Chapter 3: Hopes and Tragedies
WHEN Selene found out that her mother died the night after she was taken custody of her father, she didn’t shed a tear. Even during the burial and seeing her mother’s coffin being buried six feet underground. It appeared that her mother’s endless preparation for her to face her timely demise already numbed her feelings, and being on the same exact situation they were expecting to happen seemed normal to her. But as days and days passed of not able to see her mother’s sweet smile, her laugh, and their long chats made her realize that she wasn’t a big girl like what her mother used to tell her, that she was a helpless child longing for mother’s comfort. Dreadful emotions were starting to sink in to her soulful youth.
There were days that she wouldn’t want to talk to anyone. Not even to her father or to her Mama Miranda. She didn’t want to take a bath or to eat her favorite fried chicken and chocolate. She didn’t even get excited about having new clothes and things. She just wanted to see her mother again. Be with her no matter how hard or dull the situation was.
One night, Selene dreamt of her mother. Helen was more beautiful in her dream. Hindi na hapis ang mukha nito at wala sa hitsura nitong pinapahirapan ito ng karamdaman. She also looked very happy. Muli ay ipinaalala sa kanya ng ina ang mga pangarap nila. Na kailangan niyang abutin iyon kahit hindi na sila magkasama. Na may masasandalan siya sa katauhan ng kanyang Daddy Iñigo at hindi niya kailangang mag-alala dahil mahal siya nito bilang anak kahit isa siyang bastarda. Labis niyang na-enjoy ang sandaling iyon na kasamang muli ang ina niya at kinabukasan pag-gising niya ay may magandang ngiti siya sa mga labi niya.
Nalulungkot man sa sitwasyon ng anak ay wala gaanong magawa si Iñigo kundi ang hayaan munang lumipas ang pagdadalamhati ng anak. Lagi naman itong nakaantabay sa lahat ng pangangailangan ni Selene upang masiguro na hindi siya magkakasakit o magkaroon ng malalang kondisyon dahil sa kasalukuyan niyang pinagdadaanan. Ganoon din si Miranda na sa bawat araw ay hindi nagsasawang hikayatin ang apong gumawa ng kahit anong aktibidades na makakapaglibang dito. Kaya nang umagang iyon na makitang masigla siya ay sinamantala ng mga itong yayain siyang lumabas.
They went to different places---science museum, amusement parks, zoo, and many more. They also ordered all her favorite food and ensure that she was full. They bought her additional things that she’ll need. And most of all, they let her feel that she’s loved and not alone in this new world she’s in. Selene was genuinely happy, again.
Lumipas pa ang mga araw, mga linggo at mga buwan na nasa mansion siya ng mga Feron. May ilang ulit silang nakakapag-solo ni Anton at sa tuwina ay napakabastos ng bibig nito. Noong una ay panay ang sumbong niya sa Daddy niya at Mama Miranda niya ngunit ayaw tumigil ng half-brother niya kahit ilang beses na itong pinagagalitan. Hanggang siya na lang ang nag-sawa at hinayaan ito sa gusto nitong sabihin. Nasanay na siya roon at hindi na lang ito pinapansin na mas lalo namang ikinagagalit nito pero wala rin itong magawa dahil ilang beses na itong bad shot sa Daddy at Mama Miranda nila. Later on, Anton became civil with her and just suddenly stopped minding her, in Selene’s relief.
Kung si Anton ay marami-raming beses niyang nakakasama sa mga nakalipas na buwan na pananatili niya sa mansion ay mabibilang sa mga daliri ang mga pagkakataong napag-isa sila ng madrasta niya. At sa tuwina ay hindi siya nito kinakausap na para bang hindi siya nag-e-exist sa mundo. Ang karaniwan na nilang interaksyon ay tuwing magsasalo-salo sila sa hapag upang kumain. Other than that, ay wala na masyado dahil mukhang iniiwasan rin siya nito.
But one time, Natalia came home drunk and her Daddy and Mama Miranda wasn’t home yet. Napagdiskitahan siya nito at galit na galit sa kanya kahit wala naman siyang ginawang masama.
“Hey, you little itchy-bitchy-witch, come here,” utos nito sa kanya na agad naman niyang tinalima. Pinagmasdan siya nito mula ulo hanggang paa at inismiran. “Get me some wine. I want the 1954 one,” anito at itinaboy na siya ng kamay nito palayo na parang langaw.
Itatanong pa sana niya ito kung ano eksakto ang ibig nitong sambihin ngunit hindi na niya nagawa dahil sa pagtataboy nito. Naghanap na lamang siya ng katulong at nakita naman si Adora. Sinabi niya rito ang gusto ni Natalia. Ibinigay naman sa kanya ng katulong ang sinabi niya. Isang bote iyon ng alak at kopita. Bumalik na siya sa madrasta upang iabot iyon dito.
“Pour me in,” utos pa nito sa kanya. Tinitigan lamang siya nito habang hirap na hirap siyang buksan ang bote ng alak. Nang magtagal siya sa ginagawa ay bigla nitong inagaw sa kanya ang bote ng alak at ibinato iyon sa paanan niya. “Now, it’s open. You’re such an idiot, useless, godforsaken child of a w***e!” bulyaw nito sa kanya at nilayasan siya.
She was too stunned to react or to even move from the ground where her feet were seemed pasted. Tila nagkabuhay lang siya ulit nang dumating ang katulong na si Delia. Tinanong siya nito kung ano ang nangyari at sinabi naman niya ang totoo. Nang masiguro nitong hindi naman siya nasugatan ay pinaakyat na siya nito sa kanyang silid.
Nagkulong lamang siya sa loob ng kuwarto at bumaba lang ulit nang marinig na dumating na ang Daddy niya. Naaabutan niya ito sa salas kasama si Adora na isinusumbong na ang insidente pero dagdag bawas ito. Makikisingit sana siya sa usapan nang kastiguhin ito ng Daddy niya dahil hinayaan daw siyang kunin ang bote ng alak, na may mas isip ito, at dapat ay binabantayan siyang maigi. Dahil sa huli ay ito rin ang napagalitan kaya hindi na niya itinuloy ang pagpapaliwanag ng sarili. Nang makita siya ng Daddy niya ay kinumusta agad siya nito.
“Are you okay, sweetheart? Did you get hurt?”
“Okay lang po ako, Daddy.”
“Good to know, sweetheart. Pero next time, ‘wag munang paglalaruan ang bote ng wine, ha. It’s for adult only and not for good girl like you. Understood?”
“Yes po and sorry po,” sagot niya at nagpa-cute s***h paawa effect dito.
Ginulo nito ang buhok niya at hinagkan siya sa ulo. “May pasalubong sa ‘yo si Daddy,” anito at niyakag siya sa sasakyan upang ipakita ang uwi nito sa kanya.
It was boxes of pizzas and donuts in variety of flavors. At may ibinigay rin ito sa kanyang iPad na nagpa-excite sa kanya. Ipina-set-up agad niya iyon sa Daddy niya habang lumalantak ng mga dala nitong pizza and donut. Nang matapos i-set up ang iPad ay pina-downloadan niya iyon ng iba’t-ibang games at bumalik na sa kuwarto niya bitbit ang tig-isang box ng pizza and donut. Hindi na siya bumaba ulit kahit noong maghapunan sila dahil nabundat na siya sa mga pasalubong na pagkain para sa kanya.
Selene’s life with her Daddy Iñigo was wonderful, aside from the little dramas her half-brother and step-mother were creating. Nadagdagan pa ang kadramahan ng mga ito nang malaman nilang may paparating pang anak sa labas ang Daddy niya. Ilang araw na nagwawala si Natalia ngunit wala rin itong nagawa nang dumating na ang kapatid niya, si Agatha.
Agatha seemed always sad. Lagi itong tahimik na halos hindi na nagsasalita kahit anong kausap niya at parang lagi itong iiyak kahit wala namang nakakaiyak. Kaya madalas ay ito ang pinagdidiskitahan ni Anton. Nang malaman niyang mas matanda lang siya rito ng ilang buwan ay pinilit niya itong tawagin siyang ate pero ayaw nito. Hindi na lamang niya iyon inalintana at itinalaga ang sarili bilang guardian nito. As much as possible ay sinasamahan niya ito para hindi ito pinagtitripan ng half-brother nila, na mas lalo namang ikinainis ni Anton sa kanya.
Lumipas lamang ang ilang buwan pa ay mas lalong nadagdagan ang inis ng mag-inang Natalia at Anton nang ibalita sa kanila ng ama na isa na namang bastarda ang iuuwi nito sa mansion. Nanggalaiting muli ang madrasta niya at nagmaktol naman ang half-brother niya. Hindi mapahinuhod ang mga ito hanggang sa ang Mama Miranda na niya mismo ang nagsalita at tila napilitan na lamang ang mga itong sumang-ayon sa ayaw at sa gusto ng mga ito.
Habang siya naman ay nasasabik na muling makakilala ng bagong kapatid. Si Agatha ay ganoon pa rin at halos walang emosyong ipinapakita. Ngunit kahit paano sa ilang buwang magkasama sila ay napapangiti niya ito sa mga joke niya at mga kuwento niya. Ang hiling niya ay sana hindi kasing tahimik nito ang isa pa nilang kapatid na babae para may makalaro na siya ng maayos doon.
Pagkatapos ng ilang araw mula nang ianunsyo ng Daddy nila ang pag-uwi sa isa pa nilang kapatid ay dumating sa mansion si Veronica. Napakalayo ng pag-uugali nito kay Agatha. Si Veronica ay may katangiang tila nakakatakot na minsan ay nag-aalangang lumapit dito si Selene. Muntik pa sila nitong mag-away nang sabihan niyang ang pangit ng sunog na manyika nito.
Pero mas ikinaganda ng sitwasyon ang pagdating ni Veronica dahil nahanap ni Anton ang katapat nito. Binato nito ng base ang half-brother nila nang tila mainis ito sa bastos ng bunganga ni Anton at pumutok ang noo ng huli. Since then, ay mas mukhang nag-ingat na ang kapatid nilang lalaki sa pambubully sa kanila.
Dumaan pa ang mga araw na magkakasama sila sa mansion at panaka-naka ang riot sa gulo na bangayan nila Veronica at Anton at Natalia. Laging hindi nagpapatalo ang una sa mag-ina. Tuwang-tuwa naman siya dahil pakiramdam niya ay nakakapuntos siya tuwing nababara ni Veronica ang mga ito. Ang ikinakainis lamang niya sa kapatid ay tila galit din ito sa Daddy nila at parati nitong sinisigaw-sigawan ang Daddy nila tuwing kinakausap ito. Ipinaunawa sa kanila ng Daddy niya na may pinagdadaanan lamang ang kapatid dahil katulad nila ni Agatha ay patay na rin ang Mommy nito. Alam ni Selene ang pakiramdam na iyon na parang galit siya sa lahat kaya pilit niyang inintindi ang kapatid.
Suddenly, their lives turned upside-down when a tragedy broke through them. Namatay sa sunog ang Daddy niya. Labis-labis ang pagdadalamhati nila, lalo na ang Mama Miranda nila na maya’t-maya kung umiyak at ilang beses na sinisisi ang sumpa raw na ipinataw sa kanilang pamilya. Ang unang naisip ni Selene ay ang mga Disney movie na napanood niya. And she thought of finding the witch who cursed them, then maybe her Daddy would be brought back to life. But she soon realized that her reality didn’t work that way.
Ilang linggo pagkatapos ang ginawang burol para sa Daddy niya ay lumipad sila patungong US. Hindi nila nailibing ang ama dahil tupok na tupok raw ang bangkay nito. Her Mama Miranda decided to have the ashes in a jar and kept it in the family’s mausoleum.
During their flight, Mama Miranda tried to excite them and make them happy about their move, which she obliged to act on. Ipinakita niya ritong masaya siya sa pag-alis nila sa pag-asang mahahawa ng kasiyahan niya ang mga kapatid at maitaboy nila ang lungkot. At first, it looked that it didn’t work at all but as time went by, and as they continued with their life, everything seemed back to normal. They studied in a school in Florida, enjoyed the different weathers, and the beaches, and a few new friends and crushes they made along the way. Life must go on. They should move on.
But after 4 years, their Mama Miranda decided for them to go back to the Philippines. Tila kinalimutan na nito ang sinasabing sumpa at okay na ritong bumalik sila sa mansion. Bagong adjustment na naman iyon para sa kanilang magkakapatid. Bagong school, bagong environment at mga bagong tao. Mabilis naman silang naka-adapt katulad ng naging paglipat din nila noon sa US. Things were going smoothly for them, so far.
However, life brought them another shocking surprise again. Sa isang iglap ay parang bulang naglaho si Anton at hindi nila malaman kung saan ito nagpunta o kung may masamang loob bang ginawan ito ng ikapapahamak nito. Hinanap nila nang hinanap ang kapatid pero hindi ito natagpuan maging ng mga pulis. Muli ay naungkat ng lola niya ang tungkol sa sumpa, na gawa niyon ang pagkamatay ng Daddy niya at pagkawala ni Anton.
Maraming taon ang mabilis na lumipas pagkatapos niyon. Nakapagtapos sila ng pag-aaral, nakakuha siya ng Masteral Degree at nagsimula silang magtrabaho para sa iba’t-ibang kompanya ng pamilya ngunit nanatiling palaisipan sa kanila at sa mga awtoridad ang nangyari sa nag-iisang legitimate heir ng mga Feron.
At dahil hindi pa rin nila nakikita ang half-brother ay sa kanila maiging nakatutok ang Mama Miranda nila bilang natitirang tagapag-mana ng mga negosyo nila. They have to gain her trust on them through their leadership ability and business prowess. Pinatunayan nilang magkakapatid na kahit bastarda sila ay malapot ang dugo ng mga Feron na nananalaytay sa kanilang mga ugat. They proved themselves and were able to climb up the corporate ladder with their own skills.
Nitong huli nga ay na-promote siyang VP ng Feron Hotels Incorporated. Chain of hotels iyon ng kanilang pamilya na may iba’t-ibang site hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa katulad ng Singapore, Australia at US. It wasn’t an easy job but she managed to run and operate the business so well, she always received compliment not only from Miranda but also from their shareholders and investors. Even the employees below her admired her leadership and aspired to work with her directly. She was satisfied with her success so far but she planned to achieve more in the coming years.
“Selene, you’re very hardworking and I truly appreciate that. But I hope that you’re still living your life and not letting yourself be burdened by paper works. You are in your prime, you need to go out more and enjoy life to the fullest,” isang araw ay sabi sa kanya ni Miranda nang maabutan siya nitong nakasubsob sa laptop sa loob ng study sa mansion pagkatapos ng isang napakahabang meeting.
“I’m okay, Mama. I’m just getting a power nap as I need to attend a meeting with our new clients later tonight,” aniyang bumangon at nagtimpla ng kape sa tulong ng pecolator. “Do you want some coffee?” alok pa niya sa abuela.
“No, I’m good. I’m about to sleep but just decided to check on you girls.” Malalim na bumuntong-hininga ito.
She eyed her grandmother worriedly. “What’s with the heavy sigh, Mama? Is something the matter with Veronica or Agatha?”
“No, no… Both of them are okay. I just spoke with them earlier.”
“All right, then what seemed to be the problem?” tanong niyang bumalik sa office chair niya.
“You’re all grown-up. Beautiful and intelligent. But none of you seemed interested or planning to settle down. I want to see my great-grandchildren before my age devoured me.”
Napabulahaw siya ng tawa sa tinuran ng abuela. Sinimangutan naman siya nito. “Oh, Mama, please don’t get me wrong. It’s just that, we’re still young and we enjoy what we do in the company. I guess, none of us wanted a complication at this time. But no worries because surely, the chance would come and we’ll just get surprise by it.”
“Come on, when would that be, my grandchild?”
She shrugged, still laughing. Nang hindi yata ito makatiis sa tawa niya ay nilayasan siya nito. Pero pagkalipas lang ng ilang araw ay binalikan siya ng lola niya at iniabot ang isang papel na nang tingnan niya ay itinerary for a European cruise. She was astonished to see her name printed on the ticket that came with it.
Nanlalaki ang mga matang lumipad ang tingin niya pabalik sa abuela. Nginitian lamang siya nito at sabay kindat sa kanya.
“What’s the meaning of this, Mama?”
“That means vacation, Selene. You’ve done so much since you took over the VP post. It’s for you to unwind for a while and you know, do some exploring…” tugon nitong naging kakaiba ang ngiti sa mga labi.
Bago pa man siya makapagbigay ng dagdag na reaksyon ay tinalikuran na siya ng abuela. Napaungol na lamang siya sa gustong nitong gawin niya. But at the same time, she was having a second thought about taking advantage of it. Like, why not?
SELENE wasn’t sure if she made the right decision of continuing with this vacation her Mama Miranda set up for her. Para siyang nagkakaroon ng separation anxiety sa mga gawaing naiwan niya sa FHI at parang gusto na niyang umuwi agad at isubsob muli ang sarili sa trabaho. Mukhang nasanay na ang katawan niya sa daily grind ng meetings and paper works kaya ngayon ay hinahanap-hanap iyon ng katawan niya at hindi siya mapakali.
She puffed an air out of her mouth and tried so hard to shoo away the business thoughts out of her mind. Itinutok niya ang sariling isip sa maasul-asul na karagatan, sa masarap na simoy ng hangin at sa tugtuging pumapailanlang sa AirPods niya. Dapat ay magsaya siya at i-relax ang sarili sa libreng oras na iyon na ibingay sa kanya ng abuela.
Naagaw ang pansin niya ng lalaking humarang sa vision niya. The guy was tall and golden. Bald with bulky and firm muscles na bakat na bakat sa tight shirt nito. Nakatali ang mga manggas ng isang maroon sweater sa leeg, plain jeans sa baba at white running shoes sa paa na kakulay ng damit nito. The man looked so casual. And gorgeously hot. Typical for all Caucasian, she guessed.
Marahil ito na ang sinasabi ng Mama Miranda niya na explore and live life to the fullest. Ang tamang pagkakataon para lumandi siya at makasilo ng prospective lover. She giggled with the thought. Mukhang napalakas yata ang munting kasiyahan sa dibdib niya dahil nilingon siya ng lalaking Caucasian. He smiled at her, showing his white and brilliant teeth. Ngiting commercial model. Hindi kaya modelo talaga ang lalaki at kasama sa gaganaping fashion runway sa nabasa niyang brochure ng cruise ship? Well, it’s for her to ask the man herself.
The man started to walk towards her, still brandishing that perfect smile on his flamboyant face. “May I?” he asked, his voice was gentle and rough. If that made sense. Hindi kayang maipaliwanag ni Selene. May kakaiba sa tinig ng lalaki na parang hini-hypnotize siya to be in a dream with him. A wild, sensual dream. “I hope you don’t mind,” dagdag nito nang hindi siya kumibo.
Tinaggal niya ang AirPods sa tainga. “Of course, I don’t mind at all. Please have a seat.” She forced herself not to stammer. This man was making her core weak.
“Are you just by yourself?”
Nagdalawang isip siya kung magsasabi ba ng totoo rito. What if may masamang balak pala ito? Paano kung isa pala itong conman at nakita siya nito bilang isang vulnerable victim na madaling lansiin? Agad na sinaway ng kabilang bahagi ng utak niya ang pag-o-overthink ng kabila.
“Sorry if I’m a bother. To be honest, it’s not my usual thing to intrude on one’s personal space but I don’t know… I feel the need to approach you… You’re very beautiful.”
Lumubo ang puso niya sa papuri nito at tuluyang nabura ang mga negatibong iniisip. Pero sumiksik pa rin ang munting babala sa isip niya na maaaring doon nagsisimula ang modus ng mga ito ng panloloko. She must stay aware.
“Thank you, I appreciate your compliment. And it’s totally okay, I’m essentially looking for some company since I’m alone. So, yeah, it’s good that you care to bother.”
“Great to hear that. But I’m wondering what a beautiful woman like you doing here alone?”
“Oh, just having a little escape,” sagot niya na sinamahan iyon ng munting tawa.
He shared a short laugh with her, then asked if she would like to have a drink. Umoo naman siya at sinabi rito ang gustong klase ng inumin.
“By the way, my name’s Brandon,” pakilala nito sa sarili nang tila maalala ang bagay na iyon.
“I’m Selene, nice to meet you here.”
“Yeah, it’s absolutely nice. So, what you really do? Your name sounds like an heiress to a big empire.”
She chuckled. “Sort of. I’m actually a Disney Princess.”
Brandon chuckled, too. “That’s what I thought. Cool. The princess and the pauper.”
“A sexy pauper, perhaps,” she commented and bit her lip. All right, is she flirting now? Is she expressing herself flirtatiously in the right way? She hoped it didn’t turn out as a hard sell.
His chuckles turned to a sheepish grin. He seemed please with her compliment. Well, I guess that’s a good reaction.
Gusto pa sana niyang sundan agad ang paglalandi pero dumating na ang waiter na may dala ng mga inumin nila kaya naudlot iyon. Tinanggap nila ang mga baso ng alak at pinagkaabalahan iyon saglit.
“So, sexy pauper, what do you do?”
“I think it’s easy to guess.”
“Ah, okay, you’re a model. Is that right?”
“A runway model, to be exact. Not that famous but nevertheless, a runway model.”
“That’s amazing! You know what, I used to dream of modelling when I was a kid but life brought me to a different track. Sadly. But I’m good with my current career in the corporate world.”
“That’s amazing, too. I’m actually forced to take business course in college but I didn’t finish since my heart isn’t with it. I’m just utterly stupid for it.”
“There are just some things not meant for us, I think.”
“I agree. But I hope meeting you here means something.”
She blushed; she could feel her cheeks getting warm. “We’ll see that,” aniya na sinisikap na huwag magpahalata na tinamaan siya sa lalaki. Kung ganito lang kabilis ma-fall in love ay hindi kataka-takang maraming heart broken sa mundo. Masyadong marupok ang mga puso ng tao.
“Maybe you wanna see me?”
“See what?”
“In the runway? Later tonight?”
“Oh, the fashion show tonight? I see, sure. I’d love that.” Mas lalong nag-init ang pisngi niya at hindi na siya magtataka kung sasabihin nitong kulay pula na ang buong mukha niya.
“I’ll see you, then,” anito at nagpaalam na dahil kailangan pa raw nitong maghanda para doon.
Kinagabihan ay isa siya sa mga nag-aabang sa fashion show na ginanap sa roof deck ng cruise ship. It was an extravagant event with stunning models in their avant-garde skins. Hinanap niya ng tingin si Brandon sa mga rumarampang mga modelo at hindi niya napigil ang mapasinghap nang makita ito. He was wearing a shining silver underwear at sa ibabaw ng katawan nito ay isang see through na damit na parang bestida na hindi niya alam ang tawag. With that, kitang-kita ang physique ng lalaki at kahit malayo siya sa front row ay kitang-kita niya ang bulge sa pagitan ng mga hita nito. Makasalanan na kung makasalanan pero hindi siya nag-iisa na roon nakatingin.
Guni-guni lamang niya marahil pero sa pakiwari niya ay alam ng lalaki kung saan siya eksakto titingnan sa dami ng tao roon dahil nahuli niya ang mga mata nitong tila nakatingin sa kanya at ang kakaibang ngiti nito sa mga labi. It was a devil’s smile.