit mo sa akin? Hahaha. Sinasabi ko lang naman kung ano tingin ko. Masama ba `yon? ms-secretnoclue: Oo. Minsan kasi hindi ka naman nakakatulong. -_-“ Commenter: Nakadalawa ka nang reply sa akin. Hahahah. Bago `yan, a? Huwag mo akong sanayin baka hanap hanapin ko. >:D Hindi ko alam kung paano tumatakbo ang utak ng isang ito. Baliw yata talaga `to, e?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD