“Saan ka? Bakit hindi ka pumasok?” text ko kay Sky.
Dahil hindi ako sanay na hindi siya pumapasok, nag-aalala ako kay Sky. Baka may kung anong nangyari sa kanya. Hindi rin kasi siya nag-text sa akin, kaya mas lalo akong nag-alala. Sa tagal naming magkakilala ni Sky, mga three years na, hindi siya uma-absent nang basta basta. Kahit ganoon kasi ang isang `yon, matalino `yon. Hindi lang masyadong halata.
“Hide out. Flu. Huwag ka nang pumunta. Baka mahawa ka,” reply n’ya.
Napa-poker face ako sa nabasa kong reply n’ya. Ako pa ba ang hindi pupunta? Hindi na ako nag-reply. Dahil wala na naman akong klase dumiretso na ako sa malapit na Mercury Drugstore. Bumili ako ng mga tingin ko kailangan ni Sky. Cooling patch, medicines at mga chocolate para sa akin.
“Keight?”
Napatingin ako sa tumawag sa akin. “Oy! Kelvin, ano’ng ginagawa mo dito?” tanong ko sa kanya.
“Bumibili lang ako ng energy drink. `Yung assistant kasi namin hindi pa bumabalik. E, since ako pinakabata ako inuutusan nila,” nakasimangot na kuwento n’ya. “Kung alam ko lang naaalilain ako ng The Cliché sana hindi na ako sumali sa kanila.”
“Wait. What?”
“Huh? Anong what?”
“Member ka na ng The Cliché?” gulat na tanong ko.
“Oo. Cool, `di ba? Sa The Glimpse sana kaya lang, masyado na silang mataas. International na sila, e. Pero ayos lang sa The Cliché kasi ang astig din nila,” parang batang kuwento n’ya. Mahahalata mo sa kanya ang admiration n’ya sa dalawang bandang sinabi n’ya. “Ay. Ikaw ano ang ginagawa mo dito?”
“May sakit si Sky, e. Bumili ako ng mga gamot,” sagot ko at ipinakita ko sa kanya `yung hawak kong shopping basket.
“`Yung asawa mo?” natatawang tanong n’ya.
Nag-poker face lang ako sa kanya. Mukhang naintindihan naman n’ya kaya tumigil siya sa pagtawa.
“Speaking of him. Nakita ko siya kanina sa labas ng bahay niyo. Akala ko nga ikaw `yung kasama n’ya, pero noong humarap hindi pala.”
“May kasama siya? Babae?”
“Mapagkakamalan ko bang ikaw kung lalaki?” pilosopong sagot n’ya.
Napasimangot na lang ako sa kanya. Hindi rin pala matinong kausap ang isang `to.
“Sorry,” hingi n’ya nang paumanhin. “Maganda `yung babae, pero mas maganda ka,” sabi n’ya sabay kindat. “Sige, see you later?”
Tumango na lang ako bilang sagot. Napangiti ako no’ng umalis na siya. Sinabihan na naman n’ya ako ng maganda. Magiging confident na ba ako na maganda talaga ako dahil dalawang beses n’ya nang sinabi sa akin `yon? Sinasabi na rin naman sa akin `yun ng parents ko, ni kuya at ni Sky. Pero syempre iba pa rin talaga kung mangagaling sa ibang tao. Kailangan ko na sigurong maniwala.
“Oh? May kasamang babae kanina si Sky? Hindi kaya siya `yung sinasabi ni Kuya?” tanong ko sa sarili ko.
Mabilis na nagbayad ako ng mga binili ko at sumakay na kagad sa sakayan para makauwi. Hindi na ako dumaan sa mismong bahay namin, dumiretso na kagad ako sa hide out. Baka maabutan ko pa `yung babae. Kaya siguro ayaw ako papuntahin ni Sky kasi may nag-aalaga na sa kanya. Tsk.
Dahan dahan kong binuksan `yung doorknob sa front door gamit ang susi ko. Kinakabahan ako baka kasi nasa salas lang si Sky at doon nagpapahinga. Mayroon naman kaming sarili naming mga kuwarto pero iba kasi ang isang `yon. Mas komportable siya sa sofa kaysa sa kama. Kaya ang kama noon ay isang kalahating kama at kalahating sofa na pina-customized n’ya pa.
Ang headboard n’ya ay parang sandalan ng sofa na may nakadugtong pang-armrest sa dalawang gilid. Hindi siya sofabed, okay? Hindi siya natitiklop. Antimano na kama na siya. Parang bata kasi kung minsan si Sky. Gusto n’ya `yung nakahiga siya sa sofa at nakaunan sa isang armrest at `yung mga paa naman n’ya ay nakalawit sa kabilang dulo.
Nakahinga ako nang maluwag nang hindi ko makita si Sky sa salas. Baka nasa kuwarto n’ya. Dahan dahan din ang pag-akyat na ginawa ko sa hagdan. Baka marinig n’ya kasi ang bawat hakbang ko. Dederetso na sana ako sa kuwarto n’yang may napansin akong bagong sulat sa salamin.
“Alam kong pupunta ka. Nagluto ako sa baba, kumain ka muna. Siguradong natutulog ako kapag dumating ka. Nagmamahal, Ulap,” basa ko sa nakasulat.
Nagpamewang ako dahil sa disappointment. Alam n’ya pa lang darating ako. Malamang wala na `yung babae dito. O, baka nandito pa? Biglang tumaas ang dalawa kong kilay at parang may light bulb na umilaw sa ibabaw ng ulo ko.
Nagsimula ulit akong maglakad patungo sa kuwarto ni Sky. Dahan dahan lang ang pagbukas ko ng pinto n’ya. Sumilip muna ako sa maliit na awang na nagawa ko pagbukas, pero dahil wala akong makita, nilawit ko na `yung ulo ko. Nakita ko lang si Sky na nakahiga sa kama-s***h-sofa n’ya na balot na balot ng comforter.
Huminga ako nang malalim at saka pumasok na nang tuluyan. Ibinaba ko `yung bag ko sa study table n’ya at kinuha `yung cooling patch na binili ko.
“Sky,” tawag ko sa kanya.
Nag-hmm lang siya pero parang hindi naman siya nagising sa ginawa ko. Umupo ako sa gilid n’ya at inayos siya nang higa. Nangangatog siya dahil siguro sa ginaw. Hinipo ko ang noo n’ya. Hindi ko nahawakan nang matagal dahil napaso kagad ako.
“s**t, Sky. Napakainit mo,” nag-aalalang sabi ko.
Inilagay ko na sa ulo n’ya `yung cooling patch at sinubukan siyang gisingin. “Sky, uminom ka na ba ng gamot?” tanong ko habang inaalog-alog ko siya nang mahina. “Sky.”
Dahil ayaw n’ya talagang gumising. Binuksan ko ang lamp shade n’ya sa night stand n’ya. Sensitive sa liwanag si Sky kapag natutulog. Gusto n’ya madilim ang buong paligid. Kaunting liwanag lang maaalipungatan na kagad siya.
Napansin kong gumalaw na `yung nakapikit n’yang mata. “Sky, uminom ka na ba ng gamot?” tanong ko ulit.
Tumagilid siya patalikod sa akin at saka umubo. “Uminom na ako kanina. Ano’ng oras na ba?”
“Four na. Anong oras `yung huli mong inom?”
Inalalayan ko siyang makaupo nang maayos. Ihahagod ko sana `yung kamay ko sa likod n’ya dahil umuubo na naman siya pero napansin kong wala pala siyang t-shirt.
“Alas dose yata ako uminom ng gamot kanina,” sagot n’ya. “Pakikamot nga `yung likod ko, ang kati, e. Wala akong lakas para abutin,” parang batang request n’ya.
Napalunok muna ako ng ilang sunod. Pinag-iisipan kung gagawin ko ang request n’ya. Magkakasala na naman ako. Nakikita ko na naman ang pinagpala n’yang katawan. Mahahawakan ko na naman.
“CK?”
“Ha? A, ito na,” lutang na sabi ko.
Wala na akong nagawa noong dumikit na ang palad ko sa likod n’ya. Hindi ko alam kung bakit palad ang unang dumikit at hindi ang mga daliri ko. Nangatog pa ang kamay ko ng iporma ko na siya para kamutin.
“s**t. Ang hot ni Sky.”
Nasampal ko `yung pisngi ko gamit ang isa kong kamay. Ano ba `yong naisip ko? Pero, literal talagang mainit si Sky.
“P’wede ka na sigurong uminom ng gamot,” sabi ko habang kinakamot ang likod n’ya. Kailangan kong ma-distruct.
“Kumain ka na ba?” tanong n’ya.
“Huwag mo akong alalahanin. Alalahanin mo ang sarili mo,” sabi ko sa kanya. Tumayo na ako at kinuha ang bag ko. “Ano ininom mong gamot kanina?”
“Bioflu.”
Napatingin ako sa kanya nang may narinig akong bumagsak. “s**t, Sky! Kung hindi mo kaya huwag mong pilitin,” nag-aalalang sabi ko sa kanya noong lumapit ako sa kanya para tulungan siyang tumayo.
Dahil mabigat siya ay inupo ko kagad siya sa kama n’ya. “P’wede stay put ka lang d’yan? Ako na bahala sa iyo, okay?”
Inalis ko `yung comforter na napulupot sa lower part ng katawan n’ya. Muntik na akong mapamura nang makitang naka-boxers lang siya. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dito kay Sky o ano. May sakit na siya’t lahat lahat pero ang nakuha n’ya pang mag-boxers lang habang natutulog.
“Baliw ka talaga, Sky. May sakit ka na’t lahat wala ka pa ring saplot kung matulog,” inis na sabi ko sa kanya.
“Mas komportable ako kapag nakaganito,” sagot n’ya.
Sinubukan n’ya ulit na tumayo. Hinabol ko kagad siya noong mapansin ko na hindi stable ang pagkakatayo n’ya. Dahil sa malaking tao si Sky hindi ko siya kinaya. Pareho kaming bumagsak sa sahig. Nanlaki na lang ang mata ko nang dumilat ako sa ibabaw n’ya at magkadikit ang mga labi namin.